Chereads / Poisoned Heart / Chapter 1 - Episode 1

Poisoned Heart

Rose_Anne_Laquian
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 17.3k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Episode 1

Papasok na si elena sa kanyang trabaho bilang isang waitress sa isang coffee shop, nagsisimula ang kanyang shift simula alas sais ng gabi hanggang alas diyes ng gabi

Sa araw araw na pasok niya, naglalakad lamang siya para makarating sa trabaho dahil malapit lamang to sa kanyang inupahan apartment, wala man kinse minutos makakarataing na siya doon,

Sa umaga nag-aaral siya , nakapasok siya sa paaralan ng St. Dominic University( isa ito skwelahan para mga nakakaangat sa lipunan) nagtataka ang iba bakit siya doon nag-aaral sa kabila ng pagiging mahirap niya, nakapasok siya doon dahil sa iskolae sa paaralan yun, ang alam ko lima lang kaming pinalad na makapasok doon dahil sa sobrang higpit doon, ang mga skolar doon , kailangan e maintain ang mga grado para hindi ka maalis sa skolar ng paaralan na yun, kaya nga pinagbubutihin ko ang aking pag-aaral at tuwing gabi nga yun nagtratrabaho ako para may pangatos ako sa pang-araw araw, pagakain, pangbayad ng tubig, kuryente, upa sa bahay at pamasahe papasok sa paaralan kasi malayo ang paaralan ko sa inuupahan kong apartment, masyadong mahal kung doon ako uupa ng apartment, triple ang presyo , kaya nagkasya nalang ako sa inuupahan ko , malibans a mura ito mabait din ang aking landlady.

Nasanay na akong mag-isa , ilang taon na ba akong nasanay mag-isa, mahigit limang taon na din, namuhay mag-isa.

Ng malapit na ko sa aking pinapasukan ko coffe shop, napansin ko ang dami na namin ulit customer, binati ako ng aking mga kasamahan sa trabaho bilang respeto ko pabalik sa kanila binati ko din sila ng " good eve" , nasanay na sa akin ang mga kasamaan ko dito na hindi ako ngumingiti , walang emosyon ang mukha ko, wala kang mababasa kahit ano man ang nasa mukha ko, nasanay na ako, nasanay na akong magtago ng nararamdaman , yung hindi kakakitaan ng kahit anong emosyon, yung parang walang nararamdaman, nakasanayan ko na yun o masasabing sinanay ko na ang aking sarili sa ganoon.