Chereads / March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story) / Chapter 24 - Chapter 24: Believe it or not

Chapter 24 - Chapter 24: Believe it or not

Date: June 15, 2020

Time: 6:30 P.M.

Patungo si Rjay sa bahay ni Jin dala ang kanyang nilutong fried garlic rice at sobrang saya niya habang naglalakad. Para sa kanya, malaya na siya at wala na siyang kaagaw sa attention ni Jin dahil wala na si Chris sa kanyang landas.

Matagal niya nang nababasa sa mga mata ni Chris na may gusto ito kay Jin kahit hindi nito sinasabi o pinapaalam. Magkaibigan silang dalawa ngunit dahil sa pagmamahal niya kay Jin, kaya niyang kalimutan ang pagiging magkaibigan nila basta si Jin ang pag-uusapan.

"Buti na lang at nagawa ko na mailayo si Chris sa buhay ni Jin." nakangising sinabi ni Rjay na tila tagumpay ang kanyang plano.

Matagal nang kumikilos si Rjay sa likod nila lingid sa kaalam nina Jin at Chris. Sa tulong ni Mr. A., napalayo niya si Chris sa piling ni Jin.

Flashback

Unang beses na ipinalam ni Rjay kay Mr. A. ang tungkol kina Jin at Chris ay noong pumunta siya sa bahay nito, April 2, 2020 at alas-8 ng gabi. Sinadya niyang pumunta sa bahay nila Mr. A. dahil alam niyang wala si Chris at umiinom ito kasama ang dalawang Jin noong araw na ito, kaya naman ay nilubos niya na ang pagkakataon.

Malayang nakakapasok at nakakalabas ng bahay ni Mr. A. si Rjay dahil magkakilala at business partners ang dad niya at si Mr. A. Anak na ang turing ni Mr. A. sa kanya kaya naman pinagkakatiwalaan siya nito pagdating kay Chris.

Tumungo si Rjay sa office room ni Mr. A. at may dalang mga dark chocolates upang palabasin na kinakamusta niya ito, ngunit ang totoo, may iba siyang pakay sa kanyang pagbisita.

Knock on door.

"Pasok." sagot ni Mr. A. habang seryosong nagbabasa ng mga reports sa kanyang desk at nakaupo sa isang swivel chair sa office room ng kanyang bahay.

Pumasok si Rjay na dala ang isang box ng mamahalin na dark chocolate mula pa sa Italy.

"Oh, Rjay, napabisita ka dito? Anong mayroon?"

"Galing po kasi si dad sa Italy, pinapabigay niya po itong mga dark chocolates para sa'yo, Mr. A. Makakabuti po ang pagkain ng dark chocolates para sa inyo." nakangiting bati ni Rjay.

Inabot ni Rjay ang box ng dark chocolate na siya namang kinuha ni Mr. A. at itinago ito sa isang cabinet sa kanyang desk.

"Maraming salamat, Rjay." seryosong sinabi ni Mr. A. at patuloy na itong nagbasa ng reports.

Nakatayo lang si Rjay sa harap ni Mr. A. at hindi siya umaalis, kaya naman napatigil si Mr. A. sa pagbabasa ng reports at napatingin kay Rjay.

"Bakit hindi ka pa umaalis, Rjay? May kailangan ka pa ba?" nagtatakang tanong ni Mr. A.

"Mr. A., may sasabihin po ako sa inyo tungkol kay Chris."

Nagpintig ang mga tainga ni Mr. A. nang marinig niya ang pangalan ni Chris at naging interesado sa sasabihin ni Rjay.

"Anong mayroon tungkol sa bata na 'yun?" tanong ni Mr. A.

"Ito na ang pagkakataon ko. Sasabihin ko kay Mr. A. na nagliliwaliw na siya. Sa ganitong paraan, Si Mr. A. ang maglalayo kina Chris at Jin." nasa isip ni Rjay. "Mr. A., si Chris po, alam niyo po ba kung bakit hindi niya kinuha 'yung business niyo at pilit na nagtrabaho sa company ni tito Vander?"  tanong ni Rjay.

Tiningnan ni Mr. A. si Rjay at nanlilisik ang mga mata nito.

"Bakit? Sabihin mo sa akin!"

"Mayroon pong nagugustuhan si Chris, kaibigan namin." sambit ni Rjay

"'Yun lang ba? Sino itong babae na nagugustuhan ni Chris? Kakausapin ko at ako ang bahala na magbigay ng pera sa kanya para layuan niya si Chris." sinabi ni Mr. A. habang nakangisi at nagbasa na muli ng reports.

"Mr. A..."

"Bakit, Rjay?"

"Hindi po babae ang gusto ni Chris."

Napatigil si Mr. A. sa kanyang pagbasa at natulala, ilang saglit lang ay bigla niyang ibinato ang kanyang binabasang reports. Nakaramdam ng takot si Rjay sa reaction ni Mr. A., ngunit nilakasan niya ang kanyang loob.

"Anong sabi mo? Lalaki ang gusto ni Chris?" galit na galit na sinigaw ni Mr. A.

"Opo, Mr. A. Siya po ang dahilan kaya sinusundan siya ni Chris."

"Sino itong lalaki na ito? Ako ang magtuturo sa kanya ng dapat niyang kalagyan!"

Natakot si Rjay at biglang nag alala dahil si Jin na ang punterya ni Mr. A., kaya bigla siyang nag rason upang hindi ito madawit.

"Mr. A., hindi po ang kaibigan namin ang may kasalanan, wala po siyang ginagawa. Si Chris ang may gusto sa kanya at wala pong gusto 'yung kaibigan namin na 'yun kay Chris." nanginginig at kabadong paliwanag ni Rjay.

"Sino itong lalaki na 'to? Anong pangalan niya?" tanong ni Mr. A.

"Jin po. Jin Torres" natatakot na sinabi ni Rjay.

"Jin... Torres?" tanong ni Mr. A., "Narinig ko na ang pangalan na ito, pero saan ko nga ba ito narinig? Torres, ito ang surname nina... 'wag mo sabihing—" nasa isip ni Mr. A., "'Yung Jin na tinutukoy mo ba, may mga magulang pa siya o wala na?" tanong ni Mr. A

"Wala na po. Maaga po nawala ang parents ni Jin, Mr. A. Ang sabi niya po, ang naalala niya na lang ay namatay daw po ang parents niya sa sakit. Pero bukod doon, wala na po akong ibang alam." paliwanag ni Rjay.

"Siya nga siguro ang anak nina Althea at John! Buhay pa pala itong batang 'to? Siya pa ang sisira sa akin! Tsk! Buti wala siyang naaalala dahil sa nangyari!" nasa isip ni Mr. A. ngunit may labis na pangangamba.

Biglang naging aligaga si Mr. A., napatayo at naglalakad paikot-ikot at napansin ito ni Rjay.

"Mr. A., may problema po ba?" tanong ni Rjay

"Rjay, gusto ko sundan mo si Jin. Sabihin mo sa akin ang bawat galaw niya. Alamin mo din kung anong ginagawa nila pag magkasama sila ni Chris. 'Wag kang magpapahalata sa kanila." utos ni Mr. A.

"Bakit ko po susundan si Jin? Mr. A., may gagawin po ba kayo sa kanya?" nag-aalala na tanong ni Rjay.

"Ahhh, wala. Basta sundan mo lang sila." Nanginginig ang boses ni Mr. A nang sinabi niya ito na siyang nahalata naman ni Rjay.

