Chereads / The Death Strand (School Of Lies) [On Going] / Chapter 3 - Chapter 3: First Day

Chapter 3 - Chapter 3: First Day

Alyona's POV

First day ko ngayon sa papasukan kong school, wala pa akong uniform since magsisimula palang ako. Kinakabahan tuloy ako, sure ba talaga to? Ipapaubaya ko na tong passport ko? Ano ba yan, di ko naitanong kay Kristine ang tungkol sa contract. What if tumagal ang kontrata ko edi magtatagal din bago ko makuha ang passport ko.

Pwede kayang mag suggest kung hanggang kelan lang ako sa school? Antanga ko naman sa part na di ko natanong ang mga tanong ko sa isip ngayon, tawagan ko kaya si Krsitine? "Gaqi, di ko pala nakuha ang number nya last week"  dismayadong sabi ko but then Angelie cross my mind, dali dali ko syang tinext kasi masyado pa namang maaga para pumasok.

"Ang qaqa, ayaw ata mag reply"  sabi ko ng matapos akong magsuklay at isiukbit ang bag, mataas pa naman tong floor ko kaya sisimulan ko ng maglakad-lakad. Kelangan ko ring maghanap pa ng taxi, napag-isip isip kong I need to be early, syempre first day na first day ko kaya dapat maaga pa ako sa maaga. Charrr.

Angelie suddenly called me kaya sinagot ko naman agad ang tawag.

Angelie:  Hoyyy, qaqa. Ibang number na gamit nun ngayon.

Me:  Huh? Seryoso? Sige na akin na number nya, nakalimutan ko kasing kunin last week.

Angelie:  Bakit mo need number nya? Mahirap hanapin yun, tsaka bigla bigla nalang yun nagtetext sa akin ng ibang number, halos sampung number na nagamit nyan sabi nung isa ko pang kaibigan which is sya ang nag recommend sa akin kay Kristine.

Me:  Aba! Di kaya scammer yun?! Nakuuuu Angelie--

Gaqi bigla akong natapilok pagkalabas ko ng elevator, buti nalang walang katao-tao at buti nalang di ganun kasama ang pagkakatapilok ko kaya di sumakit, slight langss.

Angelie:  Don't worry, isinama na ako dati ni Raven dun sa school na pinapasukan ni Kristine. Nakita ko dun si Kristine, nasa principal's office sya may ginagawa. Teka, ano ba kasi ang itatanong mo sa kanya?

Me:  Nakalimutan ko kasing itanong sa kanya--

Angelie:  Ano nga para maitanong ko pag nag text sa akin o kay Raven.

Nagdadalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba ang itatanong ko kay Kristine, baka biglang magtanong tong si Angelie sa itatanong ko tapos tanungin pa ako kung hanggang kelan ako dito tapos magdadrama na naman yun, hayyss kakaumayyy huwag na nga lang.

Me:  Itatanong ko lang kung anong size ng bra nya.

Angelie:  Gaqi ka!! HAHAHAHA kala ko naman kung ano ng itatanong mo-- hoy!!!

Bigla akong nakarinig ng kung ano sa kabilang linya kaya nagtaka ako.

Me:  Angelie?!!! Nandyan ka pa ba??! Anyare???

Biglang namatay ang tawag kaya mas lalo akong nagtaka, I dialed her number again pero walang sumasagot. "Anyare sa babaeng yun?"  takang tanong ko habang nakatingin sa selpon ko at tinext nalang sya, ano kaya nangyare dun. Biglang nalang may kumalabog sa kabilang linya tapos biglang namatay ang tawag, weird.

"Taxi?"  biglang tanong ni manong gaurd pagkalabas ko ng exit. "Ahmm, opo"  nag-alangan kong sagot, he smiles and walk away. Pumwesto sya sa tapat ng hagdan and wave his hand and then may humintong taxi. "Maraming salamat po"  pasasalamat ko, he just smiled again.

Ambait ni manong gaurd, nakaka-ganda sya ng araw at nakaka-ganda ng mood. Sana araw araw ganun si manong gaurd noh, di tulad ng ibang gaurd na walang pakialam sa mga nahihirapang kumuha ng taxi.

Pagkasakay ko ng taxi I gave manong gaurd a smile and then he nods, mukhang magkakasundo kami agad ni manong gaurd.

