Chapter 2: The Reason
"Why do people fall in love?
If love can make us sad,
Why do people needed love?
From someone who doesn't loves you back,
Why do people sacrifice a lot,
To someone who doesn't have a heart,
But love is rare,
From someone who know the real meaning of love,
Give some effort to make us believe,
That true love still exist"
"Wow!"
"Ang ganda grabe!"
Agad akong napatingin sa mga kaklase kong nag papalakpakan matapos kong ilahad ang tulang ginawa ko, agad akong umupo pagkatapos ng eksenang iyon.
"Ganda ng tula natin ah, inspired?" biro ni Irene.
"Inspired na paulit-ulit na nasasaktan" sambit ko sabay tawa.
Agad naman akong napatingin sa kaniya, bigla kasi siyang nanahimik. Nakatitig siya sa 'kin, kahit naka ngiti siya'y alam kong may mali. At tama nga ako, nakikita ko ang awa sa kaniyang mga mata.
"Don't be. Ginusto ko to, di'ba?" sagot ko.
"Ms. Argueza?" tawag sa 'kin ni Ms. Peralta matapos nang klase namin sa kaniya.
"Yes ma'am?" sagot ko.
"Come with me, may sasabihin ako sa'yo" sagot ni ma'am.
Agad akong tumayo para sundan si ma'am, nagpaalam ako kay Irene na antayin nalang muna ako sa canteen dahil recess na din naman namin. Naabutan ko si ma'am na papunta sa faculty, siguro'y doon niya ako kakausapin.
"Come here, Ms. Argueza" sabi ni Ma'am pagkapasok ko sa loob ng faculty.
"Ano po iyon Ma'am?" tanong ko.
May inabot siya sa aking papel, parang imbitasyon sa isang engrandeng party. Nagtaka ako ngunit agad ding binuksan ang papel. Unang bumungad sa akin ang rason nang nasabing event, it was written in a capitalized bold letters.
"37TH FESTIVAL WRITING SEMINAR"
Inangat ko ang paningin ko kay ma'am upang ikumpirma ang aking hinala.
"Can you go?" tanong niya sa akin.
Gusto kong matuwa, ngunit naisip ko ang mga gastusing maaaring hindi ko makayanan. Binalik ko ang tingin ko sa papel, at unti-unting ibinalik kay Ms. Peralta.
"Sorry po, hindi ako makakapunta" tanggi ko sa kaniyang alok.
"Sayang naman kung ganoon, magaling ka sa tula at naisip ko na kapag pumunta ka'y mahahasa pa lalo ang talento mo sa pag tutula o di kaya'y sa pagsusulat ng mga akda" sabi ni Ma'am, kung saa'y totoo.
"Madami po kasi akong gagawin kaya hindi ko po alam kung mapagtutuunan ko pa po ba nang pansin ang isang iyan." Sabi ko.
Binalik sa akin ni Ms Peralta ang papel at ito ay nagsalita.
"Oh sige pero kapag nag bago ang isip mo ay sabihan mo lamang ako, maliwanag ba?"
Agad lamang akong tumungo at mabilis akong nag paalam at lumabas na. What a nice opportunity, kaso wala akong perang pamasahe papunta doon.
Nanghihinayang ako sa chance na 'yon ang kaso anong magagawa ko? Masyadong madaming kailangang pag tuunan nang pansin at mas madaming gastusin na kailangang unahin.
Habang naglalakad ako pabalik sa classroom at may biglang humigit sakin papasok sa isang room na abandonado na, sa sobrang takot ko'y sisigaw dapat ako ngunit agad nitong tinakpan ang aking bibig.
"Shh. Wag kang maingay please" bulong nito sa tenga ko.
Nakayakap siya sa 'kin mula sa likod at takip nito ang aking bibig, agad nanlaki ang mga mata ko ng makilala ang boses na 'yon.
"Make sure to find him as soon as possible, kung hindi'y kayo ang malilintikan sa 'kin. My god" rinig kong tinig ng isang babae sa labas ng silid na'to.
Nang unti-unting nawala ang mga yabag ng mga taong yun ay agad tinanggal ni Nathaniel ang pagkakatakip sa bibig ko, agad ko naman siyang nilingon.
"What was that Nathaniel?" I asked out of curiousity.
"Sorry, kailangan pa kitang isama dito. Natatakot kasi akong baka isumbong mo ako sa kanila kung nasaan ako" Paliwanag nito.
"Sino ba kasi yung mga taong 'yon?" Tanong ko.
"Yung babaeng 'yun kasi ay masyadong obsess sa 'kin. Gusto niyang ligawan ko siya eh wala nga akong gusto sa kaniya, at isa pa nakaka turn off para sa'ming mga lalaki na yung babae yung naghahabol. Nagmumukha silang desperada" Sabi nito.
Kung ganon ayaw niya pala sa mga ganoong klaseng babae, ganoon kaya ako? Pero hindi eh, alam kong hindi ako ganoon ka desperada sa kaniya.
