Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Moon Rises Upon Me

🇵🇭_OneShotQueen_
1
Completed
--
NOT RATINGS
5.5k
Views
Synopsis
"Paano kung ang taong lubos mong iniibig ay ang araw na namumuno sa ating bayan, nanaisin mo bang maging kanyang buwan?" Kahit hindi kilala ni Fei and buong pagkatao ng kanyang kababata ay ginusto pa din niyang makipagkita dito sa isang lugar na itinuring nilang TAGPUAN... Ngunit anong mangyayari sa kanilang pagsasama kung ang lalaking ito pala ay ang itinakdang prinsipe at siya ay isang hamak na mamamayan lamang? Mapagtatagumpayan kaya nila ang mga pagsubok ng magkasama? (Ps. Are you also fond of K-drama in historical genre? This is my own version of it, written in Filipino language)
VIEW MORE

Chapter 1 - The moon rises upon me (One Shot)

(Wook's POV)

Unang linggo ng tagsibol, sa ilalim ng puno, sa gilid ng malinis na ilog, at sa isang lugar na maituturing kong maganda at mayapa, ito ang itinuring naming… tagpuan.

Pumikit ako, hinintay ang pagdating niya. Ilang sandali pa, narinig ko ang unti unting paglapit ng mga yabag. Huminto ito, alam kong naririto na sya, kaya't iminulat ko na ang aking mga mata. Sa aking harapan ay nasilayan ko ang mala anghel niyang mukha na lalong pinagaganda ng matatamis niyang mga ngiti. Gumanti ako ng ngiti at tumayo sa pagkakahiga.

"Limang taon na ang nakararaan, sa parehong buwan at lugar, naaalala mo pa ba?" Pagbasag ko sa nakabibinging katahimikan. Pareho kaming nakangiti habang nakatingin sa kawalan.

"Hindi ko makakalimutan ang nakakahiyang tagpong iyon." Sagot niya.

"Bakit nga ba naririto ka noon?"

Masaya niyang isinalaysay ang kasaguatan. "Sa daan patungo sa kaharian ay natanaw ko ang lugar na ito. Namangha ako na sa likod ng mataas na pader ng palasyo ay may ganitong kagandang tanawin. Kaya't lumabas ako ng mag-isa. Ngunit naligaw ako at nakita ang nakahandusay na munting ginoo. Natakot ako, kaya't dali-dali akong lumapit sa kanya."

Ginaya ko ang mahinhin nyang boses noong una kaming nagtagpo. "Munting ginoo, anong nangyari sa iyo? Ayos ka lang ba? Paki-usap gumising ka. TULONG, MAY TAO BA DYAN?"

"Ano ba, tama na ginoo." Nahihiya niyang pagpigil sa akin.

"Dinig na dinig ko ang takot sa boses mo noon. Kaya't napilitan akong imulat ang aking mga mata. Bigla kang tumayo sa pagkagulat." Halos matawa ako habang sinasariwa ang mga ala-alang iyon.

"Labis akong nahiya sa mga ginawa at sinambit ko. Kung saan-saan ka natutulog, kasalanan mo din naman iyon ginoo."

Noong mga sandaling iyon, sa unang pagkakataon ay naramdaman ko na may isang taong totoong may paki-alam sa akin ng walang halong motibo, kahit hindi niya kilala ang aking buong pagkatao. At higit sa lahat, humanga ako sa isang babaeng estranghero pa lamang nang panahong iyon.

"Kung kasalanan ang makilala ka, malugod kong tatanggapin ang aking kaparusahan Fei." Tumingin ako sa kanya at ganon din siya sa akin.

"Ayan ka na naman, kung magsalita ka parang kay tanda mo na."

"Labingwalong taong gulang na ako, nararapat lamang na umasal ako ng ganito, hindi ba't sa ganitong edad ay nararapat nang pagpapakasal ang mga kababaihan at kalalakihan?"

"Kung ganon ay ikakasal ka na?"

Biglang naging seryoso ang aming usapan. "Fei, kung saka-sakali, pinangarap mo bang maging itinakdang prinsesa at maging susunod na reyna?"

"Hindi ginoo, ang nais ko ay mabuhay ng normal kasama ang lalaking lubos kong iniibig."

"Paano kung ang taong lubos mong iniibig ay ang araw na namumuno sa ating bayan. Nanaisin mo bang maging kanyang buwan?"

"Kung ito ang nakatakda, tatanggapin ko ng buong puso. Saglit lamang, bakit mo nga pala naitanong ang ganitong bagay?"

