Chereads / Isla Cabrela / Chapter 3 - Prologue

Chapter 3 - Prologue

"Row, row, row your boat gently down the stream." I paused.

Nilibot ko ang paningin ko sa buong tanawin, bilugang isla, puting buhangin, kay gandang dagat pero hindi ko magawang lumabas.

"Merrily, merrily, merrily life is full of dreams." Just from that, my tears fell.

Hindi dahil sa mahina ako kundi dahil sa mapait na katotohanan.

I am a woman with dreams, woman with a bold and tough heart but how can I face reality when I jailed myself alone.

"Mommy…" Napalingon ako sa gilid ng marinig ang munting tinig.

"Good morning baby." I greeted him with a smile, and walked towards his wooden bed.

"Mommy, napanaginipan ko si daddy kagabi." Sinadya kung talikuran siya at kunwareng inaayos ang papag na hinigaan niya.

Takot at muhi ang namayani sa akin. Nagtaasang balahibo at nanunuyong lalamunan.

Hindi ko alam paano kausapin ang anak ko tungkol sa ama niya.

"I saw him mommy, sigurado akong nakilala ko siya pero noong nagising na ako tila nawala yung deskripsyon ng mukha niya sa isip ko." Hindi ko siya sinagot, wala akong masagot.

Pilit akong ngumiti ng tumama ang paningin naming dalawa, puno ng galak at tuwa ang mukha niya habang kinekwento sa 'kin ang panaginip niya.

"Mommy, nasa'n ba si daddy?" Agad akong napangiwi ng matisod ako sa harang na kawayan sa kwarto niya.

Ito yung araw na pinaka-ayaw kong dumating.

Ang kuwestiyunin niya ako tungkol sa ama niya.

"Mommy, bakit hindi umuuwi dito si daddy?" Nanatili akong tahimik habang pinupulot ang laruan niya.

Umakto akong walang narinig at hinayaan lang siyang magsalitang mag-isa. Bawat bukas ng bibig at ama niya ang sinasambit parang gusto ko na lang umalis at iwan ang lahat na nakakapag-paalala sa ayaw kong nakaraan.

Blanko ang ekspresyong nilingon ko siya, sinuri ang kanyang mukha hindi ko maiwasang lukubin ng galit at sakit.

Kung wala lang ako sa tamang pag-iisip ay pati anak ko nasaktan ko na.

"Sa tingin mo po ba my---mommy tahan na po!" Tarantang napatalon ang anak ko sa higaan niya at dali-daling inabot ang suot ko para payukuin ako.

"Hindi na po ako magku-kwento tungkol kay daddy, my tahan na." Rinig ko ang pagsinghot ng anak ko, sa kadahilanang umiiyak na rin siya.

Umiling-iling ako at hinaplos ang likod niya.

"Hindi ko pinagkakait sayo ang lahat, isa lang ang gusto ni mommy sayo. Nandito man o wala ang daddy mo ayokong siya ang bukambibig mo lalo na pag kasama mo ako." Selfish na kung selfish, pero ayokong maging sinungaling at paasahin ang anak ko.

Kung ang iba ay kayang pagtakpan ang ama ng anak nila, ako hindi, ayoko.

Mas lalong lumakas ang hikbi ng anak ko, naiintindihan ko siya. Mulat siya sa mundong ako ang kasama, pamilya at kaibigan ko pero ang ama? Wala.

"Ibibigay ko sayo ang lahat, ikaw man ang nagpapaalala sa kadiliman ko pero ikaw na ang mundo ko. Kalimutan mo lang sana yung taong kasama kong bumuo sayo." Bulong ko kasabay ang paghaplos sa buhok niya.

Bagsak ang kamay at bagsak na nakapatong ang ulo niya sa balikat ko, nakatulog na naman siya.

Agaran ko siyang binuhat para ipahiga ulit sa papag. Maga ang mata niyang hinaplos ko ito.

Pasensya na't nasasaktan ka sa kaduwagan ko, pasensya na kung sa murang edad pilit kong ipinapaintindi sayo na sana lumaki kang hindi makilala ang ama.

Kasi kahit ako, hindi ko siya kilala.

Mukha mo lamang ang nagpapaalala sa lahat ng hirap na dinaanan ko pero kahit ganoon mamahalin kita.

Sana hindi ka tumulad sa iyong ama…