Chereads / the waiter's warrior / Chapter 9 - chapter 9

Chapter 9 - chapter 9

mula nga don ay dinala ni herrill at mira si bryan sa dating silid kung saan sya unang dinala ng mga ito. at mula doon ay dahan dahanng nagbago ang paligid ng silid at ito ang naglakbay isang napakagandang lugar. " pa..paanong...na... na..asaan tayo..." pag kabigla ni bryan. " ito ang kaharian ng zahira" wika ni mira bago tumahimik si bryan at nakinig ng mabuti. tahimik kami noong nabubuhay dito.. walang away walang gulo.. ngunit nang dumating ang kampon ni arga ay nabasag ang katahimikan ng buong shudhan. ninais ni arga na sakupin at pamunuhan ang buong shudhan para sa pansarili nyang kagustuhan. si arga ay isa sa mga pinakamalalakas na adana ng kanyang panahon ngunit sa kagustuhan nyang maging mas pinakamalakas sa lahat ay ginamit nya ang kanyang kapangyarihan sa kasamaan at nakiisa sa hari ng kadiliman. malakas si arga ng mga panahong iyon kaya nagawa nyang isumpa ang limang malalakas na adana at gawing nyang mortal nang sa ganon ay mapadali ang pag patay nya sa mga ito."wika ni herrill. "adana ano iyon" tanong ni bryan. "adana o ang mga diwata.. katulad ni mira. nang nalaman ng mga adana ang masamang binabalak ni arga ay kaagad silang gumawa ng paraan. kaagad nilang isinalin sa mga heris o mga mahihiwang mga bato ang kanilang mga kapangyarihan at doon ay ikinulong nilang ang kanilang mga kapangyarihan bago pa sila mapatay ni arga. at matapos iyon ay napasakamay nga ng buong zahira ng limang bato ng mga heris" paliwanag ni herrill. " kung nais talaga na maging mas makapangyarihan ni arga bakit hindi nya kinuha ang mga batong iyon" tanong ni bryan. "dahil hindi nya ito kayang hawakan.. kulang din ang kanyang kapangyarihan ng mga oras na iyon" paliwanag ni herrill. " bakit di nya ito kayang hawakan" tanong ni bryan. "dahil iyong ang hiniling ng nga adana bago sila mawala.. na walang kahit sinong mga taga zahira o adana ang maaring makahawak sa mga heris upang hindi na ito hangarin pa muli ng iba" wika ni herrill. "naguguluhan ako" wika ni bryan. " maari bang patapusin mo muna ang pinuno para mas maintindihan mo ang lahat" wika ni mira. "kaya nang pamasakamay na namin ang mga heris ay inilagay namin ito sa mahiwang ispada o catam sa tulong ni mira. inilagay nya ang mga heris sa ispada upang ang ispadang iyong ang mas maging pinakamalas sa lahat at tanging hari o magiging hari ng zahira lamang ang maaring makahawak o gumamit ng catam. matapos ang mahabang panahon muling bumalik si arga at doon ay nilinlang nya ang buong zahira.. mas malakas na sya ng mga panahong iyon. dahilan kung bakit nagawa nyang dakipin si mira. sinabi ni arga kay mira na papatayin nya nito kung sakaling hindi susunod si mira sa kanyang kagustuhan . walang nagawa si mira ng mga oras na iyon dahil nakataya ang buhay ng aking ama at buhay nya at ang buong zahira sakaling di nyabibigay ang nais ni arga.