Chereads / March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story) / Chapter 36 - Chapter 36 (Ending/Final Chapter): March 2020

Chapter 36 - Chapter 36 (Ending/Final Chapter): March 2020

1 Month Later

Date: August 27, 2021

Time: 10:30 Am

"Teka lang, parang ang sikip ata Chris, hindi ba pwedeng luwagan?" sambit ni Jin.

"Hindi! Kaya yan, ipasok mo lang! Pilitin mo, papasok 'yan!" hirit naman ni Chris.

"Masakit pag pinapasok ko eh, ang sikip kasi!" sagot ni Jin

"Akin na, tutulungan kita mag pasok. Bakit kasi ang laki naman niyan!" naiinis na sinabi ni Chris.

"Eh ito na 'to eh. Ganito ang binigay sa akin ng Diyos. Haha! Hindi ko na mababawi!" Pabirong sinabi ni Jin

Hinawakan ni Chris ang kamay ni Jin at pinilit na ipinasok relo para sa time machine. Dahil sa laki ng kamay ni Jin, nahirapan silang ipasok ang isang relo na ginawa nila, para dalawang tao na ang maaaring makagamit ng time machine at makaikot sa anumang oras.

"Bakit naman kasi iisang size lang 'yung ginawa ni Luna? Hindi niya ba naisip na may mga taong malalaki ang kamay? Haist!" naiinis na sinabi ni Jin habang nasasaktan siya dahil pinipilit ni Chris na ipasok ang relo sa kanyang kamay. "Bakit kasi sinusuksok pa? Pwede namang adjustable na lang! Sasabihin ko nga kay Luna na sa susunod gawin niyang adjustable 'tong relo para sa time machine! Namumula na 'yung kamay ko!" hirit ni Jin.

Napailing na lamang si Chris at pinipilit na maipasok ang relo sa kamay ni Jin.

"Sandali lang, may kukunin lang ako." hirit ni Chris.

Umalis siya sa laboratory at tumungo sa kwarto ni Jin at may kinuha sa loob ng green na cabinet sa tabi ng kama.

"Ahhh. Ito na nga!"

Natawa si Chris nang makita niya ang kanyang hinahanap sa cabinet ni Jin. Pagbalik niya sa Laboratory, nakita ni Jin ang hawak niya.

"Whaaaattt! Chris! Bakit hawak mo 'yan! Paano mo nakita 'yan?" gulat na gulat si Jin nang makita niya ang hawak ni Chris na lubricant.

"Nakita kita kagabi na tinago mo 'to sa cabinet mo. Naisip ko, ito lang 'yung pinakamagandang way para maipasok yung relo sa kamay mo." Pabirong sinabi ni Chris.

Napailing na lamang si Jin at natawa.

"Bilisan mo, baka may makakita niyan! Oh sige na, lagyan mo na 'yung kamay ko, total, ikaw nakaisip!" utos ni Jin.

"Okay!" nakangiting sagot ni Chris.

Nilapag muna nila ang relo sa ibabaw ng table malapit sa kanila at nilagyan na ni Chris ng pampadulas ang kamay at ang wrist ni Jin at hinaplos niya ito. Habang hinahaplos niya ang kamay ni Jin, ay bigla itong humirit.

"Tagalan mo lang Chris..." natatawang sinabi ni Jin.

Pinisil ni Chris ang kamay ni Jin, "Baliw ka talaga!" natatawang sinabi ni Chris.

Kinuha muli ni Chris ang relo at ipinasok ito sa kamay ni Jin. Agad itong nagshoot sa kamay ni Jin gawa ng lubricant.

"Iba talaga nagagawa ng lubricant!" pabirong sinabi ni Jin.

Napa eye-roll na lamang si Chris at inilapag ang lubricant sa table.

"Ready ka na ba, Chris? Ready ka na makita ulit si tita Agatha?" nakangiting tanong ni Jin habang pinupunasan niya ang kanyang kamay dahil sa lube.

"Oo, gusto ko na siya makita. Pero hindi niya na ako siguro makikilala. Kaya okay lang kahit makita ko na lang siya sa malayo." nakangiting sagot ni Chris.

Pumasok na si Jin sa loob ng transporter habang si Chris naman ay inayos na ang oras na kanilang babalikan.

Pagkatapos ay sinimulan na ni Chris paandarin ang time machine at nagmadali na siya pumasok sa loob ng transporter.

Nang makapasok na siya sa loob, hinawakan ni Jin ang kamay ni Chris, nagngitian silang dalawa at sabay na pumikit.

Nagsimula ng lumiwanag ang transporter at naglaho na sila sa kasalukuyan.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: March 21, 2005

Habang nakapikit silang dalawa ay naririnig nila ang maingay na piligid. Dumilat si Jin upang makita kung nasaan sila, pati na rin si Chris.

"Sandali, bakit nasa mall tayo? Tsaka parang natatandaan ko 'tong mall na 'to ah?" biglang nasambit ni Jin.

"Parang natatandaan ko din 'to, Jin. Tara!"

Naglakad si Chris at tila may pupuntahan siyang lugar na natatandaan niya sa mall na ito.

Sinundan siya ni Jin at tinanong kung saan sila pupunta..

"Chris, saan tayo pupunta?"

