"Hay naku ano ba naman ang librong paborito kong binabasa sa online, hindi ko matanggap na ganito yung ending nito, Why!!!" Malakas na sambit ni Harrie Hernandez nang matapos nitong basahin ang huling kabanata ng librong binabaasa niya online. Palagi niyang binabasa ang libro ito lalo na at hindi lang ito sikat na libro kundi isa din ito sa pinakamagandang nabasa niyang nobela patungkol sa Cultivation.
Oo na, sabihin na nating isa siya sa mga mambabasa na humahanga sa mga akdang mayroong kinalaman sa mga martial artists na kayang mag-level up o umangat ang ranggo habang nagpapatuloy ang pag-unlad ng kwento. Hindi kasi ito isang pangkaraniwang kwento lamang o yung typical na genre na nababasa ng iba. Konti lang kasi ang may mahihilig dito dahil karamihan ay mga kapwa niya mga kalalakihan ang palaging hinahanap ang genre na ito kung saan ay naging hobby niya na.
Yun lang, talagang nasa isip niya na bakit ganito ang katapusan ng binabasa niyang Cultivation Novel o mas mabuting sabihing Cultivation Novel. with "s" kasi gusto niyang manuntok o suntukin ang sumulat na manunulat nito. Pinatay ba naman yung bida ng kwentong sinulat nito.
Kung tutuusin ay masasabi niyang kung hindi naman namamatay ang bida ay kadalasan ay naki-cripple naman o nagiging imbalido naman ang bida sa huling pahina ng kwento o di kaya ay puro mga masasama ang kinahihinatnan ng kwento. Para sa kagaya niyang mambabasa ay talagang nakakadismaya ang ganito lalo na at napakahaba ng libro at ilang bolyum pa naman ang nababasa niya o nila na halos ilang buwan o taon pa bago nila matapos, minsan nga ay hinihintay pa nila kung kailan mag-update ang nasabing manunulat na halos pagpuyatan nila pero ang katapusan ng libro ganon na lamang? It's really frustrating. Hindi ba pwedeng bigyan ng magandang ending ang librong sinusulat nila? Kahit man lang sa kwento ay pwede bang happy ending lang? Oo na, demanding na kung demanding pero gusto ng binatang si Harrie Hernandez ng magandang ending o di kaya ay PERFECT HAPPY ENDING hindi ang PERFECT DISASTROUS SAD ENDING kagaya ng nabasa niyang ending ng librong paborito niyang basahin at subaybayan.
Ting! Ting! Ting!
Ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay hindi magkamayaw ang mga nababasa niyang cimments at natatanggap na notifications mula sa librong paborito niyang binabasa.
"Author naman, napaka-bitter mo!"
"Sayang lang ang oras ng pagbasa ng libro mo!"
"Ano ba naman yan, pati sa kwento na 'to puro nalang sad ending?!"
"Hustisya naman jan author, pinatay mo ang bida ng kwento!"
"Bakit ba talaga ang pangit ng ending nito?! Can someone tell me?!"
Ilan lamang iyan sa nabasang mga negatibong komento ni Harrie Hernandez habang nagba-browse ito ng mga comments ng mga kapwa niya mambabasa ng librong nababasa niya. Ewan niya ba pero kahit siya ay nadismaya din talaga lalo na at pinagpuyatan niyang basahin ng ilang taon ito lalo na at ito talaga ang inaabangan niyang kwento patungkol sa Cultivation Novel. Mala-SCI-FI din kasi ang settings ng kwentong binabasa niya at ang pinakapangit na nabasa niya ay ang ending nito. Why would they do such bad thing especially the ending of his favourite cultivation novel. Napaka-unfair kasi para sa kaniya lalo na at sobrang OP ng bida ng librong paborito niyang basahin tapos namatay lang ito sa mahina at napakapangit na kalaban nito. Kung andun siya sa mismong senaryo ng kwento ay baka binugbog niya na ito at pinagsusuntok pero naisip niyang may malakas palang mga martial arts skills ang mga ito at baka isang atake lamang ng mga ito sa kaniya ay baka mabura ang existence niya.
Nagbrowse pa siya sa komento at talagang hindi talaga maipinta ang mukha niya sa mga nababasa niyang mga komento.
"Yan nga, buti nga sa bida ng kwentong to, napaka-arogante kasi kaya deserve lang na mamatay!"
"This is a perfect ending hahaha buti nga sa bida ng kwentong to!"
"Whahahaha there is no such happy ending, mabuti at ganito ang ending!"
"I love Tragic Story!"