"Biglang nagbago ang kilos ni Mr. A. nang marinig niya ang pangalan ni Jin. May tinatago kaya siya? Tsaka bakit niya sa akin pinapasundan si Jin? Paano niya nalaman na wala ng parents si Jin? Aalamin ko 'to, dahil baka mapahamak si Jin! Hindi ako nag iisip! Argghh! Di ko inakala na masasangkot si Jin!" nasa isip ni Rjay.

"Sige po Mr. A., babalitaan ko po kayo. Oo nga po pala magkasama po sila ngayon, Mr. A., umiinom po si Chris ngayong oras na 'to."

Napatingin ng masama si Mr. A. kay Rjay, at tila nagagalit na naman ito. Ayaw niyang ibuhos ang kanyang galit kay Rjay, kaya huminga siya ng malalalim at pinaalis na lamang si Rjay sa kanyang office room.

Paglabas ni Rjay ay sinara niya ang pinto dahan dahan at habang sinasara ito, napansin niya na tila aligaga pa rin kung kumilos si Mr. A. Hindi niya sinara maigi ang pintuan at pinanood ang kilos nito. Nakita niya na may kinuha si Mr. A. na files sa isang cabinet malapit sa kanyang desk, at habang bang binabasa ang files na ito, ay tila hindi na alam ni Mr. A. ang kanyang gagawin. Umalis na rin siya dahil baka mahuli siya ni Mr. A., ngunit nagtataka pa rin siya kung bakit ganoon ang ikinikilos nito.

Another Flasback

Pangalawang beses na nagsumbong si Rjay kay Mr. A. ay noong May 26, 2020. Ito ang araw na pinakamasakit sa kanya dahil may nakita siyang hindi kaaya-ayang pangyayari.

Dahil lunch na noong araw na iyon, naisip ni Rjay na puntahan si Jin sa cafeteria upang kamustahin ang lagay nito dahil may pilay ang braso nito ng mga panahon na iyon.

Nadatnan niyang wala si Jin sa cafeteria at nagtaka siya dahil alam niya na nandoon lamang ito palagi hanggang sa matapos ang lunch time. Kaya naman ay nagtanong siya sa mga tao na nandoon kung may nakakita ba kay Jin. Lumapit siya sa isang babae na nakaupo mag-isa sa isang table habang nagpho-phone ito upang tanungin.

"Miss, kilala mo ba si Jin? 'Yung MVP ng basketball finals? 'Yung matangkad, kasing laki ko, gwapo, tapos may pilay sa braso? Galing ba siya dito?"

"Teka, ito ba siya?" Pinakita ng babae ang picture ni Jin sa kanyang phone at nakita naman ito ni Rjay.

"Ayan! Siya nga!"

Ngunit may napansin si Rjay sa picture na ipinakita ng babae. Nakita niya na sinusubuan ni Chris si Jin ng pagkain at bigla siyang nainis.

"Nakita mo ba sila?" tanong ni Rjay at seryoso ang kanyang mukha na siyang ikinatakot naman ng babaeng kausap niya.

"Umm... O-oo. Na-nakita ko sa na pa-papunta sa ro-rooftop."

Hindi na nagsalita si Rjay at umalis na siya sa cafeteria at tumungo sa rooftop upang puntahan sina Jin at Chris dahil hindi maganda ang kanyang kutob. Nang makarating na siya sa pintuan ng rooftop, narinig niya ang tinig ni Chris na naghuhumming. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan upang hindi siya mapansin.

Labis ang kanyang pagkapoot nang hindi niya sadyang makita ang mga pangyayaring hindi inaasahan. Nakita niya na hahalikan ni Jin si Chris. Kinuha niya ang kanyang  phone at kinuhaan sila ng picture upang ipakita ito kay Mr. A.

Hindi na kinaya ni Rjay ang kanyang mga nakikita, at dahil sa galit niya, ay lumabas na siya ng rooftop at nilakasan ang pagsara sa pintuan.

Wala ng ibang tumatakbo sa utak ni Rjay kung hindi isumbong si Chris sa papa nito at paglayuin ang dalawa. Umalis siya sa kanilang office building at tumungo sa bahay nila Chris, upang kausapin si Mr. A.

Nang makarating si Rjay sa Office room ni Mr. A., ay nagulat ito sa biglaang pagdating niya.

"Bakit ka ulit nandito, Rjay? May gusto ko bang ibalita o sabihin?" tanong ni Mr. A.

"May ipapakita po ako sa inyo, Mr. A."

"Tungkol ba 'to kay Chris?"

"Opo, Mr. A."

Binigay ni Rjay ang kanyang phone upang ipakita ang picture ni Chris at Jin. Nanlisik ang mga mata ni Mr. A. nang makita niya ang picture nina Chris at Jin na malapit ng magtagpo ang kanilang mga labi.

Ibabato na dapat ni Mr. A. ang phone ni Rjay dahil sa galit na kanyang nararamdaman nang pinigilan siya ni Rjay.

"Mr. A.! Phone ko po 'yan!" biglang sigaw ni Rjay

Natauhan bigla si Mr. A. at ibinalik ang phone ni Rjay.

"Tingin ko po Mr. A., kailangan mo na po ilayo si Chris kay Jin, dahil masisira po ang business at pangalan ng pamilya mo dito. Kung may makakita man nito, malaking kakahiyan to para sa pamilya niyo." nag aalala na sinabi ni Rjay, ngunit sa loob niya ay tuwang tuwa siya sa kanyang ginagawa.

"Tama ka dyan, Rjay. Kailangan mailayo si Chris mula sa Jin na ito!"

"Mr. A., nasabi po sa akin ni dad na may joint business daw kayo sa Japan. Sinabi niya sa akin na maganda ang magiging takbo nito kung Chris ang hahawak doon dahil sa kakayahan niya." sinabi ni Rjay na may tusong tingin.

Napaisip si Mr. A. at tumingin siya kay Rjay na tila natutuwa sa suggestion nito.

"Oo, mukhang 'yun nga ang magandang desisyon. Gusto ko iyang naisip mo, Rjay. Hindi lang malalayo si Chris kay Jin, magiging maganda din ang business namin ng dad mo sa Japan."

Nakangisi si Rjay nang malaman niya na sumang-ayon na si Mr. A. sa kagustuhan niya.

"Mr. A., ako na po ang bahala kay Jin. 'Wag po kayo mag alala."

Nang banggitin ni Rjay ang pangalan ni Jin, ay bigla na naman naging aligaga si Mr. A. sa kanyang mga kilos, at tila nakatitig ito sa isang cabinet. Napansin ito ni Rjay at naalala niya noong unang beses niyang kinausap si Mr. A., na ang tinitingnan nito na cabinet ay kung saan nakita niyang may kinuhang files dito bago siya umalis, kaya tinanong niya si Mr. A.

"Mr. A., tungkol po kay Jin, bakit niyo po siya pinapasundan sa akin? Pwede ko po ba malaman? Para alam ko kung anong pwede kong gawin para tulungan ko kayo." tanong ni Rjay.

Kinukuha ni Rjay ang loob ni Mr. A. upang mahikayat niya ito na malaman kung anong mayroon kay Jin at kung bakit nagiging aligaga ito.

"Gusto ko lang na sundan mo siya sa mga kilos at bawat galaw niya. Baka mamaya ay sinisira niya si Chris." sagot ni Mr. A. habang hinahawakan niya ang kanyang dibdib.

"Wala pong ginagawa si Jin, Mr. A., sa totoo nga po, si Chris ang nagyayaya lagi kay Jin at ako lang ang pumipigil sa kanilang dalawa. Minsan hindi na po mapigilan si Chris talaga. Pati 'yung pag inom nila noong isang araw, si Chris po ang nagyaya." kwento ni Rjay.

