Si Dianne Ang nag iisang anak ni Precy, isang simple at tahimik na bata.. Morena at balinkinitan
Ang katawan. Lumaki si Dianne na ang ina lamang Ang kanyang kasama dahil maagang namatay Ang kanyang ama. Masaya naman silang namumuhay kahit sila lamang dalawa, sadyang sinusubok ng Diyos si Dianne.
Dahil namatay Ang kanyang ina ng masagasaan ito ng humaharurot na truck. Sa tulong ng mga kamag-anak ay nailibing naman ng maayos Ang kanyang ina. Nag palipat lipat ng tirahan si Dianne hanggang mapunta Sya sa HOME FOR THE GIRLS sa kanilang Lugar. Lumipas Ang ilang taon ay napagpasyahan ng kanyang tiyahin na nasa Germany na sa Pilipinas nalang tumira at kunin si Dianne para sya na mismo Ang mag alaga at mag pa aral nito.. Sa Airport
"Tita! " naiilang na bati sa bagong dating na tiyahin.
"Kamusta kana Dianne? laki mo na pala aahh, dalaga na." sabay yakap sa dalaga.
Kahit nag aalangan ay gumanti narin Sya ng yakap sa tiyahin na ilang dekada nya ring di nakita.
"Ready kana? Ang mga gamit mo, ok na ba?
tanong sa kanya ng kanyang tiyahin na kararating lang din galing Germany.
"Opo ready na po." Malungkot na tugon ni Dianne.
Malungkot man ay kailangan nya ng magpa alam sa kasamahan nya sa Home for girls. Lalo na sa mga malalapit nyang kaibigan.
"Mamimiss ka Namin Dianne, wag mo kaming kalilimutan ha.." paalam ng Isa sa mga close friend nya. "Syempre naman! bakit ko naman kayo kakalimutan eh parte na kayo ng buhay ko.." sabay yakap sa mga kaibigan na ngayon ay napa hagulgol na ng iyak.
"Tayo na Dianne, baka mahuli tayo sa byahe."
"Opo tita. Oh, mag-iingat kayo lage ha. Wag kayong pasaway."
"Paalam Dianne, we will miss you"
at tuluyan na ngang nagpaalam si Dianne sa kanila.