Serenity's POV
True Love? Hindi naman totoo yun e. Ang mga lalaki, lahat yan manloloko. Kapag nagsawa na sila sayo, para ka na lang basura na itatapon basta basta.
Oo tama. Broken ako. Kaya sige, ALAK PA...
"Pesteng lalaki yun, sa kanya ko ipinagkatiwala ang puso ko sa unang pagkakataon, pero dudurugin lang pala niya ng ganito…"
"Ren, lasing kana."
"Hindi ako lasing Tamara."
"Temmarie," pagtatama niya.
"Yun naman ang sinabi ko ah."
"Ano Serenity, tapos ka na ba sa pag-mo-monologue mo? Sali ka sa amin."
"Hindi na, iuuwi ko na si Serenity. Bakit ba kasi pumayag pa kaming sumama sa inyo."
"Temmarie, palalampasin mo ba ang opportunity na makapasok sa isang engrandeng hotel-bar na gaya nito? Syempre hindi. Ambait na nga ni Jem dahil nilibre nya tayong lahat dito."
"Pero Zoey, lasing na kayong lahat, lalo na si Ren kaya iuuwi ko na sya. Umuwi na din kayo."
"Tamara, saglit na lang, please," pigil ko sa kanya.
"Temmarie nga sabi, saan mo ba nakuha ng Tamara na iyan? Sige Ren, 5 more minutes, mag-C-CR lang ako, pagbalik ko iuuwi na kita. Sana kasi hindi na lang ako ang pinaki-usapan mong magpaalam sa mama mo."
"KJ talaga ng isang yun. Sali ako sa inyo guys."
Umupo ako sa tabi nila. Pina-ikot ni Zoey ang bote at sa paghinto nito ay sa akin nakaturo. Ang swerte naman talaga oh.
"Serenity, dare or drink?"
"Wala namang thrill kung drink lang. Game ako sa dare."
"Yan ang gusto namin sayo e. Eto ang dare mo, nakikita mo ba ang elevator na yun?"
"Oo naman. Hindi pa ako lasing 'no."
"Hihiramin mo lang naman ang belt ng unang lalaking lalabas sa elevator na yun. Ano game?"
"G! Napaka-dali lang naman niyan."
Habang hinihintay ang pinaka-unang lalaking lalabas ng elevator, hindi ko namalayang knock-out na pala ang mga kasamahan ko. Napasubo yata ako.
Sa wakas, lumabas ka na rin mister. Dala lang ba ng kalasingan ko o talagang sobrang gwapo ng lalaking ito. Para syang prinsipeng naglalakad sa gitna ng kanyang mga kawal.
Oo nga pala, may dare pa akong kailangang tapusin.
Lumapit ako sa kanya, nakaramdam ako ng pagkahilo kaya't bumagsak ako sa dibdib niya mismo. Ambango! Mas pogi pala siya sa malapitan, medyo blurd nga lang.
Sinubukan akong alisin ng mga guards palayo sa kanya pero pinigilan sila nito.
"Ms. you're playing with fire," seryoso niyang sambit.
"Pwede ko bang mahiram ang belt mo sir?"
Ibinigay niya ng hinihingi ko ng walang tanong tanong. Gwapo na, mabilis pang kausap.
"You smell so good. What's your name?"
"Serenity. Tawagin mo na lang akong-"
Hindi ko na kinaya. Dahil first time nga, mabilis ang naging impact ng alak sa aking sistema. Tuluyan na akong nawalan ng malay at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
Nagising akong nakahiga sa isang malambot na kama, napaka-gandang kwarto naman nito. At ang damit ko, parang pang-prinsesa, teka, hindi naman ito ang suot ko kahapon ah.
Pumasok ang isang pamilyar na mukha.
"Mister, bakit po ako naririto? Sino ho kayo? May nangyari ba kagabi?"
Ngumisi ang lalaki. Agghh, ang gwapo talaga!
"You throw yourself at me. Then you collapsed."
Tumalikod ako sa kanya sa sobrang kahihiyan.
"Ay naku naman! Paano kung may nangyari nga sa amin?" Mahinang bulong ko sa sarili.
"I'll take the responsibility."
