Chereads / A brand new day / Chapter 1 - PANIMULA

A brand new day

🇵🇭Hatdog09
  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 3.5k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - PANIMULA

DISCLAIMER:

This is a work of fiction

Names,Characters, Places,events and incidents are all Authors product of imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead is purely coincidental.

A/N:

This is my first story so you will encounter some grammatical errors and typos so please bear with me. I'm not professional writer so don't expect too much, but i do my best for it. Enjoy! :)

"Laui, pasensiya kana ha kung magulo ang aparment ko, hindi pa kase ako nakapag linis."

Kanina pa ako pagod na pagod sa kaka buhat ng maleta ko. Ganito ba kapag tumatanda na? ang dami ng nararamdaman? hinila ko ang maleta ko paakayat. Ang taas kase ng steps nitong hagdan kaya hingal na hingal na ako. Bakit ba kase nasa 4th floor ang bahay ni Kaire?!

"Be, pa tulong."Nahihirapan na sabi ko. Naalarma siya.

"Hala! sorry, akin na 'yan."Sabi niya at kinuha ang bag ko. Agad kong sinalampak ang katawan ko sa sahig sa sobrang pagod. "Laui! kaka walis ko lang kanina, madumi riyan!"Sabi sa 'kin ni Kaire. Agad akong tumayo at pinag pagan ang damit ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi, nag mukha na tuloy akong basahan."Sabi ko habang nag papagpag. Tinulungan niya na rin ako.

"Eh...Nakalimutan ko kase...Sorry,"Hingi niya ng tawad.

"Ayos lang, dumi lang naman 'yan."Sabi ko at napalibot ang tingin ko sa kabuohan ng aparment niya. Napansin ko na may tao sa CR niya. May kasama siya rito?

"Maupo ka muna. Teka lang, nagugutom kaba? anong gusto mo?"Tanong niya.

"Hindi, salamat. busog pa ako."Sagot ko. Napatingin ako sa pintuan ng CR ng bumukas 'yon. Namilog ang mata ko ng makilala ko kung sino 'yon. "Vienia?!"Gulat na usal ko sa pangalan niya, pati siya ay nagulat din.

"Laurie! kamusta na? ang tagal natin hindi nag kita ah?"Nakangiting sabi nya.

"Naku! syempre, mga highschool patayo no'n. A' teka, mag kasama pala kayo? bakit hindi mo sinabi sa 'kin Kaire?!"Tanong ko.

"Hindi ka naman kase nag tanong, eh."Sabi niya. Bumaksak ang balikat ko. Hay...ano pangaba si Kaire 'yan, eh.

"'Di bale na, kaya pala ako narito dahil wala ako matuluyan puwede bang dito muna ako tumira pansamantala?"Nag-aalinlangan ko na sabi. Nakakahiya naman dahil hindi kalakihan ang apartment ni Kaire, dalawa na sila rito nakikisiksik pa ako. Wala na kase akong matakbuhan since pinalayas ako ng land lord sa apartment na tinitirahan ko. Mag babayad naman ako eh! pinag mamadali niya ako kaya ito! napilitan nalang ako sabihin kay Kaire, kinapalan ko na mukha ko, dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta.

"Ayos lang sa 'kin, kay Kaire ang hindi ko alam."Sabi ni Vien.

"Oo, ayos lang din sa 'kin. Kawawa ka naman. Bakit ka ba pinalayas doon sa dati mong apartment?"Tanong ni Kaire. Bumuntong-hininga ako.

"Pina-mamadali niya na kase ako mag bayad. eh, wala panga sahod ko dahil sa makalawa pa."

"Grabe naman 'yang may-ari ng apartment mo, mabuti nalang ay na contact mo ako. Ayos lang naman sa 'kin na dito ka tumira, kasiya naman tayo rito."Nakangiting sabi niya.

"Salamat ha? wala na kase akong mapupuntahan."

"Huwag kang mag-alala kahit hindi kananga umalis dito ay ayos lang, para mag kasama tayo ulit."Nakangiting sabi niya. Nag pasalamat ako ulit. Tinulungan nila akong dalawa na idala sa isa pang guest room ang gamit ko. Nahirapan pa silang dalawa dahil mabigat.

"Laui, ano ba laman nitong maleta mo?bato?"Tanong ni Vien. Natawa ako. Nilapag ko sa kama ang bag ko.

"Drugs be, bibili ka?"Birong alok ko. Natawa silang dalawa ni Kaire. "'Di, biro lang, damit ko lang 'yan at essentials ko kaya siguro mabigat."Bawi ko agad.

