Chereads / Her Untold Story / Chapter 2 - Chapter 1: Who Is She?

Chapter 2 - Chapter 1: Who Is She?

Mula sa bintana ng kotse ay tanaw ko ang mga mapuputing ulap at dilaw na kalangitan, maaliwas ang panahon at hindi mababakas ang anumang pag-ulan ngayong araw. May mga iilang nagbubukas na ng kanilang mga tindahan sa gilid ng kalsada. Lunes ngayon kaya't asahan na ang mabigat na traffic sa edsa na halos matagal na 'ring tinitiis ng mga pilipino dito sa Maynila.

Pansamantalang tumigil ang sasakyan dahil sa traffic. Naging daan 'yon para makita ko ang mga batang maagang namamalimos sa kalsada. Walang nagbago, ganun parin ang lahat. Baluktot na sistema ng gobyernong matagalang ng tinitiis ng mga kapwa ko pilipino, mga politikong walang ginawa kung hindi ang umupo sa puwesto at pagmasdan ang mga taong naghihirap. Nakakasawa, nakakaawa, at nakakapagod.

"Ala-sais singkwenta i tres!.. Ang oras ay hatid sa inyo ng Guard soap, proteksyong abot kaya ng pamilya!"

Boses ng isang lalaki mula sa radyo. Hindi ko namalayang naka bukas pala ang radyo ng kotse. Kinuha ko ang cellphone sa bag saka tinawagan si Travis, isa sa mga kaibigan ko. Narinig ko ang pag ring ng phone nito na agad naman niyang sinagot.

"Nasa school ka na?" tanong ko.

"Yeah, kanina pa ako dito. Maaga akong dumating kasi pinatawag kami ni coach. I can't believe this, mukhang hindi na naman ako makakapag gimik dahil sa kaliwat kanang practice.... Oh hi, Coreen" rinig kong sagot ni Travis sa kabilang linya na sinabayan pa ng pagbati kay Coreen, isa sa member ng volleyball team. Paniguradong naka ngiti na naman ang loko.

"Nasan ka na ba?" he asked.

"Nasa byahe pa ako, na stuck kasi kami sa traffic."

"Hey huwag kang magpapa late, first day pa naman ng klase ngayon nakakahiya kung ma late ka... Anyway, see you later, may kakausapin lang ako." he suddenly hung-up the phone na para bang nagmamadali siya. Pinatayan ba naman ako ng tawag?!

Travis Riemson, you jerk!

"Why do I have to wear this? Ang init-init na nga, ganito pa ang style ng uniform namin"

Bigla kong naalala kasama ko pala ngayon si Zaeden. I looked at him and patted his head. Nagsasalubong ang mga kilay niya habang tinatanggal ang suot na blazer. This boy is always in a bad mood. Lahat na lang ng bagay pupunahin niya kapag hindi niya gusto.

"Maganda naman ah. Bagay nga sayo ang uniform niyo, parang hindi ka pa nasanay eh palagi ka namang nagsusuot ng uuniform noon pa" sabi ko habang ginugulo ang buhok niya. Tinapik niya ang braso ko dahilan para matanggal yon sa pagkakapatong sa ulo niya. Tiningnan niya ako ng deritso, ganun parin ang itsura nito, salubong parin ang kilay niya.

Damn this dude! Palagi na lang mainit ang ulo. Dinaig pa ang babaeng may period.

"Huwag mo nga akong hawakan" sabi niya. This time nasa may bintana na ang tingin niya.  Nagpakawala ako ng buntong hininga saka napangiti ng mapait. Ganito na lang palagi kami ni Zaeden, mapa bahay o school man. Ganun parin, walang pinagbago. Hindi kami gaanong close dahil sa ugali niya, para bang dala dala na niya lahat ng problema sa mundo.

Binuksan ko ang pinto ng kotse. Kasalukuyan kaming nasa parking lot ng campus. First day ng klase ko ngayon bilang grade 12 senior student. Sadyang napaka bilis nga talaga ng panahon, parang kailan lang 'nong junior high school pa lang ako katulad ni Zaeden.

"Sir Zelan, anong oras ko po kayo susunduin mamaya?" tanong ni mang Ramon habang binagbubuksan ng pinto ang kapatid ko.

"Hindi ko pa po alam eh. Pero baka tawagan ko na lang kayo mamaya, isasabay na rin natin si Zaeden"

"Hindi na ako sasabay mamaya. Magbu-bus na lang ako pauwi, huwag niyo na akong hintayin" sabi niya saka naunang magalakad papasok ng campus.

