Chereads / Thana:The Badass Nobody / Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 2 - Chapter 1

Andito ako ngayon sa gubat sa likod ng aming nahay,mahilig akong pumunta rito sapagkat napakasariwa ng hangin na naririto.Nandito ako tuwing gabi sapagkat nandirito ako nagsasanay ng aking kapangyarihan.

Oo may kapangyarihan ako at hindi ko alam kung bakit mayroon akong ganito,natuklasan ko ito noong ako'y mga labindalawang taong gulang pa lamang.Isa pa pala ako na lamang ang naninirahan sa mansyon dahil ang mga tinuturing kong magulang ay kakamatay lamang dalawang buwan lang ang nakalilipas.

Habang naglalakad ay may nakita akong isang kuneho na oara bang kulay asul ang kanyang mga mata kaya dali dali ko itong sinundan at nabigla ako ng mawala ito pagkarating ko sa harap ng isang napakalaking puno.Nagulat na lamang ako ng may para bang tumulak sakin kaya napapikit ako ng aking mata dahil sa pag-aakalang ako'y tatama sa puno,ngunit na bigla ako ng para bang ako'y hinihigop.Napamulat na lamang ako ng mata ng para bang bumagsak.

Hindi pa man din ako nakakabangon ng bigla na lamang may nahulog sa aking likuran kaya ako'y napadapa at napadaing.

"Hihihi sorry po Ate,di po kasi agad kayo umalis eh ayan tuloy nadaganan ko kayo"rinig kong sambit ng isang bata,kaya napalingin ako at nakita ang isang batang nasa edad limang taong gulang palamang.

"Who the h*ck are you!?,where am I!?" pagalit kong tanong sa bata.

"Hii Ate I'm Mara hihihi and andito ka po sa Encantasia!" bibo nitong sagot at ang lapad pa ng kanyang pagkakangiti.

"Huwag mo nga akong ipinagloloko bata,walaa kong alam na lugar na nagngangalang Encantasia ha!" naiinis ko pang saad.

"Ate unang unang sa lahat gusto ko lang linawin na wala ka po sa Pilipinas atsaka ang Encantasia po ay ibang mundo kung saan nakatira ang mga taong may mga mahika.Nga pala ate ang mga dapat lang na nakakapasok lang sa portal na yun ay ang mga Enchanters,kaya let's go na Ate ieenroll po kita sa Academy" mahabang paliwanag nito.

Napag-isip-isip ko na hindi nga naman imposible na ibang mundo ito at ang mga tao ay katulad ko rin!salamat talaga at hindi lang pala ako nag-iisa.

"Sige sasama na ko sayo"pagpayag ko.

Naglakad lakad pa kami ng mga limang minuto ng maratingb namin ang napakalaki at napakagarang tarangkahan na ulay ginto!.

"Je suis Princesse Mara Shapter et je vais entrer dans la porte!" bigkas nito sa isa atang spell!

Bigla na lamang itong bumukas at pagpasok na pagpasok ko palang ay nakita ko na agad ang mga nagtataasang mga estraktura at mga magagandang mga bulaklak.Manghang mangha ako habang pinapanuod ang mga ito ngunit nagulat na lamang ako mg nasa harap na kami ng isang matandang lalake.

"Hi po Headmaster,may gusto po sana aking ienroll"magalang na saad nito.

------------------------------------------------------------------------------------------