"Hmm, ayos kanaba rito? hindi ko pa nalinis itong guest room sure akong maalikabok ang ilang furnitures na narito."Sabi ni Kaire. Pinasadahan niya pa ang ibabaw ng cabinet. Agad ko na winagwag ang kamay ko.

"Ayos lang. Ano kaba, ako nanga ang nakikituloy ako pa mag iinarte."Natatawang sabi ko.

"Sige, mag hain lang ako ng pagkain natin. Alas dose na pala. Vien, papasok kanaba bukas?"Tanong ni Kaire mula sa labas. Nag hahain na siya ng plato.

"Oo, papasok na ako, kaya ko naman na."Sagot ni Vien. Binuksan ko ang maleta ko at Isinalansan ang damit ko.

"Teacher na kayo ngayon?"Tanong ko sakanilang dalawa. Napatingin sila sa 'kin.

"Oo, ikaw? accountant kana?"Tanong niya. Bumuntong-hininga ako.

"Nag resign ako."Sabi ko na kinagulantang nila.

"Ano!?"

"Hala bakit?!"

Sabay na gulat na sabi nila. Naupo ako sa kama at inayos ang pagkakatupi ng damit ko."Hindi ko na kase kaya ang sinasabi ng manager namin sa 'kin, masiyado niyang minamaliit ako kaya nag resign nalang ako." Sabi ko at pinasok ang tinupi ko sa cabinet.

"Gano'n ba? pero may trabaho ka ngayon?"Tanong ni Vien.

"Oo, sa coffee shop."Sagot ko. Napatango silang dalawa. Hindi na nila ako muling tinanong. Tinapos ko na ang pag aayos ng gamit ko. Nahinto ako sa pag lalagay ng frames sa side table ko nang makita ko ang picture frame ko noong bata pa ako. Kasama ko rito si mama pati si papa. Bumuntong-hininga ako. "Babawi po ako sainyo, kung ano pong pinangako ko sa inyo ay tutuparin ko po 'yon." Bulong ko at nilapag 'yon sa table ko. Sinarado ko na ang maleta ko saka ko ginilid.

"Laui, kakain na tayo!"Rinig ko na sigaw ni Kaire.

"Oo, nandiyan na!"Sagot ko. Lumabas na ako roon saka ako naupo sa tabi ni Vien. Nag sandok ako ng kanin at ulam. Habang kumakain ako ay nakikinig lang ako sa usapan nila Kaire at Vien tungkol sa lesson plan na gagawin nila. Napansin ko na medyo itim na ang ilalim ng mga mata nila sa puyat. Mahirap siguro maging teacher, 'no? dahil marami kang kakabisaduhin at pag-aaralan.

Nakaramdam ako ng inggit. Buti pa sila nakuha nila ang trabaho na gusto nila. Ako? nakuha ko nga, minalas naman ako. Puro nalang problema at kamalasan ang nararanasan ko sa buhay ko. Bago kase akong pumasok mag accounting ay nag experience muna ako. Nag trabaho ako sa hotel, naging manager ako sa isang sikat na restaurant, naging cashier din ako sa 7/eleven at naging sales lady rin ako sa iba't ibang mall.

Marami akong kinaharap sa buhay pero ang nakakainis lang ay ang kamalasan ko. Lagi akong napupunta sa maling humahawak na empleyado. Kaya nag re-resign ako dahil kung hindi ako minamaliit, ginagawan nila ako ng kwento sa boss namin para pasibakin ako. Kaya bago pa ako sibakin ng boss ko ay nag re-resign na agad ako. Lahat iyon ay dinanas ko, pero wala naman akong regrets sa desisyon ko. Ang gusto ko lang naman ay maging masaya ako at mawala na lahat ng bwiset na malas at problema sa buhay ko.

Kailan ba kase ako magiging masaya sa buhay ko!? Kahit once lang baka naman!

"Ako na ang maghuhugas, gumawa na kayo ng lesson plan niyo."Presinta ko nang matapos kaming kumain.

"Sige, salamat."Sabi ni Kaire. Tumango ako. Kinuha ko ang plato namin at nilagay ko sa sink. Hinugasan ko muna 'yon at tinaggalan ng kanin. Matapos ko mahugasan 'yon ay nilagay ko na 'yon sa lagayan ng plato. Pinunasan ko ang kamay ko saka ako nag lakad palabas ng kusina. Nakita ko silang dalawa sa sofa na nag susulat sa notebook nila.

