Chereads / Lost Jn London / Chapter 1 - Lost in London

Lost Jn London

  • --
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 2.9k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Lost in London

-Genre: Romance

-Author: Alea

CHAPTER 1

"Dad pleaseee give me some time I really need this" god dammit kaya nga ayaw kung e open yung cellphone ko kasi andaming istorbo

"Almost 5 years kana jan chei. Wala kanang planong umuwi didto? Are you staying there for good?"

Alam ko namang natagalan talaga ang pag stay ko dito sa London. Ayaw ko mang aminin sa sarili ko pero tinatakasan ko yung responsibilidad na ipapatong sakin and I don't want it

"Dad please after 1 year I promise uuwi din ako I just need time okay"

I don't know what to do ang totoo nyan ayaw ko pa munang umuwi and I'm planning here to stay for a while

"Hays chei darling this isn't a vacation, umabot ng years? you should start doing some serious things ang kapatid mo maayos na hinahandle yung company natin ikaw ito parin inaatupag mo puro ka parin adventures at travel"

Biglang uminit yung ulo ko dahil sa sinabi ni dad I'm so full of this sht parati nalang ako yung kinocompare sa kapatid ko palibhasa sya lang yung nakikita parati

"Dad I already told you I don't want the company ibagay mo nalang kay ches I don't need it" agad ko iyong pinatay para hindi na humaba yung usap namin I just need time ayaw ko pang umuwi okay at mas lalong ayaw kong makita yung kapatid ko pero napahinto ako sa pag iisip nang biglang may tumawag uli I see that's my best friend agad ko iyong sinagot

"Hey"

"What"

"Oh mukhang bad mood tayo ah about na naman to sa dad mo" yeah she already know what really happen to my life that's why di nato nagtataka pa

"Like what you've said tumawag nanaman at gustong umuwi na ako" buntong hininga ko

"Chei you think it's a good idea na hindi mo sinabi sa parents mo yung totoong dahilan kung bakit ka natagalan dyan?" I know she's worried about me kaya nga ayaw ko munang umuwi baka malaman pa nila yung ginawa ko dito

"Lana I need this okay ayaw kung umasa sa company namin alam mo naman kung bakit dba? gusto kong patunayan sa kanila na kaya kong bumuo nang sarili kong kompanya kunting tiis nalang at babalik din ako dyan"

"Fine, don't forget about me okay? I'm willing to help here if you need it" lana is my long time best friend sya lang kasi yung pwede kong masasandalan nung sa panahong nahihirap na ako alam kong masyadong risky ang ginagawa ko but this what I want, ayaw ko nang maging anino nang kapatid ko that's why I'm building my own company and my own name

"Hey are you there"

"Uh yeah"

"So what's your plan for now"

"I'm going to meet some client today"

"Oh, bigatin kana pala" she chuckled "Can't believe you did it in your own chei I'm so proud of you" hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi nya

"Di naman, medyo nangagapa pa" sabay tawa ko

"Suss pahumble pa, so I have to go na may pupuntahan pa ako I call you later bye chei love you"

"Ok love you too"

After the call napag desisyonan kong punta muna sa fav cafe ko since its 9:30 in morning may time pa akong tapusin yung design para sa gown, so I drive all the way there

When I entered their cafe di ko pa rin mapigilang mamangha sa interior design nila nakakabighani, so peaceful and relaxing gusto kong tumambay dito magdamag pero hindi pwede I'm really busy for now, I ordered my all time fave café latte and some almond cookies and pay for it naghanap ako nang maganda pwesto at dun ako umupo malapit sa window, while waiting for my order I get my sketchpad and all the stuff that I need for designing and continue sketching

Maya't maya nilapag na nung waiter sa table ko yung order inamoy ko pa yung cafè latte dahil bangong bango ako I sip it slowly then bite my almond cookie sarap talaga hinanap ko yung tissue pero wala akong nakita I think they forgot to give me some of it kaya tumayo ako at pumunta sa counter para manghingi nang tissue pero pabalik palang ako sa table napansin kong may lalaki dun nakatayo tinitignan yung nasa table ko

Tinitigan ko ng mabuti yung lalaki he wear white polo pero naka tupi iyon hanggang siko, nakakunot yung mukha but he has this soft features also tall and well built body, mahaba rin yung pilik mata nya, maputi at namumula pa yung pisngi, completely a mestizo one

"Uhmm you need something?" I ask him paglapit ko sa table nakatitig parin sya sketchpad ko maymaya tumingin sya sakin okay i admit he's definitely handsome

"Is this yours?" he ask me back with a foreign accent

Tumango lng ako bilang sagot

"You do this by yourself?" Tanong nya ulit at agad tumingin sakin

"Yes" sabi ko, he has this jolly tone pero kung kanina akala ko strikto hindi naman pala

"This is amazing your a fashion designer?" puri nya sakin ngayon palang ako nakakita nang ganito ka gwapo well don't get me wrong I met some handsome guy before but this one is different mukha syang italiano na maypagka chinese

"Uh yes I am" hilaw kong sagot sa kanya nakakahiya chei ang gwapo naman nitong lalaking to hehe

"Can I sit here?" nagulat ako sa sinabi nya kala ko aalis nato?

"Ah yes" ang rude ko naman siguro pag tatanggi pa ako dba? umupo sya at umupo narin ako tinignan nya ulit yung sketchpad ko nakakahiya naman

"Your good at this ang ganda" natigilan ako sa sinabi nya wait ano daw? nag tatagalog sya? really? Pinoy to?

"Pinoy ka?" direktang sabi ko sa kanya natigilan sya sandali at tumingin sakin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko

"Pinoy ka rin?" pabalik nyang tanong okay confirmed pinoy kala ko full foreign because of his features

"Oo, kala ko foreigner ka eh hindi halata na pinoy" sabay tawa ko at tumawa narin sya

"That's what other people says pero di ko inakalang makakatagpo ako nang kababayan ko dito na ganito ka ganda" nahiya ako sa sinabi nya bolero masyado okay crush ko sya pogi eh bat ba

"So your a fashion designer? Where do you work?" he smiled when he asked me

"Ly Reyel Clothing Line" diretsahang sagot ko

"Wow you worked there?" parang di nakapaniwala sa sinabi ko

"Yes" hilaw na sabi ko ayaw kong malaman nya yung totoo I tried to low my profile and also ayaw kung mag mukhang mayabang sa harapan nya na ako yung may ari parang ang awkward e

"That's one of the most famous clothing in London your so lucky"

Ngumiti lang ako hindi ko maitanggi na nag bunga talaga ang pinaghirapan ko, last year its like a bomb to me ang daming offers at clients ang nataggap ko even the famous actresses and actors know me because of my designs kaya ito ang dahilan bat ako natagalan dito sa London and my parents doesn't know everything about this

"Ikaw anong trabaho mo" tanong ko sa kanya parang sya lang ang may alam tungkol sakin dito mas maganda siguro pag may alam di ako tungkol sa kanya

"I'm a model pero past time lng yun may company akong hinahandle" simpleng sabi nya wow I think this man is big time halata naman talaga eh lalo na sa pananamit nya bigatin

"Oh kanina pa tayo nag uusap pero di pa kita nakikilala" tawa nya, oo nga pala nakalimotan ko bobo gwapo lng yung nasa harapan limot mo na agad?

