*GOLDEN WILLFORD INCORPORATION*
ALEXA'S POV
Alam nyo yong feeling na ang aga kong nagising para mag asikaso ng maaga at makalis din ng maaga sa bahay, tapos pag dating dito maghihintay ako ng bongga! Grabe kailangan talaga always expect the unexpected ei. Sa totoo lang siguro mga 3 and a half na ako dito,feeling ko nga any time bibigay na yong mga binti ko dahil sa sobrang ngalay. Bakit ba kasi ang daming applicante? At dahil sa sobrang dami talaga ei halos wala na ngang maupan. Idagdag mo pa na pinasuot ako ni Gia ng mala langit na takong.
"Teka, pang-ilan ba ako?"
Ang nababagot na tanong ko nuon sa sarili ko bago tumingin sa number na nuoy naka aspele sa kaliwang bahagi ng damit ko.
*****OH NO!!!!!!!! Legit!? Pang 25 pa ako!?*****
atsaka bahagyang binagsak ang paa ko
Kung bakit ba kasi ang tagal ng nag interview? Anu kayang mga tinatanung nila sobrang nangangawit na kasi yong binti ko, wala man lang bang gentlemen dito kahit isa?.
PAMBIHIRA ‼️ (atsaka ako napahawak sa mga binti ko, habang hinahaplos ito.
*AFTER 30 MINUTES*
Roll call:
Applicant # 20:. (After 10 min)
Applicant # 21:. (Absent)
Applicant # 22 (Absent)
Applicant # 23. (After 10 mins)
Applicant # 24. Absent
Applicant #25.
*****hayyy Anu ba yan may pupuntahan pa naman ako pag katapos nito****
"Applicant #25 nandyan ba?"
"excuse me miss applicant #25 daw."
ang abiso naman sa akin nung babaeng naka blue na damit.
"Applicant #25 wala ba?"
Narinig kong sabi ng babae sa labas ng pinto.
*****tssss.....number 25 pa Kaya!!!!!!!! *****
atsaka ako napatingin sa number sa damit ko.
"wala? okay applicant #26"
sabi ulit ng babae
"ah te-teka po, andito ako!!"
nag mamadaling kong sagot atsaka dali-daling tumakbo papunta sa babae
*****Pambihira Loading!!! pinagtinginan tuloy ako ng ibang mga applicante*****
"Miss, ah-ako applicant number 25, nandito ako"
ang habol hininga kong puno habang nakahawak sa aking dibdib.
"please proceed inside"
sagot nya na para bang na wiewierduhan sya sa akin. Pero hindi ko sya pinansin, sa halip ay inayos ko yong sarili ko at huminga ng malalim bago pumasok sa loob.
The moment na makapasok ako sa loob, bigla kong naramdaman ang pag babago ng atmosphere, Kung saan ay bigla akong nakaramdam ng tense. Hindi ko rin Alam kong bakit, pero pinagpapawisan ang mga kamay ko, sa kabila nun parang umuurong din ang dila ko dahil sa sobrang kaba. Ito Kaya Ang dahilan kung bakit ang tagal Nila dito sa loob? para kasing kakainin ka nila ng buhay.
"Ms. De la Torre"
ang bungad ng Isang babae habang nag gaglance sa C.V ko. Nakakatakot Sya, para syang yong terror na prof ko nung college. Idagdag mo pa yong curl short hair nya na nag fit sa masungit nyang mukha.Actually sa kanilang tatlo na nasa harap ko, sya yong parang manlalapa ng buhay ei.
*****Sigurado akong matandang dalaga to!*****
atsaka ako na pa ngiti dahil sa iniisip ko.
"Ms. De la torre"
tawag nya ulit
"yes ma'am"
nanginginig kong sagot
*****teka bat ba ako kinakabahan?*****
"Your education background is impressive, and (sabay tanggal sa eye glass nya) Is it true that you graduated as suma-cumlaude!?"
Ang di makumbinsi nyang reaksyon
*****wait anong akala ba nya gawa-gawa ko lang yon huh!!?*****
"Yes ma'am"
kimi kong sagot
"Gusto kong malaman kung bakit every year iba-iba ang pinapasukan mo?"
tanong nya sa akin habang walang kurap na tingin sa akin.
"ahmf.....dahil po part time job lang ang mga yan"sagot ko
"Kung ganun,interesado akong nalaman Kung bakit?"
atsaka sila lahat napatingin sa akin na para bang nag babantay sa mga sasabihin ko.
