Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Sana ngayon lang ang kahapon

🇵🇭Gabe_Fuentes
--
chs / week
--
NOT RATINGS
2.7k
Views
Synopsis
Sabi nga, mahirap magmahal ng kaibigan. It's hard to reveal your true emotions but its hard to keep and swallow your pain. You are afraid that something might change. This story is all about love and friendship. Magkaibigan matalik sina Eunice at Jonathan hanggang sa matuklasan nila na higit pa sa pagkakaibigan ang kanilang nararamdaman para sa isat-isa. Akala ni Eunice ay ganoon lang kadali ang magmahal. Basta mahal ka at mahal mo ay okay na. Lahat nang pagmamahal ay ibinigay niya kay Jonathan. Huli na nang marealized niya na wala na siyang itinira para sa sarili. Iniwan rin siya ng lalaki at biglang naglaho. Ang pagmamahal niya kay Jonathan ay napalitan ng poot. Ang masakit pa ay nag-iwan ito ng alaala na magiging bahagi ng buhay niya upang hindi ito makalimutan. “It is hard to forget someone who gave you so much to remember.” SANA NGAYON LANG ANG KAHAPON.

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - CHAPTER ONE

                                                                   

 Nakangiti si Eunice habang may iniisip nang biglang dumating ang kanyang kaibigan. 

                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                                        "Hanggang dito ba naman iniisip mo pa rin ang Nikko na i'yon? Magtatampo na ako sayo niyan." pukaw sa pagmumuni muni niya ng kababatang si Jonatahan. Nasa maliit na kubo silang dalawa nang mga oras na yon. Magsasaka ang ama niya samantalang anak ng mayor ang matalik na kaibigan niya. Si Jonathan Miranda, ang nag-iisang kaibigan niya. Mayaman ang pamilya nito at kilala sa buong Isabela. Pitong-taon na silang magkaibigan.

 

Tumaas ang kilay ni Eunice sa kaibigan.

 

 "Alam mo naman diba na crush na crush ko si Nikko? At saka sa pangarap ko lang siya pwedeng makasama" kinikilig nya pang sagot dito na ang tinutukoy ay ang isa sa baguhan kaklase nila. Bakit ba kasi nandito ka?"

                                                                                  

    "Wala lang akala ko kasi makakahanap ako ng matinong kausap. Nagkamali pala ako." nagtatampo nitong sabi kay Eunice pero umupo naman sa bakanteng upuan kung saan sya nakaupo. Alam niyang may problema na naman ito sa pamilya kaya ito madaling magtampo.

 

     "Bakit? Anong tingin mo sa akin hindi matino?"

 

     "Iba naman kasi ang nasa isip mo palagi. Parati nalang bang si Nikko ang nasa isip mo   samantalang nandito naman ako? Paghihimutok nito na tinuro pa ang sarili.

 

      "Pwede ba huwag mo akong dramahan. Crush ko lang yun. Ikaw pa rin ang kaibigan ko at alam mong hindi kita ipagpapalit diba?" nakangiting wika ni Eunice sa kaibigan. Alam niyang nagseselos na naman ito. Palibhasa kasing nasanay ito na silang dalawa lang ang magkasama.

 

       "Kahit na sa lalaking iyon?" Pangungulit pa nito sa kanya.

 

       "Pwede naman sigurong kayong dalawa ang piliin ko diba? Parte ka na ng buhay ko. Bata palang tayo magkaibigan na tayo. Si Nikko naman ay iba, dahil gusto ko siya." Di mapigilang pag-amin sa nararamdaman niya. Ewan niya ba kung bakit todo ang pagkagusto niya kay Nikko samantalang bagong kakilala niya lang ito.

 

        "You're only fifteen para isipin ang ganyang bagay." Masungit nitong sagot.

         "Puppy love lang ito kaya wag mong masyadong seryosohin syempre gusto ko munang magtapos ng pag-aaral bago ang lahat. Gusto ko may matino na akong trabaho bago ako pumasok sa pag-aasawa para hindi naman ako mapahiya sa pamilya ni Nikko." pang aasar pa ni Eunice.