"Sasabay ka sakin mamaya wether you like it or not! Huwag ng matigas ang ulo, Zaeden!" sigaw ko para marinig niya ako pero hindi siya huminto. Nagtuloy-tuloy siya sa paglalakad na para bang hindi niya ako narinig.

"Sige po sir, mauna na po ako" sabat ni mang Ramon. I nodded at him bilang sagot.

Naka ngiting naglakad ako papasok ng campus. Marami ang bumabati sakin pagpasok ko ng building. Hindi maipag kakailang popular nga ako sa school namin dahil isa rin akong sikat na modelo sa isang sikat na clothing brand dito sa pilipinas. Pero bukod doon, mas kilala ako bilang anak ng isang sikat na actor sa telebisyon at anak ng Mayor ng Maynila.

"Hi Zelan!"

"Good morning, Zelan!"

"Hello!"

Bati sakin ng iilang estudyanteng nakakasalubong ko sa hallway. This not the first time na may bumati sakin ng ganito, nasanay na ako.

"Hello.... Hi, good morning!... Hello" naka ngiting sagot ko sa kanila.

Maya-maya'y bigla ko na lang naramdaman ang malakas na pag-akbay ng kung sino sakin. Nilingon ko kung sino 'yon and it was Hiro. Naka ngiti siya at mukhang kakadating rin lang nito dahil dala pa niya ang bag niya.

What the heck. Mukhang nabali ata ang leeg ko dahil sa lakas ng pagkaka akbay ng isang 'to

"Naks! Bagong gupit tayo ngayon ah" he said while grinning. Tinanggal ko agad ang braso niya. I can't stand his arm, ang bigat. Knowing that he's been working out lately.

"Aray, mukhang nag-crack ata 'yong boto ko.. Sana nilakasan mo pa, Hiro" sarkastiko kong sabi habang hinihimas ang leeg ko.

"Hey look at this, bro. After one month of working out, I finally got this biceps." he said while flexing his so called biceps. Totoo ngang nagkaroon ng shape ang katawan niya, nagbawas rin siya ng timbang ngayon.

"Pwede ka ng mag model sa Gucci, pero yong secondhand version ng brand" pagbibiro ko.

Tumakbo ako papuntang room, naramdaman ko naman ang paghabol sakin ni Hiro. Nakakatuwa talaga kapag binibiro tong hapon na 'to, lumalabas ang pagiging cute ni Hiro. Naabutan kong nasa labas ng pinto si Travis, kausap nito si Coreen. Abot hanggang tenga ang tawa ni Travis at mukhang nag-eenjoy pa siya.

Kaya pala pinatayan ako ng tawag kasi may pinu-pormahan. What a good bestfriend you are  Mr. Riemson.

Hinintay ko munang maka alis si Coreen bago pumasok sa room. Naramdaman ko ang pag dating ni Hiro. Nagulat pa nga siya nang makita akong nasa labas pa ng room.

"Bakit hindi ka pa pumapasok?" tanong ni Hiro na ngayon ay nasa tabi ko na.

"Pano ako makaka pasok kung may nakikipag landian sa tapat ng pinto" sagot ko sabay turo kay Travis at Coreen.

"Aba naman talaga si Travisito. Bagong school year, bagong chicks na naman. Matindi rin talaga ang isang to 'no?" sabi niya sabay tawa.

Sabay kaming tumawa ni Hiro. Hindi nagtagal nang marinig namin ang pag tunog ng bell senyales na oras na ng klase namin. Umalis na si Coreen kaya pumasok na kami ni Hiro sa loob ng classroom. Nilapag ko ang bag, saka inilabas ang libro sa para sa unang subject.

"Hanep ka talaga Travis, ang kapal mo rin talaga no? Papalit-palit ka ng jowa tuwing school year, buti hindi pa nagkaka kalyo yang mukha mo" pagbibiro ni Hiro sa katabing si Travis.

"Gago, ito ang senyales ng pagiging gwapo. Hindi ka lang talaga maka relate hahahaha" pakikipag biruan ni Travis. Hindi ko na lang sila pinansin. Agad hinanap ng mata ko si Mav, mukhang wala pa siya rito. Mag sisimula na ang klase pero hindi pa siya dumating.

"Travis, nandito na ba si Mav?" tanong ko.

"Hindi ko alam, pagpasok ko kanina wala pa siya rito. Baka na stuck pa sa traffi–"

"Nandito na pala si Mavreec" sabat ni Hiro.

