Chapter 2 - Chapter 1

Napabalikwas kaagad ako pagkatunog ng alarm sa cellphone, nasa may gilid ng unan ko ito. Alas singko na ng umaga, ibig sabihin first day ko sa college. Medyo madilim pa ang paligid at tanging ilaw lang sa lamp shade ang nagbibigay liwanag sa silid. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa may dingding sa gilid ng kama at ini-on.

Double deck ang higaan naming magkapatid. Nakapuwesto ito sa kaliwang kanto ng silid at malapit sa tinted sliding glass window. Hindi nakakasilaw ang sikat ng haring araw kahit pa tumatagos dito kapag tirik na ito.

Sa taas ako at sa baba naman si Aira, ang bunso kong kapatid.

"Good morning! Good morning my sweetie!" Tumalon ako pababa ng kama. Isa-isa kong nilapitan sina Red, Purple, Cyan, Gold, Green at Fuchsia. Nag-pouty lips pa ako habang isa-isa ko silang hinahalikan.

Pinatay ko na rin ang lamp shade dahil lumiwanag na ang silid namin na kulay baby pink ang pintura. Girl na girl lalo na't hello kitty ang kumot namin pati unan at bed sheet. Mura lang iyon kasi puro imitation lang.

"Hello everyone! Who's coming with me today?" I blissfully winked. Nag-inat-inat ako at tinakpan ang bibig habang humihikab. Kinusot ang dalawa kong mata para tanggalin ang namuong luha na kung tawagin ay muta.

"How about you, Red? O kaya ikaw, Gold. Or maybe si Cyan! Tama! You'll be fine with me today. " Diyan ka lang my labidabs, wait for me at mag-shower lang ako.

"Hohh! Yes! This is it, pancit! Maghintay ka lang George Steven Montello International College at parating ang nag-iisang great fashion designer na si Amara Keana De Amorie," sigaw ko habang naglalakad ala-model sabay hablot ng puting tuwalya sa sampayan sa tabi ng banyo. Ibinalabal ko ang tuwalya na parang scarf saka nag-pose.

Feel na feel ko bakit kasi.

"Ate ang aga-aga mo namang mambulahaw," reklamo ng bunso kong kapatid na si Aira. Kinukusot-kusot pa ang mga mata para medyo mawala ang antok. Nilapitan ko ang kapatid ko at saka niyakap ng sobrang higpit.

"Alam mo, Aira, kaya masaya si ate kasi magsisimula na ang masayang buhay natin. Malapit ng matupad ng mga pangarap ko. Sisikat ako at magiging isang kilalang fashion designer na titingalain ng lahat. Anong panama sa akin ni Yvette Marasigan aka 'The Elite Fashion Queen'. Balang araw aagawin ko ang trono niya," ang sabi ko in dreamy eyes. Nag-act pa akong may ipinatong na korona sa ulo ko.

"Tumayo ka dali!" Hinablot ko ang kamay niya upang itayo siya.

"Ate, naman eh, inaantok pa ako!" reklamo ng mahal kong kapatid. Humihikab pa habang nagkakamot ng ulo.

Napasimangot ako at tinakpan ang ilong. Napansin ni bunso iyon kaya napanguso ito.

"Joke lang, sige na umaga na, maligo ka na rin at papasok ka pa. Running for valedictorin ka pa naman kaya dapat punctual!" masiglang turan ko. " Pero seryoso, magtoothbrush ka na ha! Umaalingasaw."

"Ate! " sabi nito na nanlalaki ang mata.

"Okay lang, mahal pa rin kita. Kaya dali, tayo na."

Tumayo naman ang kapatid. Kunwari tinanggal ko ang nakapatong na korona sa ulo ko t'saka inilagay ang imaginary crown sa kapatid ko. "Ayan! Bagay na bagay sa'yo."

"Si Ate, talaga puro kalukohan. Wala naman eh." Nakanguso pa habang nakatingin sa akin na mapungay pa rin ang mga mata. Medyo inaantok pa.

"Anong wala? Meron oh!" Kunwari kinapa ko pa sa ulo niya. "Dapat nakikita mo iyan kasi espesyal ka. Ang mga espesyal na tulad mo at tulad ko may nakikita na hindi nakikita ng mga mata ng mga ordinayong tao. "

Hinawakan ko ang baba ng kapatid ko at ipinantay ang mukha ko sa mukha niya. "Alam mo ba kung bakit espesyal tayo?"

