Bzz Bzz Bzz. It was my damn alarm. Sarap pa naman nang tulog ko pero kailangan kong pumasok. Magkapag-ready na nga.
"Ano! Mamaya kana sana babangon." bungad sa akin nang aking ina nang pababa ako nang hagdanan.
"Anong oras na kayong natapos magsigawan tapos ang aga niyo pa pong bumangon. Nakahit-hit kayo?" Tanong ko sa kanya habang may nagkapag-uyam na ngiti.
"Bastos kang bata ka a. Napakabastos mo! Saan mo natutong sumagot nang ganyan? Saan mo natutong sumagot nang ganyan a!" Sigaw sa akin nang aking ina nang malagpasan ko siya.
"Saan pa nga ba? Sa tingin mo, ma?" Huminto ako at humarap sa kanya.
"Manang-mana ka sa tatay mo. Nagkakabuwisit kayo. Letse!" Sigaw niya habang tinapon ang tasa nang kape.
"Hindi naman lahat kay papa ko minana, pakinggan niyo boses niyo. Nakalunok po ba kayo nang megaphone? Ako, tinanong niyo po ba kung hindi ako nabubuwisit? Buwisit na buwisit na din ako. Papasok na ako. Magtricycle na lang ako. " Sabi ko habang palayo at sinisipa-sipa ang basag na tasa.
"Magtricycle ka kung yan ang gusto mo. Dagdagan ko na lang allowance mo, bahala ka sa buhay mo." Sigaw ni mama sa'kin.
"Ser, okay lang po ba kayo?" Nagulat ako sa boses nang driver.
"Kanina pa po kayo tulala a? Kanina ko din pa po kayong tinatanong e. Pasensya na ser! Hindi po kasi kayo nakauniform kaya hindi ko alam." Malumnay na sabi nang driver.
"Pasensya na din po, manong a. Dyan lang po sa may Hera university." Sabi ko habang minamasahe ang aking ulo. Nakakainis!
"Sobra po, ser. Singkwenta lang po ang pamasahe." Sabi nang driver nang maibigay ko ang isang daan.
"Ayos na po yan, manong! Magandang araw po at salamat sa paghatid." Kinaway ko siya bago naglakad palayo.
"Salamat, ser. Pang-almusal na po to namin. Ingat po kayo, ser!" Sigaw nang driver na may malaking ngiti sa labi.
"Good Morning, hottie" Bati sa'kin nang aking kaklase na si franny. Nagpapacute pa ang baliw.
"Good Morning too, Miss. Pretty" Bati ko sa kanya sabay kindat at umupo sa aking upuan.
Kitang-kita ko ang pamumula nang kanyang pisngi at pamimilog nang kanyang mata.
"Miss. Pretty?" Tanong niya sa'kin habang nagpapacute at animo'y binabalandra ang kanyang pekeng pilik-mata. Hablutin ko kaya?
"Oo, Miss. Pretty! Why? Ayaw mo?" Tanong ko sa kanya habang ngumingiti.
"Gustong-gusto a!" Sabi niya at sabay tili. Pulang-pula ang pisngi habang tumatalon-talon.
"Hoy, Franny! Ang aga mo naman dyan? Kumakareng-keng kana ba dyan?" Bati kay franny nang kanyang kaibigan na baklita at mga kasamahang babae na akala mo, may pageant na sasalihan.
"Hi, Ladies! Good Morning. Breakfast? We still have 15 minutes." Tanong ko sa kanila nang may kasamang ngiti.
"Ako ang taya, tara!" Dugtong ko.
"Bakla, nanaginip ba tayo? End of the world na ba? Juskooooooo! Fafa, sasama ako kahit ako pa ang ibreakfast mo." Sabi nang baklita habang may pakapit sa lamesa.
"What's your name, pretty?" Tanong ko sa baklita na animo'y nasasapian nang malanding spiritu.
"Mitch! Mitch, fafa!" Sagot niya habang hinahawi ang kanyang mahabang buhok.
"Tigilan mo yang kalandian mo, Michaello Dela Cruz, Sr." Sabi nang isa niyang kasamahan at nagtatawanan sila.
"Mukha pa akong babae sayo, bakla. Mahiya ka naman." Pagtataray ni mitch kuno.
"Retoke yan, bakla. Hindi ka nga pinapansin nang pamilya mo e. Kung hindi lang dahil sa ate mo at katalinuhan mo. Yan kasi e pang-tuition ginamit sa retoke. Ang taas nang pangarap sa buhay." Sabi nang isa niyang kasama na chinita.
