Chereads / A Dare / Chapter 2 - PROLOGUE

Chapter 2 - PROLOGUE

"Minsan mahirap ma inlove sa taong hindi pa tapos mag mahal ng iba, pero mas mahirap mag mahal nang taong hindi makita ang iyong halaga" mahinang basa ko sa panibagong akdang aking ginagawa.

Kasalukuyan akong nandito sa isang coffee shop habang abala sa pag gawa ng aking akda.

"Good afternoon Maam/Sir" bati ng guard sa mga customer na patuloy na dumadating.

Napatingin ako sa labas ng coffee shop, maulan na naman. Naaalala ko na naman ang nangyari, limang taon na ang nakakaraan. Ang sakit na patuloy na mag mamarka sa akin, ngunit sakit na nagbigay sa 'kin nang aral.

"Rhian! Andito ka lang pala, nag da drama ka na naman, 'di na babalik 'yon!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.

Tinignan ko kung sino yung tumawag sa pangalan ko, only to find out na si Irene pala iyon — ang aking matalik na kaibigan.

"Lower down your voice Irene, nakakaabala ka ng tao" Mahinang saway ko sa kaniya.

"Eh paano naman po kasi, kung anu-ano na naman ang naaalala mo. Limang taon na ang nakakalipas oh, 'Di na babalik yon" bitter na pagkakasabi ni Irene.

"Pero alam naman natin na may kasalanan din ako kung bakit naging ganon" mahinang sambit ko.

"Ano yung sinabi mo?" tanong niya.

Hindi ko naman na siya pinansin, bagkus inasikaso ko ang mga gamit kong nakakalat dahil sa pag gawa ko ng akda. Pagkatapos ayusin ang mga gamit ay nagpasya na akong tumayo para sana umalis, kaso itong kasama ko ay ayaw akong palayasin.

"Uy Rhian, mamaya na tayo umalis. God! Kakarating ko lang lalayasan mo na naman ako." Reklamo nito sakin.

"Eh kasi naman Miss Irene Cruz, kanina pa po ako nandito kaka antay sa'yo. Ikaw itong napakabagal kumilos, tignan mo inabot ka pa ng ilang oras bago nakarating dito." Paliwanag ko.

"Kasalanan ko bang uso ang traffic dito sa Pilipinas" Mahinang reklamo niya sa 'kin ngunit narinig ko pa din.

"Tara na! Baka ma late pa tayo sa party" sabi ko sa kaniya at nauna nang lumabas sa coffee shop para mag abang ng masasakyan papuntang Rizal kung saan gaganapin ang opening party ng Shop nila Irene.

"Rhian! 'Di ka naman masyadong excited no?" Tanong niya sa' kin nung nakalabas na siya ng coffee shop.

"Irene, hindi ba dapat ikaw nga itong nandoon na kanina pa?" Tanong ko sa kaniya.

"Eh kasi wala namang gagawin masyado 'don, ma bo bored lang ako kaya nga inaya kitang sabay na tayo pag punta 'don. Besides hindi naman natin kailangan makipag sabayan sa mga bigating bisitang pupunta 'don" paliwanag niya.

"Kahit na Irene, nakakahiya sa Daddy at Mommy mo. Ineexpect nila ang pagdating nating dalawa 'don, at saka malaki ang utang na loob ko kay Tita at Tito" sabi ko sa kaniya.

Hindi siya agad nakasagot dahil agad kong pinara ang jeep na dumadaan sa harap namin at dali-dali kaming sumakay don. Nang makasakay na't masigurong komportable na kami ay saka niya ako sinagot.

"Yes Rhian, alam kong may utang na loob ka sa magulang ko. But surely they will understand kung malate ka man ngayon or hindi ka makapunta sa event na 'yon. God, ang layo kaya ng Manila sa Rizal. Considering na 2 hours pa ang byahe" sagot niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at nagsalpak nalang ako ng earphone. Siguro mas maganda kung makinig nalang ako ng music lalo na't maulan ngayong araw na ito. Tamang-tama lang ang klima ngayon sa nararamdaman ko.

"Uy, ano? Mag e-emote ka na naman dyan? Sino ba kasing nag sabi sayong gawin yon?" reklamo nya sa 'kin.

Oo nga naman Rhian, sino nga bang tang*ng nag sabi sayong gawin 'yon?

***