"Duh! Hindi talaga kita kilala. Mali taong ang nadala mo sa silid na ito, Mister."
Kahit badboy ang dating nito. Hindi ko maiwasang hindi ma attract sa kanya. Lalong lalo na sa napakaitim niyang mga mata na para bang hinihigup ang aking kaluluwa.
"Geez! Pwede bang bitawan mo ako? Pwede kitang kasuhan sa ginagawa mo sa akin!" Singhal ko sa pagmumukha niya.
Aw! Parang bumaon ang kuko niya sa balikat ko. This monster!
"I'm about to run out of patience, Esra. Don't add more and I might do it to you again. Stop acting..." Pagbabanta nito sa akin.
He's f*ck*ng crazy!
At ano naman ang gagawin niya sa akin na ayaw na niya ulit gawin?
Im curious.
Okay. Hindi ako si Esra, hindi ko kailangang ma curious.
Ayaw ko mang aminin, pero ginapangan ng takot ang katawan ko sa kanya. Para bang, matagal na niya itong ginagawa sa akin.
Sa ngayon, hindi ko muna ito kukuntrahin.
"Im sorry. Hindi ko na uulitin."
Dahil sa sinabi ko ay dahan dahan lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin.
Hanggang sa tuluyan na nga niya akong binitiwan. "Good." Tipid nitong sagot. "Huwag kang umalis sa silid." Dagdag pa nito bago tuluyang umalis sa silid.
Yeah. In your dream!
Nang masiguro kong wala na ito. Kinuha ko ang kumot. Pinutol putol gamit ang nakita kong gunting sa ilalim ng kama na hindi ko alam kung bakit ito andoon. Pagkatapos ay tinali ko ang mga pinutol kong kumot.
One thing im sure of, nasa ibang mundo ako. Mahirap paniwalaan. Pero ito nga ang nangyari.
Kailangan kong makaalis sa silid na ito bago pa siya makabalik.
Iniisip ko lang na nahuli niya ako ay kinikilabutan na ako. Itong mga balahibo ko sa katawan, kusang nagsisitayuan.
Hindi na ako nagsayang ng segundo pa. Itinali ko sa gilid ng kama ang kumot at ang dulo ng kumot ay itinapon ko sa ibaba.
Thank goodness! Walang tao sa pinagtapunan ko.