Nakita kong pumasok si Mav. Mukhang pagod ito at kagagaling pa lang sa labas dahil sa pawis na tumatagaktak sa noo niya. Umupo siya saka hinubad ang kanyang blazer para hindi 'yon mabasa ng kanyang pawis.

"Saan ka galing? Bakit ganyan ang itsura mo?" tanong ko kay Mav.

"May ginawa kasi akong importante" sagot nito saka niluwagan ang suot necktie.

"Anong importante? Mukha kang pinatakbo sa field eh. Tingnan mo nga yang itsura mo, pinagpapawisan ka na, hindi pa nga tayo nagsisimulang mag klase sa PE.... Magpunas ka nga, baka man lagkit ka" ani Travis saka iniabot ang panyo kay Mav.

Hindi sumagot si Mav. Busy siya sa pagpupunas ng kanyang pawis, buti nala may aircon tong classroom namin. Naramdaman ko ang marahang pagsipa ni Travis sa upuan ni Mavreec dahilan para lingunin ni Mav si Travis na nasa likuran lang namin.

"Ano nga ulit yong ginawa mong importante?" tanong niya ulit.

"Bakit ba kailangan mo pang malaman?" sagot naman ni Mav

"Dahil malamang gusto kong malaman. Malay ba naming may pinu-pormahan ka na pala" pagbibiro ni Travis.

"May nagpasama lang sakin kanina. Transferee daw, na awa ako kaya sinamahan ko na lang na hanapin ang room niya... Lalabahan ko na lang tong panyo mo, Trav. Thank you"

"Babae o lalaki?" tanong ulit ni Travis.

"Bakit ba tanong ka ng tanong? Ang sakit mo sa tenga oi" ani Hiro na kunyari pa ay kinakamot ang kanyang tenga.

"Tanga! Ililibre mo pa ako ng snack mamaya, natalo ka sa pustahan natin 'nong isang araw hahahaha"

"Pano napunta don ang usapan?"

Abala sa pakikipag asaran sila Hiro at Travis sa likod habang ako naman ay nakay Mav lang ang tingin. Naka tingin siya sa bintana at mukhang malalim ang iniisip. Mukhang may problema yata ang isang 'to. I tapped his shoulder dahilan para lunginin niya ako.

"You okay?" I asked

"Yeah" tipid niyang sagot saka bahagyang ngumiti.

Gusto ko pa sana siyang tanungin kaso dumating na ang lecturer namin sa unang subject. Philosophy ang unang subject namin ngayong umaga, isa sa maituturing kong madaling subject para sakin. I've been liking this subject since palagi akong nagbabasa ng libro na related sa philosophy.

"Ferrer, Mavreec Bryce" ani Miss Dizon habang nag tatawag ng attendance. Hindi agad sumagot si Mav kaya tinapik ko ang braso niya.

"Tawag ka ni ma'am" mahinang sabi ko, halata namang nagulat siya.

"M-ma'am" sagot ni Mav saka nagtaas ng kamay.

"Fuentez, Zelan Ly" tawag ulit ng lecturer namin.

"Present po" I raised my hand dahilan para mapatingin sakin si Miss Dizon.

"It's good to see that I have Mr. Ferrer and Mr. Fuentez in my class. These two guys are always active when it comes to their performance inside the class. Hindi maipag kakailang kasama nga kayo sa listahan ng mga top student dito Nixon North High" naka ngiting sabi ni miss Dizon.

Naiilang akong nagkamot ng balikat. Hindi ako sanay na masyadong pinupuri ng ganito ng iba. Hindi naman ako masyadong matalino sa klase, unlike kay Mav na palaging 1st sa general ranking dito sa campus. I can't deny na mas magaling nga sa klase si Mav keysa sakin. Pero wala namang kumpetisyon sa pagitan naming dalawa, pareho kaming supportive at masaya para sa isat-isa.

"Hindi naman po ma'am" sagot ko saka ngumiti

"Thank you po sa compliment" sagot naman ni Mavreec.

Halos isa't kalahating oras rin ang ginugol namin sa klase kay miss Dizon. Nag discuss lang siya sa unang topic namin sa Philosophy at nagbigay na rin ng syllabus para sa buong semester. Sinundan pa yon ng dalawa pang subject bago dumating ang luch break.

"Guys mauna na kayo sa canteen, sunduin ko lang si Zaeden" sabi ko saka kinuha ang bag pati na rin ang librong nasa desk.

