Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

FIND ME: A Love Through Eternity (FILIPINO VERSION)

🇵🇭JessicaAdamsPhr
53
Completed
--
NOT RATINGS
118.9k
Views
Synopsis
[R18] STORY WITH MATURE/EXPLICIT CONTENT: "A-Alam ko pagod ka na, magpahinga ka na, mahal na mahal kita, palagi mong tatandaan iyan," sa kabila ng tila bigik na nakabara sa lalamunan ko ay pinilit ko parin na sambitin ang mga salitang iyon na alam kong matagal nang gustong marinig mula sa akin ng asawa ko, dahil katulad nga ng sinabi ko, pagod na siya at gusto na niyang magpahinga. Nang maramdaman ko ang mainit na likidong pumatak sa noo ko kasunod ng mainit na labing dumampi rin doon ay lalo akong napaiyak. "Simula bukas kailangan ko na maging matapang ka, tatagan mo ang loob mo, lalo na kung pagkagising mo ay nakapikit parin ang mga mata ko," pagpapatuloy na habilin ni Daniel.  Hindi ako nagdilat ng mata pero nagpatuloy ako sa tahimik na pag-iyak. "Hanggang sa muli nating pagkikita, sweetheart, Ara, mahal ko," si Daniel na muli kong naramdaman na hinalikan ako sa noo. Noon ako nagdilat ng paningin saka ko sinalubong ang maiitim niyang mga mata. Bigla ay parang nakita ko ang lahat ng sinabi niya, na muli kaming magkikita at kahit kailan ay hindi na magkakahiwalay pa. "Hanggang sa muli, mahal ko," sagot ko bago ko itinaas ang aking ulo saka siya siniil ng isang mainit na halik, sa pinakahuling pagkakataon.
VIEW MORE

Chapter 1 - PROLOGUE "GREAT LOVE"

PUTING-PUTI ang paligid at mabilis na naramdaman ni Ara ang isang klase ng kaligayahan na kahit kailan at sa buong buhay niya ay hindi niya naramdaman. Napakagaan ng feeling at parang walang kahit anong dahilan para maging malungkot siya.

Iyon ang klase ng emosyon na agad sa kaniya ay sumapuso nang tumapak ang paa niya sa lugar na iyon.

"Nasa heaven na ba ako?" iyon ang anas niyang tanong habang patuloy na nililinga ang paligid.

Nasa ganoong tagpo siya nang mapuna ang isang bulto na tila ba pamilyar sa kaniya.

Naningkit ang mga asul at bilugan ni Ara habang pilit na kinikilala ang lalaki na papalapit ngayon sa kinatatayuan niya. At nang mula sa tila kulay puting usok ay lumabas ito. Noon naging lubos ang visual ni Ara sa lalaki.

"D-Daniel?" anas niya kasabay ng mabilis na pagsikdo ng hindi maipaliwanag na kasiyahan sa puso niya.

Maganda ang ngiti na pumunit sa mga labi ni Daniel. At lalo iyong nagpatingkad sa angkin nitong kagwapuhan na isa sa maraming magagandang katangian nito na bumihag sa kaniyang puso noon.

"Ara, mahal ko," anito iniabot pa ang isa nitong kamay sa kaniya.

Agad na nag-init ang sulok ng mga mata ni Ara dahil sa matinding kasiyahan na nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Iyon na siguro ang kapalit ng lahat ng naging paghihirap niya. Dahil sa wakas, makalipas ang napakatagal na panahon, magkakasama narin sila ni Daniel. Ang nag-iisang lalaki na alam niyang kahit minsan ay hindi nawala sa puso niya, kahit minsan.

Noon, parang isang eksena sa pelikula siyang tumakbo patungo kay Daniel. Pagkatapos ay mahigpit niya itong niyakap at ganoon rin ito sa kaniya.

"Sobrang na-miss kita, Daniel," ang umiiyak niyang agad na sinabi nang pakawalan siya ng lalaki.

Noon nakangiting sinuyod ng binata ang magandang mukha ni Ara. "Hindi naman ako nawala sa puso mo hindi ba?" anitong nakangiti paring hinalikan ang noo niya.

Noon tiningala ni Ara si Daniel saka sinalubong ng titig ang maiitim nitong mga mata. "Kahit minsan hindi ka nawala sa puso ko at kahit sa isip ko Daniel, dahil nanatili akong nagmamahal sa iyo," iyon ang totoo at naging dahilan iyon ng muling pagbalong ng kaniyang mga luha.

Muli siyang kinabig ni Daniel at mahigpit na niyakap. Pagkatapos, sa ikalawang pagkakataon ay pinakawalan siya nito saka hinawakan ang kaniyang mukha gamit ang dalawa nitong kamay.

"Masaya ako at nagkita ulit tayo," aniya habang patuloy sa pagbalong ang kaniyang mga luha.

Isang makahulugan at mabait na ngiti ang muling pumunit sa mga labi ni Daniel. "We can meet again at some other time and in different ways, but it will only end up with one thing, I will still fall in love with you, endlessly," anitong niyuko siya saka mariing hinalikan sa kaniyang mga labi pagkatapos.

At noon na nga tuluyang nagpatangay si Ara sa agos ng nag-uumapaw na damdamin sa kaniyang puso. Saka niya maalab na tinugon ang maiinit na halik ng natatanging lalaking hindi nagawang palitan ng kahit sino sa puso niya. Kahit si Timothy pa.