"Tsk! Saan ba natuto 'yan si Chris uminom—" tanong ni Mr. A. na naputol dahil may tumawag bigla sa kanya, "Sandali lang Rjay, sasagutin ko lang ito."

Lumabas muna saglit si Mr. A. sa office room niya para sagutin ang tawag sa kanyang phone.

Nang makalabas si Mr. A. sa office room, ay agad tiningnan ni Rjay ang laman ng cabinet kung saan nakatago ang files na binabasa nito. Dali dali niya itong binuksan dahil baka pumasok agad si Mr. A. at kinuhaan niya ng picture ang mga nakalagay sa mga documents dahil wala na siyang oras para tingnan at basahin pa ito.

Kabado si Rjay habang kinukuhaan niya ng picture ang mga documents at sumisilip sa pinto at nagbabakasakali na biglang bumalik si Mr. A.

Bumukas na unti-unti ang pintuan hudyat na papasok na si Mr. A. sa office room. Nakuhaan na ni Rjay ng pictures ang buong document at  agad itong ibinalik sa cabinet at isinarado. Bumalik na rin siya sa kanyang pwesto at tila pinapawisan sa kaba.

Pagkarating ni Mr. A. ay tiningnan niya si Rjay na medyo nanginginig at pinapawisan. Iniisip ni Rjay na baka mahuli siya ni Mr. A.

"Rjay." biglang nagsalita si Mr. A.

"Y-yes po, Mr. A.?" kabadong tanong ni Rjay at dahan dahang tumingin kay Mr. A. sa mga mata.

"Bakit ka pinapawisan? Mainit ba dito?"

"Hindi po, Mr. A., na-C.R. lang po ako kaya medyo pinapawisan na po ako. Hindi ko na din po kaya, pwede po ba na mag C.R. po muna ako sa inyo?" palusot ni Rjay.

Ngumisi si Mr. A. at pinaalis na si Rjay para magawa na ang gusto nito at makaalis na din.

Nang makaalis si Rjay sa office room, hindi na siya dumiretso ng C.R., kung hindi lumabas na ito ng bahay. Hindi na niya nagawang bumalik sa office building at umuwi na lamang siya kahit hindi pa niya end of shift, dahil gusto niya siyasatin ang mga documents na nakuha niya kay Mr. A.

Nang makarating siya sa bahay niya, ay agad siyang tumungo sa kanyang kwarto at binuksan ang kanyang Gallery app sa phone kung saan naka save ang mga photos ng documents.

Habang tinitingnan niya ang documents, may nakita siyang tatlong pangalan na tila pamilyar sa kanya.

"Sandali, hindi ba ito yung parents ni Jin? Althea Torres, John Torres. Hmm, at bakit nandito si—"

Binasa ni Rjay ang mga details na nakalagay sa documents na kinuha niya. Nagulat siya sa kanyang nabasa dahil nandoon din ang pangalan ni Jin na nakasulat sa papel. Kasama rin sa documents ang information tungkol sa nangyaring pagkamatay sa mga magulang ni Jin at ang tunay na estado ng pamilya nito.

Nanlaki ang mga mata ni Rjay sa patuloy niyang pagbabasa, dahil hindi niya inasahan ang mga information na nakalap niya sa files na galing kay Mr. A. Mga sikreto na nabaon na sa limot, tila walang nakakaalam at napaglipasan na ng panahon.

Ngayon, nalaman na ni Rjay kung bakit pinapansundan ni Mr. A. si Jin at kung bakit aligaga ito sa tuwing maririnig ang pangalan nito.

"Kailangan ko talaga ilayo si Jin, hindi lang kay Chris, kung hindi pati na rin kay Mr. A. Jin, pag nalaman mo 'to, tingin ko hinding hindi mo na papansinin kahit kailan sa Chris at kamumuhian mo siya buong buhay mo. Chris, magsaya ka lang dahil alam ko na ang totoo. Hindi kita hahayaan na makuha si Jin sa akin. Hindi na siya masasaktan ulit."

End of Flashback

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Current time

Date: June 15, 2020

Time: 6:30 P.M.

Kararating lang ni Rjay sa tapat ng pinto ng bahay ni Jin dala ang mainit init na garlic fried rice na kanyang niluto. Kakatok na sana siya nang marinig niya na may kausap ito. Sumilip siya sa bintana malapit sa pintuan upang makita kung ano ang nagaganap.

"'Di ba si Ms. Jade 'yun? Tapos kausap niya si Jin tsaka si Kuya Jon. Ano kaya pinag-uusapan nila? Pakikinggan ko nga!" bulong ni Rjay.

Pinakinggan niya ang buong pag-uusap ng tatlo habang nagtatago at nakasilip sa bintana upang hindi siya makita o mapansin.

"Ms. Jade, ipapakilala ko na po sa inyo 'yung 'Ako' na nanggaling sa future 7 years from now." sambit ni Jin.

Nanlaki ang mga mata ni Rjay nang marinig niya ang sinabi ni Jin, "Anong sabi ni Jin? Ipapakilala niya kay Ms. Jade ang 'Jin' na nanggaling sa future? Anong ibig sahihin niya?" bulong ni Rjay.

Tinuloy ni Rjay ang pakikinig dahil gusto niya malaman ang isasambit ni Jin at gusto niya maliwanagan.

"Okay, Jin, where is he?" Tumitingin si Jade sa paligid habang nakangiti dahil hinahanap niya ang taong sinasabi ni Jin.

"Nandito po siya, Ms. Jade, kasama natin." sinabi ni Jin.

"Where? It's just the three of us here. Me, you, and your brother... Jon?" sambit ni Jade at napatigil siya habang nakaturo siya kay Jon.

Napatakip ng bibig si Rjay nang marinig niya ang isang impormasyon na hindi niya inaasahang malaman.  Kaya naman ay patuloy ang kanyang pakikinig upang malaman ang kasagutan.

"'Wag mo sabihin na your brother, Jon, is—" nagtataka na tanong ni Jade.

Tumango si Jon at sumagot, "Opo, Ms. Jade, ako po si Jin. Nanggaling ako sa future at bumalik ako sa oras niyo."

Nang marinig ito ni Rjay ay biglang pumasok sa isip niya ang mga tanong sa kanyang sarili dati na bakit sa tuwing kasama niya si Jon ay tila parang si Jin din ang kasama niya. At ang pagkakataon na naalala niya tungkol kay Bullet kung bakit gusto rin nito magpakarga kapag si Jon ang may hawak dito. Naalala niya rin noong unang beses nila nakita ito ay niyakap agad si Chris. At sa tuwing tumitingin siya sa mga mata nito, ay mga mata ni Jin ang kanyang nakikita.

"Si Kuya Jon ay si Jin? Iisa lang sila? Bakit siya bumalik dito? Anong pakay niya dito? Paano siya nakabalik dito? Teka, totoo ba 'to?" bulong ni Rjay habang nahihiwagaan siya at naguguluhan sa mga nalaman niya.

Tiningnan ni Jade ang dalawang Jin, tila ayaw niya pa rin maniwala at biglang humalakhak.

"Super funny niyong dalawa! Magkapatid nga talaga kayo! Nako ha, Jin, Sabi ko sa'yo 'wag mo ko i-prank! Nako humanda ka bukas!" sagot ni Jade dahil hindi siya naniniwala sa sinabi ni Jon.

Kinukulit ni Jin at sinisiko niya si Jon upang tulungan siya na paniwalain si Jade.

"Totoo po, Ms. Jade, ako nga si Jin mula sa future" hirit ni Jon.