"Cheilyn by the way" sabay lahad ko saking kamay

"Treyton but just call me trey" saka kami nag shake hands bango naman nito ka adik pero biglang naputol yung usap an naman dahil may tumawag sakin kinuha ko yun at nag excuse sa kanya tumango lng sya at sinagot ko agad

"Hello"

"Ah ma'am may cliente po kayo dito nag hihintay, yung pinapagaw po daw nilang gown for the red ball gusto nilang makita yung sketch design"

Sht bakit ko nga pala yun nakalimutan, ngayon pala yun

"Okay just tell them to wait lisa I'm on my way there"

"Sige po ma'am sasabihin ko"

Agad ko naman pinatay ang tawag at nagmadaling mag ligpit sa mga gamit ko hays bat ko ba yun nakalimotan yan mas naunsa pa sakin yung cliente

"Nagmamadali ka? May pupuntahan ka?" isa pato eh sa sobrang gwapo pati trabaho nakalimotan ko

"Ah oo eh may cliente akong naghihintay pasensya ka na" pagmamadali ko ako pa tuloy yung nahiya sa kanya dahil sa pagmamdali ko

"No no it's okay I understand"

Sabi nya at tinulongan nya pa akong mag ligpit pagbawalan ko sana sya pero nahawakan nya na kaya hinayaan ko nalang lumabas na ako at nilagay yong mga gamit sa backseat nang sasakyan

"So alis na ako salamat sa tulong mo" sabi ko sa kanya

"Walang anuman maliit na bagay lang, ingat ka" he smiled at me

Parang ayaw ko na atang umalis pero syempre joke lang trabaho muna bago landi dba?

I waved my hand to him at saka umalis na patungo sa opisina ko, kainis nakalimutan kong hingin yung number bobo!

CHAPTER 2

I'm so exhausted buti nalang at naka abot ako kanina pinakita ko lang sa cliente yung gown na gusto nya dahil natapos ko yun nang maaga then she approved it and pay the gown immediately kailangan nalang gawin yun since may sukat na naman yung client ko, sa final fitting nya na babalikan yung gown for the adjustment, after that umuwi na ako sa apartment dahil ala siete na nang gabie si lisa na ang bahala dun

Pag ka uwi ko sa bahay ay agad kong binagsak yung katawan dahil sa pagod di ko namalayan na nakatulog na pala ako

Nagising ako dahil sa lakas nung tunog ng cellphone ko kaya kinuha ko agad at sinagot 

"Hello" namamaos kung sagot 

"Cheiiiiii!" nilayo ko agad yung cellphone sa tenga dahil sa sigaw ni lana its early in the morning nambubulabog na agad

"Don't shout kakagising ko lang" paliwanang ko

"Hehe sorry"

"So?" 

"Do you heard about the news!" 

Sigaw nanaman nya ito talaga si lana nakakairita pwede na maging announcer sa lakas nang boses 

"I said don't shout it's early in the morning you disturb my sleep sigaw ka nang sigaw dyan eh" irita kong sabi sa kanya 

"Eh kasi naman your sister said she own the whole company when the truth is you have your shares too" pagkasabi nya non ay parang napukaw yung atensyon ko at bumangon sa pagkakahiga 

"What do you mean" lito kong tanong 

"Ehh itong inggrata mo kasing kapatid may pa upcoming project she was asked by the media if you two are working together with the new project and guess what? She said na your not in the company anymore parang sinabi nya na din na sya na talaga ang namumuno nung lahat" di na ako nagtataka sa sinabi ni lana kahit nuon paman ches my sister wanted to be on top that's why she really wanted to handle our company in here own hands even without me 

"Hayaan mo na lana alam mong ayaw kong ma involve jan dba? if that's what she wants then let her be"

"Hays naintindihan kita chei pero its better kung umuwi kana muna para malaman mo kung ano na ang nangyayari dito" nalilito ako sa sinabi ni lana what does she mean about sa nangyayari?

"What is all about lana?" taka kong tanong sa kanya "I'm okay here and there's no reason for me to go back there I mean ayaw ko pang bumalik agad dyan" sagot ko 

"Wala.....basta umuwi kana, gusto kong umuwi kana, you don't have to be worry about your company andyan naman yung secretary mo she can handle everything kahit wala ka"

Naguguluhan ako sa sinabi ni lana parang may tinatago to sakin eh amoy na amoy ko

"Lana tell me may alam ka bang hindi mo sinasabi sakin?" banta ko sa kanya at hindi kaagad sya nagsalita 

"A-ahhh ehh chei may meeting nga pala kam-i l-later nalang ako tatawag sayo ulit byeeee" agad naman nyang binaba meron talaga yung tinatago sakin 

I decided to go to the company para e check if may update naba sa mga gowns na pinapagawa nang mga cliente ayaw kong ma disappointed yung mga cliente dahil hindi agad natapos kaya kinailangan kong tignan para malaman ko asan yung pwedeng ayusin 

Pagpasok ko palang sa kompanya agad na akong binati nang mga empleyado I just smiled to them and walked gracefully in the hallway dumiretso lang ako sa office at agad naman akong sinalubong ni lisa yung secretary ko 

"What's the update about the gowns lisa?" tanong ko sa kanya habang nilapag yung bag ko sa table 

"I already check on it ma'am natapos na po yung kay Miss Valiente at Miss Stander yung lima nalang ang kulang patapos na rin yun, pati yung pag process po sa clothes product pinapa ship ko na po sa ibang bansa at yung bagong pasok po na fabric na check ko na po andon na sa stock room also ma'am yung appointment mo kay Mr. Alejo para sa branch nang kompanya wag mo pung kalimutan yung meeting" 

Hingal na sabi ni lisa this is what I like about lisa napaka appropriate nyang mag trabaho walang palya 

"Do I need to raise your salary parang career na career mo na lisa" sabay tawa ko sa kanya at ngumiti naman sya na para bang nabunutan nang tinik 

"Is that all?" tanong ko sa kanya 

"Ahh ma'am may nagpadala po kasi nang invitation letter nilagay ko po sa table nyo kanina pa po umaga dumating" I check my table to find the letter and when I saw it I open the card

Your invited to the Luxe Gowns Fashion Show 2020 as one of the judges held in East Highland Mall in Philippines 

