Sa gitna ng kainitan biglang nagdilim ang kapaligiran, kung saan nagtagpo ang hindi karapat-dapat na pag-iibigan. Ano ba ang senyales nito? Madaming tao ang nahuhumaling dito ngunit bakit sa kagaya ko ay tinatawag naming sumpa ito.Â
"Ang pag-iisa ng araw at buwan ay senyales ng kapahamakan"
Ngunit paano kung sa pagpatak ng hating gabi, nagtagpo ang dalawang taong nag-iibigan, kung saan nagtapo din ang ang araw at buwan, isang sumpa din ba itong maituturing? O trahedya ang ibig sabihin?
SIMULA:
~Midnight Eclipse~
Hestia. Iyan ang aking ngalan.
Sa mundo'ng kinagagalawan ko ngayon ay hindi ko alam kung totoo ba lahat ng nangyayari na ito. Sabihin nalang natin na may iba akong kakayahan, at tila isa akong tao na walang alam… Walang maalala. Basta ba ay pakiramdam ko, may mali talaga. Lalo na sa kinikilos ko.Â
"Nak…" Ang aking ina. Bakas ang pagod sa mukha nito, ngunit may ngiti parin na naka-ukit sa kaniya'ng mga labi. Isa sa mga kinamamangha ko mula sa aking Ina. Gaano man kapagod ay heto siya at nakangiti sa lahat ng problema na dumarating sa amin.
"Po? Ma?" Nakangiti'ng sagot ko dito. Lumapit ako sakaniya, ngunit sa aking paglapit ay bigla na lamang itong napakapit sa braso ko.Â
"Ma!" Agap ko nang muntikan na ito tumumba. Bakas ang pag-aalala sa aking mukha, ngunit ito ay imbes na mabahala ay ngumiti pa sa akin bago umubo. "A-Ayos lamang ako, Anak. Salamat. Nga pala 'nak… Maaari mo ba'ng abangan si Madame Frieda? Dadaan sana ako sa bayan, pag pumunta siya dito ay sabihin mong babalik din ako kaagad" napabunto'ng hininga ako sa sinabi ng aking ina.Â
"Ma? Hindi po ba kayo pwedeng magpahinga kahit isang araw lang? Ano po ba ang pupuntahan niyo at kung pwede ay… Ako na lang ma?" Ngunit imbes na tumango ay umiling ang aking Ina.Â
"Hindi anak. Sige na, dito ka na. Gawin mo na lamang ang mga takdang aralin mo at bukas ay may pasok ka na naman" wala akong nagawa sa sinabi ni mama. Ayaw talaga nito na ako ang humahalina sa mga ginagawa niya. Tuloy ay hindi ko maiwasan na hindi ma-guilty dahil pakiramdam ko pasan-pasan lang ako ni mama, ako ang pahirap sakaniya. Kaya naman nag-isip ako ng paraan para kahit papaano ay maibsan ang paghihirap niya sa akin.
Kinabukasan ay pumasok ako sa eskwela, dala ang mga porselas na aking nilikha kagabi.
Nakuha ko ang mga kagamitan sa bayan nang umuwi si madame Frieda dahil natagalan ito sa kakahintay sa aking ina. Gabi naman na nang bumalik si mama at kasunod nito si papa na hapo'ng-hapo sa trabaho. Isang magsasaka ang aking ama, at masasabi ko na hindi sapat ang kinikita nito pati ng aking Ina sa pang-araw-araw. Hindi ko ba maintindihan kung bakit ganon. Nag-iisa lamang akong anak, ngunit tila hirap na hirap kami sa pang-araw-araw.
Kaya sa kahimbingan ng kanilang pagtulog ay gumawa ako ng mga porselas na tiyak kong magugustuhan ng aking mga kamag-aral.
"Wow, Hezzy! Ang gaganda naman ng mga ito". Ang kaibigan kong si Jeina. Bakas ang pagkamangha sa magandang mukha nang kaibigan kong si Jeina, habang sinusuri isa-isa ang ginawa kong mga porselas.Â
"Bilhin mo na, limang piso isa" sabi ko dito. Nanlaki naman ang mata niya. "Talaga?" namamangha'ng anito. Nung araw na iyon ay may nagawa akong sampong piraso kaya't laking gulat ko nang kuhanin niya iyong lima. "Ang ganda ng iyong mga gawa, Hezzy! Siya! Ibibigay ko ito sa mga kapatid ko, hihi!" Anito sabay abot sa akin nung bayad.
Bahagya naman akong natawa nang may biglang dumungaw mula sa balikat ko. Namilog ang mata ko nang maamoy ang pamilyar na pabango niya.Â
"Ano yan?" Tanong nito. Naramdaman ko na bigla'ng nag-init ang pisngi ko sa ginawa niya. Kaya napa-iwas ako ng tingin.Â
"Hoy! Ano daw yan, girl!" Ungot ni Jeina.
Nanlaki naman ang mata ko at bumaling kay Elli. Napalunok naman ako nang makita ang gwapo nitong mukha na nakangiti pa sa akin!
Si Elli, ang nag-iisang binata na aking hinahangaan. Bukod sa kabaitan na ipinamamalas nito ay gwapo rin siya. Ngunit lahat ng nararamdaman ko para sa binata ay isa'ng sikreto na hindi ko nanaisin mabunyag. Dahil gusto ko ang pag-trato nito sa akin, at ayaw ko'ng mabago iyon.