Nagulat ako sa sinabi nito. Kung ganon may nangyari nga? Patay kang bata ka! Ano na lang ang sasabihin sa akin ng mga tao? Hayst, Serenity talaga. Kahit kailan hindi ka nag-iisip.
Tumunog ang cellphone niya at kaagad naman niya itong sinagot. Dahil sa taong kausap ay nagbago ang timpla ng mood niya. Nang matapos ang tawag ay bumaling ulit siya sa akin.
"You know what Serenity, because I take you home last night, I lost a business partner and my company lost a million. Tell me, paano mo ako mababayaran?"
"Million? Dahil sa akin sir?"
"I'm Chad, you don't have to call me sir. Kung hindi mo ako mababayaran, at least do me a favor"
"Sabihin mo lang, gagawin ko kahit ano."
"Be my date on a party tonight and pretend to be my girlfriend."
"Yun lang?"
"It's not as simple as you think."
"Sige, deal. Pero ngayon, kailangan ko munang umuwi, siguradong nag-aalala na si mama."
"I'll take you home."
"Hindi na. Madami na akong utang sayo."
"I insist. Besides, I'm willing to explain everything to your parents."
"Hindi, wala kang sasabihin sa kanilang kahit ano tungkol sa nangyari sa atin."
"You have no right to reject my offer, remember how much you owe me. And the clothes you're wearing, it's all yours."
Grabe talaga ang yaman ng isang ito. Pero sigurado akong malungkot ang buhay niya. Bukod kasi sa mga lalaking katulong niya sa bahay, wala na syang kasamang iba. Bakit nga pala male servants ang meron sya? At bakit nangingialam ako? Kanya kanyang trip yan.
Matapos ko syang sabayang mag-agahan, inihatid niya ako pauwi.
"Serenity, saan ka galing? Anong nangyari sayo? Tumawag sa akin si Temmarie, nawala ka daw bigla." Tanong ni mama nang makita niya ang pagdating ko.
"Mrs., I hired her as one of my company's model. Nagmamadali kaming matapos ang project so I didn't let her use her phone to ask your permission, I'm very sorry it was all my fault."
"Businessman ka sir?"
"Yes, I'm Chandler Monte Verde from MTVD Corporation."
"Ikaw si Chandler Monte Verde?" Singit ko sa usapan nila.
"Ren, hindi mo kilala ang boss mo?"
"Boss ko sya ma, kaya hindi pedeng feeling close ako sa kanya."
"Oo nga pala sir, salamat sa pag-hahatid mo dito sa unica-hija ko. Pero sana sa susunod, wag ninyong kalimutang magpaalam muna sa akin."
"I will. Ito nga po pala ang first payment sa pagiging model ni Serenity."
Iniabot niya ang envelope na naglalaman ng malaking halaga ng pera. Galante talaga!
"Hindi namin matatanggap 'to sir. Itong damit na pinasuot mo sa akin at ang mga kinain ko kanina, sapat na yun para sa first payment ko."
"It wasn't enough. Mrs. your daughter really did a great job. Pwede ko ba syang isama ulit mamayang gabi to congratulate her for a job well done?"
"Sige lang sir."
Chandler's POV
We attended the party as a couple.
"You looked good. And your smell is so appealing."
"Talaga? Hindi naman branded na pabango ang gamit ko ah."
"Hindi mo na kailangan nun. Let's go, just calm down even if we become the center of attention when we entered."
"Paano naman tayo magiging center of attention? Maliban na lang kung hindi ka pa nagkakapagdala ng date dati."
"You'll know."
We entered holding each other's hand. All eyes were looking at us, like what I expected.
I introduced Serenity to my dad and left her on a table while talking to my father privately.
"Why did you bring a girl here? You're already engaged to Sam," my dad confronted me.
"I felt disgusted every time I saw her. I can't endure being with Sam dad, at alam mo naman kung bakit."
Sam took the chance to start a quarrel with Serenity.
"Hey, you, flirtatious bitch, how dare you steal my fiancé?"
Saglit siyang natahimik bago kalmadong sumagot.
"Tingnan mo nga yang ginagawa mo, napaka-iskandalosa mong babae, at ngayon nagagawa mo pang magtanong kung bakit mas gusto niya ako kesa sayo."