Natahimik ang bakla tila naubusan nang sinabihan. Mangiyak-iyak na siya! Insulto yun a.
"Maganda ka? Magkapanglait ka a wagas. E kung retoke? Pero mo ba. Gusto niya lang magpaganda, pakialam mo ba? Masyado kang pakialemera. Masama bang mangarap nang mataas? Insecure ka sa beauty niya? Paretoke ka din nang hindi ka mamumukhang labandera niya." Napintig ang tainga ko sa narinig at hindi ako nagkapagtimpi.
Naawa ako sa baklita na tahimik lang sa isang tabi at mangiyak-ngiyak na. Dinale kasi sa kahinaan.
"Maganda ka sana kaso pakialamera ka." Bilog na bilog ang mga mata niya sa sinabi ko.
"Ano sabi mo? Hoy! Transfer ka lang a? Huwag kang umastang siga dito. Labandera? Sa mukha kong to? Hah! Wala ka bang taste?" Inirapan niya ako at kita mo sa mukha niya ang galit.
Nagtitinginan na ang mga kaklase at napapalibutan na din kame.
"Wow a? Bukod sa pakialamera masyado ka din pa lang feelingera. Buti nga labandera hindi namamalimos sa kalsada. Hindi ka ba tinuruan sa inyo nang tamang asal? Nakakaawa kang bata!" Hindi ko alam kung galit ba siya o naiiyak na. Pulang-pula ang kanyang mukha.
"Ou nga, trixie. Grabe talaga ugali mo. Hindi porke't abogado magulang mo. Palagi mo na lang kaming nilalait, hindi porke't maganda ka." Sabi nang isa namin kaklase.
"Maganda? Saan banda? Abogado a! Bakit bobita ang anak at ugaling palengkera? Kulang sa aruga?" Sabi ko as a matter of fact.
"Class? Ano yan!" Hindi namin napansin na pumasok na si Mrs. Eijansantos
"Wala po, ma'am." Sabi nang aking mga kaklase.
"Mister. Valencia? May problema ba?" Tanong sa akin ni Mrs. Eijansantos
"Meron, Ma'am. Kausapin niyo to si Miss. Laitera nilait ni si Miss. Pretty!" Sabi ko habang nakatingin sa babaeng laitera.
"What's wrong Miss. Delgado and Yes? You!" Hindi niya naituloy ang sasabihin, tinuro niya lang ang baklita.
"Nothing Ma'am. Maayos din po namin ito at the end of the day." Sabi nang delgadong iyon. Delgado pala a.
"Mickey ba pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi. Bakit?" Sagot niya na may halong pagtataka.
"Ay akala ko Mickey Mouse." Tumawa ako nang malakas ganun din ang mga kaklase ko.
"Class, Enough! Huwag niyo naman ako bigyan nang sakit sa ulo. Ganito ba kayo for the whole year?" Boses nang aming guro na mukhang naiinis na.
"Classmates, Hush! Let's sit and attend our class." Sabi ko habang pailing-iling.
"Class, alam niyo naman ata mga behaviour niyo kaya kung bakit kayo nandito sa seksyon T? Hindi ba. Samu't saring reklamo bawat isa sa inyo noong grade school pa kayo kaya dito kayo tinapon. High school na kayo ngayon, Sana naman! SANA. Maging mabait naman kayo." Halata sa boses ni Mrs
Eijansantos na nakikiusap siya.
"Mister. Valencia? Bakit ka nga pala dito tinapon hindi sa unang section? You have a good grades." Tanong sakin ni Mrs. Eijansantos
"Guwapo daw po kasi ako. Kaya palagi akong may tsokolate sa mesa kaya kahit oras nang klase pinamimigay ko, lalo na pagMath subject or Science. Pampagana!" Sabi ko na may ngiti sa labi.
"Yun lang?" Tanong niya ulit sakin. She sounds curious.
"Meron pa po. Pero hindi Masyadong Big deal." Sagot ko sa kanya.
"Jusko naman! Mga bata kayo. Hala humanda kayo paparating na ang mga transeferee!" Sabi ni Mrs. Eijansantos.
Nagtitilian ang mga kababaihan at nagbubulong-bulungan.
//Hindi ako naging busy today kaya nagkapagsulat ako. Akala ko next week pa ako magkapag-update.
Happy Reading po. Have a nice day! 💕