"Mila! Mila! Mila!"
I was comfortably sitting on my chair when my best friend, Fiona came in running and shouting like there is no tomorrow.
"What?!!" Naiiritang tanong ko.
"H-hen....ry! Henry!"
Napakunot ang noo ko.
"What about him?!"
Medyo napataas ang tono ko dahil bigla akong kinabahan.
"Nasa soccer field! Nakikipag-away!!"
"What?!!" This time napatayo na talaga ako. Hindi ko na siya hinintay pa at agad akong tumakbo papunta sa soccer field.
Pagdating ko sa soccer field, nagkakagulo ang lahat. Ang daming tao na nakapalibot sa gitna. Ano na naman bang kabulastugan ito? Agad agad akong tumakbo papunta sa gitna. Thankfully, everyone made a way for me.
I saw Henry punched the face of the guy making me scream a little bit. Everyone looked at me and sighed.
"Hays. Buti nandito na si Mila."
"Oo nga. Katakot magalit ni Henry."
"Pero in fairness! Gwapo pa rin!"
"Bagay na bagay talaga sila! Gwapo atsaka maganda!"
Bago pa maupuan sa tiyan ni Henry ang lalaki, bigla itong bumangon at sumuntok rin. This time nag lakas loob na akong pumigil.
"Stop!"
I shouted and hold the hand of the boy. I looked at him and saw some blood on his face. Hindi ko alam pero parang gusto kong punasan yung mukha niya pero bago ko pa man maiangat ang kamay ko tumalikod na siya bigla at umalis.
I was stunned. No one acted like that in front of me. As in, never! Everyone wants to please me, to be friends with me but how come he acted like that. My brows furrowed.
Nagulat ako ng may yumakap bigla mula sa likod ko.
"Babe."
Oo nga pala. Nandito nga pala si Henry.
"Henry. Are you okay?"
Hinarap ko siya. He pouted.
"No, I'm not. Will you mend it? Please?"
I smiled and nodded.
"Okay. Let's go to clinic."
Pagdating namin sa clinic ginamot ko ang mga sugat niya at mga pasa. Habang ginagamot ko siya bigla kong naalala yung lalaki kanina. Okay lang kaya siya? Ginamot na rin kaya ang mga sugat niya?
"Mila?!Mila!!"
Nagising ako dahil sa tawag ni Henry.
"Yes?"
Medyo nagulat ako pero nakabawi rin agad.
"Okay ka lang ba?"
Concerned niyang tanong.
"Yes. Why?"
Ngumiti ako para mas maniwala siya.
"Nothing. Do you still have class?"
"Yes. How about you?"
"Yeah but I want to be with you."
He smiled and i smiled back.
"Henry you know-"
"Yeah, yeah. Just trying my luck."
I chuckled.
"Don't worry. Im free this Saturday."
This time ngumiti na siya.
"Okay. Ihahatid na muna kita sa classroom mo."
"No need. I can handle."
"You sure?"
"Yes."
Hindi ko alam pero imbis na pumasok sa room pinili kong pumunta sa benches malapit sa gym. Lagi ko siyang nakikita ditong nakatambay kaya baka nandito siya ngayon. Pagkaliko ko papuntang gym, nakita ko siya.
Mag-isa niyang ginagamot ang sarili at may sarili rin siyang medicine kit. Wala ng mga studyanteng pakalat kalat dahil class hours na. Dahan dahan akong lumapit at di parin niya ako napapansin.
"Ahh sh*t!!"
Daing niya. Napangisi tuloy ako. Dahan dahan akong lumapit. Ng nasa tabi niya na ako saka ako nag salita.
"Need help?"
Bigla siyang napatayo at bahagyang napa talon. I chuckled.
"F*ck! Wag ka ngang manggulat!"