"Oh sige, sabihin natin na ikaw talaga si 'Jin', paano mo naman mapapatunayan? Nasaan ang time machine device mo?" hirit ni Jade

"Wala po, Ms. Jade." malungkot na sinabi ni Jon.

"Oh? Paano ako maniniwala niyan?" sagot ni Jade.

"Nakabalik nga ako sa oras niyo, pero may problema. Hindi kasama ang time machine sa pagbalik ko. Kaya ang mission ko ay magawa ang time machine ulit para makabalik na ko. Nasayo nakasalalay ang pagbuo ng time machine, Ms. Jade. Makakabalik lang ako sa oras ko kapag nagawa na to ulit." paliwanag ni Jon at pinapalabas niya na nagmamakaawa siya, ngunit hindi niya sinabi ang kanyang tunay na pakay.

Napatingin si Jin na nagtataka kay Jon dahil sa paliwanag nito.

"Kaya ba hindi siya makabalik sa oras niya dahil wala 'yung time machine? So hindi totoo na saglit lang siya dito?  Hindi siya makakaalis hangga't wala ang time machine? So ang mission niya ay mabuo ang time machine ulit? Hmmm. Sige, idadagdag ko to sa mga goals para buuin ang time machine, para makabalik siya ulit sa tunay niyang oras." nasa isip ni Jin.

"Pero, Ms. Jade, kaya kong patunayan na kilalang kilala kita. May mga secrets ka na tayong dalawa lang ang nakakaalam nito." hirit ni Jon.

"Okay, go ahead!" Hinintay ni Jade na magsalita si Jon.

"Naalala niyo po ba, 2nd day ko sa office noon. Tapos, kinausap niyo ko, sabi niyo secret lang natin na isa kang Fujoshi dahil sabi mo sa akin weird 'yun para sa iba?" sambit ni Jon.

"Jin! Sinabi mo 'yun sa kuya mo? How dare you!" tiningnan ni Jade si Jin at nanliliit ang mga mata niya sa inis dahil iniisip niya na baka kinuwento niya lang ito kay Jon.

"Hindi po, Ms. Jade! Wala po akong sinasabi sa kanya!" hirit ni Jin.

"Tsaka, Ms. Jade, alam ko na hindi mo 'to pinagsasabi sa iba, pero... 39 years old na ka pero mukha ka paring nasa late 20s at 'yun ang akala ng iba sa'yo." dagdag ni Jon.

"Jin! Sinabi mo na naman sa kanya? Marami ka ng punishments na matatanggap bukas!" Nanlilisik na ang mga mata ni Jade at umiiling na siya.

Si Jin naman ay umiiling ng matindi dahil wala siyang kinukwento kay Jon kahit isa.

"At ang huli, alam ko walang nakaalam nito. Hindi rin 'to alam ng Jin sa oras 'to." Lumapit si Jon kay Jade at binulungan ito, "Alam ko na matagal mo ng gusto si Sir Mike. Matagal ka ng nagkakagusto sa kanya kaya lang gusto mo siyang makita na magkaroon ng boyfriend, pero at the same time... siya din ang gusto mo mapangasawa dahil tumatanda na kayo parehas." 

Natulala si Jade sa narinig niya dahil wala siyang pinagsasabihan nito, at hindi niya pa ito kinukwento kay Jin o kahit kanino pa man.

Nagtataka si Jin kung ano ang sinabi ni Jon na nagpagulat kay Jade.

"Jin from the future, may itatanong ako sa'yo." sinabi ni Jade habang shocked pa siya sa kanyang narinig.

Binulungan niya si Jon at tinanong, "Magiging kami ba ni Mike sa future?"

Napangiti si Jon at binulungan niya muli si Jade, "Hindi lang magiging kayo, magkakaanak pa kayo, Ms. Jade, lalaki ang magiging anak niyo. Hindi pa huli ang lahat." bulong ni Jon habang nakangiti siya kay Jade.

Biglang nagningnging ang mga mata ni Jade at nakangiti ito kay Jon. Nakita naman ni Jin na nakangiti si Jade, at para sa kanya, ang ibig sabihin nito ay nakuha na ni Jon ang tiwala nito.

"Jin from the present, Ipe-present natin kay Boss ang time machine na concept. Tutulungan kita." biglang sinabi ni Jade.

Natuwa ang dalawang Jin dahil napapayag nila si Jade ng walang tulong ni Chris.

"Pero, Ms. Jade, paano po 'yan? Hindi natin alam kung paano natin ipe-present ang concept ng maayos? Wala po si Chris dito at siya ang pinakamagaling pagdating sa technical at maraming alam. Mahihirapan tayo nito kung wala 'yung "brains" ng project na ito." tanong ni Jin.

"Hello? Jin from the present, ayan oh!" Tinuro ni Jade si Jon, "Siya ang sagot! Nagawa ang time machine sa oras nila, so matutulugan niya tayo. Alam niya kung paano to bubuuin. Gano'n lang 'yun! Ano bayaaarrn! Teka, teka, Jin from the future, bakit ka ba talaga bumalik dito mismo sa oras na 'to?" tanong ni Jade.

"Sinubukan ko lang po kung gagana yung time machine, Ms. Jade." paliwanag ni Jon habang hindi siya makatingin sa mga mata ni Jade.

Nanliit ang mga mata ni Jade at tila nagdududa ito sa paliwanag ni Jon.

"Jin, kahit sabihin mong galing ka sa future, kilalang kilala kita! Alam ko may something kaya ka bumalik sa oras na 'to. Sabihin mo sa akin! Dahil ba 'to kay Chris?" tanong ni Jade.

Hindi makasagot si Jon dahil hindi niya pa masabi ang totoo at hindi siya makapagsalita, habang si Jin  naman ay nakatingin sa kanya at nagtataka.

"Siguro, nag LQ na naman kayo ni Chris, tapos bumalik ka sa oras para maiwasan 'yung LQ niyo? Nako! Ikaw talaga ah! Inaaway mo pa rin si Chris! Hmmp!" pabirong sinabi ni Jade.

"Hindi po, Ms. Jade." natatawang sagot ni Jon.

"Pero kung titingnan ko nga kayo ng maigi, kayong dalawang Jin, magkamukha nga kayo. Mas matured ka lang tingnan Jin from the future dahil sa facial hair mo. Tsaka in all fairness, mas naging yummy ka! Boyfriend material na talaga! Pwede ka ng bida sa mga BL series! 'Yan na ba ang preferred ni Chris sa panahon niyo, kaya nagpapaganda ka ng katawan? Ayiieeee!" biro ni Jade habang tinuturo niya si Jon.

Biglang nahiya at napayuko si Jon habang si Jin naman ay napa eye-roll na lamang.

"Ms. Jade, paano po kayo napaniwala nitong tanda na to?" biglang tanong ni Jin.

"Secret! Hindi ko sasabihin sa'yo! Baka ma-jinx at hindi matuloy, 'di ba, Jin from the future?"

"Pero, Ms. Jade, paano po yan? Kung ipe-present natin ito, paano kung may mga tanong sila, paano natin sasagutin?" tanong ni Jin.

"Jin, from the present, kaya nga tayo magpapaturo kay  Jin from the future. Kung kaya niya at nagawa niya, kaya mo din 'yan! Iisa lang kayo eh." sagot ni Jade.

Hindi makapaniwala si Rjay sa kanyang mga narinig sa pinag-usapan nina Jade at ng dalawang Jin. Dahil narinig niya ang tungkol sa time machine, nakaisip siya ng bagong plano. Tutulungan niya ang dalawang Jin na mabuo ito, pero, nais niyang makabalik siya sa oras kung saan ipinakilala niya si Chris kay Jin at babaguhin niya ang pangyayari.

