Malalim na ang gabi, ngunit hindi parin dinadalaw ng antok si Lara. Panay ang baling niya sa bawat sulok ng kama. Inaalala ang mga nangyari kanina pagkahatid sa kanya ni Zach sa condo niya. She remembered how Zach looked at her and how he hold her hands with a slight press. She's not sure but she felt longingness inside her that she doesn't understand while memories came back.
Napatingin siya sa dalawang movie tickets na ipinatong ni Zach sa ibabaw ng libro niyang nakapatong sa mesa. Nasa canteen sila at trenta minuto nalang ay magsisimula na ang susunod na klase nila sa Physics.
"Ano yan?" Pinagbalik-balik niya ang tingin sa movie tickets at sa mukha ng gwapong binata. Malawak ang ngiti nitong nakatunghay sa kanya.
"I got us some tickets for The Punisher War Zone. It's just so happen that the manager of the Director's club is a friend of my mom. So It was easy for her to get a reservation," excited na sabi nito habang hawak ang kamay niyang nakapatog mesa.
Malalim ang buntong hininga niya habang marahang binawi ang mga kamay na pisil pisil nito. "I want to go with you, but I need to study, malapit na ang exams," malungkot na sabi niya habang iniiwas ang tingin upang hindi niya makita ang magiging reaksyon nito. I know she will see another disappointment na madalas niyang makita lately.
"I remember, you said you are excited to see the Punisher War Zone, since you just watched the first movie?" malungkot na sabi nito.
"I know, but I promised Lola to ace all of my exams so I need to study."
"I believe you can ace the exams, besides you really need a break. Everyone knows na ikaw ang magiging Valedictorian," nakangiti nang sabi nito.
Sa pagkakataong iyon siya naman ang humawak sa kamay nito at pinisil iyon. "Thank you for the support. I promised na after graduation, we will have a date. We will spend the whole day sa arcade, window shopping sa mall at food trip," kinilig siya sa naisip. Simula nang naging boyfriend niya sa Zach sa pagsisimula ng school year ay hindi pa sila nagkaroon ng ganoon katagal na oras magkasama. Nagkakaroon lamang ito ng pagkakataon na makasama siya ng matagal kapag ang reason nito ay group study. Hindi naman nila talaga kailangang sunugin ang mga kilay nila sa pag-aaral dahil sigurado na ang position nila bilang Valedictorian at Salutatorian ng St Dominique Academy ngunit gusto niyang i-perfect ang lahat ng exams bilang pangako sa abuela niya.
"I'll hold on to that promise," masaya nang sabi nito.
Sa murang edad nilang sixteen ay alam na nilang malalim ang nararamdaman nila para sa isat-isa. Matagal na silang magkakilala dahil simula grade one ay magkaklase na sila sa star section at kung hindi ito ay siya ang top one ng klase every school year. Noong una ay inis siya dito dahil sa kompetisyong nakapagitan sa kanila. Ngunit nitong huling dalawang taon ay naging malapit sila sa isa't isa. Naging active sa basketball si Zach at madalas din siya nitong samahan sa library para mag-aral. Dalawang taon narin siyang top one sa klase.
Ilan lamang iyon sa mga happy memories niya with Zach. And those were just memories. Bumalik ang sakit na kinimkim niya sa mahabang panahon sa pagtatraydor nito. Nakatulog siyang may butil ng luha sa mga mata.
Kagaya ng nakasanayan niya, maaga siyang nagising ng umagang iyon kahit na late na siyang nakatulog noong nagdaang gabi. Hanggang sa huling pagpikit kasi ng kanyang mga mata ay alala ni Zach ang gumulo sa kanya.
Nakasanayan na niyang magtagal sa mesa tuwing umaga para magbasa ng newspaper habang nagkakape. Kahit na may subscription sya sa ibat-ibang online news entities ay hindi niya maitatanggi na iba parin talaga ang pagbabasa ng newspaper. Kahit sa mga libro, mas preferred niya ang physical books compared sa ebooks. There is a certain satisfaction that she feels whenever she reads books. Tunog ng buzzer door ang nagpatigil sa paghigop niya ng kape.
Tinungo niya ang pinto na may halong pagtataka kung sino ang maaaring bumisita sa kanya ng ganoon kaaga. Kumunot ang noo niya nang mabungaran ang mukha ni Zach sa labas ng kanyang pinto.
"Good morning, I brought some bagels," malawak ang ngiting sabi nito sabay angat ng hawak nitong paper bag.
"What are you doing in my condo at seven in the morning?" bungad niya pagkapasok nito.
"I took the liberty and invited myself for a cup of coffee since we were not able to have one last night." Dumirecho ito sa island na parang komportableng-komportable at nilapag ang paper bag, inilabas nito ang lamang bagels at ilang pastries.
Nagtataka man ay ginawan niya ito ng kape at sinaluhan sa unexpected breakfast.
"I also brought you this," inilapag nito sa mesa ang plane ticket, flight confirmation and accommodation.
"Kahapon lang tayo nag-usap about this, how have you processed everything so instantly?" binasa niya ang mga nakasulat doon.
"Alam ko naman na hindi ka tatangi from a fair match competition so I already talked to your boss and had my secretary take care of everything for us. Two days from now, we will be leaving to Dumaguete. Nag-inform na din ako sa site that we will stay there for the entire month," kampante nitong sabi habang humihigop ng tinimpla niyang kape.
"Fair match huh, why do I have this feeling that it won't really happen," pasaring niyang sabi patungkol sa pagtatraydor nito sa kanya dati.
"It will, trust me. I won't back down this time." Nakita niya ang pait sa mga mata nito na hindi niya alam kung saan nagmula.
"It's almost eight. I need to be in the office by nine," pagputol niya sa paguusap nila. Things like those bring back old and painful memories.
"That's also the reason, why I'm here. Sumabay kana sa 'kin."
Dahil sa wala naman siyang sasakyan ngayon dahil coding siya at iniwan niya ang sasakyan sa opisina kahapon ay napilitan na siyang sumabay kay Zach. Magkakaroon ito ng ideya na iniiwasan nya ito kung ipipilit niyang sumakay nalang ng Grab car.
May mangilan-ngilang empleyado ang napatingin sa kanya ng ibaba siya ni Zach sa tapat ng Engineering and Design Building. Hindi man nila makita kung sino ang driver niyon ay alam niyang, pamilyar sa mga ito ang sasakyan ni Zach na marahil ay laging inaabangan ng mga empleyadong tagahanga ng lalaki. Taas noo siyang lumakad papasok ng building. Walang rason para ma-guilty siya dahil ang lalaki naman ang lumalapit sa kanya. And she doesn't have any intentions to use their past to win their match for the promotion. Ipinilig niya ng bahagya ang ulo, hindi niya maintindihan kung bakit pumasok sa isip niya ang ideyang iyon. Is she being too cautious now that Zach is always around recently? Lalo na ngayon na isang buwan niya itong makakasama sa Dumaguete.
"Is it true na hinatid ka ni ZMA? Maraming empleyado ang nakakita nang bumaba ka sa sasakyan niya," bungad ni Angie sa kanya pagpasok na pagpasok niya sa kanyang opisina.
"Yeah, he did. And how did you find out?" balewala niyang sabi habang iniisa-isa ang mga documents na nakalagay sa incoming tray.
"I found out through this.." ipinakita nito ang group messenger nito sa cellphone na pawang mga EAs ang miyembro. No wonder, hindi ito nahuhuli sa mga tsismis sa opisina. Kung may gusto siyang malaman tungkol sa mga latest na chika sa kumpanya ay kailangan lang niyang magtanong kay Angie at siguradong updated ito.
"Pero 'yon nga, bakit kayo magkasama ng kanito kaaga?" May paghihinalang titig nito ngunit halata ang excitement sa tono.
"He just dropped by to talk about something work related," pagdidiin niya sa huling dalawang salita. Nakita niya ang discontentment sa mukha ng kausap, halatang naghihintay ng susunod niya pang sasabihin.
"Good thing you are here, I need you to prepare some documents at marami din tayong tatapusin na trabaho before I leave two days from now to Dumaguete. 'Yon actually ang pinag-usapan namin ni Mr. Alejandro this morning. May kailangan kaming ayusin na problema sa Dumaguete site and we will stay there for a month to make sure everything is sorted out."
Bumalik ang panunudyo sa mukha ni Angie sa narinig. "Noted boss." At nag-iwan ito ng pa-inosenteng nginiti bago lumabas ng opisina niya.
Napapailing na lang siya dahil halata sa babae ang pagma-match-make nito sa kanya at kay Zach. Minsan na nitong nabanggit na bagay daw sila, parehong successful sa career at parehong gwapo at maganda. Siguradong kakaiinggitan daw sila kahit ng mga sikat na celebrity couples ngayon. Ngunit para sa kanya ay hanggang doon na lamang ang pagma-match-make nito dahil hindi magkaka totoo iyon. Naputol ang pagmumuni niya dahil sa pag-vibrate ng phone niya sa ibabaw ng mesa.
Thanks for the cup of coffee, made my day.. SMS iyon, mula kay Zach. Ilang minuto muna niya iyong tinignan bago nag-decide na reply-an ang message nito. You're welcome.
Hindi niya mapigilan ang mapangiti pagkabasa sa text message ni Zach. May practice daw ito ng basketball sa open court at inaaya siya nitong manuod. Dahil sa tapos naman na siyang mag-aral ay nag-decide syang dumaan para makita itong maglaro. Malakas ang hiyawan at tilian ng mga babaeng nanunuod sa gilid ng court. Lahat ng mata ay nakatutok kay Zach habang hawak ang bola at naghahanda para sa three-point-shot nito. Hindi niya napigilan ang mapatalon nang ma-shoot nito ang bola. Nakita niya ang pag-ikot ng mga mata nito sa crowd na tila may hinahanap habang naghahandang maagaw muli ang bola mula sa kalaban. Kumaway siya nang mapadako sa pwesto niya ang mga mata nito. Nakita niya ang malapad nitong ngiti na lalong nagpatili sa mga babae sa paligid. Alam niyang para sa kanya ang mga ngiting iyon ni Zach. Halatang-halata na mas ginanahan ito sa paglalaro pagkatapos siyang makita. Kagaya ng inaasahan, nanalo ang team nito sa practice game na iyon. Lumapit siya sa bench nito para i-abot ang ang towel at ang bottled water. Alam niyang sa kanilang dalawa nakatutok ang mga mata ng mga tao sa paligid. Hindi man nila aminin sa mga tao ang relasyon nila ay sigurado siyang alam ng mga ito ang namamagitan sa kanilag dalawa.
"Thanks, babe. That win is for you," sabay kindat sa kanya. Nakita naman niya ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin nito. Mag-i-swoon ang sino mang babaeng makakakita niyon dahil si Zach na yata ang may pinakamagandang ngiti na nakita niya. Hindi niya mapigilan ang mag-blush nang abutin nito ang dalawa niyang palad at hawakan ng mahigpit na mag bahagyang pagpisil.
"It was a great game.." parang nahihipnotismong sabi nya habang nakatitig sa mga mata nitong lumilibot ang tingin sa buong mukha niya.
"Dahil alam kong nanunuod ka. I wanted to give all of my best for you," puno ng pagmamahal na sabi nito habang hawak parin ng mahigpit ang mga kamay niya.
Naputol ang ala-alang iyon nang maramdaman Lara ang pagtulo ng luha sa kanyang pisngi. Walang emosyong pinahid niya ng palad niya ang kanang pisngi na dinaanan ng luha. Matagal na panahon ang labindalawang taon para makalimot, ngunit mayroon parin bahagi ng puso niya ang nakakaramdam ng sakit sa ginawa ni Zach sa kanya. Pero hindi niya rin maitatanging malaking bahagi rin ng puso niya ang nananabik sa lalaki.
Tinago niya ang cellphone sa loob ng drawer at muling binalik ang atensyon sa papel na nakalatag sa mesa para sa design approval. Kailangan niyang tapusin ang lahat ng trabaho bago siya umalis papuntang Dumaguete para makapag-focus siya sa problema ng site. Hindi siya papayag na makuha ni Zach ang promotion. Alam niyang para sa kanya iyon at matagal niya iyong pinaghandaan. Malaki ang paghanga ng mga big boss nila kay Zach kaya marahil ay sa kanya ibinigay ang assignment na iyon sa Dumaguete. Kung sakaling hindi siya inaya ni Zach for a fair match ay siguradong makukuha na nito ang promotion for the VP of Upstream Operations. And it will be another reason for her to hate Zach even more.
Hindi niya namalayan ang mabilis na paglipas ng oras. Pasado ala-siete na, kaya pala madalas na ang pag-silip ni Angie sa opisina niya. Kung hindi nga rin nito pina-alala sa kanya na lunch break na ay hindi rin siya makakapag tanghalian. Nagpa-order na lamang siya ng sandwich at juice mula sa canteen.
"Angie, you can leave na. Alam kong gusto mo ng umuwi." Tinawagan niya ito sa extension.
"Eh, ikaw, overtime ka na naman ba?"
"I think I'm done in thirty minutes, saka coding din naman ako ngayon."
"Okay, are you sure?" paninigurado nito.
"Yes, you can go."
Narinig niya ang dalawang katok sa pinto ng nakabukas niyang opisina ngunit hindi siya nag angat ng ulo na nakatutok sa binabasang quotation.
"Angie, I told you, I'm fine. You can leave na," pagtataboy niya sa taong nasa pinto.
"I saw Angie left a couple of minutes ago."
Napa-angat siya ng mukha upang makita ang lalaking nagsalita na ngayon ay naka-upo na sa receiving chair sa harap ng mesa niya. Kanina ay laman lamang ito ng isip niya, ngayon ay kaharap na niya ito.
"What are you doing here?" nakakunot-noong tanong niya dito.
"Well, I just want to see your office. I haven't had the chance to visit you here. Madalas ay sa conference room lang tayo nagkikita." Tumayo na ito sa pagkaka-upo at tinignan ang mga librong naka display sa shelf malapit sa table nya.
"What do you really need? I have things to do," pagtataboy niya dito. Hindi niya alam kung bakit parang bumubilis ang tibok ng puso niya sa tuwing malapit ito.
"Can I invite you for a dinner?" Inikot nito ng bahagya ang swivel chair niya paharap dito. Nakatukod ang dalawang kamay nito sa armrest ng upuan niya. Medyo malapit ang mukha nito sa kanya kung kaya amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito pati narin ang fragrance na gamit nito. Para siyang hinihipnotismo ng mga mata nito at parang tumatagos ang mga titig nito sa buong pagkatao niya. Mga ilang segundo bago siya nakabawi dahil sa pagkabigla.
"K-kung may sasabihin ka, just tell me right here. I have no plans of going out with you if it has nothing to do with work." She knew, she sounded defensive.
Nakita niya ang pagbabago sa anyo nito. Nawala ang coolness, naningkit ng bahagya ang mga mata. "You are the same Lara I used to know. Do you really want to get that promotion? Well, I'm sorry to tell you but you won't get it easily this time."
Hindi niya naintindihan ang huling sinabi nito ngunit malinaw na nakita niya ang lungkot at galit sa mga mata ni Zach bago nito inalis ang tingin mula sa kanya at lumabas ng kanyang opisina.
She bit her lower lip. She felt guilty for being too harsh, but she promised to herself that she won't let her guard down again, especially to Zach.