Year 2018
"Welcome Junior High School students please be minded to enter the class on or before the specified time for your class" An announcement from the principal of Horizon Happy Valley School.
Eversince na bata ako dito nako nag aral napaka bilis ng panahon noon nakikipag takbuhan lang ako at nakikipag laro malapit sa flag pole ngayon andito nako sa taas at tinitingala ang matayog na flag.
Last school year ko na sa school nato nakakamiss naman, andami kong nakilala, naka away at nela experience dito saksi ang school nato kung paano ako nag glow up at hinubog ng mga pang yayare sa buhay ko.
Marami narin akong naging close na teacher at halos lahat sila marinig lang ang apelyido ko na Doxon malalaman agad nila na ako. At sa talaga ng 12 years kong pag aaral dito wala akong naging record or napatawag sa office.
Mukhang panahon na para mag rebelde HAHAHAHA. Dito ko rin nakilala ang mga life time friendships ko. Sina Ann, Elly, Lee Yen, Joyce, at Jin. nabansagan kaming girl power dahil sa lahat ng groupings mag kakasama kami.
"Lalim ng iniisip natin ah" singit ng isang pamilyar na boses.
"Oy Nhiel andito kana pala ang aga mo ah" bati ko sa kanya.
"Di ako natulog eh walang aircon HAHAHAHA" pag bibiro nito.
Si Nhiel Garcia ay isa sa mga weirdo kong kaibigan pero mabait siys, palabiro, kahit na madalas siyang tahimik nakilala ko siya nung first year high school tranferee siya from a very far away province.
"Napaka useful ng aircon natin dahil dun nakakatulog ka, kawawa grades mo tulog din HAHAHAHA" pag bibiro ko sa kanya.
"Shh porket lamang ka sa talino wag ganern lugi kami, pogi lang panlaban namin" pag mamayabang nito at may pa hawi pa ng buhok.
Hays mga lalake ng naman walang ibang ginawa kundi ipag malaki ang mukha.
"Ewan ko sayo... Che!" iniwan ko na siya at pumasok sa room para mag basa basa ng libro, kahit first day pala siyempre dapat palaban na sa knowledge.
Kaming dalawa palang sa room marahil sobrang aga pa nga ang klase namin ay 8 pero pumapasok ako ng 6:00 at 6:15 palang ngayon.
Oo na napaka aga ko, eh kesa naman maipit ako sa traffic minsan nga napag kakatuwaan ako ng mga kaklase ko at sinasabing tinutulungan ko daw ba yung guard sa pag bukas ng classroom. Mga loko talaga.
"Athena..." tawag nito sakin at inaagaw ang attensyon ko habang hawak hawak ko ang libro, tumabi ito sa akin.
"Dito nako uupo ah HAHAHAHA" awkward nitong sabi na tinanguan ko lang.
"Balita ko yung apat mong kaibigan lumipat na ng school" panimula nito.
"Kaaga aga ah wag mo sirain mood ko iiyak nanaman ako" paninita ko sa kanya. Hay naalala ko nanaman kamingdalawa nalang ni Marie ang naiwan sa school nato, nakakamiss makasama sila tapos tatambay kami sa lobby para mag greet sa mga juniors, seniors at teacher namin haist.
"Joke lang di na nga" pabirong saad nito at sinandal ang ulo niya sa balikat ko. Tinulak ko iyon palayo gamit ng isang daliri ko pero pinipilit niyang ilaban.
Kaya naisipan kong lumipat ng upuan na malayo sa kanya HAHAHAHA. Tinignan niya lang ako na para bang nag mamakaawa aww.
"Lumayo ka sakin baka mamaya kopyahan mo lang ako" pang aasar ko pa sa kanya.
Kapwa natahimik kami sa loob ng classroom, isa isa na silang nag dadatingan kaya di ko narin siya napansin.
"Tinaaaa kala ko lilipat ka, kala ko iiwan mo rin ako huhuhuhu!" Excited na tawag sakin ni elly at sinalubong ako ng malaking yakap.
"Nakatadhana akong mag tapos dito HAHAHAHA since kinder dito nako lumaki iiwan kopa ba tong school nato" Pabiro kong tugon sa kanya.
"Beh... may chikabells ako sayo huhuhuhu" pabungad nito.
"Tara dun tayo sa labas ng room" aya ko sa kanya, tumingin tingin ako sa paligid at napansin ko ang mapag matyag na mata ni Nhile inirapan ko siya kasi para siyang timang.
Lumabas na kami ng classroom at umupo sa isang mahabang lamesa na nakatapat sa mistulang city lights namin tuwing gabi pag late na kami nakakauwi.
3 years nadin akong nag sisilbi bilang ssg secretary kaya gamay ko na mga paper works at biglang student guidance kami rin ang nag kakasundo sa mga mag kakaaway na iba't ibang section or mag kakaklase.
Napansin kong mugto nanaman ang mata niya hay nako may problema nanaman silang mag jowa. Sarap mamutol ng itlog hays.
"Go spill the tea na elly" pag pipilit ko sa kanya.