"Wala lang, kung saka-sakali nga lang hindi ba?"

Humiga akong muli at pinahiga ko sya sa aking mga bisig. Matagal naming sinulit ang mga sandali ng magkasama.

"Ginoo, babalik na ako sa kaharian, marahil hinahanap na ako ng aking kapatid."

"Sa loob ng limang araw na pamamalagi mo sa kaharian, kailangan mong bumalik dito sa ating tagpuan. Maliwanag ba?"

"Paano ko malilimutan ang kasunduang ginawa ng tusong munting ginoo limang taon na ang nakalilipas kapalit ng pagtuturo niya sa akin ng daan pabalik sa kaharian?"

"Aba't-"

"Paalam na, hanggang sa muli."

Natutunan na rin niyang ako ay inisin.

Bigla kong naalalang dapat na akong bumalik sa palasyo. Palihim akong umakyat sa mataas na pader, bihasa na ako sa bagay na ito, mahigit limang taon na din akong lumalabas ng mag-isa't patago.

"Kamahalan, natutuwa ako't narito ka na. Mabuti't hindi nagtungo dito ang iyong amang hari. Kung nagkataon, hindi ko alam kung paano ipaliliwanag ang iyong pagkawala," kinakabahang saad ng aking tapat na tagapaglingkod.

"Kailan ba ako nahuli Ginoong Yun? Maraming salamat sa katapatan mo."

"Itinakdang prinsipe, buong puso akong maglilingkod sa inyo hanggang sa huling sandali ng aking buhay at maging sa susunod pang buhay."

Makalipas ang limang maliligayang araw;

"Kamahalan, si Yun ito. Mayroon akong hatid na balita."

"Tumuloy ka."

"Mahal na prinsipe, nais ko lang ipabatid na nasa kamay na ng ating hari ang listahan ng pangalan ng mga kababaihang napipisil ng ating inang reyna na maging itinakdang prinsesa."

"ANONG SINAMBIT MO? Maghanda ka, magtutungo tayo sa amang hari."

Nagmadali ako upang pakiusapan ang hari na maging patas sa pagpili. Sa daan patungo sa kanyang tahanan ay naramdaman ako ang malagkit na tingin ng kung sino kaya't lumingon ako. Nagulat ako ng makita si Fei na nanlalaki ang mga mata at tila naguguluhan sa kanyang nakikita.

Agad akong nagtungo sa kanya. Noong sandaling iyon ay suot ko ang kasuotang tanging ang itinakdang prinsipe lang ang maaring magsuot. Agad siyang yumuko.

"Tanggapin mo ang aking papuri, aming kamahalan."

"Magpapaliwanag ako," bulong ko sa kanya.

"Hindi na kailangan kamahalan. Ako'y hamak lang na mamamaya-" ni hindi niya ako pinukulan ng tingin.

"Tama na nga iyan, mamaya sa ating tagpuan, huwag mawawala," mahinang sambit ko upang walang makarinig.

"Masusunod aming kamahalan."

Sa silid ni ama;

"Mahal kong amang hari, may nais akong hilingin sa iyo. Sana'y iyong mapagbigyan."

"Ano iyon mahal na prinsipe?"

"Maari bang baguhin na natin ang sistema ng pagpapakasal ng itinakdang prinsipe?"

"Hindi maari ang bagay na iyan. Magagalit ang ating mga ninuno sa hiniling mo, matagal nang nakasanayan ang sistemang ito."

"Subalit amang hari, batid nating ang inang reyna ay may pinapanigan, siguradong kadugo niya ang iluluklok niya sa posisyon ng pagiging itinakdang prinsesa. Kaya't hindi nararapat na siya ang mag desisyon sa bagay na ito."

"Patawad, subalit wala akong magagawa. Maari ka ng umalis."

Batid ko namang iyon ang magiging sagot niya, sinubukan ko lamang upang wala akong pagsisihan.

Muli akong nagtungo sa labas ng kaharian. Malayo pa lang ay natanaw ko na si Fei na naghihintay. Nang makita niya ako ay lumuhod siya at yumuko.

"Kamahalan, isa akong lapastangan, wala akong karapatang kausapin ka, hindi dapat ako tumitingin sa iyong mga mata dahil mababa lang ako, maling itinuring kita na kapantay ko lang, dapat akong parusahan."