"Ah-anu ka-kasi po...(atsaka ako huminga ng malalim) dahil ako lang ang nag papa-aral sa sarili ko, kasabay nun kailangan kong mag ipon para sa papa ko na nasa ospital atsaka....."
magpapaliwanag pa sana ako nang bigla syang nagsalita
"Kung nasa ospital ang papa mo, Hindi kaya ito magiging sagabal sa pagtatrabaho mo as secretary?"
*****Teka bat parang nasa interrogation ako? parang gusto ko na tuloy umiyak. Sa totoo lang dati kapag sinasabi kong nasa ospital ang papa ko agad-agad na hihired ako, pero ngayon parang Wa epek!! Naspeechless tuloy ako*****
"Tell us, what is your weakness and strength. also, Kung matatanggap ka how can you be so sure na hindi maaapektuhan ng personal matter ang iyong responsibility? and lastly, anong kakayahan mayroon ka bakit kailangan ka naming tanggapin? If you can answer those questions in 1minute,then, your hired but if you don't, you can step backwards ang pass the opportunity to the next applicant. CLEAR! okay your time start now."
sunod-sunod na tanong nya bago nya inistart ang timer na nasa harap ko.
*****Ang totoo ayaw ko talaga ng ganitong scene, napaisip tuloy ako bigla kung anong dahilan nga bakit ako naging top student, dahil sa naaalala ko, I HATE ORAL RECITATION!!!!!. Siguro wala lang talagang choice yong prof ko nuon..tssss....PAMBIHIRA ANU NA!!!*****
*1:59
Brain is not functioning
*1:45
Searching
*1:30
Loading
*1:20
Collecting Data
*****Teka bakit na block ata yong utak ko?? Anyare sa akin?*****
*1:05
Processing
*****Anu ba brain gumana na ka na para mo nang awa! Sayang ang malaking sahod. ANU BA!*****
...DING
*0:59
My weakness is disappointing my love ones,meanwhile my strength is learning new things
*0:45
I'm mature enough to handle problems in my life, therefore, I can assure you that I can separate family and working matters.
*0:30
I've been independent since my dad was in coma and my mom passed away, therefore, I know how to value things and people around me. Also, I believe that skill and ability is not enough
*0:20
Because without passion and determination, skill and ability can might be useless
*0:10
Thus, if you give me the opportunity to let me show what I can do, I promise that you'll never regret it.
*0:05
I hope you give me a chance.
*0:00
Times Up
After the moment I end up, tumingin ako sa kanila, but then, wala man lang reaction. Kaya nga tumayo na ako, at yumuko bilang tanda ng pag galang bago ako lumabas.
*****Hindi ko alam kung tama ba yong mga pinag sasabi ko, kinakabahan kasi ako ei....Ang totoo ayaw ko talaga ng natetense ako dahil matagal mag function ang utak ko.*****
Palabas na ako ng kompanya, Kaya naman hinubad ko na ang heels ko, sobrang sakit na kasi talaga ng mga binti ko.
"Ay teka, kukunin ko pa pala ang CENOMAR ko"
*****Well, don't ask me Kung bakit gusto ko nang mag settle down. Siguro dahil napapagod na akong mag-isa. Don't get me wrong guys, simula pa nuon wala na akong ginawa kundi ang mag trabaho, Ei parang halos duon ko na nga ata iginugol ang panahon ko. Kaya nga ngayon I want to settle down for good. Siguro naman naintindihan nyo Ang ibig kong sabihin?*****
Habang ramdam ko ang init ng semento dahil nga sa naka paa akong nag lakad bahagya akong napahinto nung sandaling maalala ko na kailangan ko palang iinform si froi. Kaya naman hinalungkat ko ang bag na nakasabit sa right shoulder ko atsaka ako ulit nag simulang mag lakad. Suddenly, a car approach fast, Kaya nataranta ako dahil sa pag kabigla na hindi ko alam kung asan ako pupunta para lang maiwasan ang kotseng paparating. At dahil sa pagmamadali ay napatid ko ang sarili kong paa atsaka ako...
....D....U...G...Plakda!!!!!
*****Alam nyo bang numero uno akong careless, at palagi talagang nangyayari to sa akin. Minsan nga feeling ko hindi nakukumpleto ang universe kapag hindi ako napapahamak, kadalasan pa nyan ei nakakadamay pa ako ng ibang tao dahil sa kapalpakan ko. tssssss.....*****
"Ah-aray..."