"Bakit ate? Eh mahirap lang naman tayo." Hay naku! Kahit matalino nahihirapan pa rin akong intindihin. Sabagay bata pa kasi.

"Dahil dito," sabay turo ko sa tapat ng dibdib niya. "Kasi sa kabila ng lahat na wala ng tayong mga magulang, nakatanim pa rin sa puso natin lahat ng magandang asal na itinuro sa atin nina inay at itay. At meron tayong pagmamahal na nagbubuklod sa atin."

"Promise ..." sabay taas ng kanang kamay ko na parang nanunumpa. "gagawin ko ang lahat para maging maginhawa ang buhay natin. Para maitira kita sa magarang bahay at magkakaroon tayo ng mga katulong na mag-aasikaso sa'yo kapag busy ako sa work. Siyempre kapag sikat na ako kaliwa't kanan ang commitments ko, dapat may nag-aalaga sa iyo."

"O, sige na maliligo na ako. Ang aga ko pa namang nagising para hindi ako ma-late. Pagkatapos ko ikaw naman. Kasi magluluto pa ako ng agahan natin." Medyo malungkot tuloy ang atmosphere kasi naalala ko sina itay at inay.

Huminga ako ng malalim para mawala ang bigat ng dibdib ko. 'Di pwede ang 'bad vibes' ngayon kasi tatahakin ko na ang mabulakalak na daan patungo sa tagumpay. Pinahid ko ang mga luha na tumulo pagkatalikod ko sa kaniya. Ayokong makita niya akong malungkot dahil maaaring siyang panghinaan ng loob.

Pagkatapos ko maligo ay nilapitan ko si Cyan. "Hello, Cyan! Ang swerte mo ngayon dahil ikaw ang napili kong OOTD. Makakasalamuha mo ang mga mayayamang estudyante ng George Steven Montello International College!"

I prepared the clothes I'm going to wear. Ako ang nagtahi ng blouse na ito gamit ang pantahi na naiwan sa akin ng namayapa kung ina. A cyan blouse with kimono sleeves paired with yellow rounded skirt with blue lining at the edge.

Kinalkal ko ang cabinet na lagayan ng sapatos namin. Napanguso ako nang makita ang nag-iisang pares ng sapatos ko. "Tsk ... Kapag ako yumaman, magpapagawa ako ng kuwarto na puno ng sapatos. Pero sa ngayon ito muna."

"Aira, halika na at mahuhuli ka na sa klase mo," tawag ko sa maganda kong kapatid. Seryoso ako doon, maganda talaga ang kapatid ko nagmana sa Ate, siyempre.

"Nandiyan na po, Ate," sagot naman ng baby sister ko.

Pagkalabas namin ng kuwarto nakita ko si ate Monica ang landlady namin.

"Magandang umaga, ate Monica." Nag-puppy eyes ako para magpa-cute.

"Maganda ka pa sa umaga Kakai," nakangiting ganting niya. Napasambakol ako. Sukat tawagin ako sa mabantot kung palayaw?

"Ate Mon naman eh, ang ganda-ganda ng pangalan ko! Amara Keana, Oh 'di ba tunog artista na, gandang Dyosa pa!" sabay pose na nakapamaywang. "One more thing Ate, look at me. Uma-outfit of the day ang peg 'di ba?"

Naiiling siya na nakangiti sa akin sa sinabi ko.

"Ba-bush na ate at papasok na kami ni Aira." Mukha kasing naiinip na ang sister ko.

Pagkahatid ko sa kapatid ko sa gate ng school nila ay pumara na ako ng jeep. Sampung minuto lang naman ang biyahe papuntang GSMIC. Sinalubong ako ng kakatwang tingin ng mga nakasakay sa jeep. At iyong dalawang nasa harap kong babae, halata naman na ako ang pinag-uusapan. Panay ang sulyap sa akin tapos magbubulungan. Mamaya-maya'y maghahagikhikan. Nakakapikon ang mga ito ah!

"Hoy kayong dalawa!" ang sabi ko sabay turo sa kanila. "Pinag-uusapan ba ninyo ako?"