"Sinabi ko bang lumuhod at humingi ka ng tawad? Ito ang dahilan kaya't hindi agad ako nagpakilala sa iyo, dahil natatakot akong biglaang magbago ang pakikitungo mo sa akin. Tumayo ka na diyan. Hindi ako kaylan man magagalit sayo Fei." Inalalayan ko siyang tumayo, subalit hindi pa rin niya ako tinitingnan. Itinunghay ko ang kanyang mukha, ngunit muli siyang yumuko. Bigla akong napatawa.

"Umayos ka nga, ituring mo ako na gaya ng dati, maari ba?"

"Patawad subalit hindi maari kamahalan."

"Kung ganon, sa ngalan ng inyong itinadang prinsipe, inuutusan kita na ibalik ang dati nating turingan."

Sa kabila ng aking kautusan ay hindi pa rin nagtatagpo ang aming mga mata.

"Sinusuway mo na ba ako? Nakalimutan mo na bang ang hindi pagsunod sa akin ay nangangahulugang pagtataksil sa bayan na may mabigat na kaparusahan?"

Sa wakas ay tumingin na siya. "Kamahalan bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito? Sana una pa lang ay nagpakilala ka na, ni pangalan mo ay hindi mo sa akin ipinaalam kaya't-."

"Paumanhin. May balak naman akong sabihin sayo ang katotohanan sa tamang panahon, biglaan din ang mga naganap kanina. Akala ko lumisan ka na kaya't walang ingat akong lumabas ng aking tahanan."

"Hindi ka dapat humihingi ng tawad sa akin kamahalan."

"Fei..."

"Mahal na prinsipe?"

"Nanatili ka ba dito dahil kasama ang pangalan mo sa listahan ng maaring maging susunod na reyna?"

"Ganon na nga kamahalan. Noong una nag-aalinlangan ako, subalit matapos ang aking natuklasan ginusto ko nang lumahok sa pagsusuri."

Nadala ako sa bugso ng damdamin, hinawakan ko ang kanyang kamay at hinatak si Fei papalapit sa akin. Sa unang pagkakataon ay niyakap ko siya matapos makumpirma na may pagtingin din sa akin ang babaeng lubos kong pinapangarap.

"Natutuwa ako sa mga narinig ko, may tiwala ako sayo. Fei, tandaan mong kailangan ng bayan ng reynang katulad mo, at kailangan kita sa tabi ko."

Makalipas ang isang araw, lumabas ang resultang hinihintay ko.

"Kamahalan, ang tatlong napili ng inang reyna upang magharap-harap sa susunod na araw ay sina Binibining Su Lan, pamangkin ni ministro Su. Binibining Han Fei, kapatid ng mahal na Sukbin. At ang pamangkin ng ating inang reynang si Binibining Eun Bai." balitang hatid ni ginoong Yun.

(Sukbin-pinakamataas na kalaguyo ng hari, sumunod sa reyna.)

"Kamahalan, naririto ang mahal na prinsipe Wol sa labas ng inyong silid," saad ng aking taga-ulat.

"Talaga? Narito si Kuya? Papasukin nyo sya."

Masaya kong sinalubong ang aking kapatid. "Kuya, natutuwa ako sa iyong pagbisita. Kay tagal na rin ng huli tayong nagkasama."

"Kamahalan, ipagpatawad mo, naparito ako upang humiling ng isang bagay mula sa iyo."

"Ganon ba? Sabihin mo, sa abot ng aking makakaya ay tutulungan kita."

"Kamahalan, batid natin pareho na hindi patas pumili ang inang reyna ng hahalili sa trono ng pagiging itinakdang prinsesa, siguradong si Eun Bai ang iluluklok niya. Nangangamba ako sapagkat na kasanayan na sa ating imperyo na sa tatlong huling mapipili, isa ang magiging reyna at ang dalawa namang matitira ay hindi na maaring makapag-asawa pa."

"Anong nais mong tulong mula sa akin kuya?"

"Si Han Fei, tulungan mo akong itakas siya sa oras na maluklok ka na bilang hari. Nais ko siyang maging kabiyak at ang malakas na pwersa ng iyong kawal ang-"

"Hindi maari, hilingin mo ang kahit ano, ngunit huwag ang bagay na iyan," lubos akong nagulat sa kahilingan niya.

"Kamahalan, hindi ka na dapat mag-alala pa sa akin, handa akong talikuran ang pagiging prinsipe para sa kanya."

Bakit sa lahat ng maaring magiging karibal ko, sariling kuya ko pa?

"Kuya, hindi lang iyan ang aking dahilan."

"Kung ganon… kamahalan… may pagtingin ka din kay Fei?" Lumuhod siya at yumuko. "Pakiusap, itigil mo na ang kahibangang ito. Maawa ka sa kanya kamahalan."

