Chereads / A Deal with Mr. Millionaire / Chapter 2 - Prologue "Andeng,may naghahanap sa'yo sa labas.Mukha namang hindi costumer eh."

Chapter 2 - Prologue "Andeng,may naghahanap sa'yo sa labas.Mukha namang hindi costumer eh."

"May naghahanap sa'yo sa labas.Pakibilisan mo nalang kasi Ikaw na ang susunod na sasayaw"striktong sabi ng manager ng club kung san ako nagtatrabaho.Dumiretso ako sa labas ng club,magtatanong pa lang ako sa mga bouncer ngunit kaagad tinuro nung isa sa kanila kung nasaan ang taong naghahanap sa akin.Nakita ko ang isang lalaki na nakatayo hindi kalayuan sa entrance at nakatingin sa akin.Agad akong lumapit sa lalaki,pagkalapit ko agad itong nagsabi na "gusto kang kausapin ng boss ko,nasa loon siya ng sasakyan.Huwag kang magalala wala kaming gagawin sayong masama.Gusto ka lang niyang kausapin."Hindi pa man ako nakakasagot nang agad itong naglakad patungo sa isang itim na sasakyan.Halatang mayaman ang may ari nun.Bago ako sumunod ay tumingin muna ako sa mga bouncer ng club at nang masiguro ko na ang ilan sa kanila ay nakatingin sakin.Sumunod ako sa lalaki at nakita kong nakabukas ang pintuan ng sasakyan.Sumilip ako sa loob at nakita ko ang isang lalaking nakatingin din sa akin.Nakapatay man ang ilaw sa loob ng sasakyan alam kong gwapo ang lalaki at matanda lang sa akin ng konti hindi gaya ng naisip kong matanda na malaki ang tyan."Get in" narinig kong sabi ng lalaki,tumingin ulit ako sa mga bouncer at nang nasiguro kong nakatingin pa rin sila agad akong pumasok sa loob."Ahm..ano po bang kailangan niyo?Kailangan ko na po kasing pumasok sa loob dahil may trabaho pa po ako"agad na sabi ko pagkaupo ko palang.Hindi agad siya sumagot at nakatingin lang siya sa akin.Nakatingin din ako sa kanya at lalo kong naisip na hindi pangkaraniwan ang kagwapohan niya.Hindi lang kasi siya gwapo,malakas din ang dating niya na kahit ihilera mo siya sa mga gwapong artista o modelo ay hindi mo mapipigilang hindi tumitig sa lamang sa kanya.Kumbaga hindi ka magsasawang tumingin sa kanyang mukha."I want you to sign a contract to be my wife"bagay ang boses niya sa kanyang itsura ngunit imbes na pagpantasyahan pa siya ay agad nang laki ang aking mga mata sa kanyang mga sinabi.