~

(Faculty Lounge)

"So we have a new teacher here, a temporary teacher to be exact. Ms. Pareda? Can you introduce your self to your co-teachers please"  nakangiti naman akong tumango kay Michelle, she's the principal's assisstant. "Hi everyone, Feathania Soul Alyona Pareda the new temporary teacher, I'll be handling the History Subject in all strands"  medyo nahihiya kong pakilala at napatingin kay Michelle, wala na kasi akong masabi.

"She'll be handling the History subject in all strands, I'm hoping na tutulungan nyo sya mag-adjust and help her in dealing with the students lalo na yung matitigas ang ulo. Ms. Sanchez?"  biglang tawag nya sa apelyido ng kung sinong teacher. "Yes?"  sagot ng isang babae na short hair na maputi at maganda, kaso kinulang lang sa height.

"I want you to help her identify each building inside this school and Mr. Calvarez?"  banggit nya na naman sa panibagong apelyido. "I am here"  sagot naman ng isang lalaki na mukhang may pamilya na but still looking young and fresh. "I want you to help her in the directions, this school is way too huge for her to know which way she should go. So help her ASAP "  oo nga, sobrang laki sa loob ng school na to. Parang university na nga yata to eh, andaming building at anlaki din ng field.

"Got it"  nakangiti at alertong sagot nung Mr. Calvarez. Aba mukhang mababait ang mga tao dito, I saw the girls from last week in the coffee shop. Ang taray pala pag nandito sa loob ng school, akala ko mahinhin lang dahil sa pagsasalita nya last week. Nang mapansin ako nung isang girl na katabi nung dalawang nakita ko last week she glared at me and look away.

Aba, palaban din pala ang maliit na yun. Akala mo kung sinong anghel kanina tapos biglang nag-iba ang anyo ng di na nakatingin sa kanya ang lahat, iba. Ibang iba ang pag-uugali.

"That's all for today, pwede na kayong magsibalikan sa mga pwesto nyo and Ms. Pareda?"  napatingin ako kay kay Michelle ng banggitin nya ang apelyido ko. "Yes?"  magalang kong tanong. "Your desk is right there and pumunta ka sa registrar office after the bell rang and see Ms. Shania Rosales there"  di na ako nagtanong pa at tumango nalang ako.

Pagkalabas ni Michelle ay kaagad na nagsibalikan silang lahat, I raise my eyebrows when no one approach me instead they all looked busy and doing something. I understand kaya dumeretso nalang ako sa sinasabing upuan ni Michelle, anong oras na. Di pa ba magsisimula ang klase? It's already 8:29 am. Hayyss, ano ba yan first day ko wala man lang kumausap sa akin na katrabaho ko.

Lahat sila busy, okay. Edi focus nalang din ako sa unang una kong gagawin mamaya. It's already August so medyo delay ako sa lessons pero sabi ni Michelle na kaya ko naman daw humabol since idi-discuss ko lang ang mga topics and of course there will be an activities and quizzes, kakaumay nga eh.

Di ko naman pinili ang History subject, binigay lang talaga nila sa akin and told me na just discuss it kung paano mo naintindihan ang topic. Pero okay na rin dahil di naman medyo mahirap ang History, all I need is the coorperations of the students.

~

Kakatapos ko lang magpunta ng registrar, ansungit nung babae dun. Ilalapag lang yung papel parang gustong magwala dahil sa lakas nyang ilapag, parang ibabato sa mukha ko yung papel eh. Pero sa totoo lang maganda yung babae sa registrar office, mahaba ang buhok, mga nasa kaedaran ko lang ata.

Matangkad sya, actually ang hahaba ng mga hita nya akala mo isang model. May suot syang eyeglass, super red ang lipstick nya na saktong sakto lang sa balat nyang maputi, mataas ang ilong at palaging magkasalubong ang mga kilay. Ewan ko kung dala na siguro ng trabaho nya kaya high blood sya sa akin kanina-- bigla akong nagulat ng may kumalabog sa labas ng cubicle kung nasaan ako.

"Una na kami sa room, Shane. Malapit na mag-bell, bilisan mo dyan"   "Oo, tatapusin ko lang tong eye shadow ko"  bigla akong nakarinig ng pagbukas at pagsara ng pinto. Matatapos na ba agad ang break time? Di man lang umabot ng 30 minutes at 10 minutes palang ang nakakalipas ba't parang matatapos na agad ang break time?

