Naranasan mo na bang matulog ng gising
Na sa bawat segundo ang dala'y hinagpis
Isang paslit na nabuhay sa paghihinala
Kailan nga ba makakamtan ang hustisya
Ni minsan ay di sinubukang buksan ang mata
Kaya naging alipin ng pag iisa
Pusong nais kumawala sa tanikala
Na kailan man ay di makikita ng mata
Pusong napuno ng galit at pait
Ano nga ba ang magiging kapalit
Isang mahimbing na tulog lamang ang nais
Ngunit kailan nga ba makakamit
Panahon ay lumipas
Ngunit bakas padin sa puso ang dinanas
At ng ika'y kinilala
Pagtanggap ay aking nakuha
Mundo sa aki'y pinakilala
May kislap parin pala
Ang matang muntikan ng mabulag sa paghahanap ng hustisya.
-Seanne