She slapped Serenity kaya nilapitan ko sila. Sumosobra na ang babaeng ito. Sam hugged me, so I pushed her away. Disgusting.
I hurriedly went to the rest room and vomit. Serenity followed me.
"Napaka-sensitive mo naman. Niyakap ka lang nya ganyan na agad ang naging reaksyon mo. Lalaki ka ba talaga?"
"I felt really disgusted but not just on her. I hate being touched by any woman, but you're an exception of course."
"Ano? Hindi kita maintindihan."
"I have a special condition called 'Gynophobia' so I hate being touched or have any close contact with women. You get it now?"
"Medyo. Kaya pala puro lalaki ang servants mo. Paano ako naging exception?"
"According to my doctor, it is really possible that there is someone na kaya kong lapitan at hawakan."
"Naiintindihan ko na. Gumagabi na Chandler, pwede mo na ba akong ihatid?"
"Not now, I'll bring you to my company first. I will just take a photo of you, then gave it to your mother as an evidence na nagtatrabaho ka talaga sa akin."
I didn't ask for anyone's help. I fixed the light and took a photo myself. Serenity is gorgeous, with or without makeup on.
Serenity's POV
Isang linggo ang lumipas matapos ang huli naming pagkikita ni Chandler. Akala ko hindi na mag-ku-krus muli ang mga landas namin dahil hindi sya basta bastang tao, barya lang sa kanya ang milyones, kaya laking pagtataka ko nang makita sya sa maliit na college school namin bilang guest speaker para sa mga aspiring business accountant na gaya ko. Napaka-professional niyang tao at magaling talagang communicator. Ang lakas ng personality niya. Bakit ang perfect mo, wala akong makitang mali o kulang sayo Chandler.
Pagkatapos ng mahaba-habang talk niya, lumabas ako sa gymnasium. Hindi naman niya ako nakita di ba? Nakakailang pa din talagang maka-usap sya, lalo na't sya ang first… Hayst nevermind.
"SERENITY"
"Chad?"
Nang lingunin ko ang tumawag sa akin, ang mokong palang ex-boyfriend ko.
"Sino si Chad? Two weeks pa lang tayong hiwalay nakahanap ka na agad ng pampalit sa akin."
"Wow namern, look who's talking, tayo pa noong maghanap ka ng bago uy. Kaya wala kang karapatang tanungin ako ng ganyan."
Move on na ako sayo!
Naramdaman ko ang pag-akbay ng kung sino mula sa aking likuran.
"Sino sya Serenity? Iyan na ba ang bago mo?"
"I am a man better than you."
"Chandler? Oo, sya ang boyfriend ko, a thousand times better than you. Kaya pwede ba, layuan mo na ako."
Tamihik lang nya kaming tinalikuran at naglakad palayo.
"Chad, sorry kung sinabi ko yun."
"Like what I've said on my lecture earlier, successful businessmen never turn back to their words. You already said it, so be ready to prove it."
Ibig sabihin ba nun... kami na talaga? Boyfriend ko na sya for real? Napasubo na naman yata ako ah.
"I hahatid na kita Honey."
Honey? Tila nagwala ang puso ko nang marinig yun mula kay Chandler Monte Verde mismo, ang lalaking pangarap ng madaming kababaihan.
"Hindi na kailangan, nakakauwi ako ng mag-isa."
"As your good boyfriend, I will not let you go home alone. From today onwards, parati na kitang ipahahatid at ipasusundo."
"Nahulog ako sa patibong mo Chandler."
PARATI akong binibisita ni Chandler sa school at sa bahay. Palagi daw niyang na mi-miss ang amoy at presensya ko. Drugs ba ako para sa kanya?
Hanggang isang araw, nakatanggap ako ng sulat mula kay Sam. Nag-iwan ito ng babala na kung hindi ko daw titigilan si Chad, manganganib ang buhay ko at ng pamilya ko.
Binalewala ko ang death threat nito. Si Chad ang unang lumapit sa akin, kaya sya na lang ang sabihan niya. Hindi ko na din sinabi kay Chandler ang nangyari.