Date: this coming April 19, 2020

Time: 1:15pm-7:00pm

Please email us for your response 

To: Ly Reyel Clothing Line CEO - Cheilyn Zandrea Reyel 

Para akong binuhosan nang malamig na tubig sa nabasa ko di agad na proseso sa utak ko yung nakalagay sa invitation alam kong andami ko nang napuntahang fashion show pero ito yung ayaw ko atang puntahan parang gusto kong ibalik yung invitation at sabihing hindi ako pwede dahil busy ako ayaw ko pang bumalik hindi pa ako handa 

Andito ako ngayon sa conference room para sa meeting hanggang ngayon lutang parin ako at iniisip ko parin kung tatanggapin ko ba yung invitation o hindi, gusto ko nang umuwi at magpahinga feel ko stress na ata ako kahit hindi naman ganun karami ang ginawa ko sa araw nato

"Ah Miss Reyel" pukaw sakin ni Mr. Alejo 

"What is it" tanung ko di ko alam ano ba pinag uusapan nila di ako makapag focus ng mabuti tangina 

"We decided to put a branch in the Philippines since marami tayung empleyado na pinoy yan yung sinasugest kanina we just need your approval" 

Di ako maka galaw sa sinabi ni Mr. Alejo wtf pagkatapos nang invitation ito nanaman bat yun pa pwede naman sa ibang lugar ayaw ko dun 

"So what's your decision Miss Reyel?" naghihintay sila sa sagot ko I don't want to be rude dahil parte naman to sa trabaho ko pero nagdadalawang isip pa ako I need to think wisely before giving my decision 

"Give me your plans and your proposal send it to my email I want to read it again I'll just call another meeting for my decision now dismiss"

Agad naman silang nagligpit ng kanilang gamit at ako namay umalis na dun I'm so hella stress gusto ko nang umuwi at magpahinga and I think I need some hair treatment and new nail polish maybe tomorrow cuz it saturday

It was early in the morning and I received lots of email at wala pa akong time basahin ang mga yun maybe later, bumaba na ako at pumunta sa kitchen I cooked sunny side egg and chicken salad after my breakfast I took a shower dahil may appointment ako sa salon ayaw kong ma late nanaman, I wear white fitted jeans and spaghetti gray croptop and partner it with gray boots and some hoop earrings trip kung mag ootd ngayon eh maybe later I will take some pictures of me for my instagram active ako dun eh

Andito na ako sa mall at papunta nako sa salon when I enter the salon agad naman akong inintertain nang mga bakla at pinaupo na ako dun, sinimulan nang ayusin ang buhok ko since I already have the appointment alam na nila ang gagawin dahil indetailed nayun 

While their busy with my hair ginawa din yung nails ko I'm so relax finally I got some time for myself it's been 2hrs at natapos din yung buhok ko pinaharap ako nung bakla sa salamin at I'm so shock to see the result it's not me I mean parang hindi ako, matagal ko nang gusto mag pa kulay nang buhok its Beeline Honey na parang blonde na may brown hindi ako sanay na ganito yung buhok ko cuz I used to see my hair in black I love it I really love it even my nails are perfect

Agad kung binayaran yun gamit yung card at nag pasalamat sa ginawa nila since tapos na yung lunch pumunta muna ako sa cafe delight dahil nagutom ako I ordered grilled cheese sandwich and caramel cappuccino frappe, pumwesto ako sa labas dahil gusto ko nang fresh air 

While I'm busy looking around nahagip ko ang isang lalaki na papasok sana sa cafe pero hindi pa sya nakapasok ay agad nya akong nakita kaya ngumiti sya sakin

ey chei it's you again" sabi nya na parang hindi makapaniwalang andito ako at ngumiti lang ako sa kanya sinuri nya yung buhok ko na para bang first time nyang makakita nang ganitong buhok 

"Wowww you look so stunning with your hair"

Puri nya pula na ata yung pisngi ko dahil sa sinabi nya yes it's trey hindi ko akalaing magkita kami ulit dito crush ko pa naman to 

"Ahh galing akong salon eh i decided to color my hair for change lang" sabay tawa ko nakakahiya medyo naiilang ako sa kanya dahil ang pogi nya masyado

"Bagay sayo sobrang ganda mo na tuloy" okay kinilig ako dun masyado syang straight forward mag salita ghad 

"Hindi naman" pahiyang sabi ko sa kanya

"Wait I take my order first babalik lang ako" 

"Sige"

While waiting for trey I take some pictures for my foods dahil e popost ko to sa instagram maya maya dumating nadin si trey dala yung order nya 

"So what are you doing here" tanong ko sa kanya

"Well galing akong meeting mag tatake out sana ako dito pero nakita kita kaya dito nalang ako kakain" tumango lang ako and I sip on my frappe even he talked in tagalog maririnig mo paring maypagka foreign yung pagbigkas nya di ko nga alam na pinoy palata to eh full foreign talaga kung titigan mo sya

"So you aren't afraid to gain weight huh" sabi nya na parang sinusuri yung pagkain ko well there's no wrong about eating this food masarap kaya

"Hindi ako weight conscious I can eat what I want" parang namangha pa sya sa sinabi ko 

"Now ngayon lang ako nakakilala nang babaeng walang pakialam sa weight some of my friends are conscious about their weight" 

Well marami rin naman akong kilalang weight conscious but for me I think I'm gonna die without eating this food dapat you need to enjoy it 

Nag chichikan lang kami ni trey about sa meeting nila napag alaman ko ding may kapatid pala sya at pariho silang laking pinas pero dito muna sya nag stay dahil sa kompanya nila and also I ask him to took some pictures of me dahil nga gusto ko mag post sa instagram nahiya pa ako dahil andaming tao at inabala ko pa talaga sya kapal talang nung mukha ko and I took some selfies with him too maybe e popost ko to later 

After the late lunch with trey umuwi na kaagad ako its 6:50 in the evening hindi na ako kumain dahil busog na ako I decided to post the pictures sa insta sinama ko na yung selfie namin ni trey and after that chineck ko lang yung mga email baka may importante nag send so wala namang gaano ka importante dun I just turn off my laptop and do my skincare routine then sleep dahil napagod din ako kanina 

Nagising ako nang maaga dahil sa ingay nang cellphone ko agad ko namang yung sinagot kahit antok pa ako 

"Hello" paos ko pang sabi

"Hello chei yung mommy mo isinugod sa hospital" pagkarinig ko palang agad akong nabuhayan parang hindi mag sink in sa utak ko yung sinabi 

"Po ? Anong pong nangyari" taranta kong sabi 

"Di pa namin alam e sinugod sya sa hospital kanina lang kaya umuwi ka muna dito kailangan ka nang mommy mo" iyak na sabi ni tita, di ko alam kong anong gagawin ko parang hindi ako makagalaw dahil sa sinabi nya ayaw ko pang umuwi hindi pa ako handa pero si mommy kailangan kong makita si mommy kailangan nya ako di ko kayang mawala sya i love my mom so much

