"My Gashh, Casssy!"
"Babe, nandirito ako, pansinin mo naman ako"
"Ang pogi talaga niya, Geezz!"
"Hihimatayin na ata ako.., Casssy!!
"Cassy, Pa-Kiss"
"I LOVE YOU CASSSSSY!"
Ilan lang iyan sa mga nakakarinding hiyaw na maririnig mo tuwing umaga. Hayyy!, Hindi ba nagsasawa ang mga estudyanteng ito sa kahihiyaw at kasusunod sa lalaking iyon. Akala naman nila may mapapala sila sa pagiging active fan sa isang mananakbo.
Oo, isang track and field player ang pinag-kakaguluhan nila. Ilang beses niya na bang ibinandila ang paaralan namin dahil sa pag-kapanalo niya, hindi lang local ha, pang international din ang mga paa niya. May itsura naman talaga ang lalaki ito, may taas siyang 6'3, Malaki ang kaniyang pangangatawan na halatang batak sa pag eehersisyo sa araw-araw. Makinis din ang kaniyang balat, may chinitong mga mata, makapal na kilay, manipis at mapulang mga labi, matangos na ilong at mapuputi at pantay-pantay na mga ngipin. In short perfect na perfect ang kaniyang physical appearance.
Hindi naman sa hindi ko siya gusto, Hello? As in Hello? Sa gwapo niyang iyon, imposibleng hindi ko siya magustuhan, pero hindi ko talaga siya type. Ilang buwan na ba ako dito sa paaralang ito? Isa? Dalawa? Tatlo? Apat? Oo apat na buwan na ako dito. Transferee lang ako dito sa paaralang ito, simula ng pumanaw ang aking mga magulang. Tanging kuya ko na lang ang nag-papaaral sa akin. Dahil ito lang ang pinaka-malapit na school sa pinag-tatrabahuhan ni kuya, at malapit narin sa aming inuupahang bahay, kaya dito na ako pumasok.
Balik tayo sa lalaking pinag-kakaguluhan ng lahat.
Gaya ng ng sabi ko, apat na buwan na ako dito. So ibig sabihin kilala ko na ang lalaking tinitilian at kinababaliwan ng lahat ng kababaihan at kabaklaan. Siya si Cassy Ventura, mananakbo, gwapo, laki sa kilalang pamilya dahil anak siya ng mayor ng aming bayan, at hindi lang iyan, matalino pa daw ito. Kahit na busy ito sa laban, hindi siya nawawala sa pagiging Dean's Lister ng aming paaralan. Kung meron mang taong masasabi mong nasa kanya na ang lahat, Si Cassy Ventura lang iyon, wala ng iba pa.
Nilagpasan ko na ang kumpol ng mga estudyanteng patuloy pa din sa paghabol kay Cassy.
"Kaylan kaya mananahimik ang school na ito. Nakakairita!" bulong kong sabi sa aking sarili.
Patuloy lang ako sa paglalakad ng makarating na ako sa Room AM-2MM. Kumukuha ako ng degree in BSBA major in Marketing Management. Bakit ito ang kursong kinuha ko? Hindi ko rin alam. No choice sabi nga ng iba. Ito lang daw ang madaling course. Ramdam ko naman kasi halos wala naman kami ginagawa, or dahil lagi lang wala ang aking mga prof.
Katulad ng dati, magulo na naman ang aking mga classmates. May mga grupong nagkukuwentuhan, naghaharutan, may mga matatalinong nag-babasa ng mga books, may nag-kukutuhan sa likod, at may iilan na walang magawa. Bakit sila ganyan? Isa lang ang dahilan, malamang wala na naman ang aming prof. kung hindi ito late, laging may emergency meeting.
Pumasok na ako sa room at umupo sa pinaka-likuran ng classroom. Kung tatanungin ninyo kung may kaibigan ako rito, isa lang ang sasabihin ko sa inyo, WALA. Oo wala! Sa loob ng apat na buwan kong pag-lipat sa school na ito, ni isa walang gustong makipag-kaibigan sa akin. Ni isa sa kanila, iwas sa akin. Bakit? HINDI KO DIN ALAM.
Wala naman akong sakit na bulutong o ketong para iwasan nila ako. Wala din naman akong putok. Hindi naman mabaho ang hininga ko. Hindi rin naman ako sobrang pangit. Pero bakit nga ba ayaw nila akong kausapin? Ganito ba ang turing nila sa mga transferee?
Sa loob ng apat buwan, nakasanayan ko na ang ganitong scenario. Para akong hangin na nilalagpasan, walang pumapansin, walang kumakausap, walang lumalapit. Sanay naman na ako sa ganito, pero hanggang ngayon pilit ko pa ring iniisip ano ang mali sa akin.
