Chereads / Sweet Surrender / Chapter 3 - Chapter Three

Chapter 3 - Chapter Three

She was about to check in her baggage nang maramdaman niya ang marahang pag-agapay ni Zach sa may kabigatan niyang hand bag. Aside kasi sa malaking luggage na hila-hila niya ay nakapatong pa dito ang isang hand bag kung saan naroon ang mga sapatos, electronic devices, kagaya ng blower, mirror less camera, tripod at kung anu-ano pa, kaya naman ay may kabigatan iyon.

Ang kanyang shoulder bag nalang ang kanyang dala matapos nilang macheck-in ang malalaking bagahe. Matagal ang isang buwan, kung kaya naman ay sinigurado niya na kumpleto ang mga dala niya. Papunta na sila sa boarding area, ngunit ni isang salita ay wala siyang narinig mula kay Zach. Isang simpleng Hi lang narinig niya kanina mula dito. Naisip niya tuloy kung talaga bang nagalit ito sa huling sinabi niya noong nagpunta ito sa kanyang opisina. He could have been threatened by what she said. She bit her lower lip because of that thought, she somehow felt guilty. Aside from his silence ay hindi rin nakalagpas sa kanya ang refreshing look nito. Madalas kasi ay naka suit or formal attire ito sa pagpasok sa opisina. Ngayon ay naka denim jeans ito at white shirt na humahakab sa magandang katawan nito. His muscles seem to be in the right places. Naisip niya tuloy kung paano ang pakiramdam ng makulong sa mga bisig na iyon matapos ang labin-dalawang taon. Malaki na ang pagbabago sa katawan ni Zach ngunit magiging kasing-init parin kaya iyon ng mga yakap nito sa kanya when they were just sixteen and in love? Napalunok siya sa naisip. Ang aga-aga ay nagpapantasya siya tungkol sa nakaraan nila ni Zach.

"Are you okay?" sa wakas ay sabi nito nang mapansin nitong huminto siya sa paglalakad. "We still have thirty minutes before boarding, do you want to grab something to eat?"

"S-sure," nauutal niyang sagot dito. My God, what is happening to her?

The went to the nearest coffee shop, para kapag in-announce na ang flight nila ay madali lang sila makabalik sa boarding area.

"My secretary have arranged everything for us, pagdating nating sa Dumaguete. Two of my best Engineers will follow us after two days. How about you, have you selected your people?" putol nito sa katamihimikan.

"O-of course, they will arrive after two days." Naisip niya na sinisigurado nito na magkakaroon sila ng fair match.

"Good, pag dating natin, we will just settle our things and have a good rest. Tomorrow maaga tayo sa site, I asked for all department meeting, for us to know what's going on. After that, I will let you do your thing─."

"Of course, we will never intervene in each other's work," putol niya sa sasabihin nito. They have talked about the terms of their match already and she has planned few things para matalo ito. She briefed her people already and she is so much ready to take him down.

She saw the satisfaction in his face, eventually shifted to a caring look─ or she must be mistaken.

"Have you eaten enough? We would land to Dumaguete in two hours and I know you don't want to eat in-flight meals." Tama ba ang nahihimigan niyang pag-aalala sa boses nito?

"Yes, I'm good." tipid niyang sagot.

Naputol ang sana ay sasabihin pa nito nang marinig nila ang announcement ng flight nila. Tumikhim na lamang ito at sabay na silang tumayo para magtungo na sa boarding area. She felt his hands at her back, his gentleman gestures again. She was fully aware of the small sparks his hand created within that area of her back.

The cabin crew assisted them to their seating assignment. Her seat assignment is the one by the window which she thinks is good. Gustong-gusto niyang tumitingin doon kahit alam niyang wala naman siyang makikita kundi puro ulap at langit. She just likes to see the view of the city when taking off and during landing.

She felt really comfortable in her seat, hindi na niya namalayan na naka idlip pala sya. Namalayan na lamang niya ang sarili nakapatong ang ulo niya sa balikat ng katabi. Sa balikat ni Zach. Habang ang pisngi naman nito ay nakapatong sa ulo niya. Ramdam niya ang matiwasay na paghinga nito tanda na nakatulog narin ang lalaki. Nanlaki ang mga mata niya nang makita na aside sa position nila ay magka holding hands din ang kaliwang kamay nya at kanang kamay nito. Kung paano ay hindi niya alam. Paano kung siya ang nag-initiate ng holding hands habang natutulog siya. May gano'n kasi siyang ugali, gusto niya na may hinahawakan habang natutulog, madalas ay unan o kumot iyon. Nataranta siya at biglang binawi ang kamay niyang nakakulong sa palad ng lalaki.