Hindi ko alam na dahil sa pagsasawalang bahala ko ay mauubos ang pasensya ni Sam. Nagsimula na itong gumawa ng hakbang laban sa akin. Bumayad siya para ipa-bugbog ako, mabuti na lang at agad na sumaklolo ang driver ni Chad.
Sa kabila ng lahat ng iyon, nanatili pa ding tikom ang bibig ko, hindi ko ulit ipinarating kay Chad ang kagagahan ng ex-fiance niya. Sana lang hindi nagreport sa kanya si manong driver.
MAY O6, First month namin as a couple, dinala niya ako sa isang exclusive club. Napaka-ganda ng lugar at kahit saan ka lumingon, pogi lahat ang makikita mo. Member daw ng Adonis Racing Club na iyon si Chandler. Bigatin talaga ang boyfriend kong ito.
Kumain kami sa isang restaurant pagkatapos niya akong ilibot sa village part at sa racing circuit sakay ng Chevy Corvette sports car niya.
"Ren, your name fits your personality, Serenity which means calmness. Hindi pa kita nakikitang mag-panic."
"Anong ibig mong sabihin?At bakit naman ako mag-pa-panic."
"You know what I mean. May gusto ka bang sabihin sa akin?"
"Kagaya ng ano? Wala naman akong sasabihin sayo."
"Yung mga ginawa sayo ni Sam. If my driver didn't tell me, I won't be able to know what happened."
"Kung ano man ang nangyayari sa buhay ko, labas ka na dun."
"What?" napaka-seryosong tanong ni Chad. "Naipakulong ko na ang mga nagtangkang saktan ka. Mag-ingat ka na lang sa susunod."
Tuluyan na syang nag-walk out bago ko pa man naibuka ang bibig ko. Ang driver niya ang naghatid sa akin pabalik sa Maynila.
Ikaw talaga Serenity, ayaw ka na namang mag-iisip!
Hindi ko sinasadyang saktan siya sa mga sinabi ko. Ayaw ko lang na paki-alaman niya pati ang personal na buhay ko. Wala din naman akong ebidensya na si Sam nga talaga ang nasa likod ng lahat ng ito.
Pero, bakit nasasaktan ako ngayong hindi kami okay? Bakit hindi ko mapigilang magalit sa sarili ko dahil nasaktan ko sya? Ano ba sya sa buhay ko? Mahal ko na ba sya?
Siguro nga si Chandler ang dream guy ko dahil napaka-perfect niya. Pero mas gusto ko ang lalaking mahal din ako. Hindi ko alam kung mahal ako ni Chad o option lang niya ako dahil wala na syang ibang choice, ako lang ang babaeng kaya niyang lapitan. Mas naguguluhan talaga ako ngayon. Pero mas natatakot akong mahulog sa kanya tapos ano? Masasaktan lang ulit ako?
Isang linggo syang hindi nagparamdam. Nagpapa-miss ang loko. Hindi ko tuloy maiwasang parati syang isipin. Galit pa ba sya? Kamusta na sya.
Bumalik ako sa reyalidad nang bumagsak sa mismong tapat ko ang isang babasaging vase mula sa second floor, mabuti na lang at may lalaking dumaan na kaagad akong itinulak papalayo.
Muntik na ako dun, pero alam kong hindi iyon simpleng aksidente. Kailan ba titigil ang bruhang iyon? Alam man lang ba niya na isang linggo na akong walang kahit anong connection kay Chandler.
Ang lalaking nagligtas ng buhay ko ay isa pa lang transferee. Tinulungan niya akong pulutin ang nalaglag kong gamit at tinanong kung ayos lang ba ako. In fairness naman, mabait siya at cute.
"Hi, I'm Clyde. Masaya akong makilala ka sa first day ko dito."
"Hello, I am Serenity, ganon din ako."
"Alam mo ba kung saan dito ang room 51? Pwede mo ba akong samahan, kanina pa kasi akong naliligaw."
"Room 51? What a coincidence, doon din ang room ko."
"Coincidence? I think it's destiny Serenity."
