"Ano ba ford saan mo ba ako dadalhin?" tanong kay ford
" Malapit na tayo, may ipapakilala ako sayo" sagot ni ford sa akin
"sino ba yun? Kung makapaghila sa akin wagas, sobrang importante ba niyan" tanong ko kay fors
" Oo Tricia Mae sobrang imporatante niya kaya dapat hindi siya paghintayin, late na nga tayo kasi kanina pa kita niyaya kaso ang dami mo pa pinuntahan , yan tuluy nakakahiya"sagot ni Ford sa akin
"pasyensya na Best alam mo nman kailangan ko ipasa kay sir manzano yung case study baka bumaba ang grade ko" sagot ko kay ford
" o ayan pala malapt na tayo, sabi ko na nga ba nandyan na siya" sabi ni ford sa akin
" Mylene , kanina ka pa?" tanong ni fod sa isang babaeng napaganda at napakasexy
" oo hon kanina pa ako" sagot ni mylene kay ford, napakunot noon ako, anong sabi niya tanong ko sa isip ko, tama ba ako ng narinig tinawag niya ng hon ang best friend, tama ba ako ng rinig o nabingi ako.
" sino sya best " tanong ko kay ford
" Best tricia siya yung ipapakilala ko , yung girl friend ko" sagot ni ford
Prang gusto ko umiyak sa harapan nila, pero pinigiln ko ang sarili ko , ano bang karapatan ko e hamak na best friend lang ako ni ford, sa gwapo ba naman ni ford sigurado makakahanap siya ng maganda at sexying girl friend eh ako anong panama ko sa kanya, eh ang kagandahan pangkaraniwan lang, hindi pansinin.
" Hi mylene , ako pla si tricia mae bestfriend ni ford" pakilala ko sabay lahad ng aking kamay, buti nagawa ko pa bigkasin sa harapan nila kahit parang gusto na magbagsakan ng mga luha
" Nice meeting you tricia , sa wakas nakilala ko na rin ang nestfriend ng aking boyfriend , alam mo ba lagi ka binibida ng bestfriend" sabi ni mylene sa akin sabay kuwa ng kamay ko para kamayan ako
"Talaga ba, baka sinisirahan na niya ako sa iyo ah" natatawa kong sabi, napagaling ko talagang artista , nagawa ko pa magpatawa habang durog na durog ang puso.
"o paano niyan mauna na ko best, siguradong magdadate pa kayo ni mylene nyan " sabi ko kay ford
" o best magdadate nga kami, ingat ka" sabi ni ford
Talagang hindi man siya nag- alanganan na sabihin sa akin na magdadate nga sila,, umaasa ako na pipigilan niya ako, pero hindi man, kasabay ng pag alis ko doon sa lugar ang pagbuos ng luha ko sa mata, ang sakit sakit, parang binigyan ng paminta ang puso ko , parang hiniwa ang puso at pinagpira piraso
Ang sakit sampung taon kong inalagahan siya sa aking puso , isang saglit lang pala wawasakin nya ang puso ko,…