"Are we here?" sabi nito na nagising dahil sa ginawa niya. Mabuti na lamang at nagsalita na ang cabin crew, announcing their preparation to land.

Huminga siya ng malalim at nilanghap ang sariwang hangin pagkalabas nila ng airport. Natuwa siya nang maisip na isang buwan siyang makakalayo sa polusyon ng Manila. Magagawa lamang kasi niya iyon kung magbabakasyon siya, bagay na ayaw niyang gawin dahil workaholic siya. Hindi siya mapalagay kapag hindi nagtatrabaho. At least ngayon ay trabaho pa rin ang sadya niya sa Dumaguete at the same time she can enjoy the place. Napadako ang tingin niya kay Zach na malawak ang pagkakangiti. Nakita nito ang paghinga niya na parang inu-ubos ang hangin sa paligid habang nakapikit. Na-conscious tuloy siya sa itsura niya.

"Sir Zach," tawag ng isang lalaking nasa late 50s ang nagpalingon sa kanila.

"Mang Kardo," nakangiting tawag ni Zach habang hila ang dalawang maleta nila na may nakapatong na malalaking handbag. Ang tinawag nitong Mang Kardo ay mabilis namang umagapay. "Mabuti naman at nasa EPDC pa kayo, akala ko ay nag-retire na kayo." masayang bati ni Zach sa tinawag nitong Mang Kardo.

"Kuh, malakas pako sir Zach, matagal pa bago ako magretiro." natatawang sabi nito.

"Siya nga pala Mang Kardo, si Lara. Siya ang head ng Engineering and Design sa Manila." pagpapakilala nito sa kanya.

"Hello, Mang Kardo." inabot niya ang nakalahad na kamay ng nakangiting matanda. Nalaman niya na ito ang company driver ng EPDC Dumaguete site ng mahigit thirty years na. Kilala ito ni Zach dahil yearly itong nagsa-site visit doon.

"Sigurado akong, matutuwa kayo sa pag lagi niyo dito ma'am Lara. Masasarap ang pagkain at magaganda ang tanawin." masayahing sabi nito na ginantihan niya ng ngiti.

Tinahak na nila ang papuntang Palinpinon, sa loob ng ilang minutong byahe ay sa labas lamang siya ng bintana nakatingin. Tuwang-tuwa siya sa nakikitang ganda ng paligid. Hinayaan lamang ni Mang Kardo na bukas ang bintana ng van kaya langhap na langhap niya ang sariwang hangin habang nasa byahe.

Huminto ang van sa isang may kalakihang gate na bakal. Pagpasok ng van ay may ilang hilera ng mga bahay na nipa hut style ngunit yari sa salamin ang mga bintana at pinto na may makakapal na kurtina sa loob kaya naman mukha pa rin itong pribado. May swimming pool sa gitna niyon at isang open cottage malapit sa pool. Natuwa siya sa nakita, maganda ang lugar at siguradong mag-e-enjoy siya kung doon sila titira sa loob ng isang buwan.

Isang may edad na babae ang sumalubong sa kanila. "Kamusta ang byahe niyo?" nakangiting bati nito. Sa kanya nakatingin ang matanda na ginantihan naman niya ng may pag galang na pagbati.

"Manang Maying, kmusta po kayo?" lumapit si Zach sa babae at nagmano ito dito.

"Zach, wala ka paring pinag bago, bata ka. Mabuti naman at naisipan mong magtagal sa pag lagi dito." natutuwang sabi nito.

"Isang buwan, Manang Maying. Isang buwan kong matitikman ang mga luto niyo. Ito ho pala Lara, Siya ang makakasama ko dito at may apat pang susunod sa makalawa." Pagpapakilala nito sa kanya.

"Magandang araw po, Manang Maying. Salamat ho sa pag-accommodate niyo samin dito. Excited din ho akong matikman ang mga luto niyo." magiliw niyang bati sa matanda.

