"Franklin! Gumising ka na d'yan! Ito ang unang araw mo sa tradaho mo dito sa paris. Bilisan mo at malapit na ang oras ng trabaho mo!"
Sigaw ng kaibigan kong si jacob.
Ako si Franklin Fajardo(Fa-har-do). Isa akong OFW o overseas filipino worker dito sa paris. Bente-tres anyos(23 years old) na ako at isa akong waiter sa isang pinaka mamahalin at sikat na restaurant dito sa bansang pinag ta-trabahuhan ko.
Nandito na ako sa restaurant. Pinoy den ang manager ko.
"Oh franklin. kapag may tatawag sayo na customer. Agad kang lalapit ha? Ayaw nila ng pinag-hihintay at mabagal kumilos"
Pag-papaalala ng manager kong si Sir. Agustin.
"Opo sir agustin,makaka-asa po kayo sa maayos at mabilis kong trabaho"
Naka ngiting saad ko sa aking manager at tumayo na sa isang gilid,at kumuha ng mga kopya o libro ng aming mga putahe,at nag-iintay ng customer(s) na tumawag sa akin at mag sabi ng kanilang mga order.
"Waiter! Can you get our order?"
Tawag sa'kin ng isang maputlang lalake at may mga pulang mata. Ngunit ng palapit na ako ay naging kulay asul ito. P-pano yon nangyari?
"Uhm, sir. Here's our restaurant's menu. Feel free to order sir"
Nanginginig ngunit naka ngiti kong sabi. May kasama itong babae. Na naka-kuha ng atensyon ko. Maputla din ito at may di masyadong mahabang pilik mata, may kulay pulang buhok at may kulay rosas na labi,maputla din ito. Katamtaman ang liit--este laki niya. May magandang katawan. Paniguradong may matindi itong work out araw araw.
"Uhm. Unice? What's your order?"
"I don't know. I don't even have a menu book"
Malamig na sagot nito. Nakalimutan ko siyang bigyan ng menu book, kaya agad kong inabot ang menu book na dala ko pa.
"Thank you"
Saad niya. Dumampi sa kamay ko ang malamig niyang palad. Giniginaw kaya siya?
"My order is Pizza de crema. And also pineapple juice and Dark choco ice cream"
Saad nung lalake na agad ko nmn isinulat sa booklet na binigay saakin kung saan ko isusulat ang mga orders.
"How about you ma'am?"
Tanong ko sa babae.
"Can you get away a bit? I hate your smell."
Malditang sagot nito. Di nmn ako nangangamoy,bagamat ay nag pabango pa ako ng pabango ko galing pilipinas.
"Uh, sorry franklin. I think my sister didn't want your cologne's sme--ugh get away from me"
Nabigla ako ng bigla itong mapatayo at lumayo saakin. Anong problema?
"Excuse me? Where's the manager. Can you change the waiter who will get our order? Asap."
Sabi pa ng lalaki habang naka takip ang ilong.
"I'm sorry sir? What's the problem?"
Agad rumesponde si sir. agustin
"Sorry but we hate his blood's sme--i mean we hate his cologne's smell"
Saad ng babae. Hindi nila gusto ang amoy ng dugo ko? Pero pano? Pano nila yon naaamoy?
"Sorry sir. Waitress? Janice? Come here. Take their orders. Asap"
"Yes sir"
"Franklin. Let's talk"
"S-sir?"
Agad kaming nag-tungo sa office niya.
"Franklin anong pabango ang gamit mo?"
"Axe po sir."
"Mabango nmn yan,ngunti franklin. Pwede bang baguhin mo? Para hindi na maulit ang aksidenteng ganito"
"Opo sir. Pasensya na po"
"Pwede ka na lumabas"
"Salamat sir"
Lumabas na ako ng office ni sir at bumalik sa pwesto ko. Di ako komportable dahil kanina pa naka tingin yung babaeng nasa table 111,siya yung babaeng ayaw ng amoy ko at pati kapatid niya ay ayaw sa amoy kuno ng pabango ko.
Isang oras ang nakalipas umalis na sila. Tapos na den ang duty ko. Kaya napag pasyahan kong umalis na,bago umuwi ay mag libot muna ako.
"Ang ganda pala talaga dito."
Bulong ko sa aking sarili. Nakaka miss sa pinas. Nag lalakad ako at napahinto bigla ng may makita akong babaeng naka upo sa may tulay. Mag-papakamatay ba to?
"uhm? miss! What are you doin their? Are you planni--y-you? you again?"
"oh. glad to see you again franklin."
S-siya yung babae sa...
Itutuloy...