Chapter 1: The Beginning
"Rhianna, halika punta tayong gym. Kasalukuyang nag lalaro yung team natin laban sa team ng kabilang school!" Excited na sambit ni Irene sa 'kin.
"Ano ba Irene, wala akong hilig sa basketball. Tsaka may mga importante pa akong gagawin kaya masasayang lang yung oras ko kung manonood pa ako niyan" reklamo ko.
"Ano kaba naman mamaya ka na magpaka killjoy Rhian, andoon kaya si Nathaniel yung crush mo!" sigaw niya.
"Ano ba Irene! 'Wag mo ngang isigaw nakakahiya" mahinang saway ko sa kaniya.
"So what Rhian? 'Ni hindi nga niya alam na nag e exist ka eh. Tsaka hayaan mona, maganda ka naman paniguradong mapapansin ka din niya soon." Sabi niya sabay hila sa 'kin papuntang gymnasium kung saan ginaganap ang game.
Agad bumungad sa amin ang tilian ng mga babae, malamang puro gwapo ang nag lalaro dito kaya ganito ang reaksyon ng mga babaeng ito. Pumunta kami sa gitnang bahagi ng mga monoblock, sakto lang ang taas nito para makita ang buong game. Agad hinanap ng mata ko ang lalaking gustong gusto ko, i already liked him for almost 2 years pero sa loob ng dalawang taon na 'yon hindi niya ako kilala. Well, halos lahat naman ng tao dito sa eskwelahan namin ay hindi ako kilala. Siguro dahil na din hindi naman ako ganoon kung makahalubilo sa ibang tao.
"Oh myyyyy! Nakita mo ba 'yon Rhian? Ang galing talagang mag laro ni Lorenz at Nathaniel, nakaka inlove!" Kinikilig na sambit nito.
"Masyado kang ilusyonada, hindi ka niyan mapapansin" natatawang sambit ko.
Biglang nag vibrate yung phone ko senyales na mayroong tumatawag, agad kong kinuha ito at bumungad sa akin ang pangalan ni Grace.
"Irene, labas muna ako ah? Sagutin ko lang itong tawag ni Grace" sabi ko
"Oh sige" sagot niya.
Lumabas ako ng gymnasium para makausap ng maayos si Grace dahil masyadong maingay sa loob.
"Hello?" sagot ko.
"Rhian, nasa school ka pa ba?" tanong niya.
"Oo, bakit?" sagot ko sa kaniya
"Pwede bang makisuyo? Naiwan ko kasi yung thesis hardcopy ko sa room, paki bigay nalang kay Nathaniel" sagot niya.
"Ha?" gulat kong sambit.
"Sige na Rhian, alam ko namang may gusto ka kay Nathaniel. Pakibigay nalang sa kaniya at pasabing padaan sa bahay namin okay? Take this opportunity Rhian, thank you!"
"Hey Gra—" biglang namatay ang tawag.
Wala akong choice kundi sundin si Grace, bago ako bumalik sa room namin ay naitext ko muna si Irene na mauna nang umuwi dahil nga may gagawin pa ako at yun ay ang pakiusap ni Grace sa akin. Pagkatapos kong I text si Irene ay pumunta na ako sa room.
"Nasaan ba 'yon?" mahinang tanong ko habang tinitignan ang buong room.
Mukhang wala naman dito yung thesis paper ni Grace, palabas na sana ako ng room namin nang bigla itong na lock. Someone locked the door, pinakinggan ko yung labas may narinig akong bulungan sa may pinto.
"Sigurado ka bang siya 'yon?" rinig kong bulong nung isa.
"Oo, babae 'yon. Alam kong si Grace iyon" Bulong naman nung isa.
Hindi pamilyar yung mga boses ng babae sa 'kin kaya hindi ko matukoy kung sino ang mga ito, kaya ba ako ang pinapunta ni Grace dahil alam niyang mangyayari to? Pero bakit naman ako?
Tinignan ko yung phone ko at tatawagan sana si Irene nang bigla itong namatay, grabe napakagandang karanasanan ito. Bakit ba kasi kulob ang mga silid dito? Hindi ko tuloy makita kung may mga tao bang papasok dito o kung meron bang taong mas malapit dito para mahingan ko ng tulong.
"I guess, dito na ako makakatulog ngayon" bulong ko sa sarili ko.
Umupo ako sa mga silyang naroon nang mapansin ko ang gitara sa gilid ng upuan ko. Nasa dulo kasi yung upuan ko kaya hindi masyadong halata na may gitara don, kanino naman kaya ito?
Kinuha ko ang gitara at nag simulang mag strum, siguro lilibangin ko muna ang sarili ko habang nandito ako sa loob ng room.
Ang lahat ay nagbabago,
Ganu'n din ang puso ko,
Di alam kung pa'no aamin,
Kung dapat bang sabihin 'to.
Ngunit kailangan nang tapangan,
At sabihin ang nararapat na,
Hindi na nga,
Hindi na nga,
Alam kong mali na,
Pero 'di ko kayang bumitaw,
At ika'y masasaktan,
Dahil pangako ko'y walang iwanan,
Alam kong huli na,
Alam kong hindi na nga mahal
Alam kong imposible na talagang mahalin niya ako, kaya dinadaan ko nalang sa kanta. Na kahit papaano, mailabas ko yung nararamdaman ko sa pamamagitan nang pag kanta. Agad akong napalingon nang biglang mag bukas ang pinto, si Nathaniel.
"Uh, Hi?" naiilang kong sambit.
"May nakita ka bang gitara dito?" Sabi niya. Takte, ang ganda ng boses niya.
"Ha? Ah, ito ba?" nahihiyang sambit ko sabay abot nung gitarang ginamit ko kanina.
"Yeah, ginamit mo ba?" Tanong niya sabay kuha nung gitara.
"Uh. Oo eh, sorry" sabi ko.
"Okay lang, sige una na ako" nakangiting sabi pa niya.
Akala ko umalis na siya pero bigla siyang nagsalita.
"Anyway, you have a great voice. Mag audition ka kaya para sa music club?" Sabi niya saka tuluyang lumabas ng classroom.
Oh my god! Narinig niya akong kumanta?! Nakakahiya, takte.