Chapter 4
New environment and adjustments
Pagkatapos naipakilala sa akin si Shawn ni Miss Bethany ay inutusan niya itong ilibot ako sa buong School para maging pamilyar ako. Hindi ko alam kung kailangan ba talagang ang Student President pa ang lilibot sa akin, I'm fine with whoever it is as long as its not one of the royals.
Pumasok si Shawn sa isa sa mga gusaling may nakasulat na Admin kaya sumunod ako sa kanya. May itinuro ito kaya napatingin ako doon.
'Registrar'
"Miss Beth told me you still don't have the pin?" Taas kilay'ng tanong nito. Even though Shawn is strict, his approachable. The all business like personality, a very formal man I think.
I nodded kaya tumango din ito at iginaya ako doon.
"New student. Pin Identification."
"Pasok," saad ng nasa kabila kaya pumasok kami sa kwartong iyon. May isang babaeng lumapit sa amin at ngumiti.
"Kailangan mong pumunta sa loob ng box na iyan at gamitin ang iyong kapangyarihan Miss," saad nito at iginiya ako sa loob ng box. Naguguluhan man ay pumasok ako doon. It was made of glass, fit for one people only. Pero hindi naman ganun kasikip, sakto lang.
"Use your element please." Saad ng babae kaya agad kung ginamit ang aking kapangyarihan.
I let the energy form in my right hand as I feel the water slowly starting to build. I just made a water sphere kasi yun ang tingin ko'y mabilis gawin.
"That's it, thank you." She said kaya umalis na ako doon. After a minute the girl give me a pin. The same pin that Shawn has, a golden pin with a blue stone above the Academy's logo. And my name was carve in italic.
Laurine Willson
Class A
Agad akung napangiti habang nakatingin doon. Finally, I'm part of the academy now, and I already felt it in my hands.
"Thanks," saad ni Shawn at tumango sa babae. I also thank her and she just smiled.
Umalis na kami doon at sumunod lang ako kay Shawn. He told me where the Class rooms is, the library, the auditorium, the training room, the clinic, the Dining hall kung saan kami kakain mamaya, at ang school garden. Marami pa kaming maaring puntahan sa Academy ngunit mauubos ata ang araw bago ko iyon malibot lahat.
"I didn't realized that your a water element user," saad ni Shawn out of the blue ng paalis na kami sa school garden. Mukhang may gusto na akong puntahan at tumambay.
"Ahm yeah, I guess your a water element user too?" Tanong ko sabay tingin sa kanyang pin.
Shawn Aquilire
Royalty/President
Ang kaibahan sa aming pin ay may simbolo ng Wristhevale Kingdom ang center ng school Logo, na nagpapahiwatig na siya ay galing doon. It seems I encounter first the Water Kingdom heir.
"Yeah, a water element user. How are you related to the Willsons in our kingdom? Who is your father?" Kunot noong tanong nito. Napalunok tuloy ako ng wala sa oras. Ngunit buti nalang at hindi ko na kailangan sagutin iyon dahil tila kailangan na ni Shawn na umalis lalo na't nakita kung napahinto ito at tila may pinapakinggan.
Hmm, telephaty. Naexcite tuloy ako dahil doon. Sino naman kaya ang may kapangyarihan na ganun?
"I'm sorry Laurine, I was needed in the office." Sincere naman ang pagkasabi ni Shawn, I think he really is a busy student after all.
"Its okey, babalik na din ako sa dorm para makapagpahinga."
"Okey then, ihahatid na kita."
Hinatid ako ni Shawn sa lobby ng dorm pagkatapos ay umalis na ito. May dalawang Knights na nakabantay sa paanan. Pumasok ako doon at inilibot ang aking tingin. The lobby has a sofa at the right side with a coffee table. It was paint in cream with feminine touches. Nakita kung may hagdanan doon paakyat kaya umakyat ako. As far as I can remember, sabi ni Miss Beth kanina ay Room 307 ako.
