Chereads / Familia Salvador / Chapter 3 - 1: Unexpected

Chapter 3 - 1: Unexpected

Gabi na ng makauwi si Zion galing sa kanyang huling klase. Halata sa mukha niyang pagod na pagod siya sa mga activities na ginawa niya buong araw. Napabuntong hininga na lang ito at tumigil saglit sa gilid ng kalsada.

Tumingin siya sa kanyang relo, alas-siete na ng gabi at kailangan na niyang makabalik sa kanyang dormitoryo upang gumawa ng mga assignment at gawaing bahay.

Matipuno ang tindig, mahaba ang buhok. Light brown naman ang kompleksyon ng kanyang balat. Singkit na mata at medyo matangos ang ilong. 5'6 ang taas at maganda ang pangangatawan gawa ng madalas siyang maglaro ng basketball tuwing walang klase. Active din si zion sa kanyang training ng Muay Thai sa extra curricular activities niya sa klase.

Dumaan siya sa isang kalye bago dumiretso sa kanyang dormitoryo para bumili ng kanyang uulamin. May isang malapit na tindahan na kung saan may mga nakatambay sa labas at umiinom ng softdrinks at nagkekwentuhan.

"Oy zion! Pauwi ka pa lang?" tanong ng isang nakatambay.

"Oo, madaming ginawa sa school eh. Ikaw?"

"Kanina pa ako tapos sa duty ko sa kabilang street." Sagot naman nito.

"Akala ko aalis ka na doon sa binabantayan mong computer shop?" tanong ng isa nilang kasama.

"Eh kailangan ng pera, alam mo naman dito satin, walang suporta ng mga magulang ang gaya natin. buti pa nga yung iba, pinapapasok dito sa school na mala-siyudad ang laki na may suporta galing sa magulang."

"Tulad nung mga nasa district 2. Doon maraming rich kid. Ang gaganda pa ng mga dormitory pati mga chicks magaganda din." Pagbibiro naman ng isa pa.

"Eh ano naman ginagawa niyong tatlo dito? Hindi ba kayo matyempuhan nung mga kaaway niyo na grupo? Hindi ba't gumagala sila dito para agawin tong teritoryo niyo?" Tanong ni zion sa kanilang tatlo.

"Hay. Itong mga nasa Vilemon Gang na grupo na to, mga maaangas at may kaya na grupo eh masyadong naga-asim dito satin sa district 8. Hayaan mo sila gumala dito para malaman nila kung anong hinahanap nila." Sabay sabay na nagtawanan ang tatlo. Napangisi na lang si zion dahil sa katapangan ng mga ito.

"Osya, bibili muna ako ng mauulam at nagugutom na ako sa kabaliwan niyong tatlo." Nang matapos siyang bumili ay nagpaalam siya sa tatlong nakatambay sa tindahan na may ngiti sa kanyang mukha. Mga matitino at mababait ang mga iyon kay zion kaya't pinakitaan niya din ng kabaitan pabalik.

Ilang minuto lang ay natunton na ni zion ang kanyang dormitoryo, malaki at mataas ito na may taas na benteng palapag. Pagpasok sa main entrance ay nakita niya ang iba niyang mga kaibigan na nakatambay at nagbabantay.

Lumapit siya sa mga ito at binati. "Oh jomar, nakita ko sila gilbert doon sa may kanto ah. Di ba sila tatambay dito?" Tanong ni zion.

"Sila muna pina-toka ko doon. Alam mo naman na medyo delikado dito sa atin dahil nga sa gumagala yung kabilang grupo." Sagot naman nito.

"Eh nasaan yung iba? Bakit lima lang kayo dito sa dorm tapos tatlo sila doon sa kanto?" Tanong muli ni zion.

"Yung ibang kasama namin, pina gala-gala ko muna sa dolores, cynthia, amelia at timon para mamataan namin yung mga gumagala na ibang grupo."

"Eh diba delikado sa mga lugar na yun? Doon madalas ang rambol niyo laban sakanila eh."

"Yun na nga yung punto doon. Kung saan madalas sila gumagawa ng gulo laban samin, doon sila madalas naka-tambay at nagaabang." Pagpapaliwanag ni jomar.

"Kung kasapi ka lang sana namin sa grupo, edi sana naliligpit na natin sila ng mas madali." Sabat ng isa nilang kasama patungkol kay zion.

"Pero wala, ayaw mo kamo mangimasok sa ganitong klase ng problema. Sayang ang lakas mo." dagdag pa nito.

Tinitigan ng masama ni jomar ang kanyang kasama na nagsalita, "Hoy, hindi mo ba kilala tong pinagsasabihan mo?" Kalmado niyang sabi.

"Alam kong wala akong lugar para pagsabihan si zion dahil hindi naman ako taga-dito sa building na 'to kagaya niyo. Pero base sa mga naririnig ko, lahat ng nakakasagupa ni zion, walang palya na napapabagsak niya ang mga yon."

"Oo, at kasama kami doon. Noon pa lang pinipilit na namin si zion na sumali saamin pero hindi talaga siya nagpapatinag dahil ayaw niya maki-usyoso sa ganitong bagay. At dumating sa punto na nirespeto na lang namin ang desisyon niya."

