Chereads / Blue Pigeons Guild / Chapter 1 - Searching for a Job

Blue Pigeons Guild

Nightwakerz
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 2.4k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Searching for a Job

Ang Sanoville Town ay isa sa mga listahan na nasa cityhood na o malapit ng maging totoong city. Isa sa mga dahilan kung bakit ito may malaking potential dahil sa may kalapit itong port kon saan dumudunggo ang mga cruise ship. May mga cruise ship din na tumatanggap ng pasahero patungo sa ibang mga lugar o continente.

Kapansin-pansin na ipinagbago ng Sanoville mula nang pinagsikapan ng Hari ng Pelturan Country na bumuo ng sea port lalo na ang islang ito ay nasa labas masyado ng Empiryo at dinadaanan ng malalaking barko. Kung noon pa nila iyon ginawa tiyak na mas lalong yayaman ang bansang ito.

Marami ang mga travellers na may dalang mga bagahe ang naglalakad sa buong town. Bago nila liliaanin ang lugar na ito mas minabuting lilibutin muna ito.

Maliban sa mga travellers ay mayroon ding grupo ng mga kalalakihan ang naghahanap ng mga paskil na [We are hiring] pero kadalasan na nangyayari ay wala naka-agaw ng pansin sa kanila ito. Tingin sila nang tingin sa mga gusaling gawa pa sa korals na ginawang hollowblock na may pagka-ancient ang disenyo. Ang mga bubong nito ay parang payong na may patong-patong na makukulay at nagningning na mga shell na kasing laki ng taklobo.

Mapapansin na nanghihina na ang grupo, matagal na silang palakad-lakad na walang direction. Tinunggab ng tubig ang lalaking naka-fitted na sando, lumalabas ang maskulado nitong katawan na halatang palaging bumubuhat ng mga mabibigat.

"Nakaka-uhaw talaga ang panahon ngayon, sana may makita na tayong trabaho" agad na sabi Yurchall na pinupunasan ang kanyang pawis sa mukha.

"Ayan kasi nag-sasando kahit sobrang init ng panahon! Amg arte pa at ayaw gumamit ng payong" sagot naman ng babae may pink na payong at may sling bag pa na tanging pangguhit sa mukha lang ang kasya.

"Ang tunay na lalaki sanay sa init 'yan, iyang payong para lang yan sa mga weak" bulalas naman ni Yurchall saka nilagay ang towell sa kanyang ulo na ginawang sumbrero, nagmukha na tuloy na 90's Gangster.

"Sinong weak huh? Hoy Yurchall bahala ka madehydrate ka diyan— wala tayong pera paospital sayo" inis na sabi ng babae habang kinukuha ang malablade nitong pamaypay sa bulsa ng makapal at mabalahibong tulad sa bear na gray na jogging pants.

"Tumigil nga kayo Yurchall at Yaffy, para kayong mag-asawang walang pangsaing diyan. Malas yata yang palagi niyong pag-aaway at hanggang ngayon wala pa tayong mahanap na trabaho!"

"Hindi sa malas, sadyang mapili lang tayo ng trabaho" sagot naman na lalaking may apat na mata na may dalang dyaryo na binabasa.

"Saan galing naman ang dyaryong iyan?" Turo nito sa hawak na dyaryo." Wala ka niyan kanina ah?" Tanong ng babaeng nagpigil sa away ng dalawa.

"Heto ba? Ah napulot ko lang somewhere. Binabasa ko ang mga naghahanap ng member ng isang bagong guild"

"Anong guild naman iyan?"

Napatingin naman ang apat sa lalaking may dyaryo. Hinihintay ang sagot nito, baka naman kasi interesting ito. Sa nalalaman nila ay madaling pumasok sa mga bagong guild kasi hindi pa ito nangangailangan ng mataas na qualification

"Blue Pigeon's Guild, sa katunayan ito ang sinaunang guild na sinarado pa mula noon at ngayon lang din nagbukas"

"Ano namang objectives ng guild's na iyan? Sa pagkaka-alam ko ang mga guild ay grupo ng mga artisans na lumalaban sa gobyerno kung sila ay pinapatawan ng malalaking tax. Kadalasan sa mga guild dito ay para sa mga baker, swordmith, painter, pillmaker, at iba pa. Hindi naman tayo mga ganoon, kung sana may adventurer's guild dito"

"Iyan nga hinahanap kung trabaho, kaso wala iyan dito kaya baka mapilitan nalang tayong magtrabaho kahit ano at kahit boring"

"No way! Kung ganoon eh — no! Ayaw ko sa kompanya namin— ayaw ko umupo sa swivel chair maghapon hanggang sa ako'y uungod-ugod na"

"Kung ganoon eh magkanya-kanya na tayo mula ngayon, sa ganoon di maubos oras natin kakalakad"

"Teka nga! Hindi pa ako tapos okey? Bilis niyo mag-react"

"Ano ba iyon?"