Sa halip na sagutin ako sukat ba namang irapan ako ng uranggutan na 'to. Kung makataas ng drawing niyang kilay kala mo kagandahan. Pasalamat siya at nasa jeep kami dahil kung nagkataon na nasa kalsada kami, manghihiram siya ng mukha sa puwet ng kabayo. Hindi aso kasi cute iyon. Ang lagay e magiging cute pa siya.

Hindi ko na lang sila inintindi. Isinuot ko na lang ang headphone ko at nagpatugtog ng paborito kong kanta.

Makalipas ang ilang sandali ay natanaw ko na ang school ko. Isa itong malaking college campus dito sa Bataan. Dating public university na na-privatize dahil sa muntikang pagsasara nito. Ipina-bid ng pamunuan ng lalawigan para maisalba hindi lang ang unibersidad kun'di pati na rin ang mga empleyado ayon sa napagkasunduan ng LGU at company na nanalo sa bidding. Ngayon ibang-iba na ito. Wala ang bakas ang dating kolehiyo.

"Kuya, para na po!" sigaw ko sa driver.

Pagkahinto ng jeep ay bumaba na ako sabay tawid. Nasa kabilang kalsada kasi ang school. Mula sa kinatatayuan ko ay tanaw ang malalaking gusali sa loob ng campus. Hindi kataasan ang bakod ng school maliban na lang iyong black railing nito na nasa mga sampung talampakan marahil ang taas. Sa labas ng bakod ay may mga puno ng salingbobog na hitik na hitik ng bulaklak. Naghahalo ang kulay dilaw at maberde-berding bulaklak nito pati ang mga mahahabang filament nito na kulay mapusyaw na lila.

Nagpalinga-linga ako bago tumawid sa pedestrian lane sa tapat ng school entrance. Huminto ako at nangigiting hinawakan at pinagmasdan ang malaking dilaw na bato kung saan naka-engrave ang pangalan ng school. Hinalungkat ko ang aking canvas bag at kinuha ang school ID. Habang palapit ako sa gate, kapansin-pansin na halos walang dumadaan sa man gate. Karamihan sa maluwag na gate kung saan mga mamahaling kotse ang pumaparoot-parito.

Nag-swipe ako ng ID card ko sa monitor na nasa harap lang ng guard post. Papasok na sana ako pero bigla akong sinita ng guwardiya.

"Bakit hindi ka naka-uniform?" seryosong mukha na tanong nito.

"Po?Ano po kasi... Freshman po ako, first day ko lang po ngayon," paliwanag ko na nakangiti.

"Ganon ba? O sige, pero mamamayang hapon bago ka umuwi, pumunta ka sa registrar's office para sa uniform mo. Sa second day Hindi na allowed ang incomplete uniform maliban na lang sa tuwing Miyerkules dahil wash day," paliwanag nito.

"Okay po, salamat po."

Tumuloy na ako papasok. Habang naglalakad ako sa sidewalk, hindi ko mapigilan ang mamangha sa nakikita. Nakangiti kong sinisipat ang malawak na bakuran ng school. Sa kanan ng sidewalk na nilalakaran ko, malawak ang kalsada para sa mga sasakyan. Dalawang lanes ito at may sidewalk din sa kabila. May mga Indian trees sa gilid ng tabi ng sidewalk na sobrang tataas na. Mga nasa sampung metro ang pagitan ng bawat puno. Tapos sa kabilaang side ay may malawak na quadrangle na nababalot ng malago at bagong trim na carabao grass. Sa dulo ng semendatong daan naman ay may malaking rectangular na bato na halos umabot ang taas kapantay ng ikalawang palapag ng kulay white at beige na gusali. May malaking gold plate na nakakabit dito. May nakasulat doon na mga letra. Parang mga pangalan at petsa.

Napangiti ako ng makita ang isang malaking narra sa gilid ng building. May nakapaikot dito na concrete bench.

Puwede akong doon kumain ng lunch. Habang naglalakad ay may naalala ako.

Oh, wait! Saan kaya ang classroom ko? Kinalkal ko ang bag ko saka hinanap ang class schedule. Nandoon din kasi kung anong room ang bawat subject. "Hmm ... English 111 is B4 room 103, saan kaya ito?"

