Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

The Village of Dolls (tagalog)

🇵🇭Persephone_bb
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.8k
Views
Synopsis
Mahilig ako'ng manood ng nakakatakot na palabas, kami'ng tatlo'ng mag-pi-pinsan ay linggo-linggo naghahanap ng magaganda'ng pelikula na siya'ng nais naming magbigay bangungot sa amin. Ngunit dahil sanay na kami ay ni minsan, wala pa kaming napapanood na tatakot talaga sa amin. Ngunit sa dulo'ng banda sa labas ng sinehan... kung saan naka-paskil ang isang pelikula... Sadya ba'ng nagkataon lang o... isa kami sa napili nila? Inyo'ng subaybayan ang kwento'ng bangungot na siya'ng gumimbal sa buong pagkatao ko... isang bangungot na hindi lamang sa panaginip ako ginulo... dahil ito ang uri ng bangungot na nasaksihan ko gamit ang mata ko. Ang siya'ng lumabas ay siya'ng uunahin Ng mga manika'ng itim na pula ang ngipin Habulan sa loob--- taguan sa labas Kahit saan ka magpunta, hindi ka makakatakas Kaya't paano ka makakaligtas Lalo na't ikaw ang napili ng manika'ng hudas "Oras na ikaw ang pinili... paano ka pa kaya makakatakas?"

Table of contents

Latest Update1
Simula3 years ago
VIEW MORE

Chapter 1 - Simula

NAKA-TAYO KAMI ngayon sa labas ng Cinema. Iniisip kung alin sa mga palabas ang panoorin. Ang pinsan ko ay hindi mapa-kali sapagkat nais niya'ng manood ng nakakatakot na Pelikula, ngunit alin don sa mga naka-paskil ay tila napanood na namin dati.

"Ano ba yan ate, wala man lamang silang bago'ng palabas? Nakakayamot ha" kakamot-kamot sa ulo na ani Chris, na siyang pinsan ko. Tatlo kami'ng mag-pi-pinsan na magkakasama, ngunit dahil sinama ni Chris ang nobya niya'ng si Kara ay apat kami ngayon.

"Sus, yun na lang kasi ang panoorin natin." Sabay turo ko sa dati'ng horror film na hindi naman ganoon nakakatakot, katunayan ay nakakatawa lamang ito.

"Ayoko niyan ate, gusto ko yung mapapayakap sa akin si Kara sa takot, hehe" anito. Kaya naman binatukan ko siya. "Iyang kalandian mo ha! Bawasan mo, yari ka kay Tita Anne kapag nagkataon" pagbanta ko rito. Tumango naman ito at ngumisi ng nakakaloko.

"Opo Ate, nag-iingat naman ako" anito na tila proud pa. Ako naman ay nanlaki ang mata kaya kinurot ko ang tagiliran nito.

Napa-hiyaw ito sa sakit dahilan kung bakit dali-dali lumapit si Kara sa pinsan ko.

"Oh? Anyare babe?" Nag-aalala'ng tanong ni Kara dito. Lumapit din naman si Riah na pinsan namin.

"May napag-desisyunan na ba kayo'ng panoorin?" Tanong ni Riah. Tinuro ko naman yung horror film na nasa harapan namin.

"Tsh, yan nanaman? Last week yan ang pinanood namin ni Luis eh." Nayayamot na anito. Si Luis naman ay ang boyfriend niya, dapat isasama niya rin ito ngunit sinabi ko sakaniya na kung pareho sila'ng magdadala ng kasintahan nila ay uuwi na lamang ako.

"Eh ano'ng panoorin natin?" Tanong naman ni Chris.

Tumalikod naman si Riah at may tinuro sa kung saan.

"May nakita ako kanina roon nang mag-CR kami ni Kara kanina. Hindi siya obvious pero mukhang interesting ang palabas na iyon" wika nito. Kunot noo naman kami'ng lumapit sa pinaka-sulok kung saan hindi pansin ng mga tao.