Bakit ba naman kasi ngayon pa ako nata×, sana pala di naparami ang kain ko kagabe. Kinapa ko ang bulsa ko thinking na nasa bulsa ko ang selpon ko but then I realized nasa bag ko pala and my bag is in the sink outside, di naman yata magnanakaw ang mga estudyante dito di ba. I remained silent and waiting for myself to finish my business inside the cubicle.

"What a whore spreading false rumours inside the Online Portal"  bigla akong nakarinig ng kakaibang pang-babaeng boses, narinig ko rin ang pagbukas at pagsara ng pinto and the last thing I heard was the lock of the door. Anong meron sa labas? K×ngina di ako maka-focus sa ginagawa ko, pero actually I'm almost done.

"How did heck you get inside the building?!!"  english pa nga, charrr. Rinig kong sabi ng isang babae sa labas. "And how did the heck you had the time to spread a rumour about me getting pregnant by some student from Chesterfield SHS?!!"  sigaw ng isa babae mula sa labas, these girls. Ang babata pa pagbubuntis na agad ang nasa isip, I sigh waiting for them to finish their conversation.

"Totoo naman kasi! You hang out with those drug addicts for what?!! For their big d×cks?!!!"  I keep on sighing dahil sa mga naririnig ko, ayokong makisali sa kanila. Unang araw ko sa trabaho kaya ayokong masira ng basta basta ang mood ko, it's their own business anyway and I don't like getting involve in someone's business.

"Aba!! So you really spread that huh!!"  "Ano ba?!! Aray!!!"  nakarinig nalang ako bigla ng isang malakas na sampal at daing ng isang babae mula sa labas.

"Malakas ka lang kasi kasama mo yang dalawa mong kaibigan!!"  "Honey, kahit di ko kasama ang mga kaibigan ko, kayang kaya kita. You're just a piece of paper who doesn't know how to defend yourself against a taekwando player"  I sigh again, iba na talaga ngayon ang kabataan. Puro palakasan na ang alam at gusto, I am blessed that I experienced a life before social media's and anything like this right now.

It's more peaceful and happy life I had back then, ngayon kasi ang labanan nalang is puro pasikatan, payamanan at landian. Hayyss, I just can't help myself from sighing. "Arayy!!"  thsnkfully I am done with my business here, I tap the flash and the next thing I heard are "Tignan mo nga kung sino ang nasa loob ng cubicle"  I heard some knock outside the cubicle where I am but I didn't open the door.

"Lumabas ka na dyan kung ayaw mong masali dito"  "Don't make us wait, baka ikaw pa mamaya ang sumalo sa lahat ng sakit nitong malanding chismosang to"  rinig kong sabi nila sa labas habang kunakatok pa rin, after I zipped my zipper I sigh. I was about to open the door when I heard someone talking outside.

"Let me test this move if this really gonna break a bone in your arm, my master told me just hit it so hard and watch your opponent writhe in pain"  "P-please, h-huwag" yung kaninang kumakatok biglang nawala. "Hawakan nyo ang isa nyang kamay, tuturuan kita ng leksyon na palagi mong maaalala sa bawat pagpasok mo sa school at para mabawas-bawasan din yang pagiging chismosa at pagiging sinungaling mo" 

I open the door and saw what the bully girl's about to do kaya automatic na lumapit ako dun sa babae at hinawakan ang kamay nung babaeng nangbu-bully but then nakailag ang kamay nung babae at mukhang ako pa yata ang tatamaan sa suntok nya but then mabuti nalang at mas mabilis ako sa kanya at nahawakan ko kaagad ang kamay nya kaya di na sya nakapalag pa.

"As far as I know ang taekwando ay ginagamit para sa self-defense at para sa mabuti at hindi sa pangbu-bully"  sabi ko habang hawak pa din ang kamay nung nang-bu-bully, she tried to release her hand but I didn't let go. Akmang itataas nya ang isa nya pang kamay ng itulak ko sya ng medyo malakas papunta sa mga kasama nya, aba ayokong masuntok o magalusan man lang ang mukha ko noh.