"Mauna na ako sainyo matulog ha? good night."Paalam ko. Sabay silang napaangat ng tingin.

"Okay! good night, Laui!"Nakangiting sabi ni Kaire. Ngumiti ako. Tinanguan naman ako ni Vien. Pumasok na ako sa loob at kinuha ang pantulog ko. Mag ha-half bath muna ako bago matulog. Kinuha ko ang towel ko at pumasok ako sa CR. Mabuti ang guests room nila rito ay may CR. Kaya hindi ko maiistorbo sila Kaire at VienMatapos akong mag punas ay nag bihis na ako saka na ako sumampa sa kama ko. Kinuha ko ang cellphone ko para mag alarm. Maaga pa ang pasok ko sa coffee shop baka pagalitan ako ng boss ko. Minsan na kase akong nalate kaya napagalitan niya ako pero mabuti nalang ay hindi masasama ang ugali ng mga katrabaho ko. Sana nga...Hindi sila plastic dahil naasura na ako!

Kinabukasan ay nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko kaya agad akong bumangon. Pinatay ko ang alarm ng cellphone ko. Nakarinig ako ng ingay mula sa labas. Naglalakad ako palabas doon. Humihikab pa ako habang nagkakamot.

"Good morning."Bati ko sakanila. Nagising ang diwa ko ng may makita akong kilalang kong dalawang lalaki at babae. Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwala sa nakita ko.

"Laurie?! omy ghaad be! ikaw nga!"Tuwang gulat na sabi ni Hailey at yumakap sa 'kin. "Omy God! hindi kita nakilala! gumanda ka lalo ha?"Nangiting sabi niya nang kumalas siya sa yakap niya sa 'kin. Napagiwi ako.

"Hindi ako maganda."Nakangiwing sabi ko. Ngumiwi rin siya na animo'y hindi nagustuhan ang sinabi ko. Napatingin ako roon kina Leon at Dwaine na gulat paring naka tingin sa 'kin. "Ano? gulat na gulat? gumanda ba talaga ako ha?"Birong sabi ko. Natauhan silang dalawa.

"Sino siya?"Tanong ni Leon. Hinapas ko siya ng unan. Hindi ko alam kung saan ko nadampot 'yon."Aray! gagi biro lang! Long time no see pre! musta?"Nakangiting sabi ni Leon.

"Ito, ayos lang."Sagot ko. Nakita ko na siniko ni Leon si Dwaine para matigil ito sa pag babasa comic niya. Hindi talaga siya ang bago mahilig talaga siya mag basa ng comic. Napatingin siya sa 'kin.

"It's good to see you again, Laurie."Sabi niya.Narinig ko na humagalpak ng tawa si Hailey at pinalo ang likod ni Dwaine kaya napaubo ito sa lakas no'n.

"Gagi ampotek!"Natatawang sabi ni Hailey. Siguro natawa siya dahil sa tono ng boses ni Dwaine. Paano kase 'yung tono ng boses niya parang akala mo ay guest ako sa resort. Bahagiyang natawa si Leon, nahawa na sa tawa ni Hailey. Sa sobrang tawa ni Hailey ay napaubo nasiya.

"Tsk, tawa ng tawa wala naman nakakatawa. 'Di ka dapat nurse sa Hospital sa Mental dapat."Sabi ni Leon kaya binatukan siya ni Hailey.

"Gagu! tumawa ka rin kaya!"Natatawa paring sabi ni Hailey. "Ay be! kamusta na pala kayo ni-"

"Wala na kami."Pigil ko sa sasabihin niya.Nagulat siya.

"Ha!? 'dinga!? kailan pa?"Gulat na tanong niya. Bumuntong-hininga ako.

"Hailey, 'wag mo nang tanungin si Laurie mukhang naka move on naman na."Singit ni Vien.

"Sorry."Sabi niya. Bumuntong-hininga ako.

"Ayos lang. Matagal na naman na iyon."Sabi ko at ngumiti. Ayoko ng balikan 'yon, humilom na ang sugat ko ayaw ko na masugatan pa 'yon.

Nag usap-usap sila ngayon tungkol sa mga problema nila sa trabaho.Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil natupad nila ang pangarap nila. Si Hailey na dati ay hindi alam ang kurso ngayon ay nurse na. Si Vienia, Kaire at Dwaine ay Teacher na at si Leon ay Engineer na.