THE VILLAGE DOLL

Iyon ang nakalagay na title, at may tatlo'ng nakaka-kilabot na manika'ng may tinatago'ng kutsilyo sa likod nila. Naka-ngiti ang mga manika at ang mala-demonyo'ng tingin nang mga ito ang siyang nagpa-kilabot sa akin.

"Mukhang nakakatakot yan ah? The Village Doll? Panoorin kaya natin yan?" Suhestiyon ni Chris.

"Ayoko" bigla ko'ng nai-sambit.

Napatingin naman sila sa akin.

"Bakit naman ate Milla? Natatakot ka ba? Hehe" pang-aasar nito. Hindi naman ako naka-kibo.

"Oh siya, yan na nga lang. Tara sa ticket booth" yaya naman ni Riah. Hindi parin ako kumibo, sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan ako.

Nang maka-bili sila ng Ticket ay nag-hintay pa kami ng mga sampo'ng minuto sapagkat hindi pa tapos ang nauna'ng film. At nang mag-labasan na ang mga tao sa Cinema ay narinig pa namin ang sinabi nung isa.

"Grabe! Bea! Nakakatakot yung mga chaka'ng dolls na yon! Ito na yata ang pinaka-nakakatakot na palabas na napanood ko" wika nung bakla sa kasama nito'ng babae. Yung iba ay halos ma-mutla pa, at meron din na bakas ang takot sa mukha nila.

Pero syempre meron din naman mukhang na-siyahan sa palabas na napanood nila, at parang wala lang.

Kaya naman nang wala ng tao at pwede na ay nag-patuloy na kami sa loob ng sinehan.

"Whooo! Mukhang maganda ito'ng panonoorin natin, ano?" Wika ni Chris. "Babe, wag kang mahiya'ng yumakap sakin kapag natakot ka ha?" Anito sa girlfriend niya.

"Heh! Baka nga mamaya, ikaw ang yumakap yakap sakin sa takot eh" pagbibiro ni Kara sa nobyo.

Humalik naman ang nobyo nito sa pisngi ni Kara, dahilan kung bakit napa-singhap ako. "Sheesh, palit nga tayo Riah..." bulong ko kay Riah. Nandidiri na sa katabi.

"Hmp, ayoko nga jan kaya nga dito ako pumwesto eh" ani Riah na tila kumportable sa kinauupuan niya.

Halos ma-puno rin kase ang sinehan, at sa row namin ay puno rin kaya wala ako'ng pwede'ng lipatan.

Kaya kahit nayayamot ay pinilit ko na lamang hindi pansinin ang dalawang naglalandian sa tabi ko, at itinuon na lamang sa pinapanood ang aking atensyon.

Nang mag-simula na ang palabas ay tumahimik na ang lahat. Tutok na tutok at napapasinghap tuwing may nakaka-gulat na pangyayari.

Hindi namin alam kung paano ang magiging takbo ng istorya'ng kasalukuyan nami'ng pinapanood. Sapagkat wala ito'ng trailer man lang na ipinakita sa labas. Ngunit habang pinapanood namin ito ngayon ay napansin namin na tila ang Village na tinutukoy ay pinamumunuan ng mga manika.

Ang kwento ay…

Isang mag-kakaibigan ang aksidente'ng napadpad sa lugar na iyon. Isa ito'ng lugar kung saan hindi masyado'ng alam ng mga iba'ng tao.

Ang magka-kaibiga'ng sina Maitha, Trisha, Jon, Mark, at Kyla ay kasalukuya'ng naghahanap ng lugar na maaari nilang puntahan. Halos lahat kasi ng sulok ng Pilipinas ay napuntahan na nila, kumbaga sila ay naghahanap ng adventures at nag-kataon na narinig nila ang tungkol sa isang lugar na hindi saklaw ng Gobyerno… Hindi rin napupuntahan ng tao sapagkat lahat ng nagpupunta roon ay hindi na natatagpuan pa.

Ngunit matigas ang magkakaibigan. Kahit na binalaan na sila ay nais nila'ng malaman ang dahilan kung bakit… Hindi nakakalabas ang mga tao roon. Alam nila'ng may mga tao doon sapagkat meron nakaka-labas… Ngunit kalaunan ay namamatay.