"Sige tita bukas uuwi ako" walang pag alinlangan kong sabi kay tita

CHAPTER 3

I step down on the stairs, the breeze reminds me of something hindi ako nakapaniwalang andito na ako nasa pilipinas there's no turning back chei you need to face it agad kong kinuha yung baggage ko at lumabas na pagkalabas ko pa lang nakita ko na si lana na nag tatalon sa saya at kumaway sakin I just smiled at her and waved my hand paglapit ko pa lang sa kanya ay agad nya akong niyakap parang hindi na ako makahinga sa higpit nang yakap nya 

"Omg your here" sabi nya na hindi makapaniwala 

"And omy look at you you've change a lot chei your hair your face and the way you dress you look so different" sinusuri nya ako pa head to foot I just laugh with her reaction

"Oa mo makapag react ako panaman to" tawa ko sa kanya at mukhang iiyak na sya dahil hindi makapaniwala sa nakita niyakap ko nalang sya dahil sa drama nya matagal na talaga tungkol sa nakaraan kaya naninibago lang to

"You look so stunning you grown so much ganyan ba ang epekto nang london sayo? Kung oo pupunta muna ako nang london ang ganda nang resulta sayo eh" biro nya na medyo naluluha pa hinila ko nalang sya baka naka abala na kami 

So how are you?" She ask me while starting the engine of his car

"I'm fine" pagod kong sabi 

"Ah okay....." parang hindi pa na satisfy sa sagot ko "so what with you with that guy na nasa instagram mo" tinaasan nya ako nang kilay na para bang ininbestigahan nya ako 

"Wala yun kakilala ko lang dun" tumawa lang ako na para bang wala lang yun sakin 

"Really? bat may pa heart heart ka pa sa post mo? bat may pa thankyou2 kapa" okay alam kong grabe ka chismosa tung si lana eh lahat nang post ko binigyan ng malisya 

"Okay fine his name is trey I just meet him last week nakilala ko lang sa cafe his friendly kaya ayon naging friend ko at nagkita kami dun sa cafe malapit sa mall sa london it was accident wala ako number nya we didn't communicate kaya sumabay nalang syang kumain sakin" paliwanag ko sa kanya, nanliit ang mata ni lana habang nakatingin sakin na para bang may hinihintay ako sabihin 

"Fine! crush ko yun that's it yun lang" tumawa sya ng malakas dahil sa pag amin ko nakakairita talaga to si lana kainis 

"Yun naman pala eh aamin din pero infairness ang gwapo nun ha punta nga ako nang london at nang makapag bingwit din" sabay tawa nya nag malakas 

"Gaga" sabay tawa ko sa kanya 

Hinatid ako ani lana sa may restaurant because I need to eat breakfast gabi kasi yung flight ko patungo Manila at umaga na akong naka abot gutom nadin ako at may emergency meeting pa si lana kaya di nya ako masasamahan pero okay lang 

"Chei I'm gonna leave you here okay? just text your driver na susunduin ka dito, ihahatid ko nalang mamaya tung mga baggage mo sa inyu and text me if you need anything take care love you" paalam nya sakin tumango lang ako at umalis na din I'm not familiar here in Manila it's been 5 years na akong wala dito kaya andami nang nagbabago, pumasok nalang ako sa restaurant at sinalubong din ako nang mga crew umupo ako malapit sa window dahil dun ang gusto ko inabotan agad din ako nung menu 

"I just want the La Cabrera Steak and the durian shake that's all" nahiya pang tumango yung waiter sakin at umalis din agad 

I took off my sun glasses and place my coat on the couch dahil malaki naman yung couch nila, I'm busy surfing my instagram andaming nag comment sa post ko kasama si trey nagtatanong kung boyfriend ko ba daw pero ni isa wala akong nireplayan baka ma hot seat pa ako inoff ko nalang yung phone ko at tinitignan yung labas na parang sinusuri ko ang buong manila pero bigla kong nahagip ang lalaking papasok sa restaurant kasama ang isang babaeng matangkad pero morena I look at the guy and my heart beats so fast na para bang kakawala anytime, I think I'm gonna fainted right now parang mauubosan ata ako nang hininga dahil sa hindi ko inasahan to, he laughed with the girl na para bang enjoy na enjoy sa topic nila, he's different he's fcking gorgeous times five right now I can't describe his features at mas lalo syang tumangkad even his body change well built body pero biglang nalang nag tama ang mata namin gusto ko nang tumakbo palabas dahil hindi ko ata kakayanin yung tingin nya gusto kong umalis at bumalik nang london his eyes are so intimidating it gives me cold shivers down to my spine oh godness gracious Dyro Sky Hermano is here 

CHAPTER 4

Agad din akong umiwas at binaling ko nalang sa labas yung tingin ko, para akong kinakapos ng hininga hindi ako makagalaw at di ko nadin alam kung anong gagawin ko pero buti nalang at dumating yung waiter at nilapag yung order ko medyo nabawasan yung awkwardness sa loob ng restau o ako lang siguro ata ang awkward dito? nvm pinagtuonan ko nalang nang pansin yung pagkain ko mas mabuting tapusin ko nato at para maka alis na ako agad

Natigilan ako sa pagkain dahil biglang tumunog yung phone ko, its my secretary, lisa, agad ko iyong sinagot 

"Hello ma'am" bati nya 

"Yes? what is it ?" tanong ko sa kanya

"Ah ma'am Mr. Alejo wants to talk to you e connect ko nalang sayo yung linya nya" 

"Okay" sabi ko sa kanya at agad namang nag salita si Mr. Alejo

"Miss Reyel I heard that your on leave sabi nang secretary mo" pagsisimula nya

"Ah yes Mr. Alejo I just arrived here in Manila" 

"Oh that's great so have you decide about the proposal last meeting?" ay oo nga pala nakalimutan ko yun pero tapos ko namang nabasa yung plan and proposal since andito din naman ako why don't I approved it, maganda narin siguro if we put a branch here in Manila 

"Hmm I'm gonna approved the proposal much better if we have a branch here in Manila and since andito na din naman ako I'll just send the updates and information through your email ,maybe I'm staying here in Manila for a while Mr. Alejo just a family matters" sabi ko at nilibot ko yung paningin sa loob ng restau, nahagilap ko si sky kasama yung babae sa may center, suddenly our eyes meet again tinaasan ko lang sya ng kilay at agad umiwas dahil di ko kayang titigan sya ng matagal

"Well that's a good news, just send it to me and I'll check it ibabalita ko din to sa mga board about this project"

"Okay Mr. Alejo thank you" agad ko naman yung binaba para hindi na humaba ang usapan, tinext ko nalang din yung driver namin para magpasundo na dito sa restaurant 