"Parang alam ko kung nasaan ako tsaka si mama sa mga oras na 'to." sagot ni Chris.

Napansin ni Jin na parang papunta sila sa isang Arcade na lugar. Medyo naalala ni Jin ang arcade na ito dahil dito siya dinadala ng parents niya para maglaro pag pupunta sila ng mall.

Nang makapasok na sila sa Arcade, pumunta sila malapit sa basketball machine at nakita ni Chris ang 6 years old na sarili niya.

"Jin, ako 'yun, 'yung nasa basketball machine!" bulong ni Chris.

"Oo nga, Chris! Grabe ang cute mo noong bata! Pwede ba kita puntahan, tapos pipisilin ko lang 'yung pisngi mo?" pabirong sinabi ni Jin.

Pinalo ni Chris ng mahina sa ulo si Jin.

"Gusto mo ba matakot siya sa'yo!" pabirong sinabi ni Chris.

Nagtago sina Chris at Jin malapit sa basketball machine at pinanood nila ang batang Chris.

Nasa harap ng basketball machine ang batang Chris. May hawak siyang token at pinagmamasdan niya ito.

Tumingin siya sa paligid niya kung may nakatingin sa kanya ngunit wala. Nakangiti siya at tila gusto niya maglaro sa basketball machine. Kaya naman ay pinasok niya ang token at nakita niya na biglang lumapit sa kanya ang mga bola at tuwang tuwa siya.

Kinuha niya ang isang bola at sinubukan niya ito ishoot ngunit hindi pumasok.

Sinubukan niya ulit ngunit hindi na naman pumasok. Dahil hindi maipasok ng batang Chris ang bola ay napaupo siya sa harap at napagod.

"Chris, sandali, pupuntahan ko lang siya. Tuturuan ko siya maglaro." bulong ni Jin.

"Wag, hintayin natin!" sambit ni Chris

"Ang alin?" tanong ni Jin.

Nakatingin si Chris kay Jin at ngumiti na siyang ipinagtaka ni Jin, at tiningnan ulit nila ang batang Chris na nakaupo sa tapat ng basketball machine na dismayado dahil hindi makashoot.

May lumapit sa batang Chris, Isang bata na kasing edad niya rin.

"Teka teka teka.. May batang lumapit kay Chris! Mukhang bully 'tong batang 'to ah? Sapakin ko 'yan 'pag inaway niyan si baby Chris!" naiinis na bulong ni Jin

"Sige, sapakin mo 'yan nang magsisi ka." pabiro ni Chris

"Bakit naman ako magsisisi?" tanong ni Jin.

"Panoorin na lang natin." sagot ni Chris.

Pinanood nila muli ang batang Chris at ang batang lumapit sa kanya.

Nakita ng bata na malunkot ang batang Chris at tumayo ito sa tabi niya.

Kinuha nang bata ang isang bola sa basketball machine at nakita ito ng batang Chris.

Tumayo ang batang Chris at pinanood niya ang bata na may hawak ng bola.

Sinubukang ishoot ng bata ang bola at pumasok ito sa ring.

Tuwang tuwa naman ang batang Chris at pinalakpakan niya ito.

"Wow! ang galing mo! Paano mo 'yun nagawa?" sabi ng batang Chris habang nakangiti at pinapalakpakan ang batang nakashoot sa bola.

Napakamot ang batang iyon at nahiya kay Chris.

"Tinuruan kasi ako ni papa maglaro. Gusto mo turuan din kita?" tanong ng bata sa kanya.

"Sige! Ano pala pangalan mo?" tanong ng batang Chris.

"Ako pala si Jin! Tara laro tayo!" ang pangalan ng sinabi ng bata na kasama niya.

"Whaaat! Ako 'yan? Nagkita na tayo dati? 'Yung sinasabi mong bata na kalaro mo sa basketball machine... ako 'yun, Chris?" bulong ni Jin at gulat na gulat ito sa nakita niya.

"Oo, ikaw nga 'yun. Naalala ko na lang din noong nandito na tayo. Natatandaan mo, may deal tayo noon tapos nanalo ako, kaya niyaya kita makipagdate. Haha!" pabirong sinabi ni Chris.

"Oo naalala ko 'yun! Pero kung gano'n naman kasi 'yung deal, magpapatalo na agad ako! Pero hindi ko akalain, na nagkita na tayo dati!" natutuwang sinabi ni Jin.

"Gusto mo ba sapakin 'yung bata?" biro ni Chris.

"Wala akong sinabing sasapakin ko ah? Sabi ko, ikikiss ko yung bata!" pabirong sinabi ni Jin.

Pinanood nila ulit ang batang Jin at Chris na naglalaro sa basketball machine.

Masayang naglalaro ang dalawang bata at nakakashoot na rin ang batang Chris at tuwang tuwa ito.

Nagpakitang gilas ang batang Jin at sinubukan niya ishoot ang bola sa malayo. Nang ishoot niya ito, tumalsik ang bola at nagkatinginan ang dalawang bata at kinabahan.

Gumulong ang bola sa pwesto kung saan naroroon nagtatago at nanonood sina Jin at Chris.

Hinawakan ni Jin ang bola nang mapunta ito sa kanila at nilapitan sila ng batang Jin at Chris.