Tila naman natuwa ito sa sinabi niya. "Ipagluluto ko talaga kayo ng masasarap habang nandito kayo. Maya-maya lang ay nakahanda na ang hapunan, kaya ang mabuti pa ay magpahinga muna kayo kahit sandali sa mga kwarto ninyo. Pina-ayos ko na ang mga iyon."

Hinatid siya ni Zach sa isa sa mga nipa hut styled cottage, iyong nasa tapat ng pool, hila nito ang luggage niya.

"We have two hours to rest before dinner. If you need anything, just call me or knock on my door. Nasa kabilang nipa hut lang ako." tinuro nito ang nipa hut na katabi lamang ng sa kanya.

"Thank you."

Sinuri niya ang silid. May queen size bed na may puting bed sheet at royal blue na comforter. May flat TV at split type A/C sa loob, Ngunit sa tingin niya ay hindi niya ka-kailanganin iyon dahil malamig sa lugar na iyon. Nasa baba lang kasi ng bundok ang tinutuluyan nila. Ang sabi ni Zach ay doon daw talaga sila namamalagi kapag mag sa-site visit ang mga ito sa Palinpinon. May sariling banyo din ang cottage, maliit lamang iyon ngunit maganda at malinis.

Humiga siya sa kama. Naisip niya na maidlip muna. She didn't have good rest these past two days. Gusto niya kasing tapusin ang ilang trabaho dahil hindi niya 'yon magagawa sa loob ng isang buwan. Kaya naman ay super aga niya pumasok at late na siya kung umuwi. Pakiramdam tuloy niya ay parang ngayon gustong bumawi ng katawan niya.

"Pwede ba kitang ihatid hanggang sa loob ng bahay nyo?" nakangiting sabi ni Zach. Nasabi na nito sa kanya na gusto nitong makilala ang lola niya.

"Zach...not now, baka makahalata si lola na boyfriend kita. Siguradong malalagot ako. Alam mo naman na gusto ni lola na focus lang sako sa pag-aaral ko diba?" paglalambing niyang sabi dito. Alam niyang gustong-gusto na nitong maging legal ang relasyon nila sa lola niya, siya lang ang may ayaw. Alam niya kasi kung gaano ka-istrikto ang lola Cedes niya. Sigurado siyang, magagalit ito at pagbabawalan siyang makipag relasyon. Sampung taong gulang palang siya nang mamatay ang mga magulang niya dahil sa car accident. Simula noon ay ang lola Cedes na niya ang nag-aruga sa kanya. Sila nalang dalawa, wala na siyang alam na ibang kamag-anak. Kaya naman ay malaki ang utang na loob niya dito. Kung wala ito ay malamang na napunta na siya sa bahay ampunan o kaya naman ay napariwara na ang buhay. Mabait naman ang lola Cedes niya, 'yon nga lang ay over protective ito at mataas ang expectation sa kanya. Gusto kasi nitong makapag tapos siya sa High School bilang Valedictorian. Gagawin din daw nito ang lahat para mapag-aral siya sa magandang University at mapag-aral siya sa kolehiyo sa kursong gusto niya.

"I understand," sabi ni Zach, ngunit halata sa mukha nito ang disappointment.

Naawa siya nobyo. Gusto na rin niyang ipalam sa lahat ang relasyon nila. Susubukan niyang gawin iyon, pagka graduate nila. Uunahin niyang aminin sa lola Cedes niya, baka sakaling pagtiwalaan siya nito na hindi niya pababayaan ang pag-aaral lalo na kung makukuha niya ang pinaka mataas na parangal sa highschool.

Lumingon-lingon siya sa paligid, madilim na at wala siyang nakitang tao. Mabilis niyang hinalikan ang pisngi ni Zach. Kina-ilangan niyang tumingkayad para maabot ang mukha nito. Matangkad kasi ito sa taas na 172cm kahit na sixteen palang ito.

Nakita niyang umaliwalas ang mukha nito. Nawala ang kaninang disappointment at napalitan ng iyon ng saya.

"Good night, babe. I'll see you tomorrow." sabi niya rito na may matamis na ngiti sa mga labi.

"Babe," naramdaman niya ang mainit na haplos sa kanyang pisngi. Parang totoong narinig niya ang boses ni Zach. Unti-unti siyang nagdilat ng mga mata. Mukha ni Zach ang bumungad sa kanya. Sobrang lapit ng mukha nito sa kanya ngunit blanko ang ekspresyon. Napabalikwas siya ng bangon. Tuluyan pala siyang nakatulog kanina.