 

         "Mamasyal na nga lang tayo para mawala sa isip mo yang Nikko na yan." Yaya  ni Jonathan kay Eunice sabay hila sa kamay.

 

          Payat si Jonathan pero mataas ito kahit na sixteen palang ito. Buwan lang ang pagitan ng edad nila. May pagka-tsinito ang mga mata. May dimple sa magkabilang pisngi na lalong nagpapagwapo kapag ito ay nakangiti. Hindi niya masisisi ang mga kaklaseng babae kung bakit panay ang papansin sa kaibigan niya. Ang iba nga ay naiinggit sa kanya dahil parati nyang kasama si Jonathan. Kung may nagtataka man sa pagiging close nilang dalawa ay tinatawanan nalang nila. Alam niya sa sarili nya na kaibigan lang ang turing niya sa lalaki. Ganun din naman si Jonathan sa kanya.

 

           "Punta tayo sa bahay, nagluto si nanay ng kakanin?" yaya ni Eunice sa kaibigan habang naglalakad.

 

           "Aba gusto ko yan. Ang bait talaga ng nanay mo." turan nito sa kanya na malungkot ang mga mata at alam niya kung bakit dahil hindi sya tanggap ng pamilya nito dahil mahirap lang sila. Kailanman ay hindi siya madala ni Jonathan sa bahay ng mga ito. Wala naman kaso sa kanya yun. Ang importante ay si Jonathan. Ang ama ni Jonathan mabait sa kanilang mahihirap pero hindi siya sigurado kong totoo ang pagiging mabait nito dahil alam niyang kailangan lang nito ang maging mabait dahil isa itong pulitiko, aminin man natin kailangan nilang maging mabait para makakuha ng botante na boboto sa kanila.

 

          "Wag ka nang malungkot diyan, balang araw matatanggap rin ako ng mga magulang mo lalo na kapag naging mayaman na ako at sana sa panahon na yun magkaibigan pa rin tayo." Nakangiti niyang wika sa kaibigan. Niyakap niya pa ito sa bewang. Samantalang ginulo naman ni Jonathan ang buhok nila. Ganun sila kung mag-asaran. Napuno ng mga ngiti ang dinadaanan nila.

 

*********************************

             

     HINDI MAPIGILANG MABATUKAN ni Jonathan si Eunice dahil sa pagtitig sa katabi nilang si Nikko. Naiinis sya dahil kailangan pa nilang magmadali sa pagpasok para makatabi nito ang lalaki. Unang pasukan nila sa huling baiting ng highschool ng mga araw na yon, magclassmate pa rin sila ng kaibigan at syempre pati rin si Nikko. Hindi niya gusto na maging kaklase ang crush ng kaibigan.\

 

     "Bakit ka ba nambabatok?" Mahina ang boses na baling ni Eunice sa kanya. Inayos pa nito ang buhok na nagulo.

 

     "Laway mo kasi tumutulo na." sagot niya.

 Bigla pa siyang natawa ng biglang nitong punasan ang gilid ng bibig. Napakaamo ng mukha ni Eunice at hindi niya mapigilang matawa sa pagiging inosente nito. Kahit malupit sa kanya ang mundo. Si Eunice ay sapat na. Buo na ang araw niya kapag nakakasama niya ito.

 

      "Niloloko mo ba ako?" Galit na tanong nito sa kanya.

 

      "Nakatulala ka kasi diyan sa katabi mo parang wala kang katabi dito sa kanan kung makatitig ka diyan sa kaliwa mo!" nakasimangot niyang sagot ditto.

 

      "At bakit naman parang pinagsakluban ng langit at lupa yang mukha mo dapat nga excited ka dahil first day of school na naman!" irap sa kanya n Eunice.

 

      "Kanina excited ako kasi napag-alaman ko na classmate pa rin kita pero nang makita kita na tulala ka na naman diyan sa katabi mo parang gusto kong lumipat ng ibang section."

 

       Napasimangot si Eunice sa sinabi ng kaibigan. "Kaya mo akong iwan dito? Bakit parang napapansin ko na parang ayaw mo na may ibang lalaki akong nagugustuhan?"  Tanong sa kanya ni Eunice kaya natigilan siya. Bahagya ring namula ang mukha niya sa tanong nito.