Ilan lamang ito sa mga nabasa niya sa comment sections ng huling kabanata ng kwento na natutuwa sa ending.
"Kung sinuman ang nagsi-komento na ito ay mga sira-ulo! Alam ba nilang nakakadepress ang ending ng kwentong ito tapos ginagatungan pa nila huhu!" Pagmamaktol ni Harrie Hernandez habang tiningnang maigi ang mga komentong naglipana sa comment sections ng online book na tapos niya ng basahin.
Inilayo na lamang ni Harrie Hernandez ang hawak niyang cellphone lalo na at hindi niya pa rin tanggap na ganon na lamang. Sabihin man ng iba na napaka-emotional niya eh Fictional character lang naman iyon pero kahit na diba. Kahit sinong tatanungin na tao patungkol sa bagay na napamahal na sa kanila ay talaga namang magiging defensive at emotional sila.
Hello,nasa planet Earth siya at isa siyang nilalang na may emosyon. Isa siyang normal na tao at tanging ang pagbabasa ng Cultivation Novels ang nagiging daan niya upang makapaglakbay sa kakaibang mundo ng librong binasa niya. He is one of many readers na gustong takasan ang reyalidad ng mundong ito at kung paano nila pagaganahin ang imahinasyon nila sa kanilang binabasa o nababasa. Bawat kabanata ay sumasalamin sa buhay at kaganapan ng bida ng kwento kaya as times goes by ay masasabi nilang napakaganda ng kwentong nababasa nila at napamahal na sila rito. Yung tipong ini-imagine nila na sila ang nasa katauhan ng bida ay talagang ramdam din nila ang struggles nito at mga pinagdadaanan nito. Kaya emotional siya ngayon.
Feeling ng binatang si Harrie Hernandez ay magkakasakit siya ngayon at hindi niya feel ang maging produktibo sa araw na ito.
Ring! Ring! Ring!
Narinig ni Harrie Hernandez ang pagtunog ng kaniyang sariling cellphone. Nakita niya ang pagregister ng pangalan ng kaibigan niya sa screen ng cellphone niya.
"Kuya Bong"
"O kuya, napatawag ka?!" Matamlay na sambit ni Harrie sa kaibigan nito na dalawang taon ang tanda nito sa kaniya. Talagang timing pa ito sa nangyaring malungkot na kabanata ng binabasa niyang kwento.
"Haha buti naman at tinawag mo kong kuya ngayon. Talagang may respeto ka na ngayon sa akin ah hahaha!" Pabirong sambit ni Kuya Bong sa kabilang linya.
Minsan lang kasi siyang mag-kuya rito este once in a blue moon lang talaga lalo na kung may problema siya.
"Tsk! Naniwala ka naman. Bad mood ako ngayon pwede ba Kuya Bong. Anong ganap, bakit ka napatawag?!" Tinatamad na saad ni Harrie Hernandez sa kausap niya. Hindi siya plastik para magpanggap na okay siya ngayon.
"Bad mood ka na kung bad mood pero hello, may trabaho pang naghihintay dito sa'yo baka nakakalimutan mo, kamahalan!" Sambit ni Kuya Bong sa kabilang linya habang may diin ang pagkakasambit nito sa huling salita ng sinabi nito.
Nanlaki naman ang mga mata ni Harrie Hernandez. He feels like he is really sick right now lalo na at kagabi pa ito nagsimula. Nagtatrabaho siya sa isang Convenience Store bilang isang cashier at wala siyang day off ngayon. Ang huling day off niya ay noong first week of January pa yun pero Nobyembre na ngayon.
Siya kasi ang tipo ng anak na bread winner ng pamilya nila. Labindalawang magkakapatid sila at tanging siya lamang ang may trabaho at nagtatrabaho sa kanila. Lasinggero ang tatay niya at sugarol naman ang nanay niya maging ang mga kapatid niya ay mayroong mga bisyo pero kahit ganon man ay never siyang nagreklamo sa mga ito dahil kung sususwayin o kokontrahin niya ang mga ito ay siya lang naman ang kokontrahin ng mga ito at pagmumukhaing masama. Martir na kung martir pero mahal niya ang pamilya niya dahil dugo't laman niya ay nag-uugnay sa kanila. Isa pa ay siya ang bunso sa magkakapatid nila.
