Chereads / Looking For LOVE (Filipino) / Chapter 1 - Part 1

Looking For LOVE (Filipino)

🇵🇭nylarizza
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Part 1

Some people don't believe in falling in love until they experienced how to love someone.

Wala namang masama na ipakita ang pagmamahal sa isang tao. May binabagayan lang din ang pagpapakita ng pagmamahal sa kanila dahil may mga tao rin naman na ayaw ng lalaki o babae na sobrang sweet. Sapat na ang mga simpleng bagay na naipaparamdam sa kanila. May mga tao rin naman na hindi kayang ibigay ang pagmamahal sa isang tao dahil natatakot na sa kabila ng lahat ng gagawin ay iiwanan lang din naman sila.

Paano nga ba malalaman kung hindi susubukan? Iba-iba ang hinahanap sa isang taong mamahalin. Kung pare-parehas at madali itong makita, sana ay masaya at walang nag-iisa sa mundo ngayon, hindi ba?

Inilibot ko sa paligid ang tingin ko. I smiled remembering that this place is the most special place for me. Who would have thought that this crowded place inside the mall will be special for someone like me?

I stopped looking around when I saw him.

Bigla ko na lang naalala ang una naming pagkikita sa lugar na ito.

It was February 16, 2012.

Mag-isa lang ako sa mall at naghahanap ng bibilhin habang hinihintay ang salamin na ipinagawa ko. Nagpunta ako sa cyber zone kaya napatingin ako sa cell phone na hawak ko. Naisip kong kailangan ko na palitan ang screen protector ng cell phone ko. Malabo na ito kaya madalas ay sumasakit na ang mata ko. Malabo na nga ang salamin ko, malabo pa ang screen protector ng cell phone ko.

"Excuse me, do you have a screen saver?" I asked, scanning the items.

"Screen saver?" he repeated, confused.

"Yes. Screen saver po, iyong inilalagay po rito," I answered, iniharap ko pa ang cell phone para ituro ang screen nito. Nagtaka naman ako dahil napansin ko na siniko ng lalaki ang kasamahan nito, bumulong at sabay silang tumawa nang malakas.

Kaagad akong tumingin sa salamin para tingnan ang sarili. Wala namang nakatatawa sa mukha ko. Naka-iinsulto pa ang tawa ng dalawang lalaki kaya habang tumatagal ay naiinis ako sa mga ito.

Ano ba ang nakatatawa sa sinabi ko? Screen saver lang naman ang sinabi ko, ah? Nanlaki ang mga mata ko at pakiramdam ko ay namumula na ako sa kahihiyan! I said screen saver instead of saying screen protector! It's too late before I realized what I said.

"Sorry, I'm actually looking for screen protector," I corrected but their laugh didn't stop. I was embarrassed. Nadagdagan pa ang pagkahiya ko dahil sa tawa ng dalawang lalaki.

Lumapit sa akin ang lalaki habang tumatawa para sabihin na, "Wala kaming screen saver. Ay, screen protector pala!" Pagkatapos ay malakas na tumawa ang kasama niya. Masyadong masaya ang dalawang lalaki kaya sa halip na hiya lang ang maramdaman sa katangahan at pagiging lutang ko ay nakaramdam din ako ng pagka-inis sa mga ito.

Aalis na sana ako pero nagulat ako nang biglang may lalaking humawak sa wrist ko at sinigawan ang mga lalaking tumatawa. "Excuse me? Ano sa tingin niyo ang nakatatawa? Ang tagal niyo na ngang sumagot, wala naman pala ang hinahanap niya! Inubos niyo lang ang oras namin!"

Hinatak ako ng lalaking galit na sumisigaw. "Tara na! Ibibili na nga lang kita ng bagong cell phone!"

Sino ba siya? Natatakot akong magtanong pero nagpapasalamat ako sa kanya na hinatak niya ako palayo sa kahihiyan.

Hindi kami magkakilala kaya noong nakalayo na kami sa mga lalaki ay huminto ako at nagpasalamat. Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ng lalaki dahil sa pagkagulat sa akin. Kaagad niyang binitiwan ang kamay ko.

"Sino ka? Bakit ikaw ang kasama ko?!" Nagulat ako sa naging reaksyon ng lalaki kaya bahagya akong napa-atras.

Hindi naman niya kailangan sumigaw, ah? "Ikaw kaya ang humila sa akin! Bakit mo ba ako hinila?" I hissed.

"Bakit hindi ka pumalag?" I rolled my eyes because of his answer. Tiningan ko lang ang lalaking humatak sa akin. Guwapo nga pero ang sama naman ng ugali para sigawan ako. Siguro ay ang itsura niya iyong tipong sikat sa eskwelahan. Maputi, may pagka-singkit ang kanyang mga mata, halatang ka-edad ko lang siya, ubod ng tangos ang ilong, maputi at makinis ang mukha. Baka mas guwapo siya sa paningin ko kung hindi naninigaw! Alam kong nagulat siya pero hindi naman dapat ako sigawan!