Hindi ko maiwasan na mainggit. Napangiti nalang ako. "Mukhang natupad niyo mga pangarap niyo ah? congrats."Sabi ko. Narinig ko na Napa bumuntong-hininga si Vien at lumapit sa 'kin.

"Laui..."

"Ano kaba Vien, natutuwa lang ako ano kaba."Nakangiting sabi ko. Nababakasan ko ang pag-aalala sa tingin niya pero nginitian ko lang siya.

"Bakit? 'diba sabi mo noon mag a-accounting ka?"Napatingin ako kay Dwaine nang tanungin niya ako.

"Hmm, pero nag resign ako."Sabi ko. Nagulat siya.

"Bakit?"

"Mahabang kwento."Sabi ko. Hindi naman sa ayaw ko ikwento sakaniya. Tinatamad lang ako mag kwento. "Teka, diba sabi mo dati gusto mong mag teacher sa Japan?"Tanong ko nang maalala ko 'yon.

"Naalala mo pa pala 'yon."Bahagiyang Nakangiting sabi niya. Napangiwi ako sa utak ko nang marinig ko ang sipol nila Leon at Hailey. Sarap pag untugin ng dalawa na 'to eh napaka mai-isue.

"So bakit nandito ka? 'diba sabi mo doon ka mag tuturo?"Tanong ko. Hindi ko pinansin ang mapanuksong tingin ni Leon sa 'kin.

"Mag e-experince muna ako rito bago ako mag turo ro'n."Sagot niya. Napatango ako. Asar kong tinignan sila Hailey at Leon.

"Dudukutin ko 'yang mata niyong dalawa kapag hindi kayo tumigil."Asar na suway ko kina Leon at Hailey. Natawa silang dalawa. "O siya maliligo na ako dahil papasok pa ako."Sabi ko.

"Okay aalis narin kami Laui, ayos ba sa'yo na miwanan dito?"Tanong ni Kaire nang masalita na siya. Napansin ko kase ang pagtahimik nilang dalawa ni Vien. Pero baka hindi lang sanay dahil tahimik naman talaga ang dalawa na 'yan.

"Oo ayos lang, ibigay mo sa 'kin ang spare key para kahit na mauna akong umuwi ay mabubuksan ko ang pintuan."Sabi ko.

"Sige, teka lang."Sabi niya at lumapit sa ref. May kinuha siyang susi na naka sabit doon. "Ito ang spare key mo. Ingatan mo baka mawala."Paalala niya. Tumango ako. "Sige, Laui, una na kami."Sabi niya

"Sige, ingat kayo."Nakangiting sabi ko.

"Bye Laurie! sasama ako kina Kaire mamaya pagkatapos ng shift ko."Sabi ni Hailey. Tumango ako. Nag paalam ulit sila. Sinamahan ko sila hanggang sa palabas ng pintuan.

"Ingat kayo."Sabi ko. Kunaway sila sa 'kin bago na sila bumaba. Sinarado ko na ang pintuan. Dimeretso ako sa loob ng kwarto ko at naligo na. Matapos mo maligo ay sinuot ko na ang napili kong damit. Humarap ako sa salamin at ngumiti. "Good morning self, i hope this day will be my day."Nakangiting sabi ko sa sarili ko. Tinali ko into messy bun ang buhok ko at ang apply ako ng lip balm para hindi naman akong mukhang losyang.

Matapos ko ayusin ang sarili ko ay lumabas na ako ng bahay. Sinarado ko na ang pintuan. Bumaba na ako roon. Palabas palang ako ng gate ay muntikan akong matapilok dahil natanggal ang swelas ng sapatos ko. Napabuntong-hininga ako.

"Hay! kainis naman bakit ngayon pa?!"Inis na sabi ko at kinuha ang sapatos ko. Nag palinga-linga ako para mag hanap ng tindahan. Natigil ako ng may makita akong shop ng sapatos. Pumasok ako roon. Napasinghap ako sa amoy. Ang bango amoy bangong sapatos.

"Ah...Kuya puwede po bang palagiyan ng pandikit? pasensiya na po kung naabala ko po kayo."Nahihiya kong sabi kay kuya na gumagawa ng sapatos.

"Walang problema hija, akin na para ma idikit natin." Sabi niya. Napangiti ako at binigay sakaniya 'yon. "'Yong isa hija? baka matagal din 'yan."Sabi niya. Napatingin ako sa sapatos ko.

"Ayos lang po, mukhang matibay pa naman po."Sabi ko. Binigay niya na sa 'kin ang sapatos ko na nadikit niya na."Salamat po kuya, sandali po ayos na po ba itong halaga sainyo?"Tanong ng i abot ko ang isang libo.