Ang lahat ng sweldo niya ay napupunta sa mga ito kasi hindi niya matiis na hindi bigyan ang mga ito at kung hindi naman siya magbibigay ay talagang mabubugbog siya ng mga ito o mapapahiya sa lugar ng pinagtatrabahuan niya. Pero nitong mga buwan ay nagrenta na siya sa boarding house na tinutukuyan niya ngayon para hindi na siya abalahin ng mga ito. Magastos din kasi kung uuwi pa siya sa kanila na tatlong rides pa iyon pero makakatipid siya kung andito lang siya sa nirerentahan niyang kwarto. Mura lang ang renta niya dito at ang tanging nagpapasaya lamang sa kaniya ay ang pagbabasa niya lamang ng kaniyang paboritong mg Cultivation Novels.
Okay ba ang pamilya niya? Malamang ay hindi lalo na at pakiramdam niya ng makatapos siya ng High School ay makakapag-aral pa siya ng kolehiyo. Nakapag-aral nga siya ngunit natigil din siya nang mangalahati siya ng semestre noong First Year. Madami na siyang napasukang trabaho ngunit palagi siyang napapaalis hindi dahil sa pagiging incompetent niya sa trabaho kundi sa mga kapatid niyang manghuhuthot ng pera sa kaniya na kala mo naman ay may pinatago sa kaniya.
Mula noong Elementarya pa lamang siya ay namulat na siya sa kahirapan at nagsumikap siya kagaya ng nababasa at napapanood niyang mga successful na mga tao o personalidad na nababalita sa internet o sa mga programa sa telebisyon. Talaga namang ginawa niya iyon hanggang sa makagraduate siya sa Elementarya at High School ay nagbebenta siyang mga pagkain o anumang bagay na maaari niyang ibenta sa kapwa niya estudyante na puro legal. Never siyang naengganyong gumawa ng illegal dahil labag iyon sa kalooban niya at sa batas.
Simula ng maging kahera siya sa iba't-ibang mga business establishment ay palaki ng palaki ang hingi ng mga magulang niya maging ng kapatid niya. Hindi siya nagmamalinis at pagod na siyang ipagtanggol ang mga ito na tama pa ang ginagawa nila. Nagsusumikap siya dahil alam niyang wala na siyang maaasahan pa sa mga ito.
"Hello Harrie Hernandez?! Harrie, andiyan ka pa ba?!" Malakas na pagkakasambit ni Kuya Bong habang makikita ang pag-aalala sa boses nito. Hindi lingid sa kaalaman niya ang kalagayan ni Harrie na kaibigan niya lalo na at kasama niya ito sa trabaho. Parang nakababatang kapatid niya na ito kung tutuusin lalo na at kahabag-habag ang kalagayan nito. Kung siya ang tatanungin ay hindi na makatao ang turing ng pamilya nito sa kaniya dahil paramg walking ATM lamang ang papel nito sa buhay ng pamilya nito.
Mahirap man ang buhay na kinamulatan ni Kuya Bong ay hindi naman ganon kalala ang pamilyang kinabibilangan nito lalo na at mayroon soyang mabuting magulang maging ng mga kapatid niya na kumakayod/ nagbabanat ng buto para sa pang-araw araw nilang pangangailangan. Sa totoo lang ay naeenjoy niya pa rin tumulong sa magulang niya at Kalahati ng sweldo niya ay itinatabi niya at ang kalahati naman ay boluntaryo niyang binibigay sa sarili niyang ina. Talagang minalas lamang ang kaibigan niyang si Harrie Hernandez sa pamilyang kinabibilangan niya.
Bahagya namang napabalik sa reyalidad si Harrie Hernandez lalo na at hindi niya aakalaing napatagal siya sa naiisip niya idagdag pang bad mood siya sa nabasa niyang ending ng sinusubaybayan niyang libro. Opinyon ng puso't damdamin niya na madismaya lalo na at napakaganda ng librong nabasa niya noh.
"Oo naman Bu, andito pa ko. Sige pupunta na ko diyan. Hintayin mo ko diyan bago ka umalis ha." Sambit ni Harrie habang pilit nitong pinasigla ang tono ng pananalita nito.
Ngunit nakaramdam naman ng kakaiba si Bong sa nakababatang kaibigan nito na si Harrie Hernandez. Alam niyang parang hindi ito okay lalo na sa paraan ng pananalita nito.