Sa pagtatalo ng dalawang magkagrupo, natahimik lang si zion sa harapan nila na nakangiti na walang imik kung anong pinaguusapan nila. Humarap si zion sa isa nilang kasamahan "Basta galingan niyo pagbabantay sa lugar natin. Hindi niyo na ako kailangan sa grupo niyo dahil bilib naman ako sa tapang at lakas niyo. Sadyang wala akong panahon sa ngayon sumali gawa ng marami akong ginagawa." Sabay alis patungo sa kanyang kwarto.

Naiwan sila na nagtatalo parin samantalang si zion ay sumakay na ng elevator papuntang 10th floor kung nasaan ang kanyang sariling kwarto. Paglabas niya ay tumambad sakanyang daanan ang iba pa niyang mga kakilala at lahat naman ng ito ay binati niya na may ngiti sa kanyang labi.

Ng makapasok na siya ay agad agad niyang ginawa ang kanyang mga assignment at ng matapos niya ito ay nagluto na din siya ng kanyang makakain.

Ilang oras ang lumipas, 11:00 na ng gabi. Nakaupo si zion sa kanyang sofa habang nanunuod ng TV ng biglang may kumatok sa kanyang pintuan. Pinuntahan niya ito at pinag-buksan.

"Tara na." Pag a-anyaya ng lalaki na nasa kabilang dako ng pintuan.

"Teka, magbibihis lang ako." ani ni zion.

Ilang minuto ay agad ding lumabas si zion na naka shorts at sando at may lampin na naka-sabit sakanyang balikat habang bitbit ang kanyang hand wraps na pang boxing.

Bumaba sila at pumunta sa underground parking lot ng building kung saan maraming kalalakihan ang nagkukumpulan. Mga naghihiyawan habang hawak ang mga kanya-kanyang pera.

Mainit ang parking lot at nakakasilaw ang mga ilaw na nakabukas. Lumapit sila sa isang lalaki, si jomar. "Eto na pala ang player natin eh. Ikaw na susunod. Matatapos na to." ani ni jomar.

Tinignan ni zion kung anong nangyayari sa gitna ng mga nagkukumpulan na tao, dalawang lalaki ang naglalaban dahil isa itong pustahan ng laban sa suntukan. "Sino naman tong mga to?" Tanong ni zion.

"Yung naka pula na shorts kasapi ng Hillboys sa building 1, at eto namang naka puti satin yan dito sa building 5" sagot ng isa nilang kasamahan.

"Ah ganun ba." ani ni zion.

Tumagal pa ang laban ng dalawang lalaki ng 5 minuto at ang nanalo ay ang nakapula na shorts na lalaki. Nagsihiyawan naman ang mga tumaya sakanya at binati ang kanyang pagka-panalo.

Umalis din agad ang dalawang manlalaro sa gitna at nagtungo naman doon si jomar. "Psssst! Hoy tahimik! Tahimik!" at tumahimik ang lahat sa loob ng parking lot ng marinig nila ang boses ni jomar.

"Heto na ang huling laban natin na hinihintay niyo! Una kong ipapakilala ang ating player na may record na 10 panalo, 2 talo at isang draw. Mula sa koponan ng Hillboys Building 1! Tyrone The Beast!" at naghiyawan ang mga manonood sa paligid ng ipakilala ang unang manlalaro.

Pumasok agad ito sa gitna ng ring na napapalibutan ng mga bakal na harang. Maangas ang dating at malaki ang pangagatawan. Mayroon din itong taas na 5'8 at halata sa katawan na praktisado at nagwo-workout.

Hindi naman nagpatinag sa zion at nagsimula na mag stretching bago siya ipakilala ni jomar.

"At heto na ang tinaguriang pinaka sa pinaka malakas dito sa district 8! Na mayroong 15 na panalo, walang talo at walang draw! Mula sa building 5! Zion The Leviathan!"

Naghiyawan naman ang mga sumusuporta kay zion kasama na rito si jomar. Pumasok na si zion sa ring habang nagpapraktis ito ng kanyang mga suntok at nagse-stretching.

Humarap naman si jomar at bumulong kay zion. "Alam naming mananalo ka dito kaya pinusta na namin lahat ng meron kami. Galingang mo ha."

"Magkano pusta niyo?" Tanong ni zion.

"10k pare. All in na yan."

"Magkano sakin dyan?" Pagbibiro ni zion.

"Gago, malaki naman na mapapalanunan mo di mo na kailangan ng balato." Tumawa na lang ito at bumalik sa gitna.

"Eto ha, walang lowblow, kumbaga bawal tamaan ang ari. Bawal din ang puro yakap lang, automatic diskuwalipikado na." sambit ni jomar sa dalawang manlalaro.

Lumabas din siya agad at pinatunog na ang bell na hudyat na magsisimula na ang laban.

Hindi na nagdalawang isip pa ang kalaban ni zion na lumapit at unahan ito. Pero nang makalapit na ito kay zion ay tinadyakan siya papalayo.