"Who the hell are you?"  taas kilay nyang tanong sa akin at hawak ang kamay nyang hawak ko kanina, nakita ko naman ang dalawa pang kasama nitong babae na nakatingin sa akin na parehong nakataas ang isang kilay.

"It's her, the so called new temporary teacher"  taas kilay na sabi nung isang babae na nasa pintuan na, bantay sarado talaga sa kanila tong isang babae. "What a pity, a newbie trynna save a sl×t from getting hit"  I sigh and chuckles. "You also wanna get hit in the face?? How dare you intervene if you're just new!"  naiinis nyang tanong dahil sa smirk ko. Lumapit ako sa kanya na ikinaatras nilang tatlo.

"At this close, I can easily take you down on the ground right now and hold a grip on you...."  sabi ko sa kanya at tinignan ang mga paa nya at ibinalik sa mga mata nya. "That's what judo players are capable of"  mas lalo silang napaatras at nagsalubong ang mga kilay. "Shut the f×ck up and just do--"  "Mean!! Not here, we are not in our territory. May ibang araw pa naman na pwede natin tuluyan yang babaeng yan"

"Seriously?!! I wanna hit that b×tch right now!!"  "She will be in our building soon, Mean. Chilax ka lang, the whole class will make her pay for what she did right now"  sabi nung super black ang buhok na nasa may pinto."Desiree will take care of it, watch youself next time"  sabi naman nung medyo brown ang buhok. I saw their uniforms, how did they enter the school with their short skirts and crop tops? It ain't the formal school uniform of the school.

Masyadong masisikip at medyo kita ang cleavage ng mga suot nilang crop tops, they don't even have the blazer. Their school shoes turns into high heels, pero infairness ang puputi at ang lilinis ng mga paa nila pero nakaka-umayy pa rin, sa mga nakita ko kaninang mga students ang gaganda ng mga uniform nila kapag naka-formal. Mamahalin na nga ang lilinis pa tignan.

"Let's see each other on the ring next time you will intervene, b×tch"  isa isang nagsilabasan yung dalawa habang yung isa ay naka-ngiting sinabi ang mga katagang iyon bago tuluyang lumabas, I heard the girl behind me sigh na parang nakaligtas.

"You shouldn't have intervene"  biglang sabi nya paglingon ko sa kanya, napatingin naman ako sa kanya ng nagtataka. "Then should I just listen everytime you get hit?? That's bullying and bullying shouldn't be tolerated"  confident kong sabi. "Di mo naiintindihan, those students.... They're monsters"  I sigh, she's being traumatic now. Halata sa kanya ang takot but she's different earlier.

She's fierce and doesn't scared at all, but then ngayon na tinulungan ko sya she looks really scared and traumatic. "Huwag ka ng mag-alala, ire-report ko sa principal ang mga narinig at nakita ko--"  "They won't do anything at all, they always turn into blind eyes when it comes to those students"  wala akong maintindihan sa mga sinasabi nya promisee, napakamot nalang ako sa leeg ko and tap her shoulder.

"You'll regret it"  biglang sabi nya at lumabas na parang naiiyak and  without even thanking me, I sigh. Sabi ko na di talaga uso magpasalamat at mamansin sa mga mabuting nagawa ko, I heard the bell rang and it's time to go to the Stem's building. Yes, building. Bawat strand kasi may kanya-kanyang building and every building has 3 to 5-story floor building at iisang strand lang ang nasa building na yun.

Malalayo ang bawat agwat ng bawat building at magkaka-harap din bawat strand kaso malalayo talaga, malayo din ang canteen which is nakaka-stress at nakakapagod. Para namang social distancing ang mga building dito eh, pero okay na rin at least mae-excercise ang mga paa ko sa paglalakad. Di rin naman nakakapagod ang paglalakad kung ang makikita mo sa paglalakad ay ang malalaking tv screen, oo sobrang laki parang yung mga billboard sa edsa.

Ewan ko ba't meron silang billboard sa loob ng school tsaka mga advertisement din ang ipinapakita nila bawat billboard na madadaanan mo, hindi lang kasi iisa ang billboard kasi bawat building na madadaanan mo ay may makikita kang billboard.