 

        "D-ahil nakakalimutan mo na may kaibigan ka!" tanging nasagot niya. Kinuha niya ang bag sa likuran ng upuan at lumabas ng klase. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit inis na inis siya kay Eunice. Pakiramdam niya ay unti-unti na itong nawawala sa kanya, palibhasa kasi ay nasanay siyang ito lang ang tanging kasama.

 

************************

 

NAPATINGIN si Eunice sa katabi. Nakatitig pala sa kanya si Nikko kaya hindi niya pinansin ang kaibigang nag-walk out.

 

        "What's wrong? Bakit parang ang lalim ng buntong hininga mo?" Tanong sa kanya ng lalaki na ikinagulat nya dahil for the first time kinausap sya nito. Tahimik lang kasi ito palagi kaya kahit noong bagong transfer ito hindi siya nito kinakausap.

 

         "A-hh wala, pasensya kana kung naistorbo ka." natataranta niyang sagot. Pakiramdam nya namula ang buo nyang mukha ng humarap ito sa kanya at ngumiti.

 

         "No problem Eunice." Muling ngiti nito. Mas hamak na Malaki ang katawan ni kaysa kay Jonathan.

 

          Akala nya magiging masaya siya kapag napansin siya ni Nikko pero nagkamali sya dahil iniisip nya pa rin si Jonathan. kanina pa kasi ito hindi bumabalik ng classroom nag-aalala sya na baka may nangyaring masama dito. Nagsimula na ang klase nila ay wala pa rin ito. Nanibago siya sa pagtatampo ni Jonathan. Kahit minsan never itong nagtampo sa kanya. Madalas kasi ay siya ang tupakin. Hindi siya mapakali sa kanyang upuan. Panay ang tingin niya sa labas ng bintana.

 

           "Iniisip mo ba si Jonathan?"  tanong sa kanya ni Nikko.

 

           "Oo. Hindi pa rin kasi siya bumabalik. Baka mamaya may masamang nangyari dun." nag-aalala niya pa ring sagot dito.

 

            Nagulat nalang si Eunice ng biglang tumayo ang lalaki at lumapit sa guro nila tila may binulong ito.

 

          "Anong tinanong mo?" Nagtataka niyang tanong dito.

 

         "Di ba sabi mo nag-aalala ka na baka may masamang nangyari kay Jonathan kaya tinanong ko si teacher kung nagpaalam sa kanya si Jonathan. Lumipat pala si jonathan sa ibang section kaya wala siya rito nagtataka nga rin si teacher kung bakit sya lumipat." Mahabang sagot ni Nikko sa kanya.

 

          Hindi namalayan ni Eunice na tumutulo na pala ang luha niya sa sinabi ni Nikko.

 

"Wag kang mag-alala magkakaayos rin kayo." pag-aalo nito sa kanya na pinunasan pa ang mga luha iuya. Sa halip na kiligin siya sa ginawa ng lalaki lalo pa siyang naiyak Ngayon lang kasi sila magkakahiwalay ng silid aralan. Simula ng maging magkaibigan sila ay never itong humiwalay sa kanya.

 

            Hinintay niya si Jonathan sa uwian pero nakauwi na raw ito sabi ng kaklase nito sa kabilang section. Alam nyang iniiwasan siya nito. Nagdaan ang mga araw na hindi niya ito nakakakusap. Nakikita nya naman ito sa loob ng kampus pero hindi nya naman malapitan. Marami na rin itong kaibigang babae at lalaki. Ang tingnan siya ay hindi nito ginagawa. Iniisip niya tuloy na baka kinalimutan na sya ng matalik na kaibigan. Kung noon binabalewala niya lang ito, ngayon ay naramdaman niya ang kahalagahan nito. Walang araw na hindi niya iniiyakan ang pag-alis ni Jonathan sa buhay niya. Parang wala silang pinagsamahan. Kahit nga kaarawan niya ay kinalumutan nito.