The first floor composed of rooms that starts with one so I assume I need to go to the third floor where it starts with three. Hindi nga ako nagkamali natagpuan ko ang aking kwarto. Binuksan ko ito at bumukas naman. Sa loob ay may maliit na living room at dalawang kwarto. The right side was closed kaya sa tingin ko'y may nagmamay-ari na nito. Pumasok ako sa kabila, nakita ko doon ang bed na kasya ang dalawang tao, closet and a study table. There's also a bathroom inside.
Ang desinyo sa loob ay nakakagaan at hindi masakit sa mata. It has a soft and feminine touch that new to my eyes. Nasanay sa mga gold patterns and other things that are related to royalties kaya masaya ako dahil dito. I feel like I'm one of them without the title and responsibilities.
Napatingin ako sa higaan kung saan nakalagay ang aking umiform. It has a coat na kulay red, a black neck tie, white underneath polo, a plain black skirt and a black knee sock with a pair of shoes. Sa tabi nito ay isang pocket book kaya kinuha ko ito.
School Rules and Regulations
Binuksan ko ang libro at ito'y aking binasa, there's a lot of rules inside the school premises. Hindi pwedeng gumamit ng kapangyarihan sa loob ng klase except sa part kung saan kinakailangan para sa trainings namin.
6 pm is the dinner time pagkatapos ay kailangan ng babalik sa dorms cause the dorms will closed at 8 pm. Breakfast time is also at 6 am sa dining hall kaya walang problema sa pagkain.
Marami pang mga school rules na aking binasa na nakatulugan ko. Binuksan ko ang aking mga mata at napatingin ako sa orasan na nasa bed side, its says 12:30 pm. Mukhang muntik ko ng makalimutang mag lunch.
Bumangon ako at iniligpit ang limang pares ng uniform. Mayroong combat outfit din kasama sa uniform na gagamitin siguro namin sa trainings. I went inside the bathroom para makapaghilamos. I watch my eyes na noon ay kulay emerald ngayon ay naging kulay brown. Most of the royalties has different color of eyes when they have royal blood but it depends.
Lumabas ako doon at nagpalit ng damit, now I frowned when I saw how exaggerating ang mga damit na meron ako. I don't have a lot of commoners clothes na less attraction ang makukuha mo sa mga tao.
Damn akala ko ba pinagplanohan mo na ito Laurine? Baka pupunta ka na naman kay Miss Beth at manghiram ng damit? Napailing nalang ako.
Napatingin ako sa aking suot na dress, hindi naman siguro nila ako mapapansin nito diba? Huwag na ngang magpalit. Napabuntong hininga ako at sinirado ang closet.
I walk out of my room na insakto ding bumukas ang kaharap kung kwarto. Iniluwa doon ang babaeng nakaschool uniform na may matuwid na buhok, matangos na ilong at itim na mata. She's staring at me with wide eyes.
"Are you my new room mate?" She asked, wala naman ata siyang ibang tinatanong diba? Like duh, Laurine. Of course ikaw yung tinutukoy niya kasi ikaw lang naman ata ang tao dito.
Napangiti tuloy ako ng hilaw sa kanya sabay tango. She squealed then suddenly hugged me tightly.
"Ompff," nanlaki ang aking mata sa bigla niyang ginawa. I've never been this too intimate with anyone! And this is fucking harassment!
"OMG! Finally you're here!" Maligayang sabi niya. Well, at least I saw how happy she was that I'm here kahit masakit yung yakap niya papatawarin ko na siya.
"My name is Viviene, I'm a healer. And you are?" Malaking ngiti ang nakaukit sa kanyang labi sabay bigay ng kanyang kamay. Now, I'm really glad I've meet people like her, they are friendly.
"Laurine, water elemental user." Saad ko at abot sa kanyang kamay.
She shake it too much for my liking dahil mapapatay talaga ako ni Ms. Sonja sa mga ganitong manners, well, she's not here and your off to duty Laurine! Magpakabulastog ka kung gusto mo!
Damn Laurine and your mind. Napailing nalang ako sa aking mga iniisip. Ang hirap pala nitong ginagawