Chereads / Sweet Surrender / Chapter 1 - Chapter One

Sweet Surrender

🇵🇭Ju11iene
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 9.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Chapter One

As young as twenty eight, Lara has become a successful woman in her chosen field; one of the toughest and smartest engineers of the country. Walang kahit na sino man ang maaaring kumuwestyon na sa batang edad niya ay isa na siya sa may mga mataas na posisyon sa multi-billion oil company na iyon kung saan siya ang manager ng Architecture and Design department.

"Angie, can you drop by my office please before you go home," tawag niya sa kanyang sekretarya gamit ang intercom. Ilang sandali pa ay nasa harap na niya ito, wala siyang masasabi sa pulido ng trabaho nito. Kaibigan niya si Angie pero hindi rin naman maitatangi na mahusay itong sekretarya. Matanda ito sa kanya sa edad na trenta y sinco but she carried herself like she is just in her late twenties.

"Yes boss? Anything before I leave?" Boss ang tawag nito sa kanya kapag nasa loob sila ng opisina.

"Can you order me a food please, before you leave? Im starving." Binalik niya ang pansin sa dual monitor habang may tinatype naman sa kanyang laptop. "And also can you file this and send a copy to MLP please?" Nilapag niya sa outgoing tray ang ilang piraso ng papel na naka clip paper. Ang tinutukoy niyang MLP ay ang head ng Procurement and Logistics Department. Sa laki ng kumpanya at dami ng empleyado ay kailangan nilang gumamit ng initials para madaling matukoy ang tamang tao sa pagraroute ng mga importanteng dokumento. Dahil Lara Marie Diaz Tuazon ang buong pangalan niya, kung kaya kilala siya sa initials na LMDT.

"Hey, Angie why are you just staring at me? Didn't you hear what i just said? Ako ba ang gutom dito o ikaw?" natatawa niyang irap sa kaibigan/sekretarya.

"Lara, c'mon it's past seven, hindi ka pa ba uuwi?" Hindi makapaniwalang tanong ni Angie. "I was actually waiting for you dahil sasabayan sana kita. Alam mo ang mabuti pa, mag dinner muna tayo bago umuwi. Itigil mo na 'yan, friend." Malakas na ang loob nitong tawagin siyang friend dahil wala ng ibang tao sa oras na iyon sa building ng architecture and design department.

"Mauna kana umuwi, i-order mo nalang ako ng food please. Kailangan ko talaga matapos 'to tonight. I think in two hours tapos na 'to." pagmamatigas niya sa alok ni Angie.

"You are really dead serious in beating Zach, aren't you?" It's more of a statement than a question. Napatigil si Lara sa ginagawa at matalim ang matang ibinalik ang tingin sa kaibigan. Tila naman pinagsisihan ni Angie ang pag banggit sa pangalan ni Zach. "Oopps.."

Huminga ng malalim si Lara bago ito sinagot. "I won't let that man get the VP position, not under my watch."

Ang tinutukoy niyang "man" ay si Zachary Montejo Alejandro, the manager of Engineering Services department. They are both running for promotion as the Vice President for Upstream Operations. Zach is her biggest rival simula ng dumating ito sa kumpanyang iyon. Hindi niya maitatanging mahusay ito at isa mga kinikilalang engineer in their era. He also had excellent academic credentials with flying colors. Zach actually got his degree as summa cum laude from Harvard school of Engineering in Cambridge. Magkagayon man ay hindi naman siya pahuhuli bilang summa cum laude ng University of the Philippines and a topnotcher of Civil Engineering Board and licensure exam. She is also taking her Masters Degree in De la Salle University for financial engineering. She has prepared for this, and she is so much ready to step up the corporate ladder. No one, not even Zachary Alejandro will take it away from her. Aaminin niyang magaling ito sa maraming bagay aside from being one of the best engineers in the country, Zach can do something she cannot do; the man is overly charming and deadly irresistible, qualities that she doesn't have and for that, she feels threatened.

Maraming nagsasabing maganda siya, "beauty and brains" sabi nga nila. Pero hindi siya kagaya ni Angie na mas lalong pinaiigting ang kagandahan sa mga suot na mamahaling damit, sapatos at make-up sa mukha. Simple lang siya kung manamit, mabuti na lamang at requirement ang mag suot ng corporate attire sa posisyon niya sa kumpanyang iyon, dahil kung hindi ay mas pipiliin niya pang magsuot ng jeans at rubber shoes, parang noong college lang. Hindi rin siya mahilig sa mga sapatos kagaya ng ibang babae. Lahat ng sapatos niya ay kulay black lahat at mataas na ang two inches heels. Well, branded naman lahat ng sapatos at bags niya pero pag dating sa style at design halos pare-parehas lang ang mga iyon, dahil wala siyang paki-alam sa fashion. Ang mahalaga sa kanya ay nagagamit nya ang mga ito para sa pang-araw araw niyang pagpasok sa opisina. Kung ang mga babae sa kanyang edad ay halos hindi mo na makilala sa ilang patong na make-up sa mukha, siya naman ay hindi alam kung pano maglagay ng kahit na anong kolorete. Sapat na sa kanya ang face powder at lipstick, kung minsan nga ay lip balm lang ay sapat na dahil natural naman mapupula ang mga labi nya. Hindi niya rin kailangan ng blush on or cheek tint, dahil mamula-mula ang maputi at makinis niyang kutis. Makinis ang kanyang mukha at halos wala kang pores na makikita, parang kutis ng mga artistang napapanuod sa koreanovela. Alon-alon ang kanyang brownish na buhok na natural ang pagkakatubo at hindi kailangang gumugol ng ilang oras para sa blower at curler. Kakulay niyon ang kanyang mga mata na lalong nagpatingkad sa mestiza look niya. She has this good-looks that every woman would envy and every man would desire. Magkaganon man ay mabibilang lamang sa kanyang daliri ang mga lalaking sumubok na manligaw sa kanya. Lagi kasi siyang seryoso at maraming lalaki ang nai-intimidate sa kanya dahil sa talino at accomplishments niya."Well, It's their loss." bulong niya sa sarili.

"Ano 'yon, may sinasabi kaba?

"Wala. Ang sabi ko mauna ka ng umuwi, Angie at baka maisipan ko pang ipa-mandatory overtime ka."

"Sabi ko nga eh, busy ka at di dapat iniistorbo." Mabilis pa sa alas kwatro na nawala ito sa kanyang harapan.

"Hoy, 'yong food delivery ko ah!" natatawa niyang habol dito. Napapailing na ibinalik niya sa laptop ang kanyang paningin. Muli na naman na sumeryoso ang kanyang mukha. Pagdating sa trabaho ay hindi matatawaran ang kanyang dedication. Hindi n'ya rin iniiwang hindi tapos ang kanyang trabaho. She is a perfectionist and she also hates not meeting the deadlines, kaya naman lagi siyang on schedule with a quality work, bagay na hinahangaan ng kahit na sino mang makatrabaho niya.

Mabilis na lumipas ang oras at nakaramdam siya ng pagkulo ng sikmura. Alas nueve pasado na ng gabi base sa relong suot niya. Dumating kaya ang pagkaing pinadeliver niya kay Angie. Bakit hindi niya ito napansin o baka naman hindi na narinig Angie ang ibinilin niya. She hurriedly pack up her belongings and prepared to go home. Dadaan nalang siya sa pinaka malapit na restaurant na madadaanan dahil sigurado namang wala siyang makakain pag-uwi niya sa kanyang condo.

Palabas na siya ng building ng Architecture and Design at papunta sa parking area kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan nang maramdaman niya na para bang may nakasunod sa kanya. Nagmadali siya sa kanyang paglalakad, sa mga oras na iyon ay sigurado siyang wala na sa pwesto ang gwardiya na nagbabantay sa exit ng building na patungong parking area, dahil rumoronda na ito marahil. Lumakas ang kaba ng kanyang dibdib nang maramdam na tila nasa likod na niya kung sino man ang sumusunod sa kanya. Muntik siyang mapatili nang maramdaman ang kamay nito sa kanyang balikat.

"Hey," nagmula ang boses sa kanyang likuran. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. "Why are you still here at this hour, Lara?"

Nilingon niya ang pinagmulan ng boses, hindi tuloy niya malaman kung mapapanatag dahil kilala niya ang taong kanina pa ay tila sumusunod sa kanya o mas lalong ninerbyusin dahil kaharap niya ngayon si Zach Alejandro. Sa ngayon ay mas lalo yatang bumilis ang tibok ng puso niya, at hindi niya alam kung bakit.

"I-I'm about to go home.. at ikaw, anong ginagawa mo sa building ko? Engineering Services is few steps away from this building?" paasik niyang tanong dito.

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa gwapong mukha ng kaharap. If she is just like the other girls na humahanga sa kakisigan ng kaharap ay siguradong nag swoon na siya pagkakita pa lang ng mga ngiting iyon.

"I decided to park near this building." Hindi parin nawawala ang ngiti nito as if he was teasing her.

"Why? I'm sure you have your own reserved parking slot." pagtataray parin niya sa kaharap.

"I have my reason, lady, but if you really are interested to know maybe we can talk about it over a cup of coffee?"

"Keep it to yourself, I'm not interested to know." Tinapunan niya ito ng matalim na tingin bago muling tinalikuran.

"Wouldn't you be interested if it was about the VP of Upstream Operations position?"

Napahinto siya sa pag pasok sa kanyang kotse nang marinig ang sinabi nito.

"What did you say?"

"I know you heard me, if you want to know more, join me for a dinner then a cup of coffee afterwards." Maluwag na naman ang ngiti nito na hindi niya alam kung ikaaasar niya.

"Okay fine, let's have a convoy."

"No let's just take my car, ihahatid nalang kita pauwi." Nauna na itong lumakad patungo kung saan nakaparada ang sasakyan nito. She was intrigued sa sasabihin nito so she decided to follow.

She was surprised nang pagbuksan pa siya nito ng pinto sa passenger's seat. May lalaki pa palang gumagawa ng ganoon. She somehow felt secured and special. Hmp, ang mokong, feeling gentleman. Mahina nyang sabi habang lihim niya itong inirapan at marahang kinagat ang pang-ibabang labi upang pigilan ang sarili na masabi ang nasa isip.

"So, 'san mo 'ko dadalhin para mag dinner? 'Di naman ako maselan, pwede na tayo jan sa fast food na yan," sabay turo nya sa madadaanang Mcdonalds.

"Are you kidding me? It's very rare to have a dinner date to the most respected lady engineer in town, tapos dadalhin ko lang sa fast food?" he smirked.

Hindi niya tuloy alam if he was complimenting her or mocking her.

"So what was it you are about to tell me regarding the VP for Upstream position?" pagbabago niya sa usapan.

"Seat back and relax, lady. Malalaman mo right after malamnan ng pagkain ang sikmura mo. No wonder you are too slim, 'di regular ang eating habits mo."

Pinili na lamang niyang manahamik at 'wag patulan ang sinabi nito. Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa kanila at tanging maingay na tunog ng makina ng Montero sports ang maririnig.

Ipinarada ni Zach ang sasakyan sa parking area ng restaurant sa Fortstrip, still in BGC area, di kalayuan sa kumpanyang pinapasukan nila. It's a fine dining restaurant catering French cuisine.

Mabilis siyang bumaba ng sasakyan at baka pagbuksan na naman siya nito ng pinto. She is not comfortable to be treated like that or probably she finds it bizarre to be treated special by Zach Alejandro, like memories are running in her mind from the past.

"This is just near our office at maaaring may kakilala tayong kumakain sa loob. I just want to clear things out bago tayo pumasok. This is not a dinner date, you can call this a business dinner," sabi niya nang makalapit si Zach sa kanya.

Ngumiti ito, 'yong ngiting labas ang mapuputi ang pantay pantay na ngipin. "Whatever you say," he chuckled charmingly.

Umikot ang mga mata ni Lara sa paligid pagkapasok sa restaurant. They might know someone at sigurado siyang paguusapan iyon sa opisina kinabukasan kung sakali. Alam ng lahat that they are like rivals, and the competition they have from the position as a new VP. Pinag pasalamat na lamang niya na sa sulok ng restaurant na may pandalawahang upuan ang napili nitong lugar.

Napahinto na naman siya nang hinila ni Zach ang isang upuan and lead her to take a seat. My gosh, since when he became this gentleman?

Hindi parin nawawala ang malawak na ngiti nito habang nakatitig sa kanya pagkaupo nito sa upuan kaharap niya. Umiwas siya ng tingin dahil parang mapapaso siya sa mga titig nito. Lumapit ang waiter upang kunin ang order nila na ipinagpasalamat naman niya.

"Care to tell me what's going on, what do you want to tell me about the VP position?" sabi niya pagkatapos ilapag ng waiter ang rack of lamb na order niya.

She saw that smirk again, he smiled that didn't reflect from his eyes.

"Ofcourse, I almost forgot that this is a business dinner," he said. "In two days I'm going to Dumaguete. To one of our biggest geothermal sites in Mindanao, by going there and resolving the problem with the field operations will give me a big advantage to the VP position," bale walang sabi nito habang hinihiwa ang filet mignon.

Ilang sandali niya itong tinitigan bago nilunok ang nginu-nguya. "And why are you telling me this if it will give you the advantage?" duda niyang sabi.

"Because I want you to come with me," balewalang sabi nito ngunit ibinalik sa kanya ang paningin.

Hindi niya iniwasan ang tingin nito. She wanted to know what he is up to. Words can lie but not his eyes, or at least it would be difficult to hide whatever it is.

"Why? Why do you want me to come with you?"

"I don't want to win that easy, lady. That won't be fun. I want to have a fair and a good match," malambing nitong sabi.

She blinked then half smiled. "Well, I'm flattered that you look at me as your fair competition." Sinubukan niyang alamin sa mga mata nito kung totoo nga ang sinasabi nito ngunit wala siyang makita kaya naisip niya na marahil nga ay gusto nito ng challenge and would be more appealing to anyone if ever he would get the promotion knowing that they had a fair fight. Or he might be playing some games with me again; just what like what he did before.

"I'm up to the challenge." Nakita niya ang pag-aliwalas ng mukha nito. She couldn't resist the fact that he looked more handsome at that moment. And she hated the thought.

Hindi na niya napansin ang oras, halos dalawang oras na rin pala silang magkasamang kumakain. Kapansin-pansin ang pagiging masigla nito. Sino ang mag-aakalang marami silang napag-usapan dahil halos parehas sila ng interests and they are both passionate to their job.

"Past eleven na pala." Marahil ay napansin nito nang mapadako ang mata niya sa suot na gold Cartier watch. "I have to bring you home."

"Home? You have to bring me back to the office." pagtatama niya sa sinabi nito. "Remember, kailangan natin balikan ang sasakyan ko?"

"Remember, coding mo bukas so it doesn't matter kung maiiwan ang sasakyan mo sa office. And you always leave the office late so malamang ay magagamit mo na uli ang sasakyan mo pa-uwi bukas. So for now, let me bring you home," sabay kindat nito sa kanya.

Hindi niya alam kung saan siya maa-amuse, sa mga sinabi nito o gestures nito.

Namalayan na lamang niya ang mahinang dampi ng kamay nito sa kanyang likod upang alalayan siyang tumayo matapos nitong bayaran ang bill nila using his credit card.

"How did you know that it is my coding tomorrow? Don't tell me you memorized my plate number?" duda niyang tanong pagkapasok nito sa sasakyan, tulad kanina ay pinagbuksan na naman siya nito ng pinto.

Malakas itong tumawa. "Silly," naiiling nitong sabi. "I always see you in a Grab car every Thursday. At tanaw din mula sa office ko ang reserved parking slot ng sasakyan mo, kaya alam ko din kung kailan iyon wala doon. Don't worry lady, stalking is not my cup of tea." Binuksan na nito ang ignition at pinaharurot ang sasakyan.