"Kasi... behhh huhuhuhuhu!" di pa man din nag sisimula ang mga dapat niyang ikwento nauna na ang pag patak ng luha niya.
since first year high school nagong mag on na sila ni Mark paulit ulit ang nangyayare sa kanila ilang days lang mag bre-break tas mag kakablikan na ulit ilang beses na nag cheat si Mark sa kanya pero ewan ko ba paulit ulit siyang bumabalik sa lalakeng yun napaka rupok. Wala naman akong magagawa kasi desisyon niya yun sa buhay tsaka mahal na mahal niya talaga si Mark kahit ganun yun.
"Sino nanaman ba naging sidechick niya sisipain ko na talaga bayag nun eh" pag babanta ko.
Di siya nakapag salita at patuloy lang sa pag iyak kaya inabot ko sa kanya ang panyo ko na may design na mga bulaklak.
Lumapit ako sa tabi niya at tinapik tapik ang likod niya, di muna ako mag sasalita mukhang kailangan niya lang ng comfort.
Sa aming mag kakaibigan si Elly na pinaka close ko, sinsabi namin sa isa't isa mga problema namin kumbaga dun namin nahanap yung comfort sa isa't isa kahit mag kaiba kami ng pinag dadaanan pero kumpirtable kami na nag ra-rant sa isa't isa tsaka tinutukungan din namin na ma overcome mga problema namin. Napaka swerte ko at naging kaibigan ko si Elly.
"May nakilala siyang babae sa isang public school Louisa ang pangngalan napaka pokpok at higit sa lahat sobrang landi" gigil na saad nito, habang pinupunasan ang mga luha niya.
"Nabasa ko yung chats nila tapos itong si ate ghurl huhuhuhu nag sesend ng nude pic kay Mark tapos tuwang tuwa naman si Mark at binibigay sa mga kaibigan niya hotaness" nakikita kp ang sobrang asar niyang mukha na nag bibigay ng pa v na porma sa mukha niya.
"Easy tumutulis ready ka nanamang manaksak eh... charot lang labyuuu" pag bibiro ko sa kanya.
"Easy tumutulis ready ka nanamang manaksak eh... charot lang labyuuu" pag bibiro ko sa kanya.
"Tina naman ih huhuhuhu" natatawang naiiyak na reklamo nito sakin.
Niyakap ko nalang siya at sabay kaming tumawa, though minsan may childish siyang manner pero nasanay narin kami kasi ganun talaga siya at tanggap namin yun. Lahat naman dumadaan dun para mag grow as a mature one.
"Andyan na si sr pasok na tayo" aya ko sa kanya.
"Ayusin mo muna mukha mo sunod ka nalang pag feeling mo ok kana maiintindihan naman yun ni sr" pag papaalala ko sa kanya, niyakap ko siya ulit saka iniwan na mapag isa.
"Good Morning class, tutal wala naman tayong klase about sa computer may gusto akong matutunan niyo mismo, maaaring magamit niyo to in the future. Sa mga gusto mag tayo ng business or sa mga future accountancy natin" panimula nito.
"Tayo ay mag bo-book keeping, diyan niyo makikilala si Ledger, Trial Balance, Dinancial Statement, Cash Flow at marami pang iba wag kayo mag alala kasi addition at subtraction lang naman kailangan niyo lang ay mabalance ang mga transaction." dagdag pa nito.
Mistulang may mga bubuyog sa paligid naman buong klase kasi nag bubulungan patungkol sa topic na hindi naman sakop ng computer subject namin.
"Is this good or bad please tarot card give me an answer" saad naman ni rain, medyo weird siya kasi lagi siyang naka dikit sa mga tarot cards niya pero when it comes to acads halimaw siya lalo na sa pag kakabisado at sa math.
Mapapa sanaol ka nalang.
"Athena pili ka dalawang card ikaw magiging sagot namin" nadamay pako sa kalokohan nito, di talaga ko naniniwala sa mga tarot card but shizzzz sige na ngaaa kukuha na talaga ko.
Kumuha ako ng dalawang card mukhang maayos naman isang sun and moon sana maganda kinalabasan.
Pinakita ko yun sa kanya at ang maliliit niyang mata ay dumilat ng pag kalaki laki.
"PUNYETAAA!!! AKO'Y AALIS NA AT AYAW KO MADAMAY DITO!!!" nagulat kaming lahat sa mga sinabi niya mikahit ang teacher namin, napatakip nalang siya ng bunganga niya at nag peace sign pa nga.
Reverse Moon and Upright Sun ang mga nakuha kong card.
"Kinuha mo ang moon na pa reverse it means: confusion, fear, and misinterpretation. Masamang pangitain yun Athena" may pag babantang saad nito.
"Pero dahil kinuha mo naman ang sun na upright ibig sabihin nun may joy, success, celevration and positivity" masayang saad nito.
"Pfttt!! Kala ko naman kung ano, mukhang di naman totoo yan tsaka normal lang naman na may hindrances tayo sa life tsaka mga mahihirap na situation pero sa huli magiging masaya din tayo kasi lesson in life natin yun tsaka experience" pag papaliwanag ko.
Napatango naman ang mga kaklase namin at mukhang sang ayon silang lahat sa mga sinabi ko.
Bumalik na ulit sa pag papaliwanag si Sr. Santos tungkol sa bagong topic namin, at hanggang ngayon di parin pumapasok si Elly.
Totoo kaya yung mga sinabi ni Rain tungkol sa tarot card mukhang magiging roller coaster nanaman ang 4th year high school year ko.