"I was calling you. Your door was unlocked kaya pumasok na'ko." tumayo ito sa pagkaka-upo sa kama niya. "Nakahanda na ang hapunan. Sumunod ka nalang sa open cottage once you're ready."

Matagal na itong nakalabas sa cottage niya pero hindi parin siya tumatayo mula sa kama. She's thinking if she was dreaming. Did she really hear Zach called her, babe? Ito ang dati nilang endearment noong mag nobyo pa lamang sila sa high school. Ipinilig niya ang ulo. Did he also touch her face or she could just be dreaming. Inayos niya ang sarili at lumabas na ng cottage.

Narinig niya ang masayang kuwentuhan ng mga tao sa open cottage.

"Lara, nandiyan ka na pala. Halina't sumabay ka na rito." tawag sa kanya ni Aling Maying.

Nakita niya ang mga pagkaing nakalatag sa lamesang gawa sa kahoy, inihaw na bangus na may kamatis at sibuyas sa loob at sawsawan, sinigang na hipon, Adobong baboy at manok, mayroon ding iba't-ibang prutas. Bigla niyang naramdaman ang pagkalam ng tiyan.

Umurong si Zach para bigyan sya ng espasyo at mauupuan. Tinapik-tapik pa nito ang uupuan niya habang may pilyong ngiti sa mga labi.

Magana siyang kumain. Masarap nga talaga ang mga luto ni Manang Maying. Pwedeng pang restaurant. Halatang sariwa ang bangus at native na manok pa sinangkap sa adobo. Matagal na mula ng nakakain siya ng native na manok.

"Mabuti at nagising ka Lara. Ang akala ko ay bukas kana magigising. Masama pa naman ang matutulog ng walang laman ang tiyan." Nakangiting sabi ni manang Maying. Halatang natutuwa sa magana niyang pagkain.

"Akala ko nga ho ay hindi rin magigising. Nagsasalita pa ka kasi habang tulog."

Kamuntikan siyang mabilaukan sa sinabi ni Zach. Kung ganuon ay narinig nito ang sinabi niya habang nananaginip/ina-alala ang nakaraan nila ni Zach.

"Mapapahimbing talaga ang tulog niyo habang nandito kayo. Tahimik dito kapag gabi at malamig din kahit hindi ninyo gamiin ang aircon. Anong oras ba kayo aakyat ng bundok bukas para ma-i-handa ko ang almusal nyo ng maaga?"

"Alas-otcho ho manang at Mang Kardo, ng Lunes hanggang Biyernes─ ang regular na alis namin dito para pumunta sa site. Kapag Sabado at Linggo naman ay magpapa-abiso ho kami pag lalabas sa bayan o kung may gusto ho kami bisitahing lugar dito sa Dumaguete o sa Siquijor. Unless may iba kang planong gawin, Lara." baling nito sa kanya.

"W-wala naman. I will just go with you guys every Sunday or probably stay here to read books."

"Magandang malibot niyo ang mga lugar dito sa Dumaguete habang nandito kayo. Maraming mgagandang lugar dito, sayang naman kung hindi niyo makikita. Ako ang bahalang mag-drive para sa inyo." Singit ni Mang Kardo.

Napangiti siya, ngayon pa lang ay nai-imagine na nya na mag-e-enjoy siya sa lugar na iyon. Gusto rin niya maka-experience ng ibang environment at ibang routine. Focused lang kasi siya sa trabaho at aral nitong mga nakaraang taon. Madalang lang siya magbakasyon. Nakakapag out of town lang siya kapag may site visit siya na madalas ay sa Leyte at Zamboanga. Matagal na ang isang linggo sa mga site visits niya. Minsan naman ay nakakapag-out of the country siya kapag may mga delegation at international conferences siyang kelangan attend-an.

Natapos ang masarap na hapunan at masayang kwentuhan. Talagang nag-enjoy siya. Inaya na siya ni Zach na bumalik sa mga cottage nila para makapag-pahinga dahil maaga pa sila bukas. Nagpaalam na sila sa dalawang matanda at sabay na tinungo ang magkatabing cottage.

"Goodnight Lara," paalam nito sa kanya.

"Goodnight."