Simula noong araw na iyon parati ko nang nakakasama si Clyde. Napaka-friendly nyang tao, kaya madali lang syang makagaanan ng loob. Kung ganito lang sana si Chad, kahit saglit na panahon, ang tawag dun, IMPOSSIBLE.
Nagkaroon ng milagro, sa wakas ay binisita din ako ng lokong iyon. Niregaluhan niya ako ng bouquet of red roses. Time ko na din siguro ito para humingi ng tawad sa kanya.
"Chad, hindi ko sinasadyang saktan ka sa mga salitang binitawan ko."
"I know. Ako ang nagkamali Serenity, iniwan kita ng basta basta. I'm sorry. I miss you so bad Honey."
Kalma Serenity! Pakiramdam ko, ano mang oras ay lalaglag ang puso ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito. Bakit naman kasi bigla-biglang nagpapakilig ang isang 'to.
Marunong palang magpakumbaba at humingi ng tawad ang bossy CEO na nakilala ko. Pero hindi pa din nito mababago ang katotohanang ginagawa lang niya ang lahat ng ito dahil wala na siyang ibang choice. Yun lang!
One time, tinanggihan ko si manong driver na ihatid akong pauwi dahil sa imbitasyon ni Clyde sa akin na bumisita sa bagong bukas na amusement park. Hindi ko inaasahang sa gitna ng kasiyahan namin ay dadating si Chad para sirain ang masayang araw na iyon.
"Serenity, how can you say yes to other man's request without asking your boyfriend's permission first?"
"Chad, nagsasaya lang kami. Ano bang mali dun?"
"I'll send you home."
Hinawakan niya ang kanang kamay ko at hinatak ako paalis pero pinigilan siya ni Clyde nang hawakan naman nito ang kaliwa.
"Clyde sorry, mag-usap tayo bukas sa school."
Habang nasa biyahe, nagsimula na ang matinding giyera sa pagitan namin.
"You didn't gave me a chance to know you more, pero mukhang napaka-close mo sa lalaking iyon."
"Nagseselos ka ba? Chad naman, ikaw ang may gustong makipag-relasyon sa akin nang hindi mo man lang tinatanong kung payag ba ako o hindi. Tapos ngayon, magrereklamo ka."
"So, you don't like it? I'm sorry Ren, but whether you like it or not, you are mine. So, act appropriately."
"Napaka-unreasonable mo."
CHANDLER'S POV
I'm not unreasonable. She's the one who's hard to deal with. Concern lang ako sa kanya, because Clyde is Sam's cousin. Ano na naman bang balak ng babaeng iyon. Para matapos na ang pag-aalala ko, I personally went to Sam.
"What's your plan? Did you send Clyde to ruin us? Sam, you will not succeed."
"Chandler, kilala mo ako. I will do all schemes just to win you back. If my harassment didn't scare her, I will target her weakness instead."
"You're crazy."
"I'm crazy in love with you Chandler. The game starts now."
Umisip ako ng paraan para i-handle ang magulong sitwasyong pinasok ko. There are only two options, break-up with her or protect her at all cost.
I can't bear to lose Serenity. I swear I'll go crazy. I'm obsessed by her smell, her touch, and everything about her. From the very first day that I met her, I know that she's the one I'm longing for.
I texted Serenity to meet her at a restaurant.
"Hihingi ka na naman ba ng tawad Chad?"
"No. I'm here to force you and your family to live in my house at the mean time. Sam is getting more dangerous."
"Hindi namin gagawin yan. Ayaw ko nang magkaroon pa ng utang na loob sayo. Mabuti pa, mag-break na lang tayo."
"I won't let you do that."
"Kung ganon, wala na tayong dapat pang pag-usapan. Aalis na ako."
"Knock her down," utos ko sa mga guard na kasama ko. "I'm sorry Serenity but this is the only way I know to save you."
Pinatulog ko sya, and locked her at my room, hanggang sa matapos ko ang lahat ng plano ko.
SERENITY'S POV
Nang magising ako, nakita ko si Chandler na may kausap sa cellphone niya.
"Bakit mo ginawa yun Chad?"
"Para iligtas ka, as simple as that."
"Hindi ko hinihingi ang tulong mo. Sa katunayan, kung gusto mo talaga akong tulungan, pakasalan mo na lang si Sam at huwag mo na akong guluhin ulit."
