Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

I'm Inlove with the Mafia Boss Doppelganger

Irish_Barrantes
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.2k
Views
Synopsis
Xenia has a fiancee that is a mafia boss. Before their wedding, her fiancee died while trying to save her. She then met another man that looks exactly as his fiancee.
VIEW MORE

Chapter 1 - Flight back to the Philippines

"I love you until there's no more doppelgangers in the world", sabi ni Max.

"I'll always love you too kahit hindi ikaw ang pinapangarap kong makasama habang buhay", ani Xenia.

Xenia's POV

Hi guysssss, ang drama nun 'no, ako nga pala si Xenia Jaira Faith Mendoza, isang medical student at nag-iisang anak ng general director ng XenJai Hospital.

Well, ako ang unica hija nila kaya lahat ng gusto ko nakukuha ko, lahat ng gusto kong puntahan, napupuntahan ko, at higit sa lahat, lahat ng gusto kong lalaki, napapaibig ko pero niloloko lang ako, ang habol lang nila sakin pera, kaya simula noon, di na ako nagtiwala sa mga lalaki.

Nandito ako ngayon sa Greece, four years nadin ang nagdaan ng last na pagbisita ko sa Pilipinas, ngayon na magiinternship na ako sa susunod na buwan, napag-isipan kong magpahinga muna sa Pinas or sa ospital na namin ako mag-intern, yun kasi ang gusto ng daddy ko, kaya eto ako sunod-sunuran. Haysssst buhay nga naman.

Habang nagiimpake ako, naramdaman kong may papasok sa kwarto ko kaya lumingon ako.

"O hija, ready ka na ba? Naghihintay na ang sundo mo", mahinang sambit ni mommy na para bang ayaw nya akong umalis.

"Hayyy si Mommy talaga, one month lang ako dun, dito ako magiinternship, ayoko kaya dun", sabi ko habang yinayakap ko siya.

"Mag-iingat ka ha, susunod ka sa Daddy mo ha? Alam mo namang...", hindi ko na pinatapos si Mommy, nginitian ko siya at sinabi ko, "Yes mom, I know what to do, I'll go na Mom, baka mahuli ako sa flight ko".

"O sige nak, umalis ka na", yinakap ko siya at kinuha ko na ang maleta na sobrang bigat kaya buong lakas akong sumigaw ng, "Manooooong! Pakitulungan naman ako o!" Nagmamadaling pumunta sa sala ang driver ko at binuhat niya ang maleta ko.

Napabuntong-hininga ako at nagsalita, "Mom, I will miss you", sabay kiss sa pisngi niya.

Yinakap ako ni mama ng mahigpit at binitiwan niya ako agad, "Sige na nak, alis ka na para di ka mahuli".

Ngumiti ako at naglakad palabas, kumaway ako kay mama nung nasa gate na ako at pumasok na ako sa kotse.

Binuksan ko ang phone ko, may isang text message, si papa, sabi niya, "Nak sabihin mo lang kung nasa airport kana para masundo kita."

Nireplyan ko siya at sabi ko, "Yes Dad, I'll do that". Biglang nag ring ang phone ko kaya dali-dali ko itong sinagot, "Yes? Sino to?" Bigla akong kinabahan ng magsimula siyang magsalita, "Hey Xen, did you miss me?"

Nainis ako kaya pinatay ko agad ito.

"Hayssst talaga naman, di ako tatantanan ng lalaking yun, kainis!"

Nagring ulit ang phone ko, sumigaw ako, "Hoyyy lalaki, wag mo nga akong tawagan!"

Nabigla ako ng marinig ko ang boses ni papa, "Ay sorry dad, kala ko kasi you're someone I hate."

Nagsalita si papa at sabi niya, "Si Axel ba yan?"

Hindi ko na hinintay ang susunod niyang sasabihin kaya, pinutol ko ito, "No dad, I haven't called him yet."

Huminga siya ng malalim at sabi niya, " Alam ko si Axel yun, bat ba hindi mo nalang bigyan ng chance ulit."

"Dad, alam mo naman kung anong ginawa niya sa company natin diba?", mahina kong sambit.

"Anak, the one who ruined our company is not him but his late dad."

"No dad, I won't give him another chance", sabi ko.

"Sige Xen, sabihin mo nalang sakin kung nasa airport ka na."

"Okay dad", sambit ko at mahina kong pinatay ang cellphone ko.

Tumingin ako sa labas ng kotse at sinuot ko ang earpiece ko, pinakinggan ko ang dati kong favorite korean song na hanggang ngayon paborito ko pa rin.

Makalipas ang 10 minutes...

Sa wakas nasa airport na kami, ilinabas ko na ang passport ko at naghintay. Habang naghihintay ako, may nakita akong batang lalaki, siguro naliligaw 'to.

"Hi baby, are you lost?", mahinang tanong ko.

"Yeah, I'm looking for my dad".

Ilang sandali lang may dumating na napakagwapong lalaki, kaya lang nakamask, my goshhhh, ang tangkad.

"Sorry miss, baby come here!", sambit niya.

"Ah it's okay, your son looks cute mana yata sa daddy, hehe", ani ko.

"Oh, haha hindi ko siya anak actually, anak siya ng kapatid ko, namatay kasi siya kaya ako na nagbabantay sa anak niya", sabi niya.

"Sorry", mahina kong sagot.

"So are you on vacation?"

"Ah yes, internship ko na sa susunod na buwan, by the way I'm Xenia", sabi ko sa kanya.

"Oh, pleasure to meet you doc, I'm Max, Max Andrew Park, korean tourist here", sabi niya.

"Kaya pala, your eyes look like a korean, kasi korean ka talaga, ahm my full name is Xenia Jaira Faith Mendoza, sabi ko naman.

"Ahhhh, wow naman, ah teka tatanggalin ko lang yug mask ko..." di ko siya pinatapos, turn ko na kasi sa pagsubmit ng passport.

"Ay sorry, bye!", sambit ko.

"See you again, nice to meet you", dugtong ko pa.

Umalis sila at ibinigay ko ang passport ko. After that, sumakay na ako sa airplane, naghintay ng ilang oras at... finally nandito na ako sa Pilipinas, hayyy ang dami kong memories dito. Tinawagan ko si dad at nagpasundo, ilang minuto lang at dumating na si daddy, yinakap ko siya ng mahigpit.