"Sorry po hindi namin sinasadya. Pwede po ba namin makuha 'yung bola?" tanong ng batang Jin.

Ngumiti si Jin habang hawak niya ang bola at inabot ito sa batang Jin.

"Thank you po! Ano pong pangalan niyo?" tanong ng batang Jin sa kanya.

"Pangalan ko? Ako si Jin." nakangiting sagot ni Jin.

Natawa ang batang Jin nang malaman niya ang pangalan ni Jin, "Hala! Parehas tayo ng pangalan! Haha! Chris, parehas kami ng pangalan!" kinausap ng batang Jin ang batang Chris habang natutuwa ito.

Masaya naman si Chris at Jin na pinapanood ang dalawang bata.

Nagsalita ang batang Chris, "Magkamukha nga din kayo, Jin!" natatawa na sinabi ng batang Chris.

Nagkatinginan sina Jin at Chris.

"Kahit noong bata ka pa pala grabe ka na magobserve ah?" bulong ni Jin kay Chris.

"Eh kuya Jin, siya po? 'Yung kasama niyo po na cute po na parang kasing cute din ni Chris? Ano po pangalan niya?" tanong ng batang Jin.

"Ako naman si Chris. Kamusta ka?" sagot ni Chris.

"Hala! Parehas din kayo ng pangalan, Chris!" natatawang sagot ng batang Jin at tumatawa rin ang batang Chris kasama niya.

Hinawakan ni Jin ang ulo ng batang Jin at kinausap niya ito.

"Maging mabait ka kay Chris lagi ah? Lagi mo siya babantayan, Jin. Pag may umaway sa kanya, awayin mo rin ah?"

Nakangiti ang batang Jin kay Jin at sumangayon ito, "Sige po! Kuya Jin, Kuya Chris, maglalaro na ulit kami ni Chris. Baka maagawan kami ng pwesto eh." paalam ng batang Jin.

Umalis na ang dalawang bata at bumalik sa basketball machine.

Pinanood lang nila Jin at Chris ang dalawa habang naglalaro at pinagmamasdan kung gaano sila kasaya noon.

Habang pinapanood nila maglaro ang dalawa at nagpapaligsahan, may dumating na babae at lumapit kay Chris.

"Mama!" sigaw ng batang Chris nang makita niya si Agatha na papalapit sa kanya.

Nagulat si Chris nang makita niya ang kanyang mama sa di kalayuang pwesto habang nagtatago sila ni Jin. Nakita niya ulit ang ngiti nito na biglang nagpaluha sa mga mata niya.

Hindi niya inakala na masisilayan niya ulit ng isa pang beses ang mga ngiti na akala niya ay hindi niya na ulit masisilayan pa.

Nakita ni Jin na naiiyak na si Chris kaya naman ay inakbayan niya ito para damayan.

Patuloy nilang pinanood ang dalawang bata at si Agatha.

"Mama! Marunong na ko mag basketball! Tingnan mo oh!" sinabi ng batang Chris at pinakita niya kay Agatha na nakashoot siya.

Tuwang tuwa si Agatha at kiniss niya ang batang Chris.

"Mama, may nagturo po sa akin maglaro. Siya po oh!" Tinuro ng batang Chris ang batang Jin.

Napakamot na lang ang batang Jin sa ulo at nahihiya ito.

"Hello po, ako po pala si Jin." pakilala ng batang Jin.

Ngumiti si Agatha kay Jin at kinausap niya ito, "Jin, thank you sa pagturo kay Chris ah? Sandali, parang namumukhaan kita. Hmm... pero baka kamukha mo lang siya?" sagot ni Agatha.

"You're welcome po! Pwede po ba kaming maging magkaibigan ni Chris?" tanong ng batang Jin.

"Nako! Gustong gusto ko 'yan! Chris, may bago ka ng friend!" nakangiting sinabi ni Agatha sa batang Jin at Chris.

"Mama, may nakilala po pala kami kanina. Parehas namin ng pangalan. 'Yung isa, kapangalan ko din po. Tsaka kamukha mo siya mama!" biglang hirit ng batang Chris.

"Nasaan sila?" tanong ni Agatha.

Tumingin sa paligid si Agatha at hinahanap ang sinasabi ng batang Chris.

Nakita ni Chris (from the present) na nagtagpo ang mga mata nila ni Agatha at nakangiti ito sa kanya.

Biglang hinila ni Chris si Jin papalayo at nagtago sa ibang pwesto

"Bakit tayo nag tago, Chris? ayaw mo ba makausap 'yung mama mo?" bulong ni Jin.

"Hindi na, Jin. Masaya na ko na nakita siya." naiiyak na sinabi ni Chris.

Pinanood ulit nilang dalawa sina Agatha at tinuro ng batang Chris kung saan nila nakita sina Jin at Chris ngunit wala na ito.

"Ay, umalis na siguro sila, mama. Sayang hindi mo nakita! Magkamukha talaga kayo." nakangiting sinabi ng batang Chris.

Biglang may dalawang tao na lumapit kina Agatha at sa dalawang bata.

Nang makita ni Agatha dalawang tao na lumalapit sa batang Jin, napasigaw siya sa tuwa...

"Althea! John!" sigaw ni Agatha sa dalawang taong papalapit sa batang Jin.

Nagulat si Jin (from the present) nang marinig niya ang pangalan ng kanyang mga magulang.

Hindi na napigilan ni Jin at naiyak rin siya. This time, si Chris naman ang umakbay sa kanya para damayan siya.

Pinanood lang nilang dalawa ang mga pangyayari.

"Agatha! Hindi ko alam na nandito ka din pala! Kasama mo 'yung anak mo?" tanong ni Althea.

"Oo, kasama ko si Chris. Alam mo ba nagulat ako, ngayon lang sila nagkakilala tas naging magkaibigan agad sila!" sagot ni Agatha.

"Akalain mo nga naman, magtatagpo tayo dito oh tapos sila Jin at Chris pa ang naging magkakilala. Jin, naging mabait ka ba kay Chris, hmmm?" tanong ni John sa batang Jin.

"Opo! Tinuruan ko nga si Chris maglaro ng basketball!" sagot ng batang Jin.

Natuwa si John at binuhat niya ang batang Jin at kinarga niya ito at ipinaupo sa kanyang kanang balikat habang tuwang tuwa naman ang batang Jin.

"Ang galing naman ng anak ko!" hirit ni John.

Nakita ng batang Jin na nakatingin lang ang batang Chris sa kanila, tila naiinggit ito at gusto rin na makarga..

Binulungan ng batang Jin si John.

"Papa, Kaya mo pa ba magbuhat? Pwede mo ba kargahin din si Chris?" bulong ng batang Jin.

"Aba oo naman! Kayang kaya!" nakangiting sinabi ni John.

Kinuha ni John ang batang Chris at kinarga naman niya ito at iniupo sa kaliwang balikat. Tuwang tuwa ang batang Chris dahil ngayon lang niya naranasan na makaupo sa balikat.

"Kumapit ka mabuti sa akin, Chris, baka malaglag ka." nakangiting sinabi ni John.

Tuwang tuwa ang dalawang bata na karga ni John at masaya naman sila Althea at Agatha sa mga nakikita nila.

"Kaya pala sabi ko kanina parang namumukaan ko si Jin, 'yun pala, anak niyo pala siya, Althea!" sinabi ni Agatha.

"Ang galing 'no? Ang tagal natin na halos hindi nagtagpo, pero talagang hanggang sa mga anak natin, sila sila pa rin ang magiging magkakaibigan." nakangiting sagot ni Althea.

Hindi na talaga kinaya ni Jin (from the present) ang mga nakikita niya at umiiyak na siya ng sobra.

"'Wag mo ko pansinin, Chris, masaya lang ako. Hindi ko inakala na may nangyari na ganito dati. Sorry kasi hindi na ganoon kalinaw 'yung mga natatandaan ko noong bata pa ako, Chris." hirit ni Jin habang nagpupunas siya ng luha.

"Okay lang, Jin, ilabas mo lang yan. Alam ko na emotional ka naman talaga ayaw mo lang ipakita sa amin." pabirong sinabi ni Chris.

"Tara na nga, bumalik na ulit tayo sa atin! Baka malate pa tayo sa lakad natin. Mamaya hinihintay na tayo nila Luna, sabihin pa VIP tayo." hirit ni Jin.

Tumango lamang si Chris at ngumiti.

Inayos na nila ang settings sa kanilang mga relo at sinumulan na ang pagbabalik sa kasalukuyan.

Nang makabalik na ang dalawa at nasa loob na ulit sila ng transporter, may nakita silang dalawang babae na nakatayo sa tapat ng time machine at tila nag bubulungan at kinikilig.

Lumabas sila sa transporter at nakita nila sina Jade at Luna na hawak hawak ang lubricant.

"Hoy! Kayong dalawa! Nag time machine pa kayo para lang gawin ang babe time niyo!" hirit ni Luna.

"Anong ibig sabihin nito? Bakit may lubricant dito sa laboratory? Wag niyo sabihing...O. M. G.! Dito talaga? As in?" gulat na gulat na sinabi ni Jade.

Napaface palm na lang si Chris dahil sa hiya at nagtago sa likod ni Jin.

Humirit naman si Jin bigla, "Ikaw kasi, Luna! Kung ginawa mong adjustable 'yung relo, edi sana hindi ako nahirapan! Gumamit pa kami ng lube para lang mapasok 'yung relo. Akin na nga 'yan! Gagamitin ko na naman para matanggal ko 'yung relo!" naiinis at pabirong sinabi ni Jin.

"Ahh, sa relo pala nila ginamit." hirit ni Luna habang tumingin kay Jade at tila naghihinala pa rin.

Kinuha ni Jin ang lube mula kay Luna at inabot kay Chris upang lagyan ang kamay niya

Habang nilalagyan ni Chris ng lube ang kamay ni Jin, biglang sumingit si Jade.

"So, the point is, bakit may lube kayo? So bukod dito, saan niyo 'to ginagamit? Why use lubricant if my baby oil naman!" natatawang hirit ni Jade habang pinipigilan niya ang kanyang sarili na sumabog sa kilig.

"Ooohhh... Baka kasi may iba pang function 'yung lubricant nila... you know? I'm just saying!" hirit ni Luna.

Napatingin ang dalawang babae kina Chris at Jin habang nanliliit ang kanilang mga mata.

Napaeye-roll na lamang si Jin at tinulak niya sina Luna at Jade papabalabas ng Laboratory.

Dahil sa lakas ni Jin, hindi na nagawa ng dalawang babae na lumaban pa. Nilock ni Jin ang laboratory upang wala nang makapasok at sumigaw ang dalawang babae sa labas.

"Aalis na kami, Jin! Hindi kami mag stay dito at makikinig sa kung anong paguusapan or gagawin niyo ni Chris!" sigaw ni Luna

"Oo, bye baby boys! Hintayin na lang namin kayo mamayang gabi sa Jinny's! Aalis na talaga kami dito. Oo wala na kami ni Luna, nakalayo na kami. Tuloy niyo na ang balak niyo!" sigaw naman ni Jade.

"Nasa kabilang street na kami ni Ms. Jade, wala na kami sa tapat ng laboratory. May naririnig ka ba Ms. Jade?" sigaw ni Luna.

"Wala! Wala akong naririnig!" sigaw naman ni Jade.

Hindi umalis ang dalawang babae at tila pinapakinggan pa rin sina Jin at Chris na nasa loob ng laboratory.

Lumapit na si Jin kay Chris upang ipagpatuloy ang kanilang ginagawa na pagtanggal sa relo sa kamay niya.

Nakita ni Jin na nakatingin si Chris sa lube at nakangiti ito.

"Chris, bakit ka nakangiti dyan habang hawak mo 'yang lube?" tanong ni Jin.

Tumingin bigla si Chris sa kanyang paligid at biglang nagsalita.

"Walang tao..." nakangiting hirit ni Chris.

"Huh? Oo walang tao, tayong dalawa lang. Bakit?" nagtatakang tanong ni Jin.

Biglang tiningnan ni Chris si Jin sa mga mata, ngunit may ibang pahiwatig ito.

Napagtanto ni Jin ang mga tingin sa kanya ni Chris at nanliit ang kanyang mga mata.

"Chris?" tanong ni Jin habang nanliliit ang kanyang mga mata.

Ngumiti si Chris at tinulak si Jin sa isang swivel chair malapit sa table.

Nang napaupo si Jin at nagulat siya sa ginawa ni Chris.

"Jin, maaga pa naman para mamaya." bulong ni Chris.

"Tara!" pagsangayon ni Jin at tila natutuwa ito sa gagawin nila ni Chris.

Inupuan ni Chris si Jin sa mga hita nito habang nakaharap ito sa kanya at hinalikan ito...

Meanwhile, sa labas ng laboratory, may dalawang babae pa rin ang nakikinig.

"Girl! Hindi ko na talaga kaya 'to! Feeling ko mahihimatay ako pag ginawa nila 'yun right now!" bulong ni Jade.

"Ako din, Ms. Jade, baka mapatili ako!" bulong ni Luna.

"Teka, teka, may narinig ulit ako." bulong ni Jade.

Pinakinggan nila ang ingay na nanggagaling sa loob ng laboratory.

"Grabe, Chris, ang sikip talaga!" sambit ni Jin.

"Masyado ka lang malaki talaga! Dagdagan mo kasi ng Lube!" sagot ni Chris.

"Ito na nga po, master. dadamihan na po! Ready ka na ulit?" tanong ni Jin.

"Kanina pa ko ready, hinihintay na lang kita!" hirit ni Chris.

Lumayo ang dalawang babae sa laboratory at pumunta sa may street at doon nagsisigaw. Tila nababaliw na silang dalawa, kaya pinagtitingnan sila ng mga tao at akala ay nasisiraan na sila ng ulo.

"Grabe! Hindi ko alam! Ang agrressive pala ni Chris!" hirit ni Luna.

"Oo! nasa loob pala talaga ang kulo! Waaah!" kinikilig na hirit ni Jade.

"Hindi ko kaya, Ms. Jade, ibigay na natin ang privacy nila! Dahil pag nagstay tayo doon, baka masira ko ang pintuan!" hirit ni Luna.

"Tara na, girl! Mag ayos na nga lang tayo ng mga sarili natin para sa Evening party later! Doon na lang tayo maghanap ng maraming boys na mahilig din sa boys!" hirit ni Jade.

Umalis na silang dalawa at pinagtitinginan pa rin sila ng mata tao ngunit hindi na nila ito pinapansin, basta masaya lang silang dalawa para sa mga kaibigan nila.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: August 27, 2021

Time: 8:30 P.M.

Nasa Jinny's na ang lahat at ang hinihintay na lamang ay sina Jin at Chris. Nandoon ang lahat ng kakilala at mga kaibigan nila.

Nireserve nina Jade at Luna sina Jin ng upuan para pagdating ay doon agad sila papupuntahin.

"Ano ba naman 'tong dalawa na to! Pa VIP!" hirit ni Luna habang nagsasayaw sa kanyang upuan.

"Sinong pa VIP? Kami ba?"

Biglang sumulpot si Jin sa likod ni Luna na ikinagulat nila.

"Sa wakas! Ugh! Ano ba kasi, ang tagal tagal niyong dalawa! Ano naka ilang rounds ba kayo?" tanong ni Jade.

"Tatlo." biglang humirit si Chris.

Tinakpan agad ni Jin ang bibig ni Chris dahil nahiya siya bigla.

"Chris! Wag mo sabihin sa kanila! Nakakahiya!" bulong ni Jin.

Tinanggal ni Chris ang kamay ni Jin sa kanyang bibig at nagsalita.

"Sorry." hirit ni Chris at binalik niya muli ang kamay ni Jin sa kanyang bibig.

"Umupo na nga kayong dalawa! Dito kayo sa harap namin! Naiinis ako, masyado kayong sweet!" hirit ni Luna.

Nang makaupo na sina Jin at Chris, biglang tumayo si Jade sa kanyang inuupuan at pumunta sa stage.

Nagsalita na si Jade sa mic at nagtinginan na ang lahat.

"Hello! Kamusta na kayong lahat! Nandito tayo ngayon sa Jinny's para mag celebrate sa tagumpay ng Operations team! Wooohh!"

Nagpalakpakan ang lahat, at masaya ang lahat sa gabing iyon.

Nagsalita muli si Jade upang ipagpatuloy ang kanyang pag aannounce.

"Palakpakan natin ang dalawang utak ng time machine, sina Jin at Chris!"

Tumayo ang lahat at naghiyawan para kina Jin at Chris.

"All right! Pwede na kayo ulit umupo. May message pa ko, hindi pa tapos. Haha! Okay, gusto ko lang sabihin na hindi mabubuo ang time machine kung hindi dahil kay Jin. Noong una ayaw kong maniwala kay Jin. Akala ko niloloko niya lang ako! Kasi, Like, WTH? Sinong maniniwala sa time machine? Haha!"

Nagtawanan ang lahat at muling nagpatuloy si Jade sa pagsasalita.

"Jin, okay lang ba na ikwento sa kanila kung paano mo ako na convinced?"

Nag okay sign si Jin habang nakaupo ito at itinaas niya ang kanyang kamay, hudyat na pinapaubaya niya na ang pagkwento kay Jade.

"Ayun na nga, pinapapunta ako ni Jin sa bahay niya. Sabi niya ipapakilala niya daw sa akin 'yung kilala niya na nakabalik sa oras natin mula sa future! Sabi ko kay Jin, baka nagpa-prank lang siya! Pero sabi ko sa sarili ko, sige, wala namang mawawala! So pumunta ako sa bahay nila, and then may ipinakilala siya sa akin. Si Jon. Oo kilala niyo yun 'di ba? 'Yung super hot na kapatid ni Jin?"

Biglang may nagtanong mula sa mga kakilala nila.

"Oo nga? Nasaan si Jon? Bakit hindi ko na siya nakikita? Bigla na lang siyang nawala?"

Nagsalita muli si Jade, "Ayun na nga! Pinakilala ni Jin sa akin si Jon. Kinausap ako ni Jon, tapos nag pakilala siya sa akin and sabi niya, na siya rin si Jin na nagbalik from the future!"

Nagtinginan ang lahat ng tao na nasa Jinny's kay Jin at nagulat sila sa kanilang nalaman. Tila labis silang namangha sa kanilang nalaman.

"So noong una, hindi ako naniwala. Nagsabi siya ng mga secrets sa akin. Ang akala ko, kinwento lang sa kanya ni Jin 'yung mga secrets! Tapos may binulong siya sa akin! Sinabi niya 'yung ultimate secret ko na hindi ko sinasabi kahit kanino! Nagulat ako kasi alam niya. So doon ako napaniwala, ang Jon na kilala nating lahat, ay si Jin din pala from the future. At dahil doon, napatunayan ko na hindi nagsisinungaling si Jin. Na ang time machine na ito ay magiging successful. So palakpakan nating lahat si Jin, dahil pinatunayan niya sa atin ang impossible, ay pwede pa lang maging possible!"

Pinalakpakan ng lahat si Jin at sumigaw ito bigla.

"Ano naman 'yung secret na sinabi sa'yo ni Jon, Ms. Jade?" Sigaw ni Jin.

Medyo nahihiya hiya pa si Jade ngunit nilakasan niya na ang kanyang loob.

"Guys, kaya naniwala ako kay Jin from the future, dahil hindi siya nagkamali sa sinabi niya sa akin!"

Pinakita ni Jade ang kanyang kamay. Nakagloves si Jade at tinanggal niya ito. Nakita ng lahat ang engagement ring na nasa kanyang ring finger.

"Engaged na kami ni Mike! Woooh!"

Lahat ay napatingin kay Mike at pinalakpakan sila.

"Ooops! May isa pang sinabi sa akin si Jin from the future!"

Hinawakan niya ang kanyang tiyan at hinaplos niya ito.

Napatayo si Luna at pumalakpak sa tuwa.

"Ms. Jade? I'm so happy for you!" sigaw ni Luna.

"Sabi sa akin ni Jin from the future, hindi pa huli ang lahat, so ito na nga, magkakaroon na kami ng baby ni Mike!"

Tuwang tuwa ang lahat, habang binulungan ni Jin si Chris, "Alam mo ba, sabi sa akin ni Jin tanda, hindi naman daw talaga nagkaanak si Ms. Jade, sinabi niya lang 'yun para pumayag si Ms. Jade sa time machine. Haha!"

"Baliw ka talaga, Jin, kahit sa anong panahon ka ilagay!" bulong ni Chris.