Tumango na lang sila sa nauna nang lumabas ng room. Dumaan muna ako sa locker bago maisipang pintahan ang room nila Zaeden. Kukunin ko kasi ang libro ko sa Oral Communication para sa subject namin mamayang hapon. I was about to leave the locker room when I heard someone's voice. Pamilyar sakin yon kaya naisipan kong silipin ang lalaki sa loob ng CR.

It was Zaeden, kumakanta siya habang tumutugtog ng gitara niya. I can't help but to smile, minsan lang kasi kumanta at tumugtog ng gitara si Zaeden sa bahay. Hindi niya yon pinapakita samin pero the moment he bought his guitar ay halata ko ng gustong gusto niya nga ang ginagawa niya.

"What?" seryoso niyang tanong nang makita niya akong naka tingin sa kanga. Ang lamig ng pagkakasabi niya nun. Minsan tuloy iniisip ko kung magkapatid nga ba kami. Magkaiba kasi kami ng ugali ni Zaeden.

"Nag lunch ka na ba? Tara, sumabay ka na saming kumain" paanyaya ko.

Hindi siya nagsalita. Inilagay niya ang gitara sa loob ng lalagyan nun. Lumabas siya ng CR saka naka pamulsang sumabay sakin sa paglalakad. Pa simple akong napa ngiti. Wala namang tensyon sa pagitan namin ni Zaeden, sadyang ganito lang talaga ang ugali niya. Palaging mainit ang ulo, minsan bastos pa magsalita 'yan. Antipatiko kumbaga.

"Ngayon lang ako sayo sasabay dahil wala akong pera mambili ng lunch" he said while fixing his necktie. Bagaman curious ako kung nasaan nga ba ang allowance na binigay ni daddy sa kanya ay hindi ko na lang siya tinanong, baka kasi magiba na naman ang mood niya.

"Sure, ano ba ang gusto mo?" tanong ko saka inakbayan siya.

Pilit niya yung tinanggal pero hindi ko siya binitawan hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Nandun na sa table sila Mav, Hiro at Travis. Naka order na rin sila ng pagkain. Ipina upo ko muna si Zaeden kasama nila Mav.

"Just wait for me here. Oorder lang ako ng food natin" sabi ko saka naglakad paalis para mag order. Ibinigay ko ang bayad sa cashier nang matapos na akong umorder. I was struggling to hold the trays since mabigat at hindi kakayanin ng dalawang kamay ko.

"Let me help you" sabi ni Mav saka kinuha ang isang tray. Bali tig isa kami ng dala.

"Thanks bro" Bumalik kami sa table saka inilapag ang pagkain. Nakita kong nagsimula na ring sumubo si Zaeden.

Pagkatapos naming kumain ay tumambay muna kami sa canteen, mamayang 1pm pa naman ang klase namin. Pansin ko ang pagkailang ni Zaeden dahil hindi ito nagsasalita kanina pa. Panay ang pakikipag kwentuhan ko kila Mav nang mapansin kong tumayo mula sa pagkaka upo si Zaeden.

"Aalis ka na?" tanong ko sa kapatid ko nang makita ko siyang nagliligpit na ng kanyang bag. Hindi niya ako pinansin at naglakad lang siya paalis ng cafeteria.

That's it? Yun na yon? Hindi man lang nagpaalam bago umalis. Lagot ka sakin mamaya pag-uwi mo

"Sinong may gusto ng Ice cream? Libre na daw sabi ni Aeris" malakas na sigaw ng isang bakla dahilan para maagaw niya ang atensyon ng lahat na nasa cateen.

Nakita ko ang isang babaeng naka upo sa gitna, pinapaligiran siya ng mga iba pang estudyante. Mukhang mga kaibigan niya ata ang mga ito. She really stood out the most among the other girls dahil sa kanyang maliliit na mga mata. Agad na naglabas ng black credit card ang babae saka ibinigay 'yon sa baklang sumigaw kanina. Mukhang siya ang tinutukoy nilang manglilibre ng Ice cream.

"Who is she?" tanong ni Hiro

* * * * * * *

I finally finished the chapter 1 and I hope you guys like it. I'm kinda nervous dahil baka isipin niyong boring ang story ko hahaha pero bahala na. Magsusulat parin ako kahit walang nagnababasa (pero sana meron lol). Don't forget to like and comment down your thoughts and Thank you!! ෆ╹ .̮ ╹ෆ