Inubos ko nalang yung shake at pupunta muna sa cr para makapag retouch dumaan pa ako malapit sa table nila sky dahil wala akong pwedeng madaanan, taas noo akong nag lakad patungong cr kahit nangiginig pa ang binti ko sa kaba 

Pagkapasok ko sa cr ay agad akong pumunta sa cubicle ang bilis nang tibok nang puso ko para akong high school student na nag pa puppy love goshh just relax chei tao lang yun hindi kapamamatay, huminga muna ako nang malalim at agad ding lumabas para mag retouch, di ko alam na may girlfriend na pala yung gago maganda na sana kaso mas matangkad nga lang ako, I need to be more professional don't let that man break the wall chei okay? focus! I put some powder on my face and lipstick on my lips and viola pwede na akong lumabas 

Lalabas na sana ako nang biglang may lalaking sumadal sa pader kaharap nung cr napatalon ako sa kaba dahil sa bigla bigla nyang pag sulpot sa harapan ko sht anong ginawa nya dito, tinignan nya muna ako head to foot bago nag salita

"So your finally here" walang emosyong sabi nya hindi parin sya nagbabago ang lamig parin nyang makitungo, ang sarap nyang hambalusin pagkatapos nang ginawa nya sakin

"And so? dehado ka?" pagtataray ko sa kanya aalis na sana ako dahil wala akong panahon makipag usap sa kanya at lalong hindi ko rin kayang tignan sya nang harap harapan mas lalong lalambot lng yung binti ko pero bigla nya nalang hinigit yung braso ko palapit sa kanya, wtf!

"You've change" tumingin sya sa mga mata ko na para bang may sasabihin pa sana sya, hinawi ko yung braso ko sa pagkakahwak nya 

"Come on sky it's almost 5 years, normal sa tao ang magbago" walang gana kong sagot sa kanya nakita ko namang napayuko sya ng konti sa sinabi ko, oh c'mon sky don't tell your guilty? kapal din ng mukha mong hinayupak ka eh no?

"It wa jus-" 

"You don't need to explain, I don't care anymore" hindi ko na sya pinatapos at umalis na buti nalang at hindi nya ako sinundan nakita ko yung babaeng kasama nya na nakatingin sakin tinaasan ko lang sya ng kilay at nilagpasan

It's been 5 years pero yung sakit parang kahapon lang, oo may mali ako!, mali ko yung magpakatanga sa isang tao na alam ko namang hinding hindi ako babagay sa mundo nya. Hanggang ngayon ang linaw parin nang nangyari nuon kahit anong gawin kong limutan yung nakaraan, mananatili paring ako ang luhaan kaya kinailangan kong buohin yung pader para lang e ligtas yung natitirang ako, 

CHAPTER 5

-----FLASHBACK-----

"Cheilyn bring this" sabay bigay ni ches sakin nong costume nila para sa cheerdance "e daan mo sa room ko mamaya don't be late" sabay irap nya sakin. 

"Pero ches may quiz kami mamaya baka papagalitan na naman ako ni Sir Fajardo" ang layo nung building ni ches sa building namin 5minutes nalang start na yung quiz namin

"Aba't pati yan lang di mo magawa, puro ka reklamo yan lang naman inutos ko sayo ah ang dami mo pang satsat" galit na sabi nya, kahit kelan di ko talaga kayang ipagtanggol yung sarili ko, ches is my older sister I always obey her dahil yun ang sabi nila, na kung sino daw yung mas nakakatanda dapat irespeto. Huminga muna ako ng malalim at saka kinuha yung costume ni ches at nagmadaling lumabas sa mansyon namin, gusto ko sanang sumabay sa kotse ni ches pero alam kong ayaw nya kaya wala akong choice kundi kay Manong Rez nalang ako nagpahatid 

Tingin ako ng tingin sa relo ko dahil 3minutes nalang quiz na namin at andito pa ako may labas ng school namin 

Agad naman ipinark ni Manong Rez yung kotse sa kilid at tsaka ako nagmadaling lumabas 

"Bye Manong Rez" paalam ko sa driver namin, tumakbo na ako papasok sa gate kulang nalang liparin ko yung daan patungo sa building nila ches dahil sa pagmamadali ko. Hingal na hingal akong umakyat sa hagdanan nahihirapan pa akong dumaan dahil sa daming estudyante. Tinignan ko yung relo ko 1min nalang sht 

Paakyat na sana ako sa 3rd floor nang bigla kong nabangga yung lalaki, natapon ko pa tuloy yung damit ni ches pero bago ko pa mapulot yun may una nang pumulot non

"Hey is this yours" sabi nung lalaking nakabangga ko kanina, may hawak syang libro sa isang kamay nya at yung isa nya namang kamay ay inabot nya yung paperbag ni ches I look at the guy, napaawang yung labi ko, damn he's so handsome ang tangkad nya, yung pilik mata ang haba pati yung labi perpektong pagkahulma pero isa lang yung naka pukaw sa atensyon ko, yung mata nya ang ganda it's like hazel brown nakakalulang tignan, honestly this guy is fcking gorgeous ngayon lang ako nakakita ng ganito ka gwapong lalaki na para bang perpekto ang pagkakagawa 

Bigla lang akong nabalik sa ulirat ng nilapag nya yung paperbag sa harap ko at tsaka tinalikuran ako habang binalik ang atensyon nya sa pagbabasa. Who's that guy?

Tsaka ko nalang ako nakagalaw ng biglang tumunog yung bell sa school, shit late na ako. Dali dali ako umakyat pa 4th floor dahil nandon yung room nila ches. Pagkakita ko sa room nila agad ko naman tinawag si Miranda yung classmate nya, parang nandidiri pa syang kinuha yung paper bag sakin, tinatawanan pa ako ng mga kaklase na lalaki ni ches dahil ang badoy ko daw pero hindi ko na yun pinansin dahil late na ako sa quiz 

Pagpasok ko sa room nakita ko yung mga kaklase ko na busy sa pag sasagot nung quiz, kinabahan ako dahil late nanaman ako, bigla akong nakita nung prof namin na si Mr. Fajardo 

"Late ka nanaman Reyel!" sigaw nya sakin nangagatog na ako sa kaba dahil lahat ng atensyon ng mga kaklase ko ay na sakin na

"Sorry po Mr. Fajar-" tinaas nya yung kamay nya para tigilan akong mag salita 

"Get out, I already warned you last time! Get out! your score will be immediately zero in this quiz" nanlumo ako sa sinabi ni Mr. Fajardo, agad naman akong umalis at pumunta sa likod nung school building namin patungo sa garden, kahit anong gagawin kong pagmamakaawa alam kong hindi talaga matitinag si Mr. Fajardo, alam yun lahat ng mga estudyante dito dahil isa sya sa mga terror prof ng East High, napayuko akong umupo sa bench nang garden, gusto kong umiyak sa inis at panghihinayang dahil ang laki nung items sa quiz namin tas zero ako.