"Anong ibig mong sabihin kuya?"

"Kung saka-sakali, binabalak mo bang maging kalaguyo si Fei kagaya ng kanyang kapatid at ng aking ina?"

"Kahit ang pagiging Sukbin lang ang maibibigay ko sa kanya ang aking atensyon at pagmamahal ay habang buhay kong iaalay."

"Mahal na prinsipe kapag ginawa mo iyan ay manganganib ang buhay ni Fei, ituturing syang banta sa posisyon ng reyna, pati na rin inyong magiging supling. Maiinda mo bang paalisin siya sa kaharian para maiwasan ang mga usap-usapin, hahayaan mo bang danasin niya ang mga dinanas ko? Kamahalan, baguhin mo ng iyong pasya nakikiusa-"

"TUMIGIL KA NA KUYA! Ako na ang bahala. Maari ka ng umalis."

"Nasabihan na kita kamahalan."

Alam ko na ang mga bagay na tinuran ni kuya, subalit hindi ko kayang pakawalan si Fei.

Panibagong araw ang dumating.

"Kamahalan..." malungkot na salubong ng aking tagapaglingkod.

"Hindi mo na kailangang magsalita. Magbantay ka dito Ginoong Yun, huwag kang magpapapasok ng kahit na sino, sabihin mong ayaw kong tumanggap ng bisita."

Nagtungo ako sa aming tagpuan, tama ako. Naririto siya, nakatingin sa malayo at bakas ang lungkot sa mukha.

"Hindi mo na kailangang magdamdam, batid ko kung sino ang nais kong maging buwan hindi ba?"

"Kamahalan nabigo kita."

"Mabibigo mo lang ako kung tatanggi ka sa alok ko."

"Anong alok kamahalan?"

"Tatanggapin mo ba ang puso ko, at pumapayag ka bang maging nag-iisang babaeng iibigin ng susunod na hari? Kahit wala sayo ang korona, pangako, sayo ako ng buong buo."

Bumagsak ang mga luha sa kanyang mata.

"Isang karangalan ang inaalok mo kamahalan. Karapatdapat ba ako dito?"

Hinawakan ko ang kanyang mukha at pinawi ang mga luha ng kaligayahan.

"Ikaw lang ang nag-iisang taong may karapatan sa puso ko. Panghawakan mo ang pangakong 'yan."

Niyakap ko siya ng mahigpit at ganon din sya sa akin.

"Maitanong ko nga pala. Fei... kilala mo ba si prinsipe Wol?"

"Kilala ko siya mahal na prinsipe. Parati ko syang nakikitang bumibisita sa aking kapatid tuwing ako ay naroroon. Tinutukso nga ako ni ate sa kanya."

"Gusto mo ba sya?"

"Kamahalan?"

"Hindi maitatangging matipuno ang aking kapatid, maraming babaeng nag kakandarapa sa kanya. Kaya't-"

"Mahal na prinsipe, limang taon na ang nakakaraan, ang puso ko'y... nabihag na."

"Fei, pag ako na ang hari ng ating bayan, pakakasalan kita kaagad. Mahihintay mo ba ako?"

"Kung sasabihin mong maghintay ako, gagawin ko kamahalan."

"Gawin mo aking buwan, tandaan mong ang araw ang palaging nakagabay sayo."

"Kamahalan..." Biglang napawi ang ngiting nakaguhit sa kanyang labi.

"May nais ka bang sabihin?"

"Nag desisyon na ang aking kapatid na kung hindi ako ang mapipili ay pag-aaralin nila ako ng medisina ng limang taon upang tulungan si inang maglingkod sa nangangailangan."

"Nabanggit mo na ba sa kanila ang namamagitan sa atin?"

"Hindi ko batid kung paano ko ipaliliwanag sa kanila. Kamahalan, payagan mo akong tuparin ang kagustuhan ng aking pamilya para sa akin, kahit sa ganitong paraan ay mapasaya ko si ina. Maari bang ibalik ko ang iyong tanong? Kaya mo bang maghintay, kamahalan?"

"Kung naipapangako mong babalik ka, maghihintay ako."

"Isang karangalan ang bumalik sa iyong piling, mahal na prinsipe."

Nakakalungkot na mawalay siya sa akin ng ganong katagal, subalit mas nakakalungkot kung hindi siya liligaya dahil nakatali na siya sa pagmamahal ko.