"Tingin ko'y wala na sila, tara na umalis na tayo dito" sambit niya.
Lumabas kami ng silid na'yon at sabay na naglakad sa hallway ng biglang may sumampal sa 'kin, agad akong napatingin sa babaeng may gawa nito.
"Ang landi mo! Sino ka para landiin si Nathaniel ha?" histerikal nitong sambit.
Agad itong inawat ni Nathaniel at sinangga ang panibagong sampal na dapat ay sa 'kin.
"'Wag na 'wag mong masampal sampal ang girlfriend ko kung ayaw mong magsisi. Hindi ako pumapatol sa babae pero huwag mo akong sagarin" Sambit ni Nathaniel.
Nagulat naman ako sa sinabi nito dun sa babae at maging ito ay nagulat din at mangiyak ngiyak na tinuro ako na para bang napaka imposibleng maging boyfriend ko si Nathaniel, ngunit totoo namang masyadong imposibleng maging boyfriend ko itong taong 'to.
"What the f*ck, this girl is your girlfriend? Are you kidding me Nathaniel?" Gulat nitong bulalas.
Maging ako'y gulat din ngunit hindi ako nagpahalata at sinakyan ang trip nitong si Nathaniel.
"Yes miss. Ako nga ang girlfriend ni Nathaniel, so back off" sambit ko sabay hila kay Nathaniel palayo 'dun.
Nang makalayo na kami 'dun sa babae at nasigurong wala na ito, binitawan ko na si Nathaniel at nag umpisa naman itong humagalpak ng tawa.
"Wow, that was cool. I didn't know na seseryosohin mo 'yon" sambit nito sa 'kin habang tumatawa pa.
"Ano ba! Malay ko ba sa trip mo at naisipan mong sabihin na Girlfriend mo 'ko. Hindi na tuloy ako magtataka kung may bigla nalang sumampal ulit sa 'kin diyan sa daan" sabi ko sabay irap dito.
"Hindi ko hahayaang mangyari 'yun" seryosong sambit nito.
"Ay ewan ko sayo, sige na babalik na 'ko sa room namin at baka malistahan pa ako ng cutting" sabi ko at agad ng umalis 'dun.
Mabilis akong nakabalik sa room dahil na din sa wala namang sumabunot o sumampal sa akin sa daan, nang makarating ako sa room ay saktong nag announce ang aming president na walang susunod na teacher pero may iniwang gagawin namin para sa araw na iyon. Magandang senyales din iyon dahil hindi na ako kinulit ni Irene tungkol sa kung saan ako nang galing at kung bakit ang tagal kong nakabalik.
Nang makatapos ako ay agad ko itong pinasa, ang patakaran ay kapag natapos na ang activity na pinapagawa ay pwede nang umuwi, ngunit nandito pa din ako sa mesa ko at inaantay si Irene na hanggang ngayon ay nagsasagot pa din.
"Ohmy! Ang gwapo niya talaga!"
"Sino kayang inaantay niya sa labas?"
"Balita ko may girlfriend na 'yan?"
"Ay we? Baka yung girlfriend ang sinusundo niya"
Naagaw ang atensyon ko sa mga kaklase kong humahagikgik sa gilid ko, kung kaya't tumingin ako sa labas para makita kung sino yung pinaguusapan nila. At yun nga, ang walanghiyang si Nathaniel ay nasa labas ng room namin at nang makita ako ay nginitian niya ako at kumaway pa ang loko.
"Ohmyyyyy! Nakita mo 'yon? Kinawayan niya ako" kinikilig na sambit ng katabi ko.
Feelingera ka rin teh no? Sa 'kin kumaway hindi sayo, ambisyosya ka.
"Irene sa labas nalang kita antayin ha?" sabi ko sa kaniya.
"Ha? Oh sige, antayin mo ako Rhian ha? 'Wag mo akong iiwan!" banta pa niya.
Agad-agad akong lumabas sa classroom pagkatapos sabihin ni Irene 'yon. Pag labas ko sa classroom namin ay agad akong nakita ni Nathaniel at ngumiti ito sa akin, lumapit naman ako sa kaniya para hindi ako masabihang snob nitong lalaking 'to.
"Pauwi ka na ba?" agad na tanong nito sa 'kin.
"Hindi pa, hindi pa kasi tapos yung kaibigan kong mag sagot nung activity namin. Sabay kaming uuwi ngayon, bakit?" balik tanong ko dito.
"Sinusundo kita, sige antayin na natin yung kaibigan mo." Sagot nito.
"Ayos lang ba kung dito nalang natin antayin si Irene, yung kaibigan ko?" nahihiya kong sambit.
"Yes, okay lang diba guys?" tanong nito sa mga kasama niya.
"Oo Rhian, ayos lang" sagot nung mga kasama niya.
"Ohmy! Siya ba yung girlfriend ni Nathaniel?"
"I didn't know na cheap ang taste ni Nathaniel, sayang yung kagwapuhan niya"
"Ano ka ba baka marinig tayo nila Nathaniel!'