"Is that what you want? Why are you always making me feel that I am your life greatest mistake?"
"Oo, yun ang gusto ko. At oo, pinagsisihan kong nakilala kita. Chandler, bakit ba kasi gusto mong ilagay sa kamay mo ang lahat ng bagay. Sarili mo lang ang pinakikinggan mo. Kahit isang beses ba, hiningi mo ang opinyon ko, di ba hindi naman. Ang pinaka-malaking pagkakamali ko sa buong buhay ko ay ang nakilala kita. Para kang trahedyang hindi ko inasahang dadating sa buhay ko, hindi pa ako handa sa ganito Chad. Bakit sayo ko pa ibinigay ang first time ko, dahil doon disappointed talaga ako sa sarili ko."
"Are you done? If yes, you are free to leave. Wag kang mag-alala, I will no longer bother you. Ginawa ko lahat pero ganyan lang pala ang tingin mo sa akin. Maybe, I really don't know how to please a woman because I hate having a close contact with them, sa kabila noon, hindi ko inaasahang ganyan pala ako kasama sa mga mata mo. Sige lalayuan na kita, if that's what you want.
"Chad-"
"One more thing, that night, nothing happened to us. Wala ka nang dapat alalahanin, maidservant ang nagpalit ng damit mo. Wala talagang nangyari sa atin."
Nauna na syang umalis, ang driver niya ang naghatid sa akin pauwi. Malaya na ako, pero bakit sa kaibuturan ng puso ko, parang may mali. Masakit… pero maigi na ito, kesa lalo akong mahulog sa kanya.
Nang makita ni mama ang pagdating ko, kaagad siyang nagtanong.
"Ren, nasaan si Chad? Dapat in-imbita mo sya ngayon. Alam mo bang hindi sya natulog buong gabi, maalis lang ang sagabal sa relasyon nyo."
"Ma, alam mo bang pinatulog nya ako magawa lang ang mga plano niya."
"Nasabi na niya yun sa akin. Ikaw naman kasi, wala kang katiwa-tiwala sa boyfriend mo."
"Hindi pa rin nya dapat ginawa iyon."
"Para yun sayo at para sa matatag na relasyon ninyo. Mama mo ako, kaya alam ko ang makakabuti o makakasama sayo. Napaka-delikado ng Sam na iyon. Alam mo bang sya pa mismo ang pumunta dito para gawan ako ng masama, mabuti na lang nasabihan agad ako ni Chad na magtago muna bago dumating ang bruhildang iyon. Nagpadala si Chandler ng pulis para arestuhin si Sam, nang mga sandaling iyon, hawak na niya ang mabibigat na proweba na talagang lumabag sa batas ang ex-fiance niya, sapat na para ipakulong ito. Hindi mo sya binigyan ng pagkakataon na patunayan ang sarili niya sayo kaya kinailangan ka niyang patulugin. Nakita ko kung gaano ka niya kamahal anak. At sigurado akong magiging mabuti syang asawa para sa unica-hija ko."
Tuluyan nang pumatak ang mga luha ko. Nasaktan ko na naman siya. Hindi talaga ako karapat dapat para sa kanya. Matapos ang lahat ng ginawa niya para sa akin, para sa amin, masasakit na salita pa ang iginanti ko.
Ilang araw ang mabagal na lumipas, pinaniwala ko ang sarili ko na bibisitahin ulit ako ni Chandler. Na hindi nya ako matitiis. Kung gagawin nya yun, sasabihin ko na sa kanyang mahal na mahal ko sya. Pero hindi na sya dumating para suyuin ulit ako. Machine nga na walang puso napapagod, tao pa kayang kagaya niya.
Narinig ko ang sunod-sunod na katok sa pinto. Si Chandler na ba yun? Nabuhayan ako ng loob, pero agad din naman itong napawi nang makita ko si Fabian, isa sa member ng ARC na nakilala ko nang minsang ipasyal ako doon ni Chad.
"Serenity, magbihis ka na bilis. Si Chad-"
"Bakit? May nangyari ba sa kanya?"
"Disaster."