Isa lang akong simpleng babaeng may simple ganda. Woooh? Did I say, maganda ako? Siguro. Feeling ko. Ramdam ko naman. May taas akong 5'4, na tama lang sa taas ng isang babae, hindi maliit, hindi rin katangkaran. Kulot ang aking buhok, medyo maganda naman ang aking mata na natatakpan ng bilog na salamin, wala akong sakit sa mata ha, fashion ko lang ito. Medyo makapal ang aking kilay. Matangos naman ang aking ilong, medyo maganda din naman ang aking labi, pero hindi kasing nipis at kasing pula ng mga clasamates ko. Pantay din naman ang aking mga ngipin. Isa lang naman ang kinaiinis ko sa mukha ko, ang mga tagyawat na ayaw akong lubayan. Lahat na ata ginawa ko dito, pero ayaw niya akong iwan. Siya na siguro ang Forever ko.
Ilang sandali pa ng pagmumuni-muni, ng dumating na ang aming prof sa Marketing. As usual, paulit-ulit lang na 4 Ps of marketing ang itinuturo. Product, Price, Place and Promotion. Laging pinag-tatalunan kung ano ang pinaka-importante sa apat. Sa pag-kaka alam ko, 6Ps yun eh, kasama ang People at Packaging. Hindi ko lang alam kung bakit hindi sinama. Baka nga siguro hindi kasama, masyado lang akong nag-mamagaling.
Ilang oras pa at natapos na ang klase namin na ang ending, yun lang ang itinuro. Hay nako, nag-aaksaya ako ng tuition dito, wala naman akong natututunan, ang tatamad pa ng mga Prof na magturo.
Hinintay ko lang ang mga kaklase kong makalabas lahat, bago ako lumabas. Lagi ganito ang scenario pag uwian, papaunahin ko sila at ang ending ako na ang lalabas na walang kasama.
Matapos kong lumabas ng room, naglakad na ako papunta sa likod ng school building namin. Duon lang kasi ako nakakaramdam ng kaginhawaan at kapayapaan. Walang tumatambay duon maliban sa akin. Feeling ko nga teritoryo ko na iyon.
Bago makarating sa likod ng School building, madadaanan mo muna nag oval, kung saan nag-papraktis ang mga atleta. Himala ata, wala ngayon si Cassy. Hoi, wag kayo, kung ano ano iniisip niyo ha. Hindi ko siya ini-stalk. Hindi ko din siya tinitingnan. Ahm, sige na nga, tinitingnan ko siya, pero pag minsan lang. hindi naman iyon maiwasan, dahil nga sabi ko, madadaanan ito bago ako makarating sa likod ng school building.
Bakit wla ngayon si Cassy? Eh ang daming mga baliw na nag-kalat ngayon dito. Yung mga baliw na sinasabi ko ay yung mga fans niya.
Habang nag-lalakad ako at umiiwas sa kumpol ng mga tao, biglang may humila sa aking kanang kamay.
"Aray, Teka ano ba? Sandali! San mo ba ako dadalhin?" inis kong sabi sa lalaking may hawak ng kamay ko.
Lalaki? Lalaki ang humila sa akin? Kahit na nahihila na ako sa pag-takbo niya, pansin ko na lalaki ang humihila sa akin. Sino ba itong hanep na ito? Bakit niya ba ako hinihila? Hindi niya ba alam na nasasaktan na ako?
Hindi ko na magawang maka-pagsalita dahil patuloy pa din sa pagtakbo ang lalaki na hila hila pa rin ang aking kamay.
Ilang minuto din kaming tumakbo ng bigla siyang huminto. Napahawak ako sa aking tuhod sa sobrang pagod. Pilit kong hinahabol ang aking hininga. Ramdam na ramdam ko ang sobrang pagod.
"I'm so Sorry! Napagod ba kita?" tanong ng lalaking humila sa akin
"Sa tingin mo? Sino ang hindi mapapagod sa ginawa mo? Hinila mo ako ng walng pasabi. Baliw ka ba?" sigaw ko sa kanya. Ni hindi ko man lang makuhang harapin ang lalaking humila sa akin. Pilit ko pa ring hinahabol ang hininga ko.
"Pasensya ka na talaga! Marami kasing gustong humabol sa akin. Hindi ko alam kung bakit kita hinila" malambing niyang sagot sa akin.
"Wala akong paki-alam sa mga humahabol sa iyo." Tumayo na ako ng tuwid at hinarap siya. Pero kagaya ko nakahawak din siya sa mga tuhod niya. Halatang pagod na pagod din sa pagtakbo naming kanina. "Nakikita mo ba ang ginawa mo? Halos mamatay na ako sa pag-habol sa hininga ko. Tapos Sorry lang ang sasabihin mo? mahaba kong sabi sa kanya.
Bigla siyang tumayo ng tuwid at humarap sa akin. Nagulat ako sa aking mga nakita. Siya? Siya ang humila sa akin?
"Im so Sorry talaga Miss. Hindi ko sinasadya" paulit na paumanhin niya sa akin.
"Ca.. Cas ssy?" pautal kong sabi sa aking sarili.
Itutuloy...