Kaya muli ay napaiwas ako ng tingin bago ko siya sagutin.
"P-Porselas… P-para sa babae" halos mautal kong sagot. Gusto ko tuloy batukan ang sarili ko dahil parang halata ako.Â
"Wow? Talaga? Hmmm… Mukha nga'ng pambabae. Sayang gusto ko sana bumili." Kakamot-kamot na anito, kaya naman nagsalita si Jeina.
"Kapatid mo bilhan mo" suhestiyon nito. At dahil sa suhestiyon ni Jeina ay nagka-ideya ito'ng si Elli.
"Oo nga hano. Sige, pabili ako ng dalawa Hestia" sabay turo nito sa may kulay dilaw na beads at kulay asul. Nang ibigay ko iyon sakaniya ay nabigla ako nang kuhanin nito ang kamay ko at doon isinuot ang kulay asul. Sabay abot nito ng bayad sa kamay ko.
"T-Teka… Bakit-"
"It's for you. Isa lang naman kapatid kong babae, and I bought two so… Sayo na yung isa" ngumiti ito sa akin.
I was stunned for a moment. Halos hindi makapaniwala sa ginawa nito. Nang marahan nito'ng hawakan ang ulo ko ay doon lamang ako nakapag-react.Â
"Sa-Salamat"
Kaya nung gabi ay hindi mawala sa isip ko si… Elli. Sobra'ng bilis ng tibok nito'ng puso ko, hindi rin ako mapa-kali sa higaan ko. Tuloy ay tinu-tukso ako ni Mama na baka raw may manliligaw na ako. Umiling na lamang ako at sinabi'ng… "Hindi ko iyon manliligaw"
Kinabukasan. Excited ako'ng pumasok. Suot ko ang ginawa ko'ng porselas na binili ni Elli. Ngunit papasok pa lamang ako sa gate nang may isang balita na gumimbal sa aming lahat...
Sampong estudyante ang nawala. At kabilang doon ay si Elli…
Kaya ang masayang araw ko ay nauwi sa kalungkutan. Pansamantalang itinigil ang klase kahit na hindi naman na ito iba sa amin. Noon pa man ay may mga nawawala ng mga estudyante, at ni isa sakanila ay hindi nahahanap. At sa isipin na kasama ron si Elli ang nagbigay aalalahanin sa akin.
Ngayon lamang ito lumala, kung saan sampo kaagad ang nawala. Hindi malaman ng mga otoridad kung saan ito dinadala, at ang mas masaklap ay walang lead kung sino ang kumukuha.
Tuloy ay ang pangamba sa aking dibdib ay hindi maalis. Kaya nang tumawag sa akin si Jeina ay hindi ko na napigilan pa at nasabi ko sakaniya ang lahat ng saloobin ko.
"Kumalma ka, Hezzy. Mahahanap din sila Elli. Balita ko ay sinusubukan nilang kumalap ng ebidensya tungkol sa pagkawala nila Elli, kanina ay may pumunta sa amin na kapulisan at tinanong kung saan ko huling nakita si Elli." kahit na umaaksiyon na ang mga Pulis, hindi parin naalis ang pangamba sa dibdib ko kaya naman napasalampak ako sa papag ko.
After the call with Jeina ay lumapit sa akin si mama. "Ayos lang ba ang unica hija ko?" Malambing na tanong ni mama. Imbes na sumagot ay yumakap ako dito. "Bakit po ba may nawawala ma? Bakit po may kinukuhang mga estudyante? At bakit wala po silang lead tungkol doon? It was reported before, pero mas malala po ngayon ma. Bakit hindi po sila kumikilos?" Naiiyak ko ng tanong sa aking Ina, kahit na pati ito ay hindi rin naman alam ang sagot. Napabunto'ng hininga si mama at naupo sa harapan ko.Â
"Anak… Alam kong nag-aalala ka sa kaibigan mo. Pero isipin mo sana na… Balang araw ay babalik siya at maiintindihan mo kung bakit nangyayari ang lahat ng ito." Napakunot naman ako sa tinugon ng aking Ina. Nang titigan ko ang mukha nito ay tila kampante pa siya.
Kagaya nga ng sabi ni Jeina ay may dumating nga na mga kapulisan upang tanungin kung saan ko huling nakasama si Elli. And to the look of my mother's face, bakas doon ang takot at pangamba. Sigurado akong hindi iyon dahil sa mga pulis na nasa harapan ko ngayon. Alam kong may kinalaman ito sa kakaibang tugon sa akin ng aking ina nang matapos akong tawagan ni Jeina.
Ngunit, tanghaling tapat nang may isang bisita ang dumating. Si Madame Frieda. May kasama itong batang lalaki na satingin ko ay nasa edad pito.Â
Pero nang aking titigan ang mukha ni Madame Frieda ay bigla na lamang nagkulay-lila ang kaniyang mga mata…Â
Kasabay ang isang mabilis na imahe na dumaan sa aking isipan… Ano… Iyon?
Ngunit bago pa ako makatakbo ay tila nagdilim ang paningin ko… Habang nanatili sa isipan ko ang imahe'ng iyon at pati ang nakangisi'ng labi ni madame Frieda.
=====