Nagpalinga-linga ako para maghanap ng puweding mapagtanungan. Wala pa naman akong kilala dito. Napagpasyahan kong bumalik sa entrance para magtanong sa guard. Magiliw akong naglakad pabalik sa guard. Kinakabahan ako na excited na 'di ko mawari. Paano kaya ang koheliyo?

Nilapitan ko iyong guard na nag-aasist sa mga pumapasok na estudyante. "Good morning po, Manong guard. Saan po ba itong B4 room103?"

"B4, building 4 iyan." Humarap si Manong guard sa loob ng campus. "Iyong tatlong palapag na nasa kaliwa 'yan. Nasa second floor ang room 103."

Itinuro niya sa akin iyong gusali na kulay krema. Abot tanaw lang ito mula sa gate. Mabuti na lang at hindi na ako maliligaw sa paghahanap. "Salamat po, Manong."

Binagtas ko na ang aspaltadong daan papunta sa gusaling sa bandang kaliwa ng school quadrangle. Nasa pangatlong palapag ang unang asignatura ko. Umakyat ako sa second floor. Marami nang estudyante. Napansin kung pinagtitinginan ako ng mga nadadaanan ko.

Nilapitan ko ang babaeng nakatayo sa gilid ng railing ng hagdan. "Excuse me, Miss, saan dito ang room103?"

"Iyong pinakadulong room. Doon din ako ngayon, wala pa naman iyong Prof kagagaling ko lang doon."

Mukha namang mabait, todo ngiti siya kaya kitang-kita ang braces ng ngipin niya. Feeling close din, tinanong ko lang kung saan ang room 103, ang dami nang sinabi. Charot, echos lang iyon. Mabuti nga't hindi masungit tapos kung anu-ano din sinabi ko.

"Thank you!" Ang plastic yata ng dating ng sinabi ko, kasi weirdo ang mga inisip ko.

Malapit na ako sa huling silid ng biglang may humarang na kung ano sa dinadaanan ko. Letsugas, mansanas, muntik na akong mapasubsob sa sahig.

Nakarinig ako ng tawanan sa paligid kaya agad akong tumayo at inayos ang sarili ko. Hinarap ko ang lalaking pumatid sa akin. Nakayuko pa ang loko kunwari walang nangyari.

Nilapitan ko siya sabay hampas ng bag sa ulo niya. Akala niya siguro porke't matangkad siya eh hindi ko na siya maaabot.

"What the fuck!" The guy blurted turning his gazed at me. Naniningkit ang mga mata at nakahawak sa ulo niya. "What the hell do you think you're doing?"

Pinamaywangan ko siya. "At ikaw ano sa palagay mo ang ginagawa mo?" I shouted back. "First day pa lang ng semister nam-bu-bully ka na!"

Saka ko napansin na may hawak siyang smartphone at may nagsasalita sa kabilang linya. Pagkalipat ng tingin ko sa isa pang lalaking nakasalamin ay nakaturo ito sa isang lalaking katabi niya na nakangisi. Nag-sign siya na parang nagsasabi na lagot ka.

Holy molly, I'm dead.

Nagkamali yata ako. Noong mga sandaling iyon agad akong tumalikod at nagdahan-dahan na humakbang ngunit biglang naramdaman ko ang paghablot sa isang kamay ko. Pipilitin ko pa rin sanang tumakbo ngunit maagap niyang hinablot ako paharap. Napasubsob ako sa dibdib niya.

OMG, ang bango! May ginawa kang katangahan, huwag lumandi!

Hay, ano ba naman itong iniisip ko? Siguradong lagot ako. I lifted up my face towards him and our eyes lock. We stayed in that position for seconds and I felt uneasy so I look away and pushed him.

I tried to get away from his hands but it wasn't easy. Ang higpit ng hawak sa akin.

"Not so fast lady!" He smirked. Inilapit niya sa tainga ang phone. "Mom, I'll call you later. I just have to deal with someone."

Bago pa siya nag-end call ay maagap kong tinapakan ang paa niya. Napabitaw siya sa pagkakahawak sa akin kaya sinamantala ko ang pagkakataon para makatakbo. Nakita ko siyang namilipit habang hawak ang inapakan kong paa. Salubong ang kilay nito habang tinatanaw ako palayo.

"Sorry!" I yelled while running away.

*****