Bigla muli nagsalita si Jade, "Gusto ko papuntahin dito sa gitna ang ating Sexy baby boy at ang ating Cutie baby boy! Dito kayo sa gitna! Mag message kayong dalawa!"

Umalis na si Jade at pinuntahan na sina Jin at Chris para papuntahin sa gitna ng stage.

Nahihiyang lumapit ang dalawa sa stage ngunit wala na silang magawa.

Una nang nagsalita si Jin.

"Maraming salamat po sa lahat ng tumulong na mabuo ang time machine. Kung hindi din dahil sa cooperation ng lahat, hindi natin ito mabubuo. Tsaka, hindi perfect ang pagbuo ng time machine kung wala si Chris. Kaya palakpakan nating lahat si Chris. Ang pinautak ng Project Time Machine."

Pinalakpakan ng lahat si Chris at tuwang tuwa naman ito.

"Tsaka, may isa pa pala akong announcement. Ito na ang pinakamatinding desisyon ang gagawin ko sa buong buhay ko. Wala ng makakapigil sa akin. Hindi ko na kaya 'to, gusto ko ng sumabog!" biglang hirit ni Jin.

Nagtaka ang lahat at nacurious kung ano ang nais ipahiwatig ni Jin.

Bumaba ng stage si Jin, at humarap kay Chris sa gitna.

May kinuha siya sa kanyang bulsa at biglang lumuhod at tila may pinakitang singsing para kay Chris.

Nang lumuhod na si Jin, hindi na napigilan ng dalawang babae ang mapatili.

"Ahhhhhhhhh! Kami na ang sasagot para kay Chris! Nag I I do na siya, Jin! Chris! pumayag ka na!" tili ni Jade.

"Chris! Pag hindi ka pumayag sinasabi ko sa'yo! Sayang ang effort namin ni Ms. Jade! Ready na ang program pati ang theme ng kasal niyo!" sigaw naman ni Luna.

Tawang tawa ang lahat dahil sa dalawang babae, pero natutuwa sila sa katapangang ginawa ni Jin.

Nakisigaw na rin si Mr. Jill na nadoon din sa event.

"Sir Chris, umoo ka na! Matagal mo na 'tong pangarap hindi ba?"

Pumalakpak naman at naghiyawan ang mga kasamang butlers at maids na kasama ni Mr. Jill sa event.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Chris. Gusto niya sabihin na oo pumapayag na siya... pero hindi niya magalaw ang kanyang bibig.

Tila nasa isang panaginip siya na hindi niya inakalang mangyayari.

Pinapalo palo niya ang kanyang mukha upang masigurado na hindi siya nananaginip

Biglang sumingit si Luna.

"Ako pupunta dyan, Chris! Kukurutin kita sa singit hanggang sa marealize mo na hindi ka nananaginip!" sigaw ni Luna at naghiyawan ang lahat.

"Chris, sagot ko na ang catering niyo! Libre na basta pumayag ka na!" biglang lumabas at sumigaw si Jinny na kakagaling lamang sa kitchen.

Naghiyawan muli ang mga tao at tuwang tuwa.

Hindi na napigilan ni Chris ang kanyang sarili, at bumaba siya ng stage upang puntahan si Jin.

Itinayo niya ito at niyakap ng mahigpit at binulungan.

"Gusto ko ikaw lang makakarinig nito, Jin. Mamahalin kita, araw araw, sa kahit anong panahon at oras. Maraming salamat at mahal na mahal kita." bulong ni Chris habang naiiyak siya.

"Wag ka mag alala, Chris, sasamahan na kita kahit saan. Hinding hindi na tayo maghihiwalay. Mahal na mahal din kita." bulong ni Jin.

Biglang humirit sina Jade at Luna.

"Kiss! Kiss! Kiss!"

At ang lahat ay nakisabay.

Dahil sumisigaw na ang lahat, hiyang hiya si Jin dahil baka mailang si Chris kung hahalikan niya ito sa tapat ng maraming tao.

Tiningnan niya si Chris at tinanong, "Chris, Okay lang-" Naputol ang pagsasalita ni Jin nang biglang siyang hinalikan ni Chris ng walang alinlangan.

Nanlaki ang mga mata ni Jin nang magtagpo ang kanilang mga labi at pumikit na lang siya.

"Aaaaaaaaahhhhhhhh!" Malakas na tili nina Jade at Luna, at ang iba pang mga babae.

Pagkatapos humalik ni Chris ay namumula ito sa hiya at hindi makatingin kay Jin at sa lahat ng tao, kaya isinandal niya ang kanyang mukha sa dibdib ni Jin.

"Nahihiya ako, Jin! itago mo ko!" hirit ni Chris.

"Nahiya ka pa sa lagay na 'yun ah?" sagot ni Jin.

"Sabi kasi nila, mag kiss daw tayo." bulong ni Chris.

Hinawakan ni Jin ng kanyang dalawang kamay ang ulo ni Chris at hinaplos ito.

Para sa kanilang dalawa, ito na ang simula ng kanilang buhay na hindi na nila kailangang magtago. Hindi na nila kailangan mahirapan. Wala nang mananakit sa kanila, at higit sa lahat, ang maging masaya na kapiling ang isa't isa.