 

         Nagulat nalang si Eunice nang mabalitaan niya na may nililigawan si Jonathan. Masakit man aminin pero nasasaktan siya dahil kapag may nagugustuhan ito siya ang unang nakakaalam. Siya ang unang sasabihan nito. Tatanungin muna nito kung papasa ba sa kanya at syempre ang isasagot niya ay hindi. For her, Jonathan deserved more.

 

        "Malungkot kana naman. Kalimutan mo na insan si Jonathan parang kinalimutan kana rin niya. Mag-move on kana. Kung siya nga nakahanap na ng nobya bakit kaya hindi mo subukang sagutin si Nikko total naman matagal ng nanliligaw sayo ang lalaki." turan sa kanya ng pinsang si Nicole. Kaklase rin nila ito ni Nikko.

 

Nang-iwan siya ni Jonathan ay dumating naman sa buhay niya si Nikko tatlong buwan na siya nitong nililigawan pero hindi niya pa rin magawang sagutin. Palagi niya pa naman noon sinasabi na kapag niligawan siya ni Nikko sasagutin niya agad at na talaga namang ikinagagalit ni Jonathan dahil parati nitong sinasabi sa kanya na magpakipot naman sya.

 

      "Akala ko dati kapag niligawan ako ni Nikko sasagutin ko agad siya pero hindi pala. Pakiramdam ko may ibang gusto ang puso ko." madamdamin niyang pag-amin dito.

 

      "Matagal ko nang halata yan insan. Simula nang hindi na kayo magkaibigan ni Jonathan napansin ko ang lungkot sa mga mata mo na tanging si  Jonathan lang ang nakapagbibigay ng ningning lalo na kapag magkasama kayo." Madamdaming sagot  Nicole sa kanya.

 

      "Miss na miss ko na siya Nicole at tama ka mahal ko pala si Jonathan hindi lang ngayon kundi noon pa hindi ko nga lang alam. Ang sakit pala sa pakiramdam kapag abot kamay mo lang ang isang taong mahal mo na hindi mo alam kong makakasama mo pa." Napahaguhol siya sa pinsan niya at agad naman siya nitong niyakap. "Naging busy ako noon na mapansin ni Nikko samantalang nandiyan lang pala sa tabi ko ang hinahanap ko na kayang buuin ang araw ko. Siguro nasanay lang ako na palagi siyang nasa tabi ko. Hindi ko siya pinahalagahan." Dagdag niya pa. Simula nang hindi na siya kinibo ni Jonathan ay naging malungkutin na siya. Ang niyang may kulang. At si Jonathan iyon.

 

      "Tahan na insan pinagtitinginan na tayo ng mga tao." Saway sa kanya ni Nicole. Ito na mismo ang nagpunas sa luha niya.

 

      "Wala akong pakialam gusto kong iiyak ang kasawian ko dahil nasasaktan ako." Wika pa ni Eunice. Tumigil lamang siya sa pag-iyak nang malapit na sila sa bahay. Hindi niya rin masabi sa mga magulang kung ano ang dahilan kung bakit hindi niya na nakakasama si Jonathan. Pero kahit na hindi magtanong ang mga magulang niya ay nararamdaman nito ng lungkot niya.

 

Inayos niya ang sarili upang hindi mapansin na galing siya sap ag-iyak.

 

"Hindi ka ba muna papasok ng bahay?" tanong niya kay Nicole. Hindi kalakihan ang bahay nila. Gawa lamang sa plywood ang dingding at pawid ang bubong. Hindi tulad ni Jonathan. Langit ito at siya ang lupa.

 

"Hindi na insan. I'm sure nagwawala na naman si Nanay dahil iisipin nun naglakwatsa na naman ako." Wika ni Nicole. "Basta insan, cheer up lang ha? Hindi pa end of the world." Dagdag pa nito kaya napangiti siya. Tama ito, hindi pa end of the world para magluksa siya. Bata pa siya. Kung kinalimutan siya ni Jonathan dapat na rin sigurong turuan niya ang puso. Sanayin na hindi niya na ito kailangan.

 

Kumaway siya sa pinsan nang magpaalam ito sa kanya. Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam niya.