"Huh?"
"Mag papakasal na ulit ang mokong na iyon. Hindi ba kaka-break nyo lang? Sinisira nya ang repustasyon ng Adonis boys, at sa club pa nya mismo naisipang gawin ang ceremony. Pigilan mo sya Serenity."
Walang alinlangan akong sumama sa kanya. Hindi naman pwedeng magpakasal agad si Chandler ng hindi pa nya naririnig ang totoong nararamdaman ko. At bukod doon, 15 days pa lang simula nung maghiwalay kami. Baka nabibigla lang siya sa desisyon niyang magpakasal.
CHANDLER'S POV
Nang araw na iyon, dumating si Serenity. Anong ginagawa niya dito sa club? Sinong sira-ulong nagdala sa kanya dito?
"Itigil ang kasal," sigaw niya.
Nagulat ako sa ginawa niya. Nag-iba yata ang ihip ng hangin. Pero gusto ko ito.
The guards tried to block her way, pero hindi sya nag-papigil.
"Wag nyo syang hawakan. Why are you interrupting my wedding Serenity?"
I slowly walked towards her.
"Chandler, alam mo naman sigurong hindi mo kayang lumapit sa mga babae hindi ba? Kaya kapag itinuloy mo ang kasal na ito, baka pagsisihan mo lang."
"That's none of your concern. Hindi mo na kailangang mag-alala, I was already cured and thanks to you. Simula nang lapitan kita, nasanay na ako sa presensya ng mga babae."
"Kung ganon… hindi mo naman sya mahal di ba? 15 days pa lang tayong hiwalay kaya-"
"Ano ba talagang gusto mong sabihin? Tell me directly-"
"I love you Chandler. Mahal na mahal kita. Pinagsisihan kong sinaktan na naman kita sa mga sinabi ko sayo."
"Anong maipapangako mo para itigil ko ang kasal na ito?"
"Bakit ako ang mangangako?"
"Ayaw mo? Kung ganon itutuloy-"
"Hindi, hindi, ano... Ipinapangako ko na papayagan na kitang kontrolin ang buhay ko, dahil ang gusto mo lang naman ay ang makakabuti para sa akin. Mamahalin kita habang buhay at-"
"Every girl can do that. You're just wasting my time. Umuwi ka na lang Serenity."
"Chad, hindi ako mabubuhay ng wala ka. Pero kung sasabihin mong mas mahal mo talaga sya kesa sa akin, hindi ko na kayo guguluhin ulit."
I grinned. She's getting wiser.
"You know that I love you more than anyone else, kaya paano ko sasabihin yan?"
"Talaga?"
I saw that attractive smile on her lips. She took a deep breath and wrapped her arm around me.
"I'm still obsessed with the woman who dares to hurt my feelings. I miss your smell, I miss you Honey."
"Totoo ba yan? Kahit may option ka na. Ako pa din talaga?"
"And who told you na mahal lang kita dahil wala na akong option?"
"Kalimutan mo na yun, ang mahalaga ngayon, akin ka na ulit."
"I am forever yours, so marry me now."
Lumapit sa amin si Gavin na naka- make-up at wedding gown pa din ng mga sandaling iyon.
"E, pano naman ako?"
Nakakasuka talaga siyang tingnan. He's handsome as a man, but being a woman, yucks…
"Gavin?" Naningkit ang mga mata ni Serenity."Anong ibig sabihin nito Chad? Pinaglalaruan nyo ba ako?"
"Hindi Ren, nagulat din akong pumunta ka dito para pigilin ang kasal-kasalang ito. Nakakahiya sayo. Actually, parusa ito sa amin ni Gavin dahil natalo kami sa racing match kahapon."
"FABIAN. Wag kang magpapakita sa akin!"
"Wag ka nang magalit honey. Their plan is perfect, isn't it? Nagka-ayos na tayo, and thanks to them."
"Tama ka naman dyan. Sige, I'll marry you."
"Really?"
Hindi ko na sya hinintay pang sumagot, I captured her lips with mine. I was sharing my feelings for her and she was loving every minute of it. Our kisses became deeper and more passionate. She clung her arms around my neck and answered my kisses ardently.
The end.