Di naman lahat ay building, meron ding ground floor lang at second floor namamangha kasi ako sa bawat building na nakikita ko. Kaya building ang kinukwento ko, ibang iba na ang loob ng school na to sa dating school na pinapasukan ko. Dati sa iisang building nandun na lahat ng course at mga estudyante, ansaya kaya pag nasa iisang building lang lahat ng estudyante kasi makikita mo lahat ng iba't-ibang course.

Oo, course kasi wala namang K-12 dati di ba kaya deretso kami college pagkatapos ng Junio High School. Ansaya kaya magkakaroon ka ng maraming kaibigan sa iba't ibang course, minsan pa nga may dumadayong taga ibang kurso para maghanap ng chix o di kaya ng away pero kadalasan chilax lang kami sa bawat room namin at minsan nagkakantahan na parang nanghaharana.

Anyways, I've ran out of time kailangan ko ng bilisan ang paglalakad ko at baka ma-late pa ako sa susunod kong klase.

~

Fenrir's POV

As soon as I blow the smoke through the air I feel so good, it feels so good in the feelings. Not too high and not too low yung tamang tama lang ang epekto, this is already my hobby. Smoking weeds with this a**holes in the rooftop while it's while everyone is going home already, we also have soft drinks and liquors na dala nitong si Dries. "Ba't wala ng mga laman to?"

Dries ask ng alugin nya lahat ng dala nya, we laugh dahil sa katangahan nya. "What took you so long? Naubusan ka tuloy ng alak, tsk" Huxley said and chuckles. "Dinamihan ko kasi ng gawa to kaya natagalan ako, walang hingian mga kingina nyo" he said and put the weeds he made in his pocket "Gago hatian mo ako, paubos na tong sigarilyo ko" "Wala ng weed, bili ka nalang mamaya"

"Saan ako bibili? Tell me!"  dahil ayoko ng maingay ay tumayo ako at naglakad. Isinandal ko ang sarili ko sa semento at pinagmasdan ang mga estudyateng naglalakad at papalabas ng mga building. "Wassup mga gago!! Meron pa ba kayong hinihithit dyan!" lahat kami napatingin sa pinto ng bigla itong bumukas na parang sinipa ang pagbukas, nakita namin si Braxx and each of those three draw a smirk on their lips ng makita nila ang dala nya.

"Damnnnn, galing saan ang mga to?! Ang dami naman nito, pang 1 week na tong mga weeds" sabi ni Dries pagkalapag ni Braxx ng tatlong makakapal na plastic sa mesa.

Kaagad namang nag-agawan yung dalawa habang ako nakatingin kay Braxx na kakasandal lang di kalayuan sa akin. "What's up?" tanong nya ng mapansin nyang nakatingin ako sa kanya. "Paano mo naipasok lahat ng yan dito sa loob ng school? There's a scanner at the gate so for sure di ka madaling makakapasok with those weeds" he chuckles and then look at those two.

"Wala ka pa bang bilib sa akin prii, basic nalang magpasok dito ng mga ganyan, kahit nga baril easy nalang. Para namang wala akong technique na pinag-aralan mula sayo di ba" I chuckles and then nod. "Right, but where did you buy those?" another question from me, don't get me wrong. Kahit naman naninigarilyo kami ng weeds meron pa rin akong worries na baka kung saan lang nya nakuha o nabili ang mga yan.

"Of course sa supplier natin and 100% sure galing U.K ang mga yan" sagot nya na proud na proud pa sabay basa sa labi nya. "Supplier natin? As far as I know ikaw ang nagdadala ng mga weeds na yan sa amin, so sinong tao ang pinagbibilhan mo nyan?" "Hayyss Fenrir! You're still the same! Gusto mo munang kilatisin at alamin ang lahat bago mo subukan ang isang bagay, kelan ka ba magbabago Caelum" he said and tap my shoulder na ikinatawa ko rin.

"Caelum my ×ss"  I really have this habbit na bago ko subukan ang isang bagay ay gusto ko munang malaman kung saan at kanino galing, for the safety. I think di lang naman ako ang ganun but I still treat it as my hobby, lol.

"Rinig ko sa mga ibang estudyante may bagong teacher daw, alam nyo na ba ang tungkol dun?" pareho kaming napatingin ni Braxx kay Huxley ng magsalita sya. "Bagong teacher? We never heard of that, saang kwento mo na naman yan nakuha. Tsaka babae ka ba, dami mo palaging kwento na nakukuha kung saan saan" penektusan naman ni Huxley si Dries dahil sa pinagsasabi nya.