Para kay Jin, hindi na hadlang ang oras para lang sa kanyang pagmamahal para kay Chris. Dahil kung may mangyaring hindi maganda kay Chris, babalik at babalik siya sa oras upang ayusin ito.

Ganoon din si Chris, gagawin niya ang lahat, para sa kapakanan ni Jin. Sa dami ng kanilang pinagdaanan, at sa mga oras na kanilang pinuntahan, napatunayan nila na love transcends time.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

19 Years later

Date and Time: March 21, 2040

6:30 Pm

May isang lalaki, 19 years old ang edad, ang pumasok sa laboratory ni Jin. 5'9 ang laki, may pagkamoreno, maganda ang katawan, at ang mga mata nito ay napakaganda at may light brown na kulay. May mamula mula na pisngi at mga labi at may napaka-among mukha.

"Ito pala ang old laboratory ni paps! Ano kaya pwede kong pagkaabalahan dito? Hmmm?"

Biglang nag ring ang kanyang phone, at napansin niya na may gustong makipag video call sa kanya.

Binuksan niya ang kanyang phone at bumungad ang mga mukha nina Chris at Jin.

Jin: Blue! Nasaan kang bata ka?

Blue: Guess what! I'm at your old laboratory!

Jin: Bakit ka nand'yan? Kanino ka ba nagmana ng kakulitan? Ha?

Chris: Sa'yo. Haha! Sa'yo nagmana yan, kanino pa ba?

Blue: Paps! Saglit lang ako dito, napadaan lang ako, naghahanap lang ako ng pwede kong magamit.

Jin: Bilisan mo, umuwi ka na dito pagkatapos. Hinihintay ka na ng mga tropa mo!

Chris: Anong gusto mong kainin, Blue?

Blue: Garlic egg fried rice po, dad!

Chris: (Kausap si Jin) Kita mo, sa'yo nagmana talaga 'to! Haha.

Blue: Uuwi na din po ako! See you later, paps and dad!

Binaba na ni Blue ang phone. Aalis na dapat siya sa laboratory ng may makita siyang liwanag na nagmula sa isang malaking machine na nakabalot ng tela.

"What's this? Nakita ko na may umilaw dito, I'm sure!" tanong ni Blue sa kanyang sarili.

Tinanggal niya ang tela na nagtatakip sa isang malaking machine at naubo siya dahil sa alikabok.

Nang matanggal niya ang tela, nagulat siya sa kanyang nakita.

"Wooaaah? What's this?" gulat na sinabi ni Blue at tila manghang mangha siya sa kanyang nakita.

Nakita niya ang time machine na binuo nina Jin at Chris at tila malinis pa rin ito at napakaayos tingnan.

Lumapit si Blue sa time machine at pinuntahan ang mga buttons kung saan pwede maset ang oras.

"Is this what I think it is? Time Machine? Wow! Cool! I never thought na nageexist pa to sa old lab ni paps! It looks so old compared sa mga new techs na pinapakita niya, pero bakit hindi niya na to ginagamit? This is one heck of a tech! Kahit sabihin mo pa na sobrang luma na nito kung titingnan, still, this is a time machine! Let's see... Hmmm, paano kayo 'to gagana?"

Tiningnan ni Blue kung may mga nakasingit na instructions or manual na pwede niya maging guide, ngunit wala siyang nakita. Ang tanging makita niya lang ay isang papel, na may nakalagay na "March 21, 2020"

"Hmmm, I-try ko kaya tong date na to, then I'll go back as soon as possible."

Kahit hindi pa ito nagagamit ni Blue, sa isang tingin niya pa lang ay nakita niya kung pano iseset ang oras ng maayos. Magaling si Blue pagdating sa pag oobserve ng mga bagay bagay dahil tinuruan siya ni Chris.

Kaya naman ay inayos niya na ang date, inilagay ito sa March 20, 2020 at pinindot na ang start.

"So I guess papasok na ako sa transporter nito, then poof!"

Pumasok na si Blue sa loob ng transporter at pumikit.

Umilaw na ang transporter at ilang segundo lang ay kumupas na ang ilaw nito, at nawala na siya sa kasalukuyan.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: March 21, 2020

Time: 6:30 P.M.

Dumilat si Blue at nakita niya ang isang open space na lugar. Naglakad siya kaunti at napansin niya na nasa likod siya ng bahay ni Jin.

"So it means na nakabalik ako sa March 21, 2020, dahil sabi ni paps, wala pa ang laboratory niya nung mga panahon na 'to. Wow! Ang cool naman nito!" tuwang tuwa na sinabi ni Blue.

Habang nagmamasid-masid siya sa paligid, may nakita siyang isang tao na papasok ng bahay ni Jin, kaya nagtago siya agad sa likod ng isang puno malapit sa bahay ni Jin.

"Is that...paps? Grabe! Ang bata niya pa dito! Okay! Sobrang cool nitong time machine na 'to. Pero 6:30 pm na pala! Mukhang kailangan ko na bumalik sa bahay, baka pagalitan na naman ako ni paps nito. Haha!"

Bumalik si Blue sa lugar kung saan siya dinala ng time machine at nakatayo lamang.

Napatigil siya at nagtanong sa kanyang sarili.

"Ummm... So... Okay, how do I go back?"

The End of March 2020/1

See you soon! With Blue and Friends!

Related Books

Popular novel hashtag