"Oh siya! Ako'y mauuna na. Pag-usapan niyo ang concept, mga two sexy boys ha? Tapos ipakita mo sa akin bukas para i-check if may ire-revise and then present natin kay Boss after 3 days. Be ready sa mga tanong. Jin from the future, alam mo na ang mga tanong ni Boss siguro? Kaya ikaw na ang bahala para kay Jin natin. I-guide mo siya, okay? Oh, aalis na ko mga sexy baby boys!"

Nang marinig ni Rjay na aalis na si Jade, ay nagtago muna siya at agad na tumungo sa likod ng bahay nila Jin upang hindi makita.

Nang makaalis na si Jade, tinanong ni Jin kung paano ito napapayag ni Jon.

"Sinabi ko 'yung secret niya na walang nakakaalam. Kahit ikaw hindi mo din alam 'yun. Total malalaman niyo din naman lahat 'yun balang araw, kunwari na lang magugulat ka pag sinabi niya na. Matagal ng gusto ni Ms. Jade si Sir Mike." paliwanag ni Jon.

"Whaaaat! Eh ano 'yung tanong niya sa'yo na isa pa?" tanong ni Jin.

"Kung magkakaanak ba sila."

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko magkaanak sila."

"Totoo ba?"

"Sa oras ko, hindi."  sagot ni Jon habang natatawa.

"Oh eh bakit mo sinabi! Paano pag hindi sila nagkaanak? Magagalit 'yun sa akin, sabihin na hindi naman totoo yung sinabi mo!" nainis na sinabi ni Jin.

"Sabi ko sa kanya na hindi pa huli ang lahat. Pwede pa magbago ang oras. Tingnan mo nga ngayon, iba na mga takbo ng pangyayari, so pwedeng magka-anak sila sa timeline na 'to. Hindi natin alam." paliwanag ni Jon.

Napa-facepalm na lang si Jin nang biglang may kumatok sa pinto nila.

Binuksan ni Jon ang pintuan upang makita kung sino ang kumatok. Nakita nila si Rjay na nakangiti at pinakita ang dala niyang food na siya ang nagluto.

"Hi Kuya Jon and Jin, gutom na ba kayo? Nandito na 'yung niluto ko." 

Nagulat si Jon dahil dumating si Rjay habang si Jin naman ay naka facepalm pa rin dahil nakalimutan niya na dadating si Rjay.

"Tara, Rjay, pasok ka." nakangiting bati ni Jon. Pinaupo niya muna ito sa sofa at kinuha ang dala nito para ilagay sa dining table sa kitchen.

"Kakarating mo lang ba, Rjay?" tanong ni Jin.

"Oo, kakarating ko lang din ngayon. Nahirapan kasi ako sa pagluluto." paliwanag ni Rjay.

"Sige, pahinga ka lang dyan, Rjay. Tulungan ko lang si Kuya Jon na mag-ayos para makakain na tayo." paalam ni Jin at tumungo na siya sa kitchen.

Habang nag-aayos ang dalawang Jin sa kitchen, ay pinagmamasdan sila ni Rjay at tinitingnan ang bawat kilos.

"Kaya pala iisa lang ang tingin ko sa kanila, ha! Mukhang suswertehin ako dahil dalawang Jin ang kasama ko ngayon." nasa isip ni Rjay.

Tinawag na ni Jin si Rjay para pumunta sa kitchen at kumain. Nang makaupo na silang tatlo at nagsimula nang kumain, kinausap ni Rjay si Jin.

"Jin, balita ko may pinapagawa daw na project sa inyo? May naisip na ba kayong concept?" tanong ni Rjay.

"Oo, pero di namin alam kung kakayanin at kung papayagan ng budget." sagot ni Jin.

"Bakit? Ano ba 'yung naisip niyo?" tanong ni Rjay na tila kunwari ay wala siyang alam.

"'Wag ka magugulat! Alam ko matatawa ka, pero gusto namin gumawa ng time machine!" natatawang sinabi ni Jin.

Nagkunwaring natawa si Rjay at nakisakay ito kay Jin.

"Time machine ba kamo? Nako! Malaki-laking budget nga 'yan!" natatawang sagot ni Rjay.

"Oo nga eh. Kaya naman siguro, budget lang talaga ang kulang." hirit ni Jin.

"Tutulungan ko kayo sa budget, Jin." nakangiting sagot ni Rjay.

Napatingin si Jon kay Rjay at nagulat siya, dahil sa pagkakataong ito, pati si Rjay ay tumulong din sa pagbuo ng time machine.

Napansin ni Rjay na nakatingin si Jon sa kanya, kaya tinanong niya ito, "May sasabihin po ba kayo sa akin, Kuya Jon?" nakangiting tanong ni Rjay.

"Ahh, wala naman. Buti may kaibigan si Jin na tutulungan siya lagi. Thank you, Rjay!" sagot ni Jon.

Natuwa naman si Rjay dahil pinuri siya nito, at masaya din siya dahil kasama niyang kumakain ang dalawang Jin.

"Masarap po ba 'yung ginawa ko, Kuya Jon? Pasok na ba sa panlasa mo?" nahihiyang tanong ni Rjay.

"Oo! Masarap! Baka nga mamaya mas magaling ka na mag luto kaysa sa akin ha?" natatawang sagot ni Jon.

"Hindi naman po! Para sa akin, si Jin pa rin ang pinakamagaling magluto." nakangiting sinabi ni Rjay kay Jin.

Nahiya si Jin at napayuko na lang habang kinakain ang garlic fried rice.

Pagkatapos kumain, niligpit na ni Jon ang mga pinagkainan. Nag presenta naman si Rjay na tutulungan niya si Jon na mag linis. Habang nag-aayos sina Jon, pumasok na muna si Jin sa kwarto para mag-prepare sa paguusapan nila ni Jon sa concept ng time machine.

Si Rjay ang naghuhugas ng mga pinagkainan nila at si Jon naman ay nagwawalis. Habang naghuhugas si Rjay, nakakita siya ng knife sa lababo at may naisip siyang plano. Tumingin muna siya ng palihim kay Jon, at sakto, nakita niyang nakatalikod ito kaya sinimulan niya na ang kanyang balaw.

"Aray!"

Biglang napasigaw si Rjay na agad namang nilapitan ni Jon.

"Ano nangyari?" nag aalala na tanong ni Jon.

Pinakita ni Rjay ang kanyang right index finger na nagdudugo.

"Hindi ko napansin na nahiwa pala ako habang hinuhugasan ko 'yung kutsilyo." paawa na sinabi ni Rjay.

Nagmadaling hinawakan ni Jon ang kamay ni Rjay at hinugasan ang nagdudugong daliri nito.

Nakatingin naman si Rjay at nakangisi habang si Jon naman ay alalang alala at nakafocus sa paghugas sa daliri ni Rjay.

"Dapat hindi na kita pinayagan na mag hugas eh. Tsk!" nag aalala na sinabi ni Jon habang nililinis niya ang daliri ni Rjay.

"Okay lang ako, aw... aray. Medyo masakit lang ng kaunti." pag-aarte ni Rjay.

Tumungo silang dalawa sa living at pinaupo muna si Rjay sa sofa habang hinahanap naman ni Jon ang first aid kit. Nang makita niya ito sa isang cabinet sa living room, ay tumabi na rin siya kay Rjay sa sofa.

Nililinis ni Jon ang daliri ni Rjay na nahiwa at pinupunasan ito ng betadine. Habang pinupunasan niya ang nagdudugong daliri ni Rjay, nakating lang ito sa kanya na tila tuwang-tuwa sa mga nangyari. Bigla siya napatingin kay Rjay at nakitang nakangiti ito.