Ang halos maluha kong sabi sa sarili ko habang pilit na ikinikilos ang katawan ko
*****feel ko talaga na may part na mahapdi, sure akong nasugatan na naman ako.*****
At habang nag papag-pag ng katawan ay biglang may Isang lalaking bumaba sa kotse, Kung saan mula sa malayo ay nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang dahan-dahan nitong pag lapit sa akin.
*****Hindi ko alam kung Anu pero para syang artista o model, kasi napaka elegante nyang mag dala ng damit. Ang totoo medyo common na yong outfit nya dahil sa marami ng mga tao ang nag tutuxedo at nagkokorbata, pero sa tingin ko lahat ata nang nakita kong nagsuot nito ay parang Sya lang ang naka catched up ng attensyon ko, hindi dahil sa naaayon ang pants sa kanyang long-legged, Hindi rin dahil sa bagong polish nyang sapatos na halos pwede ka nang mag salamin dahil sa sobrang kintab, at mas lalong hindi sa shades nya na halos naka angat na dahil sa tangos ng ilong nya.Kundi sa presensya nya habang nakatayo sa harap ko at naka pamulsa. Parang nakita ko na to dati, I mean it reminded me of someone.
"Ayos lang ako"
bungad ko sa kanya habang nag pupulot sa mga gamit kong nakakalat.
"tinatanong ko ba?"
pagsusungit nitong sagot
*****te-teka Anu daw!?*****
"Sandali bulag ka ba!?"
tanong nya sabay alis sa kanyang sunglass
Bakit parang sa tono nya ei parang kasalanan ko pa!?.Kaya naman dali-dali kong pinulot lahat ng gamit ko atsaka ito sinalaksak sa loob ng bag ko, atsaka ako tumayo.
"A-anong sinabi mo?"
tanong ko kasabay ng pag salubong ng dalawa kong kilay
"Ang sabi ko bulag ka ba? at hindi mo man lang nakitang may pa parating na sasakyan?"
Pagrerephrase nya sa tanong nya
*****tssss.....ang yabang!!!! I'll be honest hindi ko gusto ang tabas ng ugali nang lalaking to.*****
"Teka nga, hindi ba dapat nag so-sorry ka sa akin huh!?"
naiirita kong sagot
"Mag so-sorry? sino ako?"
pamaang-maangan nyang turo sa sarili nya, kasabay ng bahagyang pag ngisi ng kanyang bibig na para bang nang-iinis. Tapos kinausap nya yong lalaking matanda sa likod nya na sa tingin koy Lolo nya.
"Bakit kasalanan ko bang pakalat kalat ka!!!"
"ah-anu!!?"
tssss.....ang yabang talaga atyaka anu daw pakalat kalat??? anu ako BASURA??
Pang hihimutok na inis ko habang masamang nakatitig sa kanya.
"Teka may importante akong katawagan sa phone okay! ,atsaka nadapa ako dahil napaka kaskasero nyo pong mag maneho"
sunod-sunod na sermon ko sakanya.
*****Alam nyo naman siguro kong Anu yong armalite noh....yon!!, ganun mismo ang bibig ko kapag naiinis.*****
Sasagot na sana sya, pero napatigil Sya nung lapitan Sya nung sinasabi kong matanda na mukha nyang lolo. Pagkatapos ay napa tingin sya sa akin, atsaka sya nag simulang mag lakad.
"U-ui te-teka saan ka pupunta huh!?"
paghahabol ko naman sa kanya
"Sa-sandali"
sabi ko atsaka iniharang ang right hand ko na parang check point
"Wala ka man lang bang gagawin? Hindi mo man lang ba ako ipagagamot?or kahit sorry man lang huh? Anu!? bakit, di mo Kaya?"
puno ko pa habang nakikipag patentero sa kanya. Ang totoo ako yong tipo ng tao na hindi mapakali hindi umaayon ang sitwasyon sa akin. Makikita nya!!!!
"Teka, empleyado ka ba dito huh!!?, alam mo bang kaibigan ko ang CEO nito,
Nung sinabi ko yon ay napa tagilid sya ng ulo habang nakatingin sa matanda. Teka anu bang pinag sasabi ko???ka kapainterview ko pa nga lang kanina ei!!!!Well, di naman siguro malalaman ng CEO na yun kung gagamitin ko ang posisyon nya sa ganitong sitwasyon noh.Tama!!!tatakutin ko lang tong lalaking to!!
"Kaya baka gusto mong tawagan ko sya ngayon para ipatanggal ka sa trabaho mo!!napaka intribida mo ei, mukha ka naman pormal na tao at desente."
