Chereads / -Love Me- / Chapter 2 - chapter two

Chapter 2 - chapter two

Chapter two

Ciana PoV

"Meeting?" Tanong ko habang mabilis at magulong pinapasok ni Iris ang mga gamit niya sa sariling bag.

"Oo, anong oras na?"

"4:05"

Napatigil siya sa kanyang ginagawa, tumingin siya saakin at nirolyo ang kanyang mata.

" Ano bayan!" Pag padyak niyang pagrereklamo. " Late nanaman ako" naiiyak niyang dagdag

" Kasalanan ko?"

" Sinabi ko ba?" Taas tono niyang tanong bago isoot ang sariling bag.

"Alis na ko, chat mo ko kapag nakauwi ka na" paalala niya bago ako ibeso at tumakbo palabas ng room.

napatingin ako sa phone ko nang makatangap ako ng text message mula kay Alexis na tapos na ang kanilang klase. Pinindot ko ang call at mabilis niya namang sinagot ito.

(Hello?)

"Hi, malapit yung room mo sa Narra tree diba?" Tanong ko habang sinosoot ang sariling bag.

(Oo, bakit?)

"Doon nalang tayo magkita"

(Pero medyo malayo yon sa building niyo. Pwede naman akong maglakad papunta diyan eh.)

"No it's okay, papunta na rin naman ako diyan" saad ko at saka binuhat ang painting na pinagawa niya.

(Naglalakad na rin ako papunta...)

Napabuntong hininga ako bago tawagin ang pangalan niya "Alexis"

(Yes?)

"Stay"

(Yes ma'am)

Pinatay ko na ang tawag at nagsimula nang maglakad. Kahit may ilang building na nakaharang sa punong iyon ay kitang kita ko pa rin ang nagsasayawang dahon ng puno. Napatingin naman ako sa ilang mga studyanteng nagbubuhat ng ilang gamit para sa darating na valentine's day. Napangiti naman habang iniisip kung gaano karaming tao ang magagatas namin sa araw na yon.

Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Alexis na tahimik na nakaupo sa ilalim ng puno. Nawala ang seryoso niyang expresyon nang makita niya ako, binigyan niya ako ng matamis na ngiti bago maglakad papalapit saakin.

"Pinagpawisan ka" saad niya bago punasan ang pawis ko. Napataas ang kilay ko sa ginawa niya pero hindi ko magawang magreklamo dahil kanina ko pa naman talaga gustong punasan yon.

"Yung painting" sabi ko at saka inabot sa kanya ang canvas na nakabalot sa manila paper.

"Thank you, gusto mo munang magpahinga? May extra pa kong dutch mill" nakangiti niyang pag aalok matapos niyang kunin sakin ang painting.

"Hmm..." Inilagay ko ang aking kanang kamay sa aking baba habang iniisip kung may gagawin pa ba ako pagtapos nito.

"Malamig pa yon" pagdagdag niya.

"Okay" pagsangayon ko.

Nang makaupo na kami ay inabot niya saakin ang inumin.

"Thank you"

"Do you really mean it when you said that you're into cute guys?" Panimulang tanong niya, kumunot ang noo ko at saka tumingin sa kanya.

"I do like cute stuff" nanghihinala kong sagot.

" I see" nakangiti siyang tumingin saakin at tinanong ang " well then, do you think I'm cute?"

Humigop ako saaking inumin habang masuring inaral ang kanyang mukha. Mula sa malambot niyang bohok papunta sa kanyang malaking mata at kulot na pilik mata, idagdag mo pa dito ang kulay rosas niyang labi at higit sa lahat ang namumula niyang pisngi at tenga.

'Gusto ko siyang gawan ng portrait'

"You do look cute" sagot ko habang pinagmamasdan ang patuloy na pamumula ng kanyang mukha.

"Then... Do you think I have a chance?" Nakangiti niyang tanong.

"Chance?" Kunot noo ko siyang tinignan habang sinusubukang alamin kung anong nangyayari ngayon.

Mahina siyang tumawa bago alisin ang tingin saakin.

"Lets try something different" Seryoso niyang saad bago muling tumingin saakin.

"If I say that I like you, will you give me chance?"

Lumaki ang aking mata nang marinig ang sinabi niya at seryoso pa rin siyang nakatingin saakin habang nagaantay ng sagot mula saaakin.

"Ohh...amm...." Naiilang akong lumayo ng tingin habang kinakamot ang sariling batok nang maunawaan ang nangyayari ngayon.

"Alexis, I'm sorry I" Palihim akong tumingin sa kanya at kita ang disappoinment sa kanyang mata. Bumuntong hininga ako pinagpatuloy ang aking sasabihin. "Even if I am demisexual, I still... prefer men" pagpapaliwanag ko sa kanya.

Ang malungkot niyang mukha ay napalitan ng pagtataka. Nakangiti niyang tinuro ang sarili at sinabing "but I'm a guy"

Mabilis akong humarap sa kanya habang nararamdaman ang mabilis na pag init ng aking mukha. Mabilis na lumaki ang ngiti niya at nagsimulang tumawa .

"I...I'm sorry" mahina kong pagbigkas

"Hmm? May sinabi ka?"

Tinignan ko siya ng masama at saka nilayo ang aking tingin sa kanya.

"How about now, do I have a chance now?"

Seryoso akong napatingin sa kanya at nakangiti niyang tinutok saakin ang kanyang mga tingin habang nakapatong ang kanyang ulo sa sariling dalawang tuhod, sinamahan pa ng lahat ng ito ang mga nagsisilaglagang dahon at ang malumbay na pagdaan ng hangin. Para siyang isang perpektong orba na kahit ako ay hindi magagawang makuha ang sarili niyang kagandahan.

" Ciana?"

Muling napabalik ako sa realidad nang bigla niyang bigkasin ang aking pangalan. Tumayo ako at nagsimulang pagpapagan ang sarili. Kinuha ko ang aking gamit at seryoso siyang tinignan.

" Who knows" sagot ko sa tanong niya at nagsimulang maglakad palayo sa kanya.

Alexis PoV

'Was that a yes?'

Dama ko pa rin ang pag init ng aking mukha habang mabilis na tumatakbo ang aking puso at para bang may sariling selebrasyong nagaganap sa sarili kong tiyan.

Nakatulala akong naiwan sa ilalim ng puno habang siya naman ay unti unting nawawala sa sarili kong paningin.

Huminga ako ng malalim at mabilis na hinanap ang sariling telepono. Agad kong tinawagan ang akinh kakambal habang nakangiti at excited na nag aabang sa pagsagot niya.

(What?) Halata ang irita sa boses niya pero wala akong pakeelam mas lalo na at kaylangan kong ikwento to.

"She said 'who knows'"

(Context, please)

"Remember Ciana? Yung babae na crush ko"

(OMG, kayo na?)

"Hindi pa"

(K, bye)

" Wait! Hear me out first"

(Alexis, June pa lang nandyan ka na para ipursue siya tapos ngayong dalawang buwan nalang at matatapos na ang school year. 'who knows' pa lang nakukuha mo?)

Mabilis akong napahawak sa aking dibdib nang maramdaman ang matatalim niyang salitang tumagos saakin akin.

"It wasn't easy! Okay?"

Kahit sa kabilang telepono ay ramdam ko ang pagrolyo ng kanyang mga mata.

(So, what do you need?)

"Yung 'who knows' yes ang meaning non diba?"

(...who knows)

Bago pa man ako makapagsalita ay bigla niyang pinatay ang tawag. Nakangiti akong kumukurap hanang pinagmamasdan ang telepono ko.

"Bastos kausap" naiirita kong bulong.