"Ba't ka nakangiti? Ngayon lang ako nakakita ng nahiwa na, masaya pa rin." tanong ni Jon.

Biglang nagsakit-sakitan si Rjay nang mapansin ito ni Jon.

"Ako na magtutuloy ng hinuhugasan mo. Dito ka na lang. Umupo ka na lang muna sa sofa, Rjay." sinabi ni Jon habang nilalagyan niya ng bandage ang daliri ni Rjay.

Tumango naman si Rjay at ngumiti kay Jon pagkatapos niya malagyan ng bandage sa kanyang daliri.

Bumalik na si Jon sa kitchen at tinuloy ang mga pinagkainan na hindi nahugasan ni Rjay. Sumunod naman si Rjay sa kanya sa kitchen at umupo muna ito sa dining chair.

"Kuya Jon?" Biglang tinawag ni Rjay si Jon.

"Ano 'yun? Kung mag-iinsist ka na tulungan mo ko, wag na." pabiro na sinabi ni Jon.

"Hindi, may itatanong lang ako sa'yo. Kasi, nakwento sa akin ni Jin na maaga daw siyang nawalan ng parents. Alam mo ba 'yung nangyari?" tanong ni Rjay.

Napatigil saglit si Jon sa paghuhugas at napaisip.

"Ahmmm, namatay sila dahil sa sakit." sagot ni Jon.

"Ano pong sakit 'yun? Natatandaan mo pa po ba?" tanong ni Rjay.

"Ano nga ba 'yung sakit na ikinamatay nila mama tsaka papa? Bakit hindi ko matandaan? Basta ang alam ko lang namatay sila kasi nagkasakit sila ng malubha, hindi ba? Come to think of it, bakit wala akong maalala masyado?" nasa isip ni Jon.

"Matagal na panahon na din Rjay eh. Hindi ko na matandaan." sagot ni Jon at nagpatuloy siya sa kanyang paghuhugas.

"Bakit hindi niya matandaan? Possible kaya na may Localized Dissociative Amnesia si Jin? Kasi impossible na hindi niya matandaan 'yung mga nangyari. Kung gano'n nga, matindi ang pinagdaanan niya talaga." nasa isip ni Rjay. "Sorry po, Kuya Jon, bigla ko lang natanong." biglang hirit ni Rjay.

"Okay lang. Oo nga pala, gabi na. Hindi ka pa ba uuwi niyan?" tanong ni Jon.

"Pauwi na rin po ako. Magpapaalam lang ako kay Jin." sagot ni Rjay at iniwanan niya muna si Jon sa kitchen upang tumungo sa kwarto ni Jin.

Kumatok si Rjay sa kwarto ni Jin, ngunit hindi na ito pumasok at sinigawan na lang niya ito.

"Jin! Uuwi na ko, bukas na lang!"

"Sige, Rjay! Ingat!"

Bago lumabas si Rjay ay sinenyasan niya si Jon na uuwi at mauuna na siya.

"Ibang klase! Para sa business talaga lahat gagawin ni Mr. A. Kung malaman ni Jin 'to, tingin ko, wala na talagang babalikan si Chris at kamumuhian niya sa sobrang galit. Pero kailangan ko muna alamin ang buong kwento at kung ano ang pinagmulan. Malamang alam to ni dad." bulong ni Rjay habang naglalakad na siya pauwi.

"Kung iisipin ko nga ng mabuti, parang nagskip 'yung mga naalala ko tungkol sa childhood ko? Bakit parang magulo? Bahala na nga! Tsaka ko na lang 'yun iisipin. 'Yung time machine nga muna ang aatupagin ko. Isa pa, dahil alam ko na kung paano 'to magagawa, mas mas madali na lang pala ito ayusin at buuin. Bakit hindi ko agad naisip 'yun!" bulong ni Jon sa kanyang sarili habang patuloy na naghuhugas.

Pagkatapos ni Jon maglinis ng mga kalat sa bahay, kumuha siya ng dalawang bote ng beer sa ref at dinala ito sa kwarto ni Jin.

Pagkapasok niya ay sinigawan na agad siya ni Jin na nakaupo sa sahig at nakapamewang.

"Mag memeeting tayo! Bakit may beer!" sigaw ni Jin.

"Mas masarap kaya mag-isip pag may beer!" hirit naman ni Jon.

"Bahala ka nga! Akin na nga 'yung isa!" Kinuha ni Jin ang isang bote at ininom ito.

Umupo si Jon sa tapat ni Jin at kinausap na niya ito, "Ready ka na ba? Kaya mo na yan ah? 'Di na kita tuturuan!" asar ni Jon.

"Oy! Tutulungan mo ko dito! Hindi pwedeng hindi! Baka gusto mong hindi ka na makauwi sa totoo mong oras!" hirit ni Jin.

"Ito na nga oh, nanginginig-nginig pa!" biro ni Jon.

"Pero paano mo nga 'to nagawa? Gaano katagal mo 'to bago natapos?" tanong ni Jin.

"'Yung totoo? 6 years bago ko matapos." natatawang sagot ni Jon.

"Whaaaat! Seryoso ka? Paano 'yan? Aabutin tayo ng ilang taon!" nangamba si Jin.

"Kaya nga ko nandito kasi alam ko na kung paano kaya mas mapapabilis na 'to. From 6 years kaya natin to mabuo in less than a year dahil alam ko na yung pasikot-sikot. Pero isa lang ang problema natin na hindi ko naisip noong tinapos ang time machine—" sagot ni Jon.

"'Yung hindi mo alam kung paano ka babalik kung wala 'yung time machine gaya ng nangyari sa'yo?" tanong ni Jin.

"Nakuha mo! Akala ko makakabalik ako anytime, hindi pala. Kailangan ko pa rin 'yung time machine. Lagi kasing magkakalapit 'yung mga araw na sinusubukan ko ang time machine, kaya nawala sa isip ko na paano kung babalik ako sa panahon na hindi pa 'to nagagawa, ayun, palpak! Pero sana kung nandoon si Chris, alam niya siguro 'yung gagawin." Natawa na lang si Jon at uminom ng beer.

Napaisip bigla si Jin sa sinabi ni Jon tungkol kay Chris.

"Sandali, sabi mo 'Pero sana kung nandoon si Chris'. Bakit, wala ba siya noong tinatapos mo yung time machine?"

"Patay! Nadulas ako!" nasa isip ni Jon.

Napainom bigla ng beer si Jon dahil nadulas na naman siya. Nakaisip agad siya ng palusot at sinagot niya si Jin pagkatapos uminom.

"I mean, kung nandito sana siya, alam niya 'yung gagawin. Hindi ako mahihirapan mag explain kasi mas magaling siya mag explain sa akin!" natatawang sagot ni Jon.

Hindi natawa si Jin sa paliwanag ni Jon, tila pakiramdam niya na palpak nga siya at baka hindi magawa ng tama.

"So paano 'yan? Paano kung ang itanong sa atin ay paano tayo makakabalik kung ang pupuntahan nating panahon ay wala pang time machine?" tanong ni Jin.

"Madali lang 'yan, sasabihin mo lang 'Sa ngayon since dinedevelop pa ito, kakailanganin pa natin ng budget para sa isang advanced na electronic programming system.'" paliwanag ni Jon.

"Hindi ko na talaga alam kung papayag sila dito. Mukhang wala na ata tayong pag asa." sagot ni Jin.