Matapos ang araw ng paglisan ni Fei ay tinanggap ko ang iminumungkahing kasal ng mga ministro na base sa kanila ay makapagpapalakas sa imperyo.

Dalawang taon ang lumipas, nanghina ang aking amang hari at dumating sa puntong kinakailangan ko nang humalili sa kanya. Sa edad na dalawampu ay umupo ako sa trono.

Mabagal man at malungkot, hinintay ko ang tatlong taon at nang dumating ang araw na iyon ay masaya ko syang sinalubong sa aming tagpuan.

"Kamusta ka mahal na hari?" Bati niya sa akin.

"Limang taon tayong hindi nagkita. Iyan lamang ang sasabihin mo?"

"A-ano ba dapat ang-"

Mabilis akong lumapit sa kanya at inangkin ang kanyang mga labi.

"K-kamahalan?"

"Ipagpaumanhin mo ang aking kalapastanganan, lubos lang talaga akong nangulila sa iyo. Ah, tanggapin mo ito, handog ko sa iyo."

Inabot ko sa kanya ang aking regalo.

"Gintong palamuti na hugis buwan?"

"Regalo ng aking ina, nais niyang ibigay ko sa aking magiging reyna."

"Kung ganon kamahalan hindi ito para sa akin."

"Fei..."

"Binibiro lang kita kamahalan, batid ko ang ibig mong sabihin. Ngunit..."

"Ngunit ano?"

"Kamahalan, hindi ko nais magpakasal... sa ginoong ni hindi ko alam ang pangalan." Bakas sa kanyang mukha ang pang-aasar.

"Tinatakot mo naman ako. Fei, bukod sa aking magulang at mga kapatid, ikaw pa lamang ang makakaalam nito, ngayon ko lang ito sasabihin, huwag na huwag mong kakalimutan."

Ibinulong ko sa kanya ang mga salitang "Eun Wook"

"Eun na ngangahulugang mabuti at Wook na ang ibig sabihin ay pagsikat ng araw. Bagay na bagay sa iyo kamahalan."

"Halika na, kinakailangan na nating magpalit ng kasootan. Magsisimula na ang seremonya ng pag-iisang dibdib."

"Anong tinuran mo mahal na hari?"

"Naka-usap ko na ang mahal na Sukbin nang hingin ko ang iyong kamay, nangako ako sa kapatid mong iingatan at aalagaan kita. Nahingi ko na din ang pahintulot ng aking pamilya. Bago ang iyong magdating ay inihanda ko na ang lahat upang sa pagtapak pa lang ng iyong mga paa sa palasyo ay mapapasaakin ka na talaga."

Naganap ang pinaka masayang araw ng aking buhay. Matapos ang aming pag-iisang dibdib ay ibinigay ko na sa kanya ang titulong "Sukbin" kagaya ng kanyang kapatid.

Kinagabihan;

"Ipatawag ang mahal na Sukbin at sabihing dito sya sa aking silid matutulog."

"Kamahalan?"

"Hindi mo ba narinig ang aking tinuran?"

"Masusunod kamahalan."

Makalipas ang ilang sandali;

"Naririto na sa labas ng iyong silid ang Mahal na Sukbin kamahalan."

"Papasukin nyo sya."

"Pagbati, mahal na hari."

"Magandang gabi mahal kong Sukbin."

"Anong kadahilanan at pinatawag nyo ako sa iyong silid sa kalgitnaan ng gabi kamahalan?"

"Hindi mo ba nais na ako'y makapiling? Nagtataka na nga ang aking mga alipin dahil sa unang pagkakataon ay may pinatawag ako upang makasama sa pagtulog."

"Napaka lupit mo naman sa damdamin ng reyna kamahalan."

Tila sinampal ako ng katotohanan.

"Batid ko yan. Ngunit, bilang isang hari nararapat na may isang salita ako, nangako na ako sayo, kung paasahin ko lamang ang reyna, hindi ba mas malupit iyon aking buwan?"

"Hindi kita ipagkakait sa iba kamahalan, karapatan mo iyon bilang isang hari."

"Fei, aminin mo sa akin ang totoo, nais mo bang maging reyna? Kung nais mo, gagawan ko ito ng paraan, lahat gagawin ko mapaligaya-"

"Mahal kong hari, ang kaligayahan ko ay nakamit ko na. Wala na akong mahihiling pa. Ang pagpapatalsik sa reyna ay hindi ko pangangahasan kaylan man. Inangkin ko na ang puso ng kabiyak niya, ang trono ay sa kanya na lamang."

"Kay buti mo aking Sukbin, kinararangal kita."