Bigla nalang ako humikbi dahil hindi ko na mapigilan. Napuyat pako sa kakaaral ko roon yun naman pala di ako makapag take sa quiz. I took off my glasses dahil hindi na ako halos makakita dahil sa luha ko pinunasan ko lang yun at tahimik na sinuot ulit yung glasses ko. Tahimik kong kinuha yung snack ko sa bag, ayaw kong pumunta sa canteen baka pag tatawanan na naman ako dun. Kinain ko nalang yung tuna sandwich habang sumisinghot ako dahil kakagaling ko lang umiyak, kainis! hahanapin ko sana yung panyo sa bag nang biglang may naglahad ng panyo sakin. Tumingala pa ako para makita kung sino yung may ari nung panyo 

Naestatwa ako dahil sa hindi ko inasahang siya yung may ari, siya yung nakabangga ko kanina ah, natulala nanaman ako habang nakatingin sa kanya, masyado syang gwapo nakakainis.

"Here" sabay lahad nya ulit nung panyo, yumuko ako para e tago yung mukha ko sa kanya, nahihiya ako at natatakot na baka husgahan nya ako 

"No, no I'm fine" tanggi ko sa kanya. Nakakahiya naman kung tatanggapin ko diba? mukhang mas kailangan nya pa yung panyo kesa sakin kaya no 

"Just get it hindi ko yan ginamit" malaming na sabi nya habang seryoso yung mukha nya, kinuha ko nalang yun ang tsaka pinunas sa ilong ko. Ang bango nung panyo nya nakakaadik, ano kayang pabango nya ? Parang gusto ko atang bumili. Nahiya ako bigla dahil nakalimotan kong andito pa pala sya dala dala parin yung libro nya 

"Ahhh salamat dito, ibabalik ko rin to" sabi ko sa kanya sabay yuko dahil nahihiya ako 

"No, just keep it, I think you need that" ang lamig ng boses nya wala man lang ka emo emosyon, hindi ba sya marunong ngumiti? sayang ang gwapo pa nya naman 

Bigla nya nalang ako tinalikuran para umalis pero tinawag ko sya ulit

"Ah kuya salamat ulit dito" nahihiya pang sabi ko, dahil di ko naman alam yung pangalan nya at nahihiya din akong magtanong, tumango lang sya at umalis na, nakita nya siguro yung pag iyak ko dito nakakahiyaaaa naman cheiiii.

Umalis narin ako sa garden at pumasok sa next class ko, umupo lang ako sa may likuran at nanahimik nalang 

"Andito na pala si badoy oh" bigla kong narinig sabi nung mga kaklase ko tumawa lang sila at hindi ko na pinansin nasanay na kasi akong ganito lang palagi

Dumating na yung prof namin at nakining nalang ako hanggang sa natapos na yung klase. Sa susunod nito may free time akong 1 hour, since 3rd year college na ako ngayon medyo nakaluwag ako dahil sa free time pwede kong gawin yung mga project namin para wala na akong iisipin pa

Napahinto ako sa ginawa ko dahil biglang dumating si lana yung ka isa isa kong best friend 

"Ano tung nariring ko na hindi ka daw pinaquiz ni Mr. Fajardo" simulang sabi nya sigurado akong nakikinig na naman to sa chismis kaya alam nya agad 

"Wala yun, late kasi ako" paliwanag ko sa kanya, tinignan ko sya at biglang napakunot yung nuo nya

"Tungkol na naman ba to sa kapatid mo" alam na alam talaga ni lana ang tungkol dito kaya nga minsan di ko na sinabi sa kanya yung mga problema ko dahil papangaralan na naman nya ako, ayaw nya kasi kay ches yung kapatid ko masyado daw mayabang nag fefeeling 

"Lana ches is my sister, that's what sisters do right?" paliwanag ko sa kanya para manahimik na sya, pero parang mali ko pa ata because she laugh with a sarcastic tone

"Wow, that's what sisters do ba kamo? eh bakit parang ikaw pa ata yung alalay nya dito? mukha ka bang alalay nya? sa pagkakaalam ko kasi kapatid ka nya" litanya pang sabi ni lana sakin, lana really hates my sister dahil hindi na raw maganda yung trato ni ches sakin, I know about that pero wala akong magawa, I'm just the shadow while ches is the spot light ayaw kong makipag kompetensya sa kanya dahil alam kong hinding hindi ako mananalo 

"Lana hayaan muna, tapos na naman eh" malumanay kong sagot sa kanya

"Oo nga tapos na, pero ano? tapos narin yung score mo? my god chei kelan mo ba ipagtatangol yung sarili mo" lana really wants me to fight my rights pero hindi ako ganung klaseng tao maybe I'm weak and afraid? basta ayaw ko nang gulo.

"Please lana wag na muna nating pag usapan yan" sabi ko para maputol na yung pagsasalita nya, ang ingay nya eh ang dami ko pang ginagawa 

"Okay fine" pagsang ayon nya sakin at tahimik na umupo sa harap ko 

CHAPTER 6 

In the next day maaga akong pumunta sa school dahil ayaw ko na ulit ma late, buti nalang talaga at busy sila ches ngayon dahil sa upcoming cheerdance competition nila kaya hindi sya umuwi didto at yung parents naman namin wala dahil may business trip sila, ako nalang tuloy yung natitira sa mansyon namin pati yung mga maids but it's okay I understand 

Papasok na ako sa gate ng school patungo first sub ko kay Mr. Fajardo, since 6:30am pa naman at yung pasok namin ay 7:30 pa napag desisyonan kong pumunta muna sa library medyo marami narin yung mga estudyante dahil yung iba siguro mas klase na 6am 

Tahimik akong pumasok sa library may estudyante din naman pero hindi gaano karami, umupo ako sa dulo at nilapag yung bag tsaka kinuha ko yung sketchpad dun. I'm BS Fine Arts at 3rd year ko na ngayon but I'm still learning with the design specially in detailed, hindi rin madali pero kung gusto mo talaga so there's no wrong for you to give up right? bata palang ako gusto ko nang mag desinsyo ng mga gowns I like playing fabrics and needles that's why my lola taught me how to sew kaya mas lalo kong nagustuhan yun at pinili kong maging course sa college. Someday I want to become a famous fashion designer, that is my dream

Bigla akong napalingon sa katabi kong table dahil may dalawang babae dun na tumitili 

"Omg si Sky andito" tili nila pero mahina lang dahil papagalitan sila nung librarian namin 

