Chereads / Meaningful Silence / Chapter 2 - 1

Chapter 2 - 1

Rome Vandre-

Kasalukuyan akong nakaupo sa coffee shop, inaantay kong dumating ang kaibigan ko. Nag-text kasi sa akin at mukhang wala ata sa mood.

Ito ang paborito naming coffee shop, dahil ang mga pwesto o upuan at lamesa ay nasa loob ng iba't-ibang mga silid. May pang dalawahang tao na room, isahan, at pang maramihan.

Mga salamin naman ang mga pader ng mga silid dahil baka may kakaibang gawin sa loob at bonus pa dahil soundproof ang mga ito. Tatlong palapag ang shop na dahil sa dami ng pumupunta, bawat palapag ay may cashier at pagawaan ng mga produkto para hindi hassle ang pag akyat-baba.

Bakit ko diniditalye ang shop? Amin kasi 'to— hindi, joke lang. Sa kaibigan kasi ng Mom ko ito, may discount ako lagi rito kaya heto, advertising.

Kaya naman dito kami palagi, puwede kaming mag usap o magsisisigaw at walang makaririnig—at dahil na rin sa pangmalakasang discount ni Tita Yolline, ang kaibigan ni Mom at may-ari ng coffee shop.

2nd floor ang gusto niya raw na room kaya umakyat na 'ko at pumunta sa cashier para umorder. Nakita ko si Tita Yolline doon kaya agad akong lumapit. Walang masyadong tao ngayon, ewan kung bakit.

"Good afternoon, Tita Yolline!" bati ko nang makalapit.

Nginitian ako nito at kumaway. "Ikaw pala, Rome! Good afternoon din, mag-isa ka ata?"

Umiling ako at tumawa, "Iyun nga po Tita, free po ba ang B25?"

Ang B25 ang palagi naming room ng kaibigan ko, B for floor B (2nd floor), 2 for the number of seats, at 5 for the room number.

"Ahh, oo, bakante pa naman siya, doon ka?"

"Opo sana Tita, hintayin ko na lang din po doon si Germany."

Hindi ko alam kung bakit biglang lumiwanag ang mukha ni Tita Yolline nang marinig ang pangalan ni Germany. Mag tatampo na ko ha, parang hindi ako yung inaanak.

"Kamusta ang batang iyon? Isang linggo na siyang hindi dumadalaw dito ah."

"Tita naman, ba't siya lang kinakamusta niyo? Ako ang inaanak Tita." sabi ko habang nakapamewang.

Humalakhak si Tita at umiling din, "Rome, sanggol ka pa lang, nakikita na kita, ngayong ang baby boy ni Ire at Lanie ay may baby na rin, alagaan ko naman ang Baby ni Rome."

"So nagsasawa na po kayo sa mukha ko? May nagsasawa sa ganitong kagwapong mukha? At Tita, hindi ko "baby" si Germany." humalakhak ako at umiling gaya ng mga ginawa ni Tita.

Tinaasan niya ako ng kilay na may mapangasar na ngiti.

"Hindi mo siya baby? Eh kanino mo binigay yung kape na pinasulatan mo ng "For my baby, good luck"? Rome ha."

Sinabi ba ng staff niya 'yun sa kaniya? Wala na, finish na.

"Pinabili lang po ako noon, Tita. Hindi po sa akin yon."

Alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko pero umiling na lang siya. "Order mo na nga lang, ano ba order mo?"

"Dalawang blueberry cheesecake po, isang matcha milktea at iced caramel macchiato po."

"Iyon lang?"

"Mix 3 po, Tita. . ." pabulong kong sabi.

Humalakhak naman ito kasabay ang pagiling, narinig ko namang tumatawa ang isa rin sa mga staff na malapit lang sa amin.

Alam na siguro nila, na kapag ang mix 3 na ang ipinalagay ko, may kasama akong wala sa mood o nagtatampo. Ang mix 3 ay isang recipe para i-evolve ang caramel macchiato at iyon ang nagpapatahan o nagpapatelax kay Germany.

"Hindi pala baby ha. . ."

"Si Tita Yolline talaga. . ."

"Susulatan ko na ba ito ng 'cheer up, baby'? Hahaha!"

Mukhang puro panunukso na ang makukuha ko kay Tita, aWit.

"Free na 'tong order mo today, basta susulatan ko yan."

Humindi ako at sinabing hihintayin na lang ang order sa silid. Iwas-iwas na lang, mapangasar na ulit si Tita.

Saktong pagpasok ko s aB23 ay ang pag dating din ni Germany. Hindi maipinta ang mukha nito at dumiretso sa loob ng silid..

Umupo kaming pareho habang pasimple ko siyang tinitingnan, hindi talaga maganda ang mood niya ngayon kaya tatahimik na lang ako saglit. Ayaw niya pa naman ng maingay.

Lumipas ang isang minuto at napagisipan kong magsalita na, pero bago ko magawa iyon ay inunahan niya na ko.

"Lumipat sa school si Kriel at sa department pa namin. . ."

Napahinto na lang ako sa sinabi niya. Naramdaman ko ang paginit ng dugo ko at pag iba ng aura sa paligid.

He's here, that means they're back too.

Kasabay ng pagsiklab ng galit sa aking dibdib ay ang paglabas ng tunay na nararamdaman ng kaibigan ko. Sa mukha niya ay nakaukit na ang pangamba at sa mga mata niya'y takot.

Hindi ko na kayang kumalma.

"Bakit nandoon ang g*gong iyon? Hindi siya pwedeng mag Senior High! Iyon ang napagusapan noon!"

Nanatiling tahimik ang kaibigan ko. Napahilamos na lang ako ng mukha gamit ang kaming mga kamay.