"Naku! hija ayos lang."Tanggi niya pero binigay ko parin 'yon dahil para makatulong sakaniya.

"Ayos lang po, salamat po kuya."Sabi ko. Ngumiti siya.

"Salamat din."Sagot niya. Nag paalam na ako sakaniya saka na ako lumabas doon. Nag abang ako ng jeep sa waiting shed. Pinapaypayan ko ang sarili ko dahil sa init. Kahit alasiete palang ay pawis na pawis na ako. Amoy araw na tuloy ako pagdating sa coffee shop.

Tumayo ako nang mataw ko ang paparating na Jeep. Sumakay ako roon."O', isa nalang! ne usong ka para mag kasiya pa ng dalawa."Sabi ng kuya. Napabusangot ako. Kuya mapayat ako oo, pero may laman parin ako kaya nasisikipan parin ako!

"Kuya masikip na po,"Sabi ko. Nadikdik na kase ako sa gilid.

"Oo nga kuya halos nga isang puwet ko nalang ang naka upo eh,"Sabi ng ginang. Napakamot sa ulo 'yung kuya. Maya-maya ay umandar na ang jeep. Sa buog byahe na 'yon ay mainit ang ulo ko. Mainit nanga ang pakimramdam ko mainit pa ang ulo ko.

Halos higupin ko na lahat ng hangin dahil para akong naubusan ng hinga. Mabuti nalang ay nakarating na ako sa coffee shop. "Oh? Laurie ayos kalang ba? parang kang ginahasa ah?"Napaayso ako ng tayo at sinamaan ng tingin si Eya. Manager namin dito.

"Grabe ka! na hagard lang ako sa byahe."Sabi ko habang nag lalakad papasok ng locker room.

"Hahaha kaya pala sabog ka. 'Buti hindi ka late kung late ka namaman yari ka kay boss Yesa."Sabi niya. Si Yesa ang Boss namin dito. Kahit na naging magkaibigan kami noong college ay hindi parin sapat 'yon para hindi niya ako napalitan.

"Oo nga, wala pa siya?"Tanong ko habang nag aayos ng buhok ko. Sinuot ko ang subrero ko.

"Wala pa baka mamaya pa 'yon."Sabi niya. Tumango ako."Sige na samahan mo na si Summer doon para mag bukas na tayo."Sabi niya.Tumango ako. Sumabay na ako sakaniya paglabas. Tumabi ako kay Summer.

"Hagard ka Laurie ah?"Sabi niya nang mapansin ang pawisan na ako. Pinunasan ko ang noo ko gamit ang likod ng palad ko.

"Oo nga eh, kainis kase yung kuyang barker nag dagdag pa ng tatlo eh ang sikip na kaya! kaya tuloy para akong losyang."Nakabusangot na sabi ko. Narinig ko na natawa siya.

"Ayos lang 'yan, ganiyan talaga ang buhay. Kailagan mong makipag sapalaran para mabuhay ka."Sabi niya. Bumuntong-hininga ako.

"Tama ka."Sabi ko at ngumiti. Matapos namin nag usap ay naging busy na kaming dalawa sa pag kuha ng orders ng mga pumapasok na customers. Pa minsa pang nag papalit kami ni Jocel. Na siya muna ang pinahawak ko sa puwesto ko at ako ang se-serve dahil napansin ko na pagod na siya.

"Here's your frappuccino ma'am, enjoy po."Nakangiting sabi ko. Umalis na ako roon at kinuha ang iba pang orders para ihatid sa mga table ng mga umorder.

kada lumilipas ang oras ay dumadami ang customers kaya pagod kaming lahat. Tagak-tak nanga ang pawis ko. "Ano, kaya pa?"Nangiting tanong ni Yesa. Kakarating niya lang kaninang tanghali.

"Yes ma'am kering-keri pa."Sagot ko.

"Yesa nalang, napaka formal naman ng ma'am."Sabi niya.

"Ma'am naman talaga ano gusto mo Sir?"Sabi ko. Siniko niya ako. Bahagiya akong natawa. Bumalik na ulit ako sa trabaho. ilang oras ang ginugugol hanggang sa matapos ang shift ko kaya naupo muna ako sa upuan. Hanggang alas singko lang ang shift ko kaya pahinga muna ako at maya-maya ay uuwi na ako.

"Ang init grabe."Reklamo ko.