"He or she?" tanong ni Braxx. "I think babae" "Really, then bakit walang nagturo satin kanina and as far as I know the other strands started their classes in History subject" biglang kwento ni Braxx na nasa tabi ko. "Wow ha prinoblema mo pa talaga yan, tsaka nagkaroon ng meeting kanina kaya pinauwi nalang ang lahat and as if naman nakikinig ka eh puro kalang hithit ng hithit sa klase"

"If that's the case, she'll gonna cause a problem to us" seryoso kong sabi na ikinatingin nilang tatlo sa akin. "Huh? Bakit naman?" "How come dude, I can't see any problem with her" "Hayyss, lahat nalang sayo puro problema" singit nilang tatlo. "She doesn't know anything about us yet and if ever she crosses our path do you think di yun magiging problema sa ating lahat"

"She's not a threat at all dude, for sure magre-resign din sya if ever she enters our room anytime soon" "That's true, kahit si Desiree palang kayang kaya nya ng paalisin ang baguhan na yun" sang-ayon ni Dries, I sigh and shake my head. "I hope so, Desiree is a big help in ditching and scaring useless teachers. Ayoko rin ng problema but if ever Desiree won't be able to control her and causes any problems, you know what to do"

"As always, someone will gonna vanish again" "This is what I'm excited for" "We'll make her realize she doesn't belong to this school"  I smirk as to what I'm thinking of whoever that teacher is, no one ever causes problem to us or no one ever crosses our path, even satan doesn't want to cross his path with us. We don't need a teacher to teach us because believe me or believe me, we're smarter and genius enough to understand everything in this world.

"Tignan mo nga naman ang pagkakataon"  napatingin ako bigla kay Braxx, I saw him smirking while looking down kaya napatingin na rin ako sa baba. I saw a woman, a woman that is 25+ years old in my estimation. She's tall with her long light golden ash brown hair and bangs, hindi sya ganun kaputi but I can tell that she's morena. Di ko makita masyado ang mukha nya dahil masyadong mataas ang building namin.

"I can tell from where I am standing that she looks really fine, for sure maganda sya sa malapitan"  sabi ni Huxley na nasa tabi ko na pala at nakatingin din dun sa babae. "Grabe talaga maka attract ang mga morena, tagos sa pagkalalaki mo Huxley"  di ko nalang sila pinansin and still trying to clear my eyes to see her face clearly, but damn my eyes aren't a camera to zoom in and see her face clearly.

I sigh, how did she manage to enter and get accepted easily? Did someone help her or is she one of the old lady's underling? Bigla kong kinuha ang selpon ko when I received a text message from Archie.

From: Archie

Let's see each other tonight, let's talk about hitting the new temporary teacher.

I chuckles as soon as I read his message, that idiot always wanted to f×ck every new teacher in the school.

~

Alyona's POV

Heto na ako mga bess, nagliligpit na ako ng mga gamit ko. Nagka-meeting kasi kanina kaya maagang napauwi ang mga estudyante at nawalan ng klase, wala nga akong kaalam-alam sa meeting kanina eh pano baguhan palang ako tapos mga topic nila about sa iba't ibang event na mangyayari sa school.

Nasugatan pa ako kanina dun sa rest room, masyadong malakas at mabilis yung estudyante kanina at di ko namalayan ang suot nyang bracelet na nakasugat sa wrist ko. She really is a Taekwando player, baka ako pa isumbong nung tatlong yun dahil sa ginawa ko. Aba, self-defense lang yun noh tsaka sila yung nangbu-bully, pero tama bang nasaktan ko yung isa? Kasalan naman nya kaya ko sya naitulak eh.

"Grabe, parang mas naging estudyante pa ako sa estudyante ng school na to. Andaming ibinigay na assignment sa akin nung Zia na yun. Akala mo naman ikakataas yun ng sweldo at height nya, tskk!"  napatingin ako bigla sa pinto ng bumukas ito at pumasok ang dalawang babae na halatang mga haggard, I mean di naman ganun ka-haggard mga mukhang pagod lang pero magaganda pa rin naman sila.