Dahil katulad narin nang pangakong iniwan niya noon kay Daniel bago nito nilisan ang mundo, bago ito nilagutan ng hininga, walang kahit sinong lalaking ang makapagpapalimot ng isang katulad nito sa kaniya. Kahit halimbawang dumating ang panahon na makapag-asawa siya, si Daniel ay mananatili sa puso at isipan niya.

At katulad ng pagmamahal na ibinigay niya kay Daniel noon, pinanghawakan niya ang pangako na iyon. At sa paglipas ng mahabang panahon ay patuloy niya itong minahal. Nang walang kahit anong hinihinging kapalit. Dahil alam niya na darating ang panahon, muli silang magkakasama.

Pero katulad narin ng palagi nilang sinasabi, higit na mas mahusay magplano ang Panginoon. At napatunayan niya iyon, ngayon mismo. Dahil narito na siya kasama, kayakap habang mainit na hinahagkan ang lalaking itinuturing niyang kaniyang great love.

"Ready ka na bang i-meet Siya?" nangingislap ang mga mata na tanong sa kaniya ni Daniel matapos nitong pakawalan ang kaniyang mga labi.

Tumango siya habang noon naman sinimulan ng binata na tuyuin ang kaniyang mga luha. "Hindi na tayo magkakahiwalay, hindi ba?"

Noon hinawakan ni Daniel ang mga kamay niya saka masuyong hinalikan ang mga iyon pagkatapos ay umiling ito. "Hindi na, naalala mo iyong ipinakangako ko sa iyo noon, sa susunod na magkita tayo, it will be forever, it will be eternity. Ito na ang pangakong iyon, Ara. I'm so sorry kung kinailangan mong maghintay. Pero hindi ba alam mo naman, ang totoong pagmamahal hindi nagmamadali, dahil ang totoong pagmamahal, nakapaghihintay, hindi nauubusan ng oras at puno ng pag-asa at ikalawang pagkakataon?"

Muling napaiyak si Ara sa lahat ng narinig niya. "I love you, you are worth the wait," sagot niya.

"Mahal na mahal din kita, sobra," anitong marahan pang pinisil ang kamay niyang nanatiling hawak nito. "Halika na?" pagkuwan ay muling itinanong sa kanya ni Daniel.

Nakangiting tumango si Ara habang nakatingala sa gwapong mukha ng binata. "Always," sagot niya habang sa kaniyang puso ay naroon ang nag-uumapaw na kaligayahan na hindi niya kayang pangalanan.

*****

"CLEAR!" iyon ang sigaw ng doktor mula sa loob ng ICU kung saan pilit na ibinibalik ang heartbeat ng kapatid at kakambal niyang si Ara.

Ilang beses iyon na inulit-ulit ng doktor bago niya nakitang umiling ang lalaki habang nakatingin ang mga ito sa iba pang staff ng hospital na kasama nito sa loob ng ICU.

Noon nakaramdam ng panlalamig si Bella saka kumawala mula sa mahigpit na pagkakayakap sa kaniya ng kaniyang ina na nang mga sandaling iyon ay humahagulhol na ng iyak. Parang wala sa sarili siyang pumasok sa loob ng ICU na bukas ang pinto. Saktong narinig niya ang mga salitang sa mismong bibig ng doktor nanggaling. Mga sandaling hindi niya gustong marinig pero nangyari. Mga salitang tuluyang nagpaluha sa kanya.

"Time of death, 8:15 AM," anito bilang deklarasyon ng tuluyan na ngang paglisan ng kaniyang kapatid dito sa mundo.

*****

MALUNGKOT ang ngiti na pumunit sa mga Bella matapos niyang itulak pabukas ang pintuan ng kwarto ng kapatid niya si Ara. Bukas na ang libing ng kakambal niya na pumanaw sa sakit na Dengue. Pero mabigat parin ang loob niya na wala na ito at hindi na niya muling makikita pa.

Naupo si Bella sa gilid ng kama nito saka tahimik na iginala ang kaniyang paningin doon. Pagkatapos ay walang anumang warning na kusang umagos at nalaglag ang kaniyang mga luha.

Pakiramdam niya ay kalahati ng pagkatao niya ang kasama ni Ara na namatay.

Pakiramdam niya kalahati niya ang kasama ni Ara na ngayon ay nakahimlay at nakahiga sa loob ng kabaong na iyon.

Noon niya tinakpan ang sarili niyang bibig para pigilan ang pagkawala ng kaniyang mga hikbi.

"Oh Ara, bakit mo kami iniwan?" iyon ang nasambit niya saka sa kalaunan ay hinayaan nalang din niyang pakawalan ang lahat ng sama ng loob na kinikimkim niya sa loob ng kanyang dibdib sa loob ng nakalipas na mga araw.

Ilang sandaling nanatili si Bella sa ganoong ayos.

Umiyak siya ng umiyak, hindi na mahalaga kung mapalakas man iyon. Ang gusto lang niya nang mga sandaling iyon ay magawa niyang pagluwagin ang dibdib niya na parang dinaganan ng ilang sako ng palay dahil sa pamimigat niyon.

Hindi nagtagal at naramdaman niya ang kakaiba at malamig na pakiramdam na yumakap sa kabuuan niya.

Alam niya kung ano iyon.

Alam niya kung sino.

"A-Ara..." anas niyang lalong napaiyak.

Alam niyang niyakap siya ng kapatid niya.

At alam niyang kung nasaan man ito ngayon ay masaya na si Ara.