At habang nag sasalita naman ay napansin kong tumatawa yong matandang lalaki sa likod nya.Pero dineadma ko yong matanda, at sa halip ay natuon ako sa kanya habang pina paikutan ko sya ng tingin mula sa paa hanngang sa muka. Actually, napansin ko kasing napaka ganda nyang lalaki!!!
Teka anu ba tong iniisip ko!! Kaya nga napa iling ako para maerase yong sinabi kong maganda syang lalaki.,I mean napaka professional nya.
"Wag mong sabihing sales agent ka??"
Ang tanong ko, kasi diba may mga sales agent ng sasakyan na napaka professional din manamit.
"Ah anong sales agent??"
Sagot nya naman, atsaka ito nag pamulsa. Asus!!! pakunwari pa ang isang to, akala nya naman di sya mabubuko, ay naku!!!wag nya nga akong pinag lololoko marami ng ganyan dito sa mundo noh...Kaya natatawa nalang ako habang nakatingin sa kanya.
'Tayo na!!!"
Ang pag aya nya naman sa matanda sabay suot sa sunglass nya atsaka sya nag simulang mag lakad. Kaya nga hinarang ko sya ulit and dahil sa pag kalampa ay natisod ang paa ko sa sapatos nya. Kung bakit ba kasi ang haba ng sapatos nya??parang pang witch!!!
"AHHHHHH!!!!!!!"
Napa tigil ako sa pag sigaw kasi akala ko lalagpak na naman ako, buti nalang at hindi dahil pag nangyari yon mukha ko na ang mamumudmod sa lupa.No way!!! Buti nalang nakahawak ako, Kaso nag taka ako kung kanino ako nakahawak at isa pa naramdaman kong may nakahawak sa bewang ko, kaya tumingin ako sa unahan ko and nagulat ako dahil hindi naman yong matanda, kasi nakatayo lang sya habang nakatingin sa akin na para bang gulatr na gulat. Wait!!! Dont tell me yong sales agent ang nakahawak sa akin. Ang totoo first time na may nakasalo sa pag ka lampa ko, lagi kasi akong nasusugatan dahil mismo sa kapabayaan ko. Pero nung mag sink in sa utak ko na yong mayabang at intribidong sales agent ang sumalo sa akin ay napabalikwas ako para sana kumawala, ang kaso bago ko pa yon nagawa ay binitawan nya na ako at ang ending ay umuntol ang puwet ko sa semento.Ouch!!!ang sakit talaga!!!Nakakainis talaga, pero okay lang buti hindi yong mukha ko noh!!! Atyaka sya nag simulang nag lakad paalis habang ako naman ay naiwang nakaupo parin at hinahaplos ang balakang ko.
"Ui teka lang saan ka pupunta huh"
Ang sabi ko pa atsaka ako dahan dahang tumayo habang hawak at inaalalayan ang mag kabila kong bewang. PAMBIHIRA!!! kumalas ata ang balakang ko ah. Maya maya naman ay bumalik yong lalaki atsaka nya inabot ang isang maliit na card
"ah-anu to?"
sabay tingin ko sa calling card
"Call them, and they will compensate all the damage. Sana naman in the future di na tayo mag kita!!!???"
sagot nya atsaka Sya tuluyang umalis
"Ho-hoy te-teka sandali?"
Pag hahabol ko pa sana sa kanya, subalit hindi ko na sya nahabol pa. Kaya napahinto ako at hindi dahil sumusuko na ako!! kundi dahil ang sakit ng bewang ko,pinauntol ba naman daw ako, hindi man lang muna ako pinatayo bago ako binitawan!!! Anung palagay nya sa akin BOLA??
"ah...asan na yon? Ang bilis nyang nawala, palibhasa ang hahaba ng biyas ang bilis mag lakad, Anu yon may lahing kabayo?"
Teka anong sabi nya???sana in the future di na tao mag kita???WOW!!!! feeling nya naman noh...Akala mo kung sino mag salita ei para namang galing sa hukay yong boses nya noh!!!! Tssssssssss...Panira ng mood ang isang yon ahhh sarap tirisin.
Alexa....
Napalingon ako nung may biglang tumawag sa pangalan ko, Kaya naman ipinasok ko sa bag ang calling card na bigay ng lalaki sa akin.
Buti na lang bawal mag tapon ng basura dito, at higit sa lahat wala akong makitang basurahan sa paligid kaya Hindi ko naitapon ang calling card. malay ko ba kong PEKE ang Isang yon!