Nagpapasalamat ako sa paghatak niya mula sa kahihiyan pero hindi ba sobra naman ang paninigaw niya sa akin? I just don't like someone shouting at me even if I did something stupid. Puwede naman iyon sabihin nang maayos at mahinahon. Ayaw ko na may nagagalit din sa akin para tahimik ang buhay.

"Sorry," I just whispered. "Salamat na lang din na inilayo mo ako sa kanila. Puwede naman nilang itama ang simpleng pagkakamali ko pero mas pinili nilang tawanan iyon. Thank you for saving me from humiliating myself," I added. Nakita ko na rin ang pagtingin sa akin ng ibang tao dahil sa tawa ng dalawang lalaki kanina. Uulitin ko, nakahihiya iyon!

"Sorry for shouting, nabigla lang ako. It's actually my fault, napagkamalan kitang girlfriend ko," he said. Sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nawala kaagad ang pagka-inis ko sa lalaki. Akala pala niya ay ako ang girlfriend niya. Ibig bang sabihin nito ay kamukha ko ang babaeng mahal niya? Ibig sabihin ba ay mayroon din puwedeng magmamahal sa akin? I love that idea! "Sa susunod, kapag alam mong ipinapahiya ka, dapat umalis ka na kaagad. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay may hahatak sa iyo palayo."

I get his point. Sa pagkakabanggit nito ay parang concern siya sa akin. Napahawak ako sa kanang tainga at umiwas ng tingin sa kanya bago sabihing, "Oo na nga, salamat ulit. Balikan mo na ang girlfriend mo roon dahil baka hinahanap ka na niya."

Nakita ko na nakatingin ang lalaki sa kamay na hinawakan niya kanina. Lumapit ang lalaki at kinuha ang kamay ko para tingnan nang malapitan. "Sorry! Did I hurt you? Humigpit yata ang pagkakahatak ko sa iyo kanina, namula tuloy!"

Dahil sa pagkabigla ay kaagad kong binawi ang aking kamay. "It's okay, you—you don't need to touch me again."

Napahawak naman sa buhok ang lalaki. "I'm sorry. I need to go."

"Sige, salamat ulit!" I said.

"Ingat!" pahabol pa nitong sinabi bago tuluyang umalis.

I was embarrassed because I said screen saver instead of screen protector. But if it didn't happened, I won't be able to meet that guy. Yes, right at that moment, I fell for him.

Love at first sight.

Is it really possible to fall in love in an instance?

I respect him for having a girlfriend. Hindi naman ibig sabihin na nagkagusto ako sa lalaki ay sisirain ko na ang relasyon nila ng girlfriend niya. He seems nice and a loving boyfriend dahil nalaman kaagad niya ang mali niya at humingi ng tawad. Hindi lahat ng lalaki ay kayang umamin sa pagkakamali.

Gusto ko lang isipin na ganoong lalaki rin ang magiging boyfriend ko in the future. Nakuha niya akong ipagtanggol sa mga lalaking tinatawanan ang pagkakamali ko sa halip na itama iyon. Ibig sabihin ay ganoon siya sa girlfriend niya.

I never experienced how to fall in love until I met him.

HINDING-HINDI KO MAKALILIMUTAN ang araw kung kailan kami nagkita. Bukod sa iyon ang araw ng pagkikita naming dalawa, iyon din ang araw na inakala kong huling pagkakataon para makakita. My vision was blurred and I thought I just need to adjust my eyeglasses but I found out that my cornea was damaged that cause for my blindness. They try to save my vision pero hindi na ito nagawan ng solusyon dahil sa natamong damage ng mga mata ko.

The only reason I can see things clearly as crystal right now is because of my donor. That is why looking around became my new hobby. Hindi ko masasabi ang pagkakataon at baka maulit ang nangyari noon kaya palagi kong ipinagpapasalamat na muli akong nakakita.

Hindi ko lang inaasahan na magkikita ulit kami ngayon pagkalipas ng dalawang taon. Exact date pa! Today is February 16, 2014.

Puwede pa rin ba niya akong protektahan ngayon?

Nabigla ako noong may lalaking tumatakbo dahil sa pagmamadali nito dahilan para makuha ang atensyon niya, nakita ko na tumakbo siya para hindi ako tumumba sa sahig ng mall na ito. Instead na sa sahig ako mahulog ay sinalo ako sa katawan niya.

Kaagad akong tumayo at humingi ng tawad. "Sorry."

Nararamdaman ko ang pagka-ilang niya sa akin at ang pag-iwas niya sa mga mata ko. "Mag-iingat ka," paalala pa niya sa akin pagkatapos ay inayos niya ang sarili bago umalis.

Just like what I did two years ago, pinanood ko lang ulit siyang umalis ngayon.

Ang pinagkaiba lang ay hindi ko siya nakitang ngumiti at tumingin sa mga mata ko ngayon. What happened to him?