Nagsimula na din kumilos si zion at sinundan niya ito ng isa pang tadyak para ma-corner ito sa bakal na harang ng ring. Mabilis kumilos si zion at ng na-corner niya inuna ni zion na gamitin ang kanyan elbow punch.

Nasalag naman ito ng kalaban pero hindi niya inaasahan na tatama ang tuhod ni zion sa kanyang dibdib. Nawalan ng balance ang lalaki sa lakas ng pagtama ng tuhod ni zion ngunit hindi naman nagsayang ng panahon si zion.

Hindi maipaliwanag ng lalaki ang sakit na naramdaman niya sa tuhod ni zion na para bang hinampas siya ng baseball bat sa dibdib ng limang beses.

Sinundan niya pa ng isa pang knee kick sa tiyan upang mapayuko ng husto ang lalaki.

*BAM!*

At napayuko na nga ang lalaki pero hindi parin tumitigil si zion sa pag-tuhod sakanya. Hinawakan na ni zion ang ulo ng lalaki at sinunod-sunod ang pagtuhod sa mukha nito.

*BLAG!*

*BAM!*

*PAK!*

Ilang minuto lang sa pagsusunod-sunod na tuhod ni zion, nawalan na ng malay ang lalaki. Duguan ang mukha ng lalaki pero hindi parin tumitigil si zion. Napahiga ang lalaki sa sahig pero tinuntungan ito ni zion at pina-ulanan ng suntok at siko sa mukha.

Nagsitahimikan ang lahat ng makita nila ang pangyayari. Agad din namang pumasok si jomar at tatlo pa nitong kasama para pigilan si zion. Hinawakan ng dalawa ang magkabilang balikat ni zion, ang isa naman ay nakayakap kay zion samantalang si jomar ay tinignan ang lalaking walang malay.

"Tubig! Bilis!" Sigaw ni jomar na sa tono ng kanyang boses ay kalmado lang sa isip-isip ni jomar ay inaasahan na niyang ganito ang mangyayari sa lalaking ito. Na kahit ano pang tigas ng katawan mo o kung ano pang tangkad mo. Hindi sila uubra kay zion.

Tinignan niya ang kundisyon ng lalaki. Mabubuhay pa naman ito, napuruhan lang sa mukha at nawalan ng malay.

Habang ang tatlo naman na pumipigil kay zion ay hinatak na siya papalayo sa lalaki. Kumalma naman na si zion at humingi na lang ng tubig.

"Ang panalo, Zion The Leviathan sa loob lang ng 2 minuto!" At nagsigawan sa tuwa ang mga sumusuporta kay zion.

Sa paligid ni zion, ay nakita niyang naga-abutan na ng kanya kanyang pusta ang mga kalalakihan sa mga nanalo. Naupo na lang si zion sa gilid. Nilapitan naman ito ni jomar at sinamahan siya nito sa gitna ng ring.

Tinaas ni jomar ang kanyang kanang kamay na hudyat na siya ang nanalo sa main event ng underground fight na ito.

Matapos ang pagpipista ng karamihan ay nagsi-alisan na ang mga ito. Bumalik na din sila zion at ang kanyang mga kasamahan sa main entrance kung saan sila tumambay muna bago matulog.

"Grabe ang bilis matapos ng laban kapag si zion ang nasa ring!" Pagpupuri ni gilbert kay zion.

"Ginawa ko lang naman yung dapat kong gawin. Pera din yun noh." Sambit ni zion habang kumakain ng burger na balato ni jomar.

"Alam niyo kasi, kakaiba to si zion eh! Tanda ko pa nung una naming kita dito sa building simula nung malipat kami dito, inangasan ko siya nun." Natatawang kwento ni jomar. "Tapos siguro naurat na sakin, ayun unang suntok tumba na ako. Hinila na lang ako ng mga kasama ko nun pabalik sa kwarto ko eh." dagdag pa niya.

"Bakit ka natatawa? Di ka ba nahihiya na kinukwento mo yung pagkatalo mo kay zion?" Pagbibiro ng isa nilang kasama na binatukan naman ni jomar.

"Gago! Hindi yun ang pinupunto ko. Ang gusto ko iparating, na ako nga mismo ng lider ng Pyro, napatumba niya, yun pa kayang mga ganung tao."

Natawa naman si zion sa kwentuhan at asaran ng mga kasamahan niya. Tuloy lang ang kainan at kwentuhan hanggang sa antukin na ang karamihan.

Bumalik na din si zion sa kanyang kwarto. Pagbukas niya ng ilaw ay nagulat siya sa kanyang nakita. Isang lalaki na nakataklob ang mukha.

Hindi inaasahan ni zion na makakakita siya ng magnanakaw sa loob ng kanyang kwarto dahil wala namang nagtatangka na pasukin ang building nila noon pa.

Sa di inaasahang pangyayari ay nakarinig din si zion ng sigawan mula sa mga ibabang palapag at nagsimula na rin mag ring ang fire alarm ng building hudyat para malaman ng mga tao na nasa loob na may sunog na nangyayari.

~~~~~~