"Ang gwapo nya talaga no? Pero balita ko wala pa syang girlfriend, mag apply kaya ako" sabay tili na naman nung mga babae, tumingin ako kung san sila nakatingin, isang lalaking naka v-neck white t-shirt at pants, tinitigan ko pa dahil medyo nakayuko sya at kausap niya yung librarian namin, biglang nyang nilibot yung paningin sa library hanggang sa nakita nya akong nakatingin sa kanya shit agad naman akong umiwas dahil sya yung gwapong lalaki na nabangga ko ka hapon pati narin sa garden, itinuon ko nalang yung atensyon ko sa sketchpad at nagkukunwaring busy pero ang totoo nyan naghuhurmetindo na yung puso ko sa kaba

So Sky pala yung pangalan nya pero bat parang ngayon ko lang sya nakita sa East High? transferee siguro o baka naman exchange student? Yung mga babae naman sa tabi ng table ko para paring binubudburan ng asin dahil dun kay Sky, inangat ko medyo yung tingin ko para makita kong san sya umupo pero laking gulat ko nalang na umupo sya sa mismong table ko at sa harapan ko pa! takte hindi ako makagalaw sa kaba para akong estatwa dito pero kung tignan ko sya para namang wala lang sa kanya, ano na naman tan chei 

Syempre wala naman talaga tong pake sakin eh sa sobrang gwapo ba naman nito mapapansin pa kaya tung pangit kong mukha tss imposible, itinuon ko nalang ulit yung atensyon ko sa sketchpad pero wala akong maisip na design. Tignan ko ulit sya seryoso nyang binasa yung libro na kahapon yun din yung libro na hawak hawak nya, biglang akong napaisip, ngumiti pa ako at binalik ko yung tingin sa sketchpad at ginuhit sya.

I started with his small face down to his jaw, tumingin ulit ako sa kanya at menimemorize ko yung mukha nya pati yung buhok then back to my sketchpad, I draw his messy hair but really suits to him. After that I started his nose and lips palihim pa akong tumitingin sa kanya para hindi nya ako mahalata baka kung ano pang sabihin nito sakin eh then continue sketching napahinto ako dahil yung mata nya nalang yung kulang, this is my favorite part of him, his eyes, I stared at him for a while then continue sketching his eyes, inayos ko pa yu nang mabuti para kuhang ko kuha ko talaga. I stopped when I realized it's done I look at the sketchpad and man who sits in front of me. It's perfect

"Are you done?" napahinto akong tumingin sa sketchpad nanlamig ako bigla na para bang gusto ko nang magpakain sa lupa, gusto kong magtago, di ko alam kung ano yung gagawin ko, ako ba yung kausap nya? o baka ibang tao, tumingin pa ako sa paligid at nakita kong ako lang yung mas malapit sa kanya, lumunok pa ako bago tumingin sa kanya. Seryoso yung mukha nya walang ka emo emosyon pero bat ang gwapo nya padin?

"Let me see" kinabahan na talaga to the max parang sasabokg na yung puso ko sa lakas nang tibok nito shit 

Hinintay nyang ibagay ko sa kanya yung sketchpad nagdalawng isip pa ako kung ibibigay ko ba o hindi pero wala ako choice kundi ibigay sa kanya 

Kinuha nya yun at tinignan nang mabuti pero nagulat ako nang biglang syang ngumiti at dun ko pa napagtanto na may dimples pala sya omg this guy is fcking handsome, salong salo nya lahat nung nagpa shower si Lord nang ka gwapuhan eh, ang unfair nya masyado 

"Your good, can I have it?" para akong lumutang sa langit nang gusto nya hingin yung sketch, shit maganda ba yung pagkakagawa ko? bat gusto nya hingin yun? bobo good nga dba? agad naman akong tumango at ngumiti sa kanya, binalik nya sakin yung sketchpad tsaka ko kinuha yung papel dun at binigay sa kanya agad din nya naman tinanggap. Tinignan nya pa ulit ito at tsaka sa nagsalita

"Thank you" 

Ngiti nyang sabi kahit seryoso yung mukha nya at umalis nadin, ako naman para akong tangang naka ngiti hindi maalis sa isip ko na hiningi nya yung gawa ko, all this time alam nya pala na ginuhit ko sya shit nakakahiya huhue may patingin tingin pa ako kanina yun naman pala alam nya huhue ang boba ko talaga arghhh!

At dahil nag bell na umalis na din ako sa library para pumunta sa first sub. Nag discuss lang kami buong ayaw may mga prof din na may binigay na project at assignments. 

Tinext ako ni Lana kanina na hintayin ko raw sya dun sa back gate nang East High dahil sabay kaming mag didinner. Maya't-maya nakita ko narin si Lana at agad naman syang lumapit sakin 

"San tayo mag dinner?" tanong ko sa kanya, inakbayan nya naman ako at nag lakad nadin kami palabas

"Gusto kong kumain sa Bonchon nag ccrave ako sa food nila" paliwanag nya, pumayag na din akong don nalang kami mag dinner hindi naman ako pihikan sa pagkain eh 

Andito na kami sa Mall ngayon hinatid kami nung driver ni Lana kanina, tinext ko narin si Manong Rez na wag nya na akong kunin dahil kay Lana nalang ako magpapahatid mamaya. We entered in Bonchon at siya na yung nag order, sabi nya libre nya raw kaya wala na akong sinabi pa libre eh masamang tanggihan yung libre 

Pumwesto kami malapit sa window at nagsimula nang kumain natawa pa ako dahil hindi talaga marunong mag chopstick si Lana kahit anung aral nya, natatapon nya lang yung pagkain kaya kumuha nalang ako nang spoon at fork para sa kanya 

"Ba't ba hirap mag chopstick" pagdadrama nya habang inabot ko yung utensils sa kanya 

"May spoon and fork naman kaya okay lang yan" paliwanag ko sa kanya habang tumawa

"Eh gusto ko nga mag chopsticks" lungkot nyang sabi, di ko alam kong bat ba di nya matutunan yon tinuruan ko na sya nuon pa pero hindi nya parin nagagawa nang maayos nasasayang lang yung pagkain 

Kinain ko na yung beef bibimbowl ko habang si Lana naman naka tingin pari sakin, sinusuri pa nya kong paano ko ginamit yung chopstick, natawa nalang ako sa reaksyon nya dahil gustong gusto nya talagang matutunan 

"Buti kapa chei marunong kang mag chopstick" lungkot na sabi nya, natawa lang ako sa kanya 

"Kumain kana tuturuan kita sa susunod" pagkasabi ko nun lumiwanag naman agad yung mukha nya at kinain nalang yun chicken bibimbowl nya

CHAPTER 7

Tapos na kaming kumain ni Lana, nag uusap lang kami sa nangyari sa araw nya ngayon pero napaisip akong e tanong ko kaya kay Lana baka may kakilala syang Sky eh