Mahimbing ang aking pagtulog ng gabing iyon dahil wala na akong inaalala pa, ang babaeng laman ng aking puso't isipan ay katabi ko na.

Bawat araw ay puno ng saya, tuwing bakateng oras ay binibisita ko si Fei sa kanyang silid, may pagkakataon pa ngang lihim kaming pumupuslit sa aming tagpuan.

Hindi ko namalayang isang naka-isang taon na pala.

Bakit ganon ka bilis? Bakit kailangang magwakas?

Isang madilim na gabi, ang buwan ay tila nagtatago. Dahil sa dami ng suliraning hindi ma-solusyunan ng mga ministro ay naisipan kong ako na mismo ang lulutas nito. Iba ang pakiramdam ko noong gabing iyon, ang puso ko ay nababalutan ng takot. Marahil dulot iyon ng aking pangamba na ang mga ministro ay may binabalak na pag-aaklas. Ito ang naiisip kong sanhi kaya't hindi nila magawa ang kanilang tungkulin. Ngunit binalewala ko ang nararamdamang takot, hindi niya pagtatangkaang lusubin ang kaharian. Kahit gaano pa kadami ang makalap nilang tauhan ay hindi nila mapapantayan ang mga kawal na nagbabantay sa kaharian.

Hating gabi noon. Tumunog ang hudyat na nangangahuluhang may lumusob at narating na nila ang tarangkahan ng palasyo. Kaagad akong naghanda upang protektahan ang imperyo. Ngunit, nagambal ako nang makasalubong ang dating Sukbin, na takot na takot.

"Kamahalan, ang kapatid ko, hindi namin sya natagpuan sa kanyang silid. Nangangamba akong may kinalaman ang hudyat sa kanyang pagkawala."

"Kumalma ka ate, handa akong ibuwis ang aking buhay mailigtas lamang si Fei."

Agad akong tumakbo upang harapin ang mga taksil sa bayan.

"Kamahalan, may handa kaming regalo para sa iyo," bati ni punong ministro, kapatid ng inang reyna at ama ng una kong asawa.

Hindi kalakihan ang kanilang bilang, ngunit ang aking nag-iisang kahinaan ay hawak nila.

"Talaga bang ganito kayo ka ganid sa kapangyarihan?"

"Mahal na hari ikaw ang dahilan kaya umabot tayo sa puntong ito. Kung binigyan mo ng kahit konting pagmamahal ang reyna o kahit tagapagmana man lamang ay hindi kami mapipilitang mag-aklas. Ilabas ang regalo sa hari."

Nakatutok ang espada sa leeg ni Fei habang nakatali ang mga kamay nito.

"MGA LASPASTANGAN!"

"Kamahalan, naniniwala kaming darating ang araw na patatalsikin mo ang aking anak at iluluklok ang babaeng ito. Kaya uunahan ka na namin."

"Itigil nyo na ito, nangangako akong pabababain ko ang inyong kaparusahan. At ang reyna, mananatili siya sa kanyang posisyon."

"Mahal na hari, sa iyo bang palagay ay mapaniniwala mo kami sa inyong mga pangako. Hayaan mong kami ang magbigay ng pamimilian. Baba ka sa trono at ipapasa sa akin ang pagiging hari upang makapiling ang babaeng ito o ang buhay ng iyong pinaka tatangi?"

Idinikit ng punong ministro ang espada sa leeg ni Fei. Nangangatal na ang aking mga kamay sa galit.

Sa lahat ng desisyong aking ibibigay, ito ang pinaka-mahirap.

"Kung sakaling tatalikuran ko ang kaharian at pipiliin ang Sukbin. Paano ako makakasigurong hindi nyo kikitlin ang aming buhay ganong habang ako ay humihinga ang mga mamayan ay mananaliting tapat sa akin. Mga tiwaling ministro, ang inyong mga buhay ay nasa inyong mga kamay. IBALIK NYO NA SA AKIN ANG SUKBIN. INUUTUSAN KO KAYO!"

"Tila hindi tayo nagkaka-intindihan kamahalan. Ilang minuto na lang ang ibibigay ko sayo, mas makabubuti kung mag desisyon ka na."

Mababaliw na ako sa pag-iisip. Ngunit agad kong pinili si Fei nang makita ang dugong dumadaloy sa kanyang leeg. Natatakot akong mas lumalim pa ang sugat na dulot ng patalim na nakatutok sa kanya na maaring maging sanhi ng panganganib ng kanyang buhay.