"Lumapit ba siya sa'yo? Nakita ka ba niya?" Pinilit kong tinanong habang kinakalma ang sarili.

"Oo."

"T*ngina, may ginawa ba siya sa iyo?" Para akong tubig na malapit nang kumulo. Hindi ko gusto ang reaksyon ni Germany ngayon. Naalala ko yung pangyayaring iyon kung saan siya sinaktan ng g*gong Kriel na iyon. Parehas na parehas ang mga kilos niya ngayon sa kalunos-lunos na araw na iyon.

Mas lalo akong nagalab nang hindi siya mag salita, pinipilit ko pa ring kumalma para sa kaniya. Hindi makatutulong kung bigla akong magwala. Baka mandilim pa ang paningin ko.

"Germany, tumingin ka sa'kin, mag ginawa ba siya sa iyo?" inulit kong tinanong habang marahang kinuha ang kaniyang mga kamay.

Hindi parin siya sumagot. "May ginawa ba siya sa iyo?"

Sumikip ang dibdib ko nang biglang may tumulong luha sa kaniyang mga mata at sunod-sunod ito, humihikbi na rin siya at doon na ako nawalan ng kakayahang magisip nang maayos.

"Anong ginawa niya sayo? Sh*t, Germany, anong ginawa niya?!"

"R-rome, he . . . . he—"

Bullsh*t

"He . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . ."

Hindi ko na naiwasang maibagsak ang aking mga palad sa lamesa. Punong-puno ng galit ang puso ko ngayon.

Hayop na iyon, hindi na natuto. Hindi ko siya tinuluyan noong una, pupuruhan ko na siya ngayon nang sobra.

Lumabas ako at dumiretso kay Tita, kailangan ko ng tulong.

"What's wrong Ro— f*ck, what made you like that, Rome?!"

"I need your help Tita, I need my source now . . ."

"But Rome, you know we can't have resources until you take the oath!"

"That bullcrap touched Germany again, Tita, hindi ko na palalagpasin ito."

"Rome. . ."

"I need it now, Tita Yolline."

She looked towards the room where Germany was left crying. I suddenly saw flames on my Tita's eyes.

"Alright, I'll confirm it to your Father."

I got everything figured out, the reason why they targeted Germany, the reason why that son of a b*stard suddenly entered Gerigna's University when he was banned from universities in this city.

They wanted to break the contract and everyone is itching for a fight. They really don't know who they are messing with.

I may be underage yet but I have my Father's mind, and I have a Vandre blood. Germany is under our protection, they are under our contract as well. Germany is not just my friend but also a part of my family, hurt her, we'll be the one to hurt back.

This move seems to be impulsive but this was the contract. Ever touch Germany again, then fight and face the whole clan. We Vandre and the others stick to what we say or what we promise. They should prepare, the Nery's are more terrifying.

Just imagining what may happen is exciting me yet adding to the fire in my heart.

I went back to the room with the drinks and food I ordered earlier. I'm also calm now, but too calm.

"Rome. . ." Germany called while I placed the drinks and food on the table.

I hugged her and told the plan.

"They broke the contract Germany, we will need to prepare." Hinaplos ko ang kaniyang pisngi at pinunasan ang mga bakas ng pagiyak niya kanina gamit ang tissue na dala ko.

"But I'm not ready to face him, them, gulo ang mangyayari Rome."

Pinaupo ko muna siya at niyakap muli.

"I know, yet everyone had been holding a grudge with Kriel's clan, Germany, we'll be the ones to finally attack them."

"So my issue will be the reason for your family to get back at them?"

"No, if you're thinking that we're going to use you to start a war, no. We'll fight back because they broke the contract, Germany, we'll attack because they've overdone it, we'll attack because they hurt you, a treasure to our clan had been hurt again."

Pero, "If a total chaos will happen because of it, then this problem is out of the reasons why a bigger fight will happen."

Kapag nalaman ng pamilya, lalo na ang lolo ni Germany, na sinaktan na naman siya, ubusan na ng miyembro.

Nakita ko ang pagkalito sa mukha niya, everything is confusing sa parte niya, hindi niya alam ang lahat, iyong parte na prinoprotektahan namin siya at maraming gustong umubos sa clan ng pamilya ni Kriel.

She sighed and moved away. She looked at the drinks and a small smile formed on her lips. She took a sip of the iced macchiato and looked at me with satisfaction.

"Thank you, Rome." she said in the softest voice I've ever heard from her.

Panandaliang nawawala ang galit na nararamdaman ko ngayon. I failed to protect her and I impulsively called for power and will attack. My immaturity will kill me, damn it. Pero wala nang atrasan, para sa kaniya ito, I'll give her more safety.

What I'm planning will certainly make her more unsafe, but this is the only way she'll ever be free from the monsters that are trying to hurt her. I'll be with her until her safety is guaranteed.

Everything might be confusing, but hey, everything is indeed messed up. That's why I'll fix it.

Gerigna Mav Nery-

He's returning back to his old self because of me. This can't be happening, gulo na naman.

Ramdam ko ang pagtitig niya sa akin habang iniinom ko ang binili niyang macchiato.

Hindi ko pa nasasabi na nagkapasa ako sa batok dahil sa ginawa ni. . . . . . . ni Kriel, pero mukhang malalaman niya na.

Dahan-dahan niyang iniangat ang buhok ko at alam kong makikita niya na iyon.

Nakita ko ang pagdilim ng mga mata niya gaya kanina at noong araw na unang beses akong nasaktan ni ano.

Nagi-guilty ako, dahil kasalanan ko kung bakit ganito na naman siya ulit. Handa niya akong protektahan ulit dahil sa nangyari sa akin.

Hindi ko sinabing ako rin ang may kasalanan. . . . pero aayusin ko, I'll . . . . . I'll fix it it.