Chereads / Saveena Herris (Herris Series #1) / Chapter 13 - Chapter 11

Chapter 13 - Chapter 11

Naglakad nako paalis doon at pabalik sa table namen.

Pagdating ko ay marami na ring nagsasayawan sa dance floor. Umupo na rin ako sa kinauupan ko kanina at nanood na lang sa mga nagsasayawan sa gitna.

"Can I have this dance?" Inangat ko ang tingin ko sa nagmamay ari ng kamay na nakalahd sa harap ko.

Nakita ko ang nakangiting si Vince na nakalahad ang kamay saken.

'I should enjoy this night , kesa naman nakatunganga lang dito habang naghihintay sa mangyayare'

Tinanggap ko ang kamah nito at iginaya na nya ako sa dance floor. Habang nagsasayaw ay panay ang tanong nya sakin ng mga bagay bagay na tipid na ngiti at gango lang ang sinasagot ko.

Umupo naman ako ng matapos na kami , nangalay na rin kasi ako.

Napatingin ang lahat ng tumunog ang mic na nasa taas ng stage. Napatingin din ako doon at nakitang nakatayo doon si Headmaster Ssi.

"Good evening everyone , I see , you're enjoying our party , but we're not yet beginning" nakangisi nitong sabi.

Pagkasabi nya non ay napatingin kaming lahat sa dalawang malalaking pintuan ng gymnasium ng padarag itong buksan.

Pumasok ang napakaraming men in black na may hawak na kanya kanya nilang mga armas.

"Fire!" Nagpaputok ang mga ito ngunit mukhang hasa talaga ang mga istudyante dito dahil nakaya nilang magtago at maglabas din ng mga armas para paputukan din ang mga men in black.

Nakatayo lang ako doon habang nakatingin sa mga nagpapatayan sa harap ko.

Di dapat ako masangkot sa ganito dahil diko misyon ang gumaya din sa mga ginagawa nila , kailangan ko lang umattend para alamin kung pupunta ba dito ang Carter na yon , pero mukhang wala din naman akong mapapala.

Maglalakad na sana ako palabas ng pagharap ko sa likod ay nakita ko si Lian na nakangising nakatingin saken.

'Bitch'

Binabawi ko na , mukhang kailangan ko na ring isangkot ang babaeng ito dahil isa rin sya sa pumupigil sa mga plano ko.

Pero kung papatayin ko man sya , siguro'y di muna ngayong di pako nakakagitna sa mga plano ko.

Tinutok nito ang barilĀ  sa dereksuon ko kaya palihim kong hinawakan ang baril na masa ilalim ng dress ko.

Mas mabuti ng sigurado.

Kumunot ang noo ko ng mapansin ko kung saan ba talaga nakatutok ang baril nya ng mapansin ko ito.

Palihim akong napangisi.

'This bitch is really something huh'

Pinaputok nito ang baril nya at sindyang madaplisan ang kanang pisngi ko.

Napahawak ako dito ng maramdaman ang likido na dumadaloy mula sa pisngi ko.

Napangiwi ako saka nilingon ang isang lalaki doon na kasama ng mga naka itim na lalaki na pumasok kanina.

Ngayon ay nakabulagta na sa sahig at naliligo sa sarili nitong dugo.

Ng lingunin ko si Lian ay tuluyan na itong nakalapit sa akin saka bumulong.

"Too early for your death , sweetie"

Zach

Kitang kita mula sa screen na ito ang pagdanak ng mga dugo ng mga tauhan sa loob ng gymnasium.

Nasa malapit na room kami ngayon kung saan nakikita namin ang mga nangyayari sa gymnasium.

"Sayang yung chix kanina men , ito kasing si Zach , napaka epal" basag ni Cy sa katahimikan , napatingin ako sa kinauupuan nilang dalawa ni Jeff ng makita ko ang itsura nitong parang problemadong problemado.

Ng magsimula ang party kanina , nasa gymnasium na siya para maghanap ng babae , sinama pa nito si Jeff.

"Tsk..hanapin mo na lang pagkatapos nito , lam mo naman pangalan" walang ganang sagot ni Jeff sa kanya.

Nalipat naman ang tingin ko kay Carter. Seryoso lang itong nakatingin sa screen at nakakunot pa ang noo.

Ng sundan ko ang tingin nito ay nakita ko ang isang babaeng naka pulang dress na nakatayo lang at nanonood sa mga nangyayare.

Napakunot ang noo ko ng makilala ang kung sino ito.

'Bakit nakatunganga lang sya jan? Gusto ba talaga ng babaeng ito mamatay?'

Merong isang babaeng naka itim na dress ang lumapit sa kanya.

Nagtititigan lang sila ng tutukan sya ng babae ng baril nito.

Kumuyom ang kamao ko at tatayo na sana ng pigilan ako ni Carter.

Napatingin naman ako sa kanya ag nakita kong tutok na tutok parin ito sa panonood.

"Di ba bawal ang ginagawa nya Carter? Bawal pumatay ang estudyante ng kapwa nito estudyante" reklamo ni Cy na alam kong nakatutok na rin sa nangyayare.

Wala namang pumansin sa sinabi nito dahil nakatutok din kami sa kung ano man ang gagawin ng babae.

Napakunot pa lalo ang noo ko ng mapansin ko ang isang lalaki na nasa likod ni Saveena.

Isa sa mga tauhan.

Pinaputok ng babaeng naka itim ang lalaking nasa likod ni Saveena at sinadya pa nitong patamaan ang pisngi ng babae.

Napatingin naman ako kay Carter ng nakangisi itong sumandal sa kinauupuan nya.

'Masama ang kutob ko dito'

Saveena.