"Tama na, ngayon pa lang ay gagawa na ako ng kasulatan na nagpapasa sa iyo ng korona. Kaya't pakawalan mo na-"

"Kamahalan, pakiusap, huwag mong gawin iyan," pakiusap ni Fei habang tumutulo ang kanyang mga luha.

"TUMAHIMIK KA!" Pagpigil ng punong ministro.

"Mahal na hari, hindi ka dapat maging mahina, para sa imperyo talikiran mo ako. Para sa mga mamamayan, piliin mong manatili sa trono. Nakikiusap ako."

"Kamahalan, makakaya mo bang masaksihan ang pagkawala ng iyong pinakamamahal?" Pangongonsenya ng taksil sa imperyo.

Napa-luhod ako, hindi ko alam ang dapat gawin, isipin, at maramdaman.

"Kamahalan, ano man ang mangyari, mananatiling ikaw ang aking araw, kahit ako na iyong buwan ay hindi mo na makakasama, ito ang ating tadhana. Mahal kong hari, sa una at huling pagkakataon ay nais kong marinig mo ang mga salitang ito, Mahal kita... ng sobra sobra."

Ang dalawang kamay niyang nakatali ay ginamit upang tuluyang itarak ang patalim sa leeg na naging sanhi ng kanyang pagbagsak.

Mas lalo akong nanlumo subalit mas nanaig ang aking galit. Bumakas sa kanilang mukha ang takot.

"UBUSIN SILA! WALANG ITITIRANG BUHAY!"

Sumugod ang aking mga kawal. Kaagad akong nagtungo kay Fei. Ipinuwesto ko sya sa aking mga bisig.

"K-kamahalan patawarin mo s-sana ako. H-huwag mong sisihin ang iyong sarili. M-maging mabuti k-kang hari ng i-imperyo-"

"Tama na Fei, ireserba mo ang iyong lakas, malulunasan ka pa. Dadalhin kita sa-"

Umiling siya at pinigilan ako sa pagbuhat sa kanya.

"K-kamahalan, hihintayin kita sa susunod n-na buhay. Hindi mo k-kaylangang magmadali, maghihintay ako. Pangako, mahal kong h-hari."

Tuluyan nang bumagsak ang katawan niya at ang paghinga nya'y hindi ko na maramdaman.

Sinigurado kong walang ni isa ang matitirang buhay sa mga taksil. Ang galit at pagdadamhati ang nag-udyok sa akin upang kamay ko mismo ang kumitil sa buhay ng punong ministro.

Hindi ko alam kung paano magpapatuloy, hindi ko alam kung paano ulit ngingiti. Masakit, sobrang sakit. Nawalan ako ng ganang kumain at hindi na ako dinadapuan ng antok.

Matapos ang ikatlong araw ay bumalik sa palasyo si Kuya. Hindi ko alam kung paano sya haharapin. Tama sya, sana nakinig na lang ako sa kanya, ang mga pangyayaring ito, hindi na sana nangyari pa.

Sapilitan syang pumasok sa aking silid, kahit pinipigilan sya ng aking mga taga-silbi

"KAMAHALAN, NAKAKAKOT KANG MARINIG MULA SA AKIN ANG PANUNUMBAT KAYA'T AYAW MO AKONG PATULUYIN?"

"Mahal na prinsipe kumalma ka, ang hari magpahanggang sa ngayon ay nagdadamhati."

"Hayaan mo sya Ginoong Yun, lumabas muna kayong lahat." Hindi poot ang nakikita ko sa kanyang mata, awa. "Magsalita ka kuya. Sisihin mo ako."

"May magagawa ba kung sisihin kita kamahalan? Wala na si Fei, at dulot ito ng hindi mo pakikinig sa akin. Ang mataas na kapangyarihan at pag-ibig ay hindi maaring pagsabayin, ano man ang gawin mo ay isa lang ang mananatili. Sana, ipinaubaya mo na lang si Fei sa akin, dahil ang puso ay madaling turuan. Ngunit kung hindi mo kaya na sya ay talikuran, ang trono na lang sana. Hindi ko pinangahasang sabihin ito sayo noon, batid kong ang paghahangad sa trono ay katumbas ng pagtataksil sa bayan. Subalit, kung totoo man ang ikalawang buhay, hindi ko nais na maulit ang maling desisyong nagawa mo sa buhay na ito."

Muling bumalik ang matinding sakit ng kanyang pagkawala. Ang pag agos ng luha ay hindi ko na napigilan.

Lumapit sa akin ang aking kapatid at niyakap ako ng mahigpit.