"'Yun lang naman ang butas doon, Jin. Sa ngayon, inaalam ko pa rin kung paano ako makakabalik sa mas matagal na year. Kaya nga ako madalas mag basa ng mga articles tungkol sa time travel 'di ba? Pero ang sasabihin mo sa kanila, makakabalik ka. Malalaman din natin kung paano 'to magagawa. Kaya chill ka lang dyan. Akong bahala sa'yo." panatag na sinabi ni Jon.

"Tingin ko, malaking tulong 'yung budget na sinasabi ni Rjay. Dahil sa tito niya, 'yung CEO ng company namin, mabibigyan tayo ng pagkakataon niyan." confident na sinabi ni Jin.

"Jin, naalala mo pa ba kung anong ikinamatay nila mama tsaka papa?" biglang tanong ni Jon.

"Hmmm, basta ang sabi sa akin, namatay daw sila sa sakit. Hindi ko na alam nangyari." sagot ni Jin.

"Hindi ba parang weird lang na wala tayong matandaan sa mga nangyari? Parang nagskip lang lahat?" tanong ni Jon.

"Oo nga 'no? Hindi gaanong malinaw 'yung mga naalala ko, pero 'yun ang tumatak sa isip ko. Bakit mo pala natanong?" napaisip bigla si Jin.

"Kung magawa natin 'tong time machine ng maayos at makakabalik tayo sa mas matagal na year, gusto mo ba malaman kung anong nangyari?" tanong ni Jon.

"Kaya ko lang naman ginawa 'to para kay Chris. Pero sige! Para na rin sa atin, para malaman natin kung ano talaga nangyari. Pero bakit mo pa inaalam? Matagal na panahon na 'yun ah?" tanong ni Jin.

"Hindi ko din alam. Parang bigla ko na lang naisip, tapos parang biglang gusto ng pakiramdam ko na malaman. Alam mo yung tipong pag may gusto kang sabihin, tapos nasa dulo na ng dila mo pero hindi mo masabi? Parang gano'n yung pakiramdaman ko. Kaya gusto ko malaman." paliwanag ni Jon.

"Okay! Nilagay ko na ang goals natin para matapos 'tong time machine.

1. Makauwi si Jin Tanda sa tunay niyang oras.

2. Makita ni Chris, ang mama niya at mayakap siya ulit.

3. Malaman kung pano nawala sina mama tsaka papa.

Kung may madadagdag pa tayo, bahala na!" sinabi ni Jin habang sinusulat niya sa whiteboard ito para maging note.

Buong magdamag nag-usap ang dalawang Jin tungkol sa kung paano nag o-operate ang time machine at kung paano ito ginawa, hanggang sa nakatulog na lang sila pareho dahil sa antok.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 

Date: June 18, 2020

Time: 2:30 P.M.

"Jin, ano ready na ba 'yung concept? Nagawa niyo na ba ni J.F?" tanong ni Jade at binubulungan si Jin  habang nakaupo sila sa kani-kanilang mga pwesto sa Operations room.

"Anong J.F Ms. Jade?" nagtatakang tanong ni Jin.

"Si Jin from the Future!" bulong ni Jade.

"Ahh! Opo, itinuro niya sa akin lahat."

"Good! Kasi magpe-present na tayo kay Boss. Ready ka na?"

"Opo, Ms. Jade!"

Kakapasok lang ni Dave, ang manager ng Operations Department, sa room nila at nag announce ito.

"Okay! Simulan na natin guys and gals! Ano-ano na ang mga concepts niyo?"

Nagbigay ng mga concepts ang mga nasa Operations team sa manager ngunit wala ni isa ang nagustuhan niya dito, at napakarami niyang tanong na hindi nasagot.

Si Jin naman ay nahihiya na sabihin ang concept na naisip niya, pero pinipilit na siya ni Jade.

Nagtaas na ng kamay si Jade dahil ayaw mag present ni Jin at natatakot ito na baka ma-reject lang.

"Yes, Jade? May concept ka ba na gustong i-share?" tanong ni Dave.

"Yes, Boss! Si Jin po, may ishe-share. 'di ba, Jin?" Nilalakihan na ng mata ni Jade si Jin at pinapatayo na ito.

Tumayo si Jin na medyo nahihiya at nagkakamot ng ulo.

"Yes naman! Ang sexy baby boy natin may ipe-present.  So ano ito?" tanong ni Dave habang nakangiti kay Jin.

"Ano po kasi, Boss, 'yung naisip ko pong concept is—" Napapatingin si Jin kay Jade dahil nahihiya siya, habang si Jade naman ay pinipilit na siya mag salita at binibigyan na ng go signal, "Time machine po!" kabadong sinabi ni Jin at nahihiya.

Nagtinginan sa kanya ang lahat, pati ang manager ay napatingin kay Jin na nagtataka kung totoo ba ang sinasabi nito.

"Jin, sure ka ba? Hindi ka nagbibiro?" tanong ni Dave at tila natatawa.

Pumunta si Jin sa gitna at nilakasan ang loob niya na ibinahagi sa lahat ang concept na ginawa nila ni Jon.

Pagkatapos mag present, halo halo ang kanilang mga reaksyon at nakita ito ni Jade. Kaya naman tumayo siya at sinuportahan si Jin.

"Boss, naniniwala ako na magagawa 'to." Lumapit si Jade kay Jin at nilagay ang kamay sa balikat nito, "Naniniwala ako na basta may sapat tayong budget, feasible 'to, dahil—" Naputol ang sasabihin ni Jade dahil sinenyasan siya ni Jin na 'wag niya sabihin ang tungkol kay Jon, "dahil may mga kilala akong tao na makakatulong sa pag develop nito." paliwanag ni Jade.

Nagbuntong hininga ang si Dave dahil nagdadalawang isip pa ito.

"Jin, Jade, masyadong magiging malaki 'tong concept na kung ipupush natin 'to. Pero sa lahat ng nagbigay ng concept, ito 'yung pinakakakaiba, pero 'di kapanipaniwala na magagawa natin. But I'll give the credits to Jin na you've got me through the concept and the whole planning stage. I commend you for that. It's like straight to the point. Sige, sabihin nating may kilala kayo na makakatulong, pero paano ang budget? Paano kung hindi ito sumapat?" nagaalala na tanong ni Dave.

Medyo nadi-disappoint na si Jin dahil nga baka hindi sila maapprove at hindi ito matuloy.

"'Wag po kayo mag-alala, nakausap ko na po si tito at payag po siya sa concept." Napatingin ang lahat sa taong nagsalita at sumulpot sa pinto ng Operations room, "Sorry po, inunahan ko na kayo. Pumayag siya na magbigay ng malaking budget para sa project na 'to."

Biglang pumasok si Rjay sa Operations room na siyang ikinagulat ng lahat.

Natuwa si Jin nang makita niya si Rjay, at si Jade naman ay napasayaw ang mga balikat dahil sure na matutuloy na ang concept nila sa tulong ni Rjay.

Napatingin ang manager kay Rjay, "What do you mean, Mr. Rjay?" tanong ni Dave.

"Sorry po nakigulo ako sa meeting niyo, Boss Dave, pero sinabi ko po kay tito ang tungkol sa concept ng time machine na pinopropose ni Jin. At sinabi ko sa kanya na sobrang feasible nito dahil may tiwala ako kay Jin, alam ko magagawa ito basta may sapat na budget at support. Hinihintay niya na lang daw kayo mag present sa kanya mismo. So, Jin, ano pa hinihintay niyo?" natutuwang binalita ni Rjay.

Nakahinga ng maluwag si Jin dahil may kasiguraduhan na siya na matutuloy nila ang time machine project, at masaya rin si Jade para dito.

Medyo nashock pa ang manager nila, ngunit natutuwa ito sa ibinalita ni Rjay.