"Kumukulo talaga dugo ko sa babaeng yun pati pa dun sa dalawa nyang kasama palagi, kala mo mga secretary at assisstant ng principal eh"  I look away when they notice me looking at them, tuloy tuloy lang ako sa pag-aayos at pagliligpit ng mga gamit ko. "Anong oras ka uuwi?"  di ko na pinansin ang usapan nila and just mind my own business. Baka isipin pa nilang chismosa ako, I sigh.

Nang matapos ko na ang mga gamit ko ay kaagad akong tumayo at maglalakad na sana ng may bumangga sa akin, nagkatinginan kami and then she suddenly laugh. "Sorry, di ko kasi alam kung paano ka i-approach kaya binangga nalang kita"  I chuckles dahil sa sinabi nya. "Ok lang, di naman masakit"  nahihiya kong sabi at napakamot sa leeg ko.

"Ang corny nyo naman mag-usap. Ikaw para ka talagang mongoloid mag-isip ng mga paraan"  biglang sumulpot yung isang kasama nitong bumangga sa akin at nginitian ako. "Hii, Leowena nga pala but you can call me Awen and this is--"  "Rosé and you are.... Feathania right? Di ko na knows iba mo pang name ang haba kasi ng name mo eh"  I nod and laugh.

"Just call me Alyona"  "Pero Feathania first name mo, pano yun"  nagtatakang sabi ni Rosé. "I prefer Alyona than my first name"  "Ahh, nice to meet you nga pala. You look so pretty nga pala, ang ganda ng morena color mo. Nagpa-tan ka--"  "Huwag mo na pansinin tanong nya, ilang taon ka na pala?"  I laugh when Rosé glared at Leowena.

"25 years old, how about you?"  umupo bigla si Rosé sa desk ko at tinignan ang mga gamit ko. "Mukha lang yang mongoloid pero di yan magnanakaw, 26 years old na nga pala ako at yan.... 25 years old din kaso kinulang sa buwan kaya ganyan tsaka may isa pa kaming kasama kaso busy pa sa office nya"  I look at Rosé who keeps on checking my things, she acts like a teenager but her age says it all.

Pero di naman masamang tignan mga gamit ko, wala namang mahahalaga at wala din pa akong ibang gamit na nakalagay sa desk ko. "5:00 pm labas nun sa office, keri mo maghintay?"  biglang nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa sinabi ni Rosé. "O-oo naman"  seriously? Kelangan ko pang maghintay para makilala yung sinasabi nilang isa? Pwede naman yatang bukas di ba?

"Taga saan ka nga pala? Tsaka, how's your first day? For sure di ka magtatagal dito"  "H-huh? Bakit naman--"  "Like I said earlier, huwag mo ng pansinin ang mga tanong nyan. How come napadpad ka sa school na to? Did someone recommend or help you enter the school?"  sunod sunod na tanong ni Leowena. I sigh before answering her question when suddenly I saw Rosé touching the keychain Kristine gave me.

"Where did you get this?"  seryoso at takang tanong nya habang nakatingin sa keychain na nasa kamay nya. "Someone gave that to me, it's a unique keychain. Di ko alam kung alam nyo ang tungkol sa keychain na yan but I suggest and recommend that keychain, it's really unique"  kwento ko at ngumiti. "It's look exactly the same like Adelaide's keychain, right Leowena"  Rosé said.

"Teka, alam nyo ang tungkol sa keychain na yan?"  takang tanong ko. "Yes, but the owner of the same keychain as yours is already de--"  di pa natatapos ang sinasabi ni Leowena when the door suddenly opens and two other teachers entered.

"Hayyss, nakakatawa talaga ang mga mukha ng dalawang yun pagkasabi ko sa mga gagawin nila. Like wtf! "  "HAHAHAHA, I saw it too kaya. It was priceless asf"  sabay sabay kaming tatlong napatingin sa pinto ng pumasok ang dalawang babae, napatingin ako kina Leowena at Rosé na masamang nakatingin dun sa dalawa.

"Oppss, I wasn't aware that there's still flies at this time"  biglang sabi nung babaeng kakapasok lang at dumeretso sa desk nila, I heard Rosé cursed and look at Leowena. "Oo nga noh, andami pang langaw sa ganitong mga oras eh dapat mga lamok na"  "Aba ang mga p×kingna, talagang pinaparinggan tayo"  biglang sabi ni Rosé at lumapit kay Leowena.