"Alam kong hindi lilisan si Fei sa mundong ito nang hindi nag-iiwan ng mensahe sa iyo. Ang huling habilin niya, isabuhay mo sana kamahalan."

Bilang pagtupad sa kahilingan ni Kuya at ni Fei, pinanatili ko ang kapayapaan.

Pinalsik ko sa trono ang nakaupong reyna, alam kong isa siya sa ulo ng pag-aaklas. Ipinatapon siya sa malayong bayan upang hindi na makapaminsala. Iniluklok sa posisyong ng pagiging reyna si Su Lan, ang isa sa tatlong natirang lumahok sa pag-susulit, ang anak ng ministrong nanatiling tapat sa akin. Siya ang naging ina ng aking tagapagmana. Hindi ko man naibigay sa kanya ang aking puso, nirespeto ko siya ng higit sa ibang kababaihan.

~⁂~

The nightmare of the past...

Is still hunting me at the present. But this time, everything is detailed from the very beginning up to the miserable ending.

"Are you alright Mr. CEO?" My secretary woke me up.

"Yes."

"The same nightmare?"

I nodded.

Ever since I was young, I am always dreaming scenes from ancient times and in that dream, I am the King of the empire. I thought that it was just created by my playful mind, but my thoughts changed after I met her when I was 10.

That time, I climbed on the wall to escape for a moment. I slept on the ground, then a little girl woke me up, just like how Fei and King Eun Wook met. This time, I am Woobin Song, the son of the richest entrepreneur. And she is Faith, the daughter of my father's ex-girlfriend.

It was destiny who let us met again. But now, I am afraid that the history will repeat itself. I am afraid to fall in love and lose her again.

"Mr. Kim, I saw you in my dreams. I am calling you Ginoong Yun and you are my most trusted servant."

"I will always be, Mr. CEO."

"Mr. Kim, call my brother, tell him to meet me."

A year after, it was the first week of spring, after our first meet I never had the courage to face her again. But this time, I will confidently visit our meeting place.

I didn't expect to see her there. When she saw my presence, she smiled at me like nothing happened in the past. She never made me feel that I am the reason why she died.

"You finally came, Mr. CEO."

"Do you come here often?"

She nodded.

"Did I ask you to do so?" I seriously asked her.

"You did. 500 years ago. It was not a dream."

"I know."

"You do? But why are you staying away from me?"

"Because it was me who killed you."

"I told you not to blame yourself, right?" I didn't respond. She continued, "I am not here to be with you. I am here to reminisce the memories of the past. I know that in this era, we have different life and I can accept the fact that you already have a special someone in your heart."

"Yes, I already have. And it is the main reason why I didn't come here again."

She showed a bitter smile. "I'm happy for you Mr. Song. It's getting late, don't worry, this is the last time that you'll see me."

She begins to walk away.

"Mahal din kita, Fei." I hurriedly gave her a backhug. "Patawarin mo ako kung hindi ko ito nasabi sa iyo noon." She remained silent. "Bakit hindi mo ako tinanong kung sino ang babaeng mahalaga sa aking puso? Maaatim mo bang iwanan na lang ako ng ganito? Hindi ba't kay tagal mo akong hinintay?" I heard her crying. "Humarap ka sa akin Faith." She obeyed. I wiped down her tears.

"Kamahalan, alam mo bang napaka-sakit marinig na may iniibig ka nang iba?"

I hugged her again.

"Sino ang nagsabing may iniibig na akong iba? Ikaw ang tinutukoy ko Fei. Mahal pa din kita ngunit nangangamba akong maulit ang nakaraan, kaya't hindi na ako muling nagpakita pa. Subalit, hindi ko kaya nang wala ka."

"Kamahalan, hindi ako natatakot maulit ang nakaraan, mananatili ako sa tabi mo-"

"Shhhhh. Faith, wag mong sabihin yan. Ang nakaraan ay mananatiling nakaraan na lamang. Natagalan ako dahil kailangan ko pang ipasa ang aking posisyon sa aking kapatid. Fei, handa ka bang manatili sa aking piling kahit hindi na ako makapangyarihan kagaya ng dati? "

"Minsan ko na itong nasabi, ngayon ay ipaaalala ko ulit. Ginoo, ang nais ko ay mabuhay ng normal kasama ang lalaking lubos kong iniibig, at ikaw yun."

I kissed her forehead, down to her cheeks, and finally settled on her lips.

"I will love you forever Faith."

"So do I, my king."

Just like in fairytale, we lived happily ever after.

Wakas