"Sa katunayan isa itong neutral slash adventurer's slash artisants guild. Sinasabi na ang guild na ito ay walang kinikilingang tao, grupo o organization at sinisentro ng guild na ito ay kaayusan. Kaya expected na nagreresolba ito ng mga away, gulo, at tumutuligsa sa mga kulto"

"Parang detective?" Tanong ni Yurchall. "Naku hina ako diyan! Pero kung labanan okey na okey"

"Parang ganoon, pero 'di naman maiwasan na mapalaban din tayo— ah siguro? Di ako sure"

"Ano pang pinipili mo Yurchall? Basta adventure ayos na iyon keysa sa mga nakikita mong trabaho dito"

"Mas mabuti sigurong puntahan natin para malaman na rin natin. Kung di natin magustuhan eh di hindi tayo sasali."

...

Isang mataas na gusali na matatagpuan sa labas ng town na kaharap ang isang zoo. Pinagitnaan nito ang highway kon saan dumaraan ang mga karwahe o kaya mga traysikad o bisiklita. Gawa sa bricks ang gusali na para ba itong isang tore o palasyo.

Sa ibaba ng gusali sa labas nakatindig ang malaking karatola na nagsasabing bukas na itong tumanggap ng bagong member. Marami ang naki-usyoso, sa tagal ba naman na panahon na nadadaraanan lang ito at makikit na ito ay sarado, sino ba ang hindi interesadong kilalanin ito at ang guildmaster.

"Heto ba iyon Derald? Iyan? Nakikita ko lang iyan na sirado at di ko nga alam sino ang may-ari niyan"

"Tara, pumasok na tayo"

Pinangunahan ng babaeng parang lalaki kung kumilos. Sumunod naman ang apat, marami silang nakasalubong at ang ilan kilala nila sa School. Nagkumustahan naman ang mga ito maliban nalang kay Johan na sobrang introverted. Himala na nga lang na nagkaroon pa ito ng kaibigan na halos lahat ay extrovert.

Napanganga naman sila sa pagpasok, may berdeng carpet na ang desenyo ay ancient na ancient. Hindi nga nila alam kung tutuloy pa ba sila— para naman daw na sobrang importanteng tao nila.

Pero nang makita dinadaan-daanan din ito tulad nilang commoner. Tumuloy na sila. Hindi naman siguro mapuputol ang mga paa nila kung dadaanan nila ito.

Napatingin din sila kaliwa, kanan, taas at sa unahan. Hindi nila maisip kung guild ba ito o palasyo ng hari, kung meron lang silang makikitang Royal Guards ay iisipin na nilang mali ang kanilang napuntahan.

Makikita sa kaliwa at kanan ang table and chair na gawa sa kahoy na parang hinati lang pagkatapos minalteryo at naging upuan o mesa na. Mayroon pang gintong lagayan ng mga kandila tulad nang makikita sa Cinderella movie. Sa unahan ay nakahilira ang malaking mesa at nakatayo doon ang mga staff.

"Guild pa ba 'to?" Habang nililibot ang tingin. "O nasa engrandeng restaurant tayo?"

"Hoy Derald? Tama naman itong pinuntahan natin di ba? Wag mong sabihin na maging server ang pinunta natin dito?"

"Baka imbis na sandata ang gamitin natin sa pakikipaglaban, kutsara tinidor nalang"

"Oo nga Derald? Baka naligaw lang tayo?"

"Problema ba 'yan edi tanungin natin iyang mga nakahilirang babae"

....

"Good Morning sir! Anong ipaglilingkod namin?"

"Miss? Tamang lugar ba itong lugar na pinuntahan namin? Di ba ito restaurant? Blue Pigeons Guild ang gusto naming puntahan eh"

"Nasa ikalawang palapag ang Admission Hall ma'am and sir. Akyatin niyo nalang po sir, at hanapin ang pintuang may nakalagay na "Admission Hall"

"Salamat miss, tara guys"

...

Bumungad sa kanila ang ikalawang palapag na sa gitna ay may kutson na sofa at may center table na may bungong nakalagay.

"Wellcome to Blue Pigeons Guild"

Napasigaw sa Gulat ang dalawang babae, pati na rin si Yurchall na parang babaeng napatili.

"Lalaki ka ba talaga Yurchall?" Pagtatanong ni Derald na ikinatawa naman ng tatloo.

...