Maysa demonyo raw ang lugar na iyon kaya't lahat ng naka-lalabas ay nilalagutan na rin ng hininga. Minsan ng nag-padala ng rescuers ang gobyerno, at maraming beses na rin napurnada ang plano. Kaya't hindi na sinubukan pa'ng puntahan ang lugar na iyon.

Sa magkakaibigan, si Maitha ang pinaka-nababahala. Hindi niya nais pumunta sa lugar na iyon ngunit mapipilit ang mga kaibigan niya. "Paano kung totoo ang sabi-sabi?" Kinakabahan na tanong nito.

Napa-iling naman si Kyla. "Ano ka ba, girl? Ngayon ka lang natakot ah? Tsaka malay ba natin kung totoo. Sinubukan ko ngang hanapin sa internet ang tungol sa lugar na ito ngunit wala ni isa. So, scam sila! Dahil di naman totoo ang pinag-sasasabi nila" bakas ang irita na ani Kyla. Napa-tigil naman si Maitha.

Kaya walang nagawa si Maitha, nagpatuloy parin sila'ng magkakaibigan… Hanggang sa doon nila nakita ang mga tao'ng naninirahan doon na tila mapuputla na naglalakad. Ang iba ay napatingin pa sa sasakyan nila.

Nang makarating sila sa pinaka parke ng Village na iyon ay meron isang mataas na gusali… At doon ay nakita nila ang mga manika'ng animo'y may buhay… Ang iba'y may hila-hila'ng tao gamit ang buhok.

Napa-igik ang magkakaibigan nang marinig nila ang maka-basag tenga'ng tili ng babae'ng kasalukuya'ng hila-hila ng isang maliit na manika na satingin nila'y hanggang tuhod lamang nila.

Nang humarap sa gawi nila ang manika'ng may hawak sa babae ay nakita nila ang maiitim nitong mata at mapupula nitong bibig…

Dugo… May tumutulo'ng dugo sa bibig nito!

Nang marindi ang manika ay sa hindi malamang dahilan ay may hawak pala ito'ng itak at tinaga sa leeg ang babae'ng hila-hila nito.

Doon ay tila nanlamig ang mag-kakaibigan. Sa unang pagkakataon… Hindi nila alam ang gagawin. Akma'ng ima-maneobra ni Jon ang sasakyan nang may lumapit sa kanila'ng isang Ginang.

"Huwag niyo'ng naisin umalis, sapagkat sa oras na binalak niyo ay hindi nila kayo patatawarin…" Banta nung Ginang dahilan kung bakit mas lalo sila'ng nahintakutan.

Umiiyak ang tatlo'ng babae at nagsisisihan sila'ng magkakaibigan. Si Maitha ay tulala nag-iisip… Ngunit tila wala nang pag-asa pa na sila'y maka-alis.

Iyon ang nangyari sa simula ng palabs… Kinikilabutan ako sa pangyayari sapagkat ngayon lamang ako nanood ng ganito'ng uri na pelikula.

Ngunit sa kalagitnaan ng ami'ng panonood ay tila namatay ang pinanonood namin, dumilim lalo at nagtilian ang iba. Sampo'ng minuto ang lumipas nang mamayani ang nakakabinging katahimikan.

Isang hagikgik mula sa kung saan ang nagpa-kilabot sa amin…

"A-Ano ba'ng nangyari" Nauutal na tanong ni Kara.

Ngunit walang sumagot… Hanggang sa muli ay bumukas ang malaking TV at tumambad sa amin ang mga manika sa harapan ng malaki'ng TV at lahat sila… Hindi nagmula sa screen na iyon.

"Pa-Prank ba ito?" Bakas ang nerbyos sa tinig ni Chris nang itanong niya iyon. "Tara na nga…" Bulong sa akin ni Riah, ngunit nang akma kaming tatayo nang magsi-galawan ang mga manika at nagpunta sa direksyon namin.

==to be continued