"Oo nga eh, naka aircon naman na tayo pero mainit parin."Saang ayon ni Summer. Huminga ako ng malalim at tumayo na. "Oh? uuwi kana?"

"Oo, gusto ko nang magpahinga."Sabi ko at nag inat ng katawan. "Mauna na ako ha,"Paalam ko. Tumango siya. Pumasok na ako ng locker room para mag palit na ng damit. Ramdam ko na basa na ako ng pawis. Matapos akong makapag bihis ay nilagay ko na sa bag ko ang damit ko pagkatapos ay Inayos ko ang buhok ko saka na ako lumabas doon.

"Paalam sainyo, mauna na ako."Paalam ko sakanila. Kumaway sila sa 'kin.

"Bye laurie!"Boses ni Eyana. Wala na si Yesa dahil umalis na siya kanina. Ngumiti ako sakanila muli saka na ako umalis. Nag lakad ako papunta sa waiting shed. May mga tao rin na nag aabang nag Jeep. Umurong ako sa gilid. Nag palinga-linga ako habang nag hahanap ng masasakyan.

Mag lalakad na sana ako dahil may nakita ako na jeep napaparating ngunit biglang may tumalsik na maruming tubig sa mukha at damit ko dahilan para matigilan ako. "Lecheng 'yan! hoy! ang kapal mong tumakas! bumalik ka rito!"Sigaw ko sa may ari ng gray na BMW na sasakyan. May concern citizens naman na pumigil doon sa sasakyan kaya huminto 'yon.

Inis ko na pinunasan ang mukha ko. Argh! wala na dagdag labahin nanaman! Inis kong tinignan yung lalaking bumaba ng sasakyan. Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Aaminin kong guwapo siya pero wala parin siyang respeto dahil kung hindi siya hinabol ni manong edi hindi niya panangutan ang nagawa niya!

"Hoy ikaw na lalaking pinag lihi kay adonis! tignan mo ang ginawa mo sa damit ko! alam niyo kayong may mga sasakyan 'di por que pasarap buhay kayo dahil feel niyo safe kayo dahil nakasakay kayo sa sasakyan niyo dapat isipin niyo naman namay mga taong matatalsikan ng maduming tubig kapag dumaan kayo sa matubig na daan!"Sigaw at duro ko sakaniya.

"Miss, i'm sorry, Hindi ko naman sinasadiya na matalsikan ka. Wala naman akong alam na may tubig pala sa dadaanan ko."Paliwanag niya. Suminghal ako.

"Kahit na! dapat alam niyo rin!"Singhal na sabi ko. Bumuntong-hininga siya.

"I'm sorry,"Hingi niya ng pasensiya. Bumuntong-hininga ako. Itataas ko paba ang pride ko? nag sorry na siya kaya ayos na 'yon at least alam niya ang mali niya.

"Fine."Maikling sagot ko. Binuksan ko ang bag ko para kuhanin ang panyo ko pero natigilan ako ng abutan niya ako ng panyo.

"Here, take it."Sabi niya. Tinignan ko 'yon. Wow i didn't expect him being kind like this, huh? nasigawan ko na siya lahat-lahat, pero sabagay, kasalanan niya naman kase.

"Hindi na, ayos lang. May panyo naman ako."Sabi ko ay hinalungkat ang bag ko pero hindi ko makita ang panyo ko. Natigilan ako nang maalala ko na wala pa talaga akong dalang panyo.

"Why?"Tanong niya.

"N-Naalala ko palang hindi ako nag dala ng panyo."Sabi ko. Bahagiya siyang natawa.

"Tanggapin mo na, kasalanan ko naman kung bakit ka narumihan."Sabi niya at inalok ulit ang paniyo niya. Bumuntong-hininga ako tinaggap nalang iyon.

"Salamat."Sabi ko. Tumango siya.

"I'll go now."Paalam niya. Tumango nalang ako. Pinunasan ko ang braso ko na may kaunting putik dahil doon sa talsik.

"Ah mist-"Tatawagin ko na sana siya para ibigay sakaniya ang panyo niya pero natigilan ako ng makita siyang papalapit sa 'kin. Tinanggal niya ang jacket niya at pinatong sa balikat ko kaya nagulat ako.

"Sa'yo na muna 'yan. Ibalik mo nalang sa 'kin kapag nakita tayo ulit."Sabi niya at Ngumiti. Nag lakad na siya paalis. Napaawang ang bibig ko nang may makalimutan ako. Hindi ko natanong ang pangalan niya.

Lame haha sorry sa typos :( Fixed

-Your potato author