"Lana may kakilala ka bang nag aaral sa East High na Sky yung pangalan?" pagtatanong ko sa kanya, baka may kakilala sya eh, alam ko ring masydo syang madaming source of information kaya baka meron syang alam 

"Sky?" napatigil sya habang nag iisip "wala akong kakilala na Sky eh" simpleng sagot nya, napa buntong hininga nalang ako, kala ko kilala ni Lana yun eh sa gwapo non syempre marami talagang babae ang makakilala sa kanya 

"Yung matangkad at gwapo na palaging may hawak na libro" paliwanag ko sa kanya, bigla syang napahinto sa sinabi ko sabay taas nung kilay nya 

"You mean Dyro Sky Hermano?" yan pala yung full name nya? pero bat ang familiar nung surname nya? parang narinig ko na yon nuon eh 

"Sya ba yan?" tanong ko baka kasi hindi pala yan yung tinutukoy ni Lana iba pala 

"Duh? walang ibang matangkad at gwapo na palaging hawak yung libro kundi sya lang" habang ginagalaw pa ni Lana yung straw sa coke nya, baka nga sya ata yun 

"Huy ba't ka nagtanong? crush mo yon?" tintigan pa ako ni Lana na para bang aamin na ako 

"Huh hindi ah nagtatanong lang ako kasi yun yung nararinig ko sa mga kaklase ko" half lie half true, sa totoo lang hindi maitanggi na gwapo talaga yung si Sky hindi ko nga ma describe basta ang perpekto nyang tignan 

"Nako chei kung may gusto ka dun tigilan mo na yan, andaming nagkakandarapang babae non" pagbabanta sakin ni Lana sabay inom nya sa coke "yung nga lang hindi yun kumakausap nang babae eh napaka snob daw non" hindi kumakausap nang babae si Sky? e bat nya ako kinausap nung nasa library kami? I mean oo seryoso nga yung mukha nya at masasabi mo talaga na snob sya dahil walang ka emo emosyon pag titgan mo sya pero kahit ganon hindi mo parin maitatangi na sobrang gwapo nya talaga

"Transferee ba yun Lana o exchange student?" tanong ko ulit kay Lana, parang na curios ako bigla sa pagkatao ni Sky masyado kasi syang tahimik eh 

"Hindi, ayon kasi sa naririnig ko minsan lang daw pumapasok si Sky sa klase pero sobrang talino daw non, 4th year college na din yun eh business and administration yung course sila nga may ari nung HN Mall pati yung Western High University" kaya pala familiar yung surname nya sila pala may ari non? hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Lana hindi lang sya gwapo ang yaman din pala nila, grabe hindi ata kaya e sink in sa utak yung info nga binigay sakin ni Lana 

Habang tumtingin ako sa labas nahagip ko si ches papasok din sa Bonchon kasama yung mga ka squad nya sa cheerdance tumatawa pa sya habang bag uusap sila, nagkatingin kami bigla pero inirapan nya lang ako sa para bang walang pakealam na andito ako iniwas ko nalang din yung tingin at tinuon kay Lana pero pagkatingin ko kay Lana bigla nya nalang hinablot yung kamay 

"Tara ka chei mas maiging umalis na tayo dahil andito pala yung inggrata mong kapatid eh" sabay kaladkad nya sakin palabas, nakita nya siguro si ches kaya ayaw na nya don, mainit talaga ang dugo ni Lana sa kapatid ko 

Tinawagan nalang ni Lana yung driver nya para makauwi na kami at hinatid nya ako sa bahay

"Bye Lana ingat kayo" sabi ko sa kanya kinawayan nya din ako at umalis na pumasok di ako sa bahay at sinalubong nong mga maids

"Chei hija kumain kana ba?" tanong sakin ni Manang Helma 

"Ah opo manang tapos na po, kumain po kami ni Lana sa Mall" ngumiti lang sya sakin at umakyat na patungo sa kwarto ko, siguro hindi dito matutulog si ches baka sa friends nya dalawang araw naring hindi sya umuuwi dito eh 

I took off my glasses at pumunta sa cr just to take a hot shower para makatulog na din ako 

It was Friday in the morning nang nagising ako dahil sa ingay, naghilamos agad ako at sinuklay yung buhok ko habang tinignan yung wall clock, 6am pa naman at isang subject lang yung papasukan ko mamaya tsaka 8:30 pa yon mag sstart so mataas pa yung time ko 

Bumaba na ako sa hagdan at nakita ko kaagad si mommy at daddy, umawi na pala sila, tumakbo ako at ni yakap si mommy 

"Oh goodmorning Cheilyn" bati sakin ni mommy habang yakap ako 

"I miss you mom" sabi ko sa kanya at tumawa lang dahil sa sinabi ko, namiss ko sya sobra, last last week ko pa kasi sya nakita 

"So this is for you" sabay abot ni mommy sa tatlong malalaking paperbag tinignan ko yun at nakita kong bag at sandal ang mga yun 

"Thank you Mommy" yinakap ko ulit sya, nakita kong nakatingin si ches sakin at inirapan nya ulit ako, akala ko ba hindi sya uuwi dito

"Your welcome darling" mom kissed my cheeks and I just giggled

"Kaya nga hindi tumataas yung grades nyan dahil inispoil mo palagi" sabat ni daddy bigla akong napayuko dahil sa sinabi nya nahiya ako bigla. I sucked when it comes to my academics pero hindi naman gaano ka baba yung grades ko kumbaga average lang pero daddy expect us to be on top that's why he admired ches better than me

"Hindi naman mababa yung grades ni chei daddy ah, nasa average naman yun" pagtatanggol pa sakin ni mommy, she winked at me. I'm so lucky that I have mom siya lang yung nagtatanggol sakin pagdating sa ganito, she always save me from dad that's why I'm so thankful to have her 

"Oo average nga pero bat di mo gayahin tung kapatid mo? look at your sister, ches maintain her grades just to be on top at ikaw, fine arts nga lang course mo di mo pa magawang pumasok sa rank" 

Mas lalo lang akong napayuko sa sinabi ni daddy, he likes ches better than me, nuon gusto nya talagang mag business ad ako para pariho naming ihahandle yung kompanya ni ches in the near future but that's not my passion, I love designing kaya nagpatulong ako ni mommy na kunin yung course na gusto ko pero kahit saang anggulo ko man tignan lamang parin si ches sakin, kung e kukumpara ako sa kanya ang layo ko talaga, ches can maintain her grades while joining the cheerdance at ang dami nya pang kaibigan she really knows how to socialize with others, that's why ibang iba talaga ako sa kanya, habang ako? lana is my only friend at binubully pa ako dahil ang badoy ko raw manamit and I don't even know how to socialize with others parang hindi daw ako anak nang isang Reyel, ba't yung kapatid ko maganda at ako hindi anyway I'm used to it. I'm just the shadow while ches is the spotlight. That's our difference