Pumunta sina Jin, Jade, Rjay at Dave sa Office of the CEO na located sa pinakataas na floor bago mag rooftop. Nang makarating na sila sa tapat ng CEO room, si Rjay muna ang pumasok para abisuhan ang kanyang tito.

Habang hinihintay nila si Rjay, nagusap-usap muna silang tatlo.

"Jin! Buti na lang frenny mo yang si Rjay. Hindi ko alam na tito niya pala si Mr. Vander, yung CEO ng company!" sinabi ni Jade kay Jin.

"Oo nga, Jin. Kung ganito ang sitwasyon, sinasabi ko sa'yo, talagang mukhang susuportahan tayo ng company! Basta galingan mo sa pag present sa kanya gaya ng ginawa mo kanina." bulong ni Dave.

Lumabas na si Rjay at pinapasok na silang tatlo. Medyo kinakabahan si Jin nang pumasok siya, ngunit nilakasan niya ang kanyang loob dahil gusto niya na matuloy itong project na 'to para kay Chris at kay Jon.

"Good morning sa inyo, Mr. Dave, manager ng Operations Team, Jade, at kung hindi ako nagkakamali, Jin, ang nakaisip ng concept na ito." bati ni Mr. Vander pagkapasok nila at pinaupo ito sa mga chairs na nasa harap ng table niya.

Pagkaupo nilang tatlo ay pinagsalita na ni Mr. Vander si Jin upang i-present sa kanya ang kanilang concept.

Habang pinepresent ito ni Jin, ay tinitingnan nila Jade ang reaksyon ni Mr. Vander at nagbubulungan silang dalawa ni Dave.

"Mr. Dave, tingnan mo si Mr. Vander, mukhang natutuwa siya sa pinepresent ni Jin!" bulong ni Jade.

"Oo nga, Jade! Makikita mo talaga 'pag interesado siya sa isang bagay. Siempre, business 'to, at kung successful itong project na 'to, aba! Malaking recognition 'to para sa company tsaka para sa atin!" bulong ni Dave.

Si Rjay naman ay pinapanood si Jin na mag present at pinagmamasdan niya lang ang gwapo nitong mukha at ang mga labi habang nagsasalita.

"Ang gwapo talaga ni Jin! Lalo na habang nag pe-present siya! Mukhang natutuwa lalo si tito Vander sa pagkakalatag ni Jin ng concept. Magaling talaga si Jin at siempre, kung hindi dahil sa tulong ng isa pang 'Jin' hindi ito magiging successful. Dahil dito, tingin ko mas matutuwa sa akin si Jin at matutuloy ko din ang plano ko sa oras na matapos nila 'to. Chris, mawawala ka na din sa isip ni Jin, hindi ka na niya makikilala." nasa isip ni Rjay.

Pagkatapos mag present ni Jin, tumayo si Mr. Vander at lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat.

"Mr. Jin, maraming salamat sa pag present sa akin ng inyong concept. Noong sinabi sa akin ni Rjay ito,  nagdadalawang isip pa ako, kaya gusto ko na sa inyo mismo manggaling ang ang buong details para mas maliwanagan ako. Good job, Mr. Jin. Susuportahan ng company ito at naniniwala ako sa kakayahan niyo. Malaki-laking budget ito, pero once na maging successful ito, mas malaki ang babalik sa atin at napakalaking recognition ito at iyon ay dahil sa'yo." pinuri ni Mr. Vander si Jin at tuwang tuwa ito sa kanya.

Nagyakapan naman sina Jade at Dave dahil kasado na ang concept nila at hihintayin na lang nila ang budget upang simulan ito.

Lumabas na sila sa CEO room na may mga ngiti sa mga labi, at kasama si Rjay.

"Rjay, thank you nga pala! Kung hindi dahil sa'yo, hindi siguro maa-approve itong project, kaya thank you talaga! Ki-kiss na kita ngayon pwede ba?" pabirong sinabi ni Jin kay Rjay.

"Pwedeng pwede, Jin!" nasa isip ni Rjay, "Baliw ka talaga, Jin! Ano ka ba! 'Wag ka magpasalamat sa akin. Pinabilib mo kanina si tito Vander at ikaw ang may gawa niyan. Pinalapit ko lang kayo ng mas mabilis sa kanya. Pero dahil sa galing mo, na-approve kayo, kaya ikaw talaga ang panalo, Jin." puri ni Rjay kay Jin  at inakbayan niya ito.

Niyayakap ni Jin si Rjay dahil sa labis na tuwang nararamdaman niya. Si Rjay naman ay nagkukunwari na nilalayo niya ito ngunit gusto niya rin ang ginagawa sa kanya.

Napansin ito ni Jade at nakutoban niya na parang iba ang tingin ni Rjay para kay Jin kumpara dati na may pagka mischievous na tingin, ngunit, hindi niya na ito masyado pinagtuunan ng pansin.

Bumalik na silang lahat sa Operations room at humiwalay na si Rjay at nagpaalam. Pagkabalik sa kani kanilang mga desk, tinanong ni Jin si Jade kaagad.

"Ms. Jade, paano natin isisingit si J.F. dito? Malamang hindi siya pwede dito sa office natin." tanong ni Jin.

"Naisip ko din 'yan, Jin, kung paano tayo matutulungan ni J.F., sa tingin mo ba?" nagtatakang tanong ni Jade.

"Teka, Ms. Jade, magme-message ako sa kanya. Tatanungin ko siya kung paano niya tayo matutulungan." hirit ni Jin.

Jin: Approved na 'yung concept! Salamat sa'yo!

Jon: Nice! Iinom tayo mamaya!

Jin: Sige! Pero, may itatanong ako. Paano mo kami matutulungan sa pagbuo ng time machine kung wala ka dito sa office?

Jon: Madali lang 'yan! Kung hindi ako makapunta ng office, ang office ang dadalhin niyo dito! Haha!

Jin: Huh? Paano?

Jon: Alam mo itong nasa likod ng bahay natin? Pinagawa ko to bilang laboratory para mabuo ang time machine. Dito binuo 'yun kasama ang lahat ng tumulong at pumayag naman sila, kasi ako ang nag request at si Chris. Sabi ko gagalingan ko basta bibigyan nila tayo ng Lab. Hahaha! Kaya ayun ang gagawin natin ngayon. Gagawin nating Lab 'to tsaka para mas makagalaw ako ng maayos!

Jin: Okay, sasabihin ko 'yan kay Ms. Jade.

"Ms. Jade,  kakatapos ko lang mag message kay J.F. Nakaisip na siya ng paraan" sinabi ni Jin kay Jade.

"Okay, ano sabi niya? Paano daw ang gagawin?"

"Doon daw itatayo yung laboratory sa likod ng bahay namin kung saan pwede gawin 'yung time machine. Mas makakagalaw daw siya ng maayos doon." paliwanag ni Jin.

"Tingin ko nga mas maganda 'yun, para magkasama  kayong dalawa at hindi siya mahihirapan. Ako na ang magsu-suggest niyan sa kanila din. Akong bahala at walang makaka-hindi! Takot lang nila sa akin! Hmmp!" sagot ni Jade at ngumiti siya kay Jin. "Kaya natin 'to."

"Nandito na Chris. Pagbalik mo, ito ang regalo ko sa'yo. Makikita mo na ang mama mo. Mapapatunayan ko na din ang sarili ko sa papa mo. Matutulungan ko na makauwi si Jin Tanda, at ang isa pa, malalaman namin ni Jin Tanda ang mga alalaalang hindi na namin matandaan. Gagawin ko ang lahat maging successful 'tong project na 'to." nasa isip ni Jin.

End of Chapter 24