"Sasabunutan ko na yung isa, ikaw na bahala dun sa isa"  rinig kong bulong ni Rosé kay Leowena, aba makikipag-away talaga sya ngayon? Seryoso ka ghurl? Di ba pwedeng palampasin nalang muna kasi alam nyo na, ayoko na namang makisali sa gulo ng iba. Kakatapos ko lang dun sa mga estudyante tapos ngayon sa mga teachers naman? Nakuu, ayoko talaga ng away.

"Sira ka ba?? Baka magalit na naman si Shania pag nalamang nakipag-away tayo sa mga kinulang sa height, tsaka di naman to ang first time na pagsalitaan tayo ng mga yan harapan. Hayaan nalang natin"  phewww, buti pa tong si Leowena at marunong kontrolin ang sarili at di agad naiinis o nati-triggered. "Sabay sabay nalang tayong lumabas ng faculty, pauwi na rin kasi ako"

Singit ko sa kanilang dalawa kasi baka mag-iba pa isip nila at makipag-away sila, mukhang nang-iinis kasi yung dalawa dun.. "Sure, hintayin rin natin yung isa pa naming kaibigan para sabay sabay tayo"  I nod at Leowena when she said those words, insinukbit ko na ang bag ko and we three walk but we haven't reached the door yet when the girl in her desk suddenly talk. "Nagsama-sama pa talaga ang mga walang alam at mga sunod-sunuran lang, umayyy"

"Well, ano pa bang aasahan mo sa walang alam? Walang alam kasi di maaasahan at di mapagkakatiwalaan. Mga mukha kasing magnanakaw"  "HAHAHAHA"  napatigil kaming tatlo ng naunang huminto si Rosé, unti-unti syang lumingon dun sa dalawa at sinamaan ng tingin. "Sinong mga mukhang magnanakaw?!!! Lakas makapagsalita eh height mo nga di umabot sa beauty standard ko!"  galit na tanong ni Rosé dun sa dalawang napatigil sa pagtawa.

"Wow? Saan ba banda ang ganda ng pagmumukha mo at pagmumukha ng best friend mong mukhang ulupong"  okay, lumapit na mismo si Rosé dun sa dalawang babae. "Matagal na talaga akong nagtitimpi sa mga pagmumukha nyong makakapal pa sa binabasa kong wattpad series!"  "Tsk, what a childish. Magsama-sama nga kayong umalis dito, pare-pareho lang kayong mga kawawa. Mga basura"

Automatic na nanliit ang mga mata ko dahil sa sinabi nung nasa desk. "A-ano daw?"  parang nabibingi kong tanong. "Basura pala ha!"  "Rosé!!"  napasigaw nalang ako ng naunang sugurin ni Rosé yung babaeng kaharap nya, nakisali naman yung kasama nung babae kaya tumulong na din si Leowena habang ako ito nanunuod at di alam ang gagawin. Sabi ko na nga ba, away na naman to.

"Haliparot kang kinulang sa height!!"  sigaw ni Rosé habang sinasabunutan yung babae, kaagad kong nilapitan si Rosé and tried my best na tanggalin ang kamay nya sa buhok nung babae, but instead na matanggal ang kamay nya ay bigla akong sinabunutan nung babaeng sinasabunutan ni Rosé. "Nakikisali ka pa talaga sa away ng iba na baguhan ka lang!!"  sabi nung babae at mas lalong nilakasan ang pagkakahawak sa buhok ko.

"T×ngina!!!"  sigaw ko dahil ansakit, gusto ko lang namang umawat eh. Tsaka, first day ko dapat masaya sana at nakikipagkilala ako sa mga ka-trabaho ko pero ang ending heto nakikipagsabunutan ako sa mga katrabaho ko. Di ko knows na ganito pala sila dito, k×ngina. Para namang hindi matataas ang mga sweldo kung mag-away.

Kung alam ko lang na sa away mauuwi to edi sana umuwi nalang ako ng mas maaga para di na ako nasali pa. I'm dead meat, lmao. Mukha ng matatanggal agad ako sa trabaho ko dahil sa mga away.

××××××××××××××××××××××××××××××××××××××

~End~