Chereads / Writer's System / Chapter 2 - Chapter 1: The Strange

Chapter 2 - Chapter 1: The Strange

Masikip sa inuupuan ni Hue, katabi niya tila sumo wrestler na middle age na babae. Parang matagal pa niyang tiisin mula sa pagkakaipit sa taba ng babae. Mabagal ang takbo ng jeepney dahil sa trafic.

'Hoo, bababa nalang kaya ako? kailan ko pa titiisin pagkaipit dito'

Nagdadalawang isip si Hue kung itutuloy ba niya ang iniisip niya. Nasasayangan din naman siya sa pasahe, hindi madaling hanapin ang pera.

Napabuga nalang siya sa hangin at kinuha na lamang niya ang cellphone sa shoulder bag niya. Binabasa niya ang napakahaba-habang nobela ng ng webnovel ang The Library of Heaven's Path. Tutok na tutok lamang siya sa binabasa kahit tumutulo na ang pawis sa mukha niya.

....

'Teka? parang ang tagal na ah hindi pa rin umuusad? talaga bang ganito kalala?'

Kaya idinako niya ang tingin sa loob ng jeep. Mga pasahero na ang kamay ay nakasabit sa bakal, may mga gurang na may hawak pamaypay, at tulad niya ay mga kabataan na hawak ang cellphone.

Kakaiba, ani niya sa sarili. Kahit pikit mata ay hindi man lang kumilos ang mga pasahero. Pinilit niyang kumalas pagkaipit mula sa matabang babae. Tiningnan niya ang labas at ganoon din.

Kunuha niya mula sa kamay ng dalagang nasa harap niya ang hawak nitong cellphone. Para parin itong naestatwa o kayay parang binalutan ng ice. Kung Snatcher pa lang siguro siya ay swerte na sana niya.

'Ano ba itong nangyayari? kakaiba naman?'. Iniisip niya na para itong nobela na nabasa niya na lahat ng tao sa mundo ay tulog maliban sa konting tao na nanatili pa ring gising.

Lumabas siya sa jeep at makikita niya ang mg motorsiklo, mga pedicab, taxi at kotsi na nakahinto.

'Ano ba talaga ang nangyayari dito?'

Pumaroon siya sa gilid ng kalsada at naglakad-lakad. Iniiwasan niyang mabangga ang mga taong estatwa sa daan.

Nang di kalayuan ay may napansin siyang maliwanag na bagay na tila nakalutang sa ere.

'Ano iyon?'

Tinakbo niya ang bagay na iyon. Nang malapit na ay napag-alaman niyang isa itong gintong pluma. Tulad ng napanood niyang Movie na rizal, ang kaibahan ay ginto itong nasa harapan niya.

'hawakan ko kaya? ano kayang mangyayari?

kaya hinawakan niya ang bagay na iyon. Bigla itong parang sinipsip ng kamay niya. Bigla rin may pumasok sa isip niya.