"As if I care, dapat yung mga may ganiyang mukha kusa nang lumalayo. Nakakasira siya ng image ni Nathaniel, mahiya naman siya"
Iyan yung iilang bulong bulungan na naririnig ko sa kanila, yung ibang nandito ay kakilala ko at ang iba nama'y hindi. Agad akong napayuko ng marinig 'yon, oo nga naman sino ba ako para dumikit sa kaniya?
"Uh, sorry ha? Hindi ko naman intensyong sirain yung image ninyo dito sa school" mahinang sambit ko sa kanila.
"Ano ba Rhian, ayos lang yon. 'Wag mo nang pagtuunan ng pansin ang mga tulad nilang walang ginawa kundi manlait ng kapwa" sagot nung isa niyang kasama.
Hindi ko alam kung gaano pa kami katagal na naroon sa labas ng classroom namin, pero maya-maya pa'y nakita ko nang nagliligpit na si Irene ng mga gamit niya. Senyales na tapos na siya at pauwi na, nang matapos ay agad siyang lumabas ng room para salubungin ako't magreklamo.
"Hoy Rhian! Hindi mo naman sinabi sa akin na may mga nakalagay pala doon na hindi nasama sa pagrereview natin, wala tuloy akong maisagot" agad reklamo nito sa 'kin.
"Ano ka ba naman Irene, hindi mo ba napansin na may kasama tayo?" mahinang bulong ko sa kaniya. Nakikita ko kasing palihim na tumatawa yung kasama ni Nathaniel dahil sa biglang bungad na reklamo ni Irene.
"Ha? Sino bang kasama pa natin?" takang tanong niya.
"Kami po" sagot nung isang lalaki
"Psh, akala ko naman kung sino kayo lang pala yan Mark" irap pang sambit nito.
"Kilala mo sila?" tanong ko.
"Ano ka ba oo naman no! Ito si Nathaniel, yung nagsisilbing pinaka lider ng grupo nila. Ito si Mark yung kausap ko kanina, si Jake naman yung medyo mestiso at singkit at ayon yung hindi umiimik na akala mo'y di makabasag pinggan ay si James" paliwanag niya.
"Uh, okay" sagot ko.
"Tara Rhian, kain tayo sa labas. Sama ba kayo?" tanong ni Irene sa kanila.
"Oo game ako d'yan! Saan tayo?" sagot ni Jake
"Yung dun naman malapit sa kanto, para hindi na kami mahirapang umuwi mamaya" sagot ko sa kanila.
"Wait guys! Kumakain naman kayo sa turo-turo diba? Mga streetfoods?" tanong ko.
"That sound offensive miss, mayaman kami pero marunong naman kaming kumain ng mga ganiyan" natatawang sagot ni James
"Naniniguro lang kami, baka kasi magkasakit kayo at kami pa ang masisi ninyo" depensa ni Irene.
Habang palabas ng eskwelahan ay kung anu-ano pa ang naririnig kong sinasabi tungkol sa akin at kay Irene, siyempre kasama namin yung apat na sikat na sikat dito sa school namin. Pero hindi na namin sila pinansin, natuon ang atensyon ko sa kanilang lahat na masayang nag uusap na para bang wala silang mga problema.
Nang makarating kami sa pupuntahan nami'y agad na kaming bumili ng pagkain at tumambay sa paborito naming tambayan ni Irene, ang sidewalk dito sa bayan na may mga upuang nakalagay sa gilid nito. Maganda kasi ang pwesto ng sidewalk at dapit hapon pa naman kaya kitang kita ang paglubog ng araw sa pwestong iyon, nang gumabi na'y nagpasya na kaming umuwi ni Irene.
"Hatid kona kayo, Rhian at Irene" prisinta ni Nathaniel.
"Naku, 'wag na malapit naman na ang bahay namin dito Nathaniel konting lakad lang" agad tanggi ni Irene.
"Hayaan mo na Irene, may utang kasi ako kay Rhian gusto ko lang bayaran" sagot nito.
Agad naman kumunot ang noo ko ng sabihin niya iyon. Siguro ang tinutukoy ni Nathaniel ay yung sa bully kanina, yung sinabi niyang girlfriend niya ako.
"'Wag na, hayaan mo na iyon" sagot ko.
"Pero gusto kong mabayaran yon kahit sa simpleng paghatid lang sa inyo" pilit pa nito.
May kinuha ako sa bag ko, iyon yung binigay kanina sa akin ni Ms. Peralta.
"Ito" sabay abot ko sa kaniya ng papel.
"Ano ito?" takang tanong niya
"Kung mapilit ka talaga at gusto mong bayaran yung utang mo sa akin, then iyan. Gusto kong sumama d'yan, alam kong binigyan ka din ng imbitasyon. Sumama ka, at pag sumama ka d'yan bayad ka na sa utang mo" sambit ko at umalis na kasama si Irene.
Sana sumama siya.