"Okay ka lang ba Harrie, baka may dinaramdam ka sa katawan mo. Kailan ka ba nagkaroon ng day-off Mr. Always Present?!" Nag-aalalang sambit ni Bong habang makikitang nagbitiw pa ito ng pabirong titulo na sikat nitong palayaw sa kanila. Talagang hanga din kasi ito sa tibay nito at sipag sa pagtatrabaho ni Harrie na siyang kaibigan niya. Talaga ngang naimpluwensyahan siya nito at wala siynag absent pero kung may day-off talaga ay gina-grab niya kaagad. Salitan kasi ang oras ng duty nila at si Harrie ang papalit sa pwesto niya bilang cashier ng convenience store na pinagtatrabahuan nila ngayon.
"Ano ka ba Bong, okay lang ako. Konting sinat lang to noh, di ako nito maaapektuhan." Seryosong sambit ni Harrie habang pilit nitong sinisiglahan ang tono ng boses nito. Kahit papaano ay may kaibigan siyang palabiro at nangangamusta sa kaniya kung hindi ay baka borng na ang social life niya.
Minsan talaga di niya alam kung sino ang mas matanda sa kanila dahil mukhang tatanda ng maaga ang kaibigan niyang ito sa dami ng problema nito sa buhay.
"Ano ka ba, kung may sakit ka ngayon Harrie, pwede ka namang umabsent na muna at parang wala namang masyadong customer dito." Seryosong sambit ni Bong sa kabilang linya.
Ngunit taliwas sa sinasabi nito ay naririnig niya ang malalakas na ingay mula sa mga tao sa kabilang linya na alam niyang mga customers nila iyon sa loob ng convenience store ng pinagtatrabahuan niya. Malaki din ang convenience store nila na kakompetinsya ng 7/12, Monterific Store at iba pa na talaga namang dinadayo din ng karamihan.
"Okay ako Bong, maraming customers diyan at wag kang magsinungaling Bong dahil kaya ko magtrabaho. Wala din naman akong mapapala kung mananatili lamang ako sa higaan ng buong araw." Sambit ni Harrie habang pilit na pinasisigla ang tono ng pananalita nito.
Napahinga naman ng malalim nang wala sa oras si Bong sa kabilang linya at muling nagwika.
"Sige Harrie pero inform mo ko kung hindi mo talaga kaya magreport sa tranaho mo ha. Libre naman ako ngayong araw dahil wala naman akong gagawin." Seryosong sambit ni Bu sa kabilang linya ng tawag.
Napasimangot naman ang si Harriesa tinuran ng kaibigan nitong si Bu.
"Sinasabi ko na nga Bong eh, gusto mong mag-overtime para malaki suswelduhin mo. Aba aba, hindi ako papayag noh. Magbibihis lang ako. Hintayin mo ko diyan!" Seryosong sambit ni Harrie habang tila umuusok ang ilong nito sa inis. Alam niyang gusto ng kaibigan nitong na mag-overtime dahil malaki ang makukuha niyang sahod sa pay day nila kaya hindi siya papayag noh. Malaking pera ang makakaltas sa sweldo niya kung hindi siya makaka-duty sa araw na ito at imposible namang makaka-duty siya bukas dahil day off niya given na susulsulan naman siya ng dalawa pa nilang kapwa cashier liban kay Bong na ayaw siyang makatanggap ng reward sa disyembre na ipinangako ng may-ari ng convenience store na pinagtatrabahuan niya.
...
Kasalukuyang naririto sa daan si Harrie Hernandez. Mabigat man ang pakiramdam niya ay kaya niya pa ring mag-duty ngayon lalo na at hindi pa siya nakabayad ng renta niya sa buwang ito. Talagang kukulangin ang maibibigay niya sa magulang at kapatid niya bukas na hindi ikatutuwa ng mga ito.
Nasa gitna siya ng kalsada nang bigla na lamang simakit ang ulo niya na sa sonrang sakit nito ay napahawak pa siya sa parte ng ulo niyang sumasakit ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang biglaan na lamang nangyari.
BEEEEEEPPPPPPPP!!!!!!
Isang malakas na busina at nakakasilaw na liwanag ang bigla na lamang nagpalingon si Harrie na siyang ikinanlaki ng pares ng mga mata nito. Sa sobrang bilis nang pangyayari ay nakita na lamang ng binata ang pagtalsik ng katawan niya sa ere at pagguhit ng sakit sa buong katawan niya.
Parang namanhid ang buong katawan niya sa sobrang sakit ng naramdaman niya sa pagkakabagsak niya sa sementadong kalsada. Nakita niya ang sarili niyang naliligo sa sarili niyang dugo.
May naririnig pa siyang mga sigaw at pagkagulo ng mga tao na mabilis na nakapalibot sa kaniya.
"Jusko, tumawag kayo ng Ambulansya!"
"Kawawa naman siya, ano bang nangyari?!"
"Panginoong mahabagin!"
"Napakabata niya pa para maaksidente!"
Ilan lamang iyan sa mga naririnig niyang boses. Tila nakaramdam siya ng haplos sa puso niya sa simpatya ng mga taong nakapaligid sa kaniya.
"Ang tanga naman niya, talagang di tumitingin sa dinaraanan niya!"
"Oo nga, kung sino man yan ay dapat di tularan. Simpleng pagtawid sa kalsada ay di pa magawa!"
"Kita mo yan anak, wag mong tularan yang binatang yan na nakahandusay dahil yan nag sasapitin mo sa katangahan mo!"
"Mga kabataan nga naman, akala kasi nila ay sila ang hari ng kalsada!"
Nakaramdam naman ng pagkahabag at awa si Harrie Hernandez sa kaniyang sarili lalo na sa malagim na pangyayaring nangyari sa kaniya. Hindi niya aakalaing at his critical state ay mayroong masasamang mga nilalang ang nakapaligid sa kaniya ang magsasalita ng mga masasakit na salitang hindi naman niya dapat matanggap. Imbes na maawa ang mga ito sa kahabag-habag na sinapit niya mula sa aksidente ay nagawa pa siyang sermunan at pagkatuwaan ng mga ito.
At this crucial point ng nalalapit niyang kamatayan ay talagang nagawa pa siyang pagsabihan ng masasakit na salita ng mga estranghero na hindi alam ang kwento ng buhay niya. They judge what they see. They are like a two faced person na akala mo ay mababait ngunit when you are in need or weak, they will show their true colors.
"Ito na ba ang katapusan ko? Gusto ko pang mabuhay ngunit paano kung mismong panahon na ang ukuha ng sarili kong hininga ay wala na akong magagawa pa." Sambit ni Harrie Hernandez sa sariling isipan niya lamang habang nakabulagta ang katawan niya at tila nandidilim na ang paningin niya. Humihina na rin ng humihina ang naririnig niyang boses.
Ipinikit niya na ang kanjyang mata tandang tinatanggap niya na ang masalimuot na kapalaran niya. Kagaya ng nabasa niyang libro, tama nga sigurong walang happy ending, na lahat ng bagay-bagay o ang mismong buhay ng mga nilalang ay may masalimuot na katapusan.
Kahit na gusto niya na baguhin ang kapalaran niya ay talaga namang kahit siya ay alam niyang imposibleng mangyari iyon. There are things na kahit anong pilit mong baguhin ay nakatadhana na talagang mangyari. Tinatanong niya ang sarili niya kung bakit sa halip na makaramdam o gusto niyang makaramdam ng galit sa magulang at mga kapatid niya ay di niya magawa lalo na at kahit nag-aagaw bihay siya ngayon at nalalabi na lamang ang oras niya sa mundong ito ay gusto niya pa ring makausap ang mga ito. May pinagsisisihan ba siya sa maikling buhay niya sa mundong ito? Ang sagot niya ay wala.
Biglang pumasok sa isipan ni Harrie ang paboritong mga libro niya. Talagang hindi niya aakalaing ang mga masasamang bagay na kinaiinisan niya ay siya ring mangyayari sa kaniya sa totoong buhay niya.
"Kung isa lamang akong cultivator ay malamang hindi ako mapapaslang ng simpleng pagkabangga na ito haha...!" Sambit ni Harrie Hernandez sa isipan niya habang pagak pa itong napatawa sa kaniyang iispan lamang.
Ngunit ramdam niya ang mapait na lasa ng likidong bumubulwak palabas ng bibig niya. Talagang ang lagay niya ay kritikal na talaga.
Pagkatapos ng pagkakasabi nito ay siya ring pagdilim ng paningin niya at nahihirapan na rin siyang huminga.
Hindi niya sukat aakalaing ganito ang sasapitin niya. Mula noong maliit pa siya hanggang sa namulat at nagkaisip siya maging sa masalimuot na aksidenteng ito ay talagang puro kabiguan at pasakit ang naramdaman niya.
Magkagayon man ay namatay siyang mapayapa habang walang anumang galit na kinikimkim sa kaniyang puso't isipan kahit na ang kapalaran niya ay naging madaya sa kaniya.
Kung bibigyan man siya ng pangalawang buhay ay sana naman, sa pagkakataong ito ay hinding-hindi na mangyayari ang tadhanang ganito. Pagod na siyang mag-isip at mabuhay sa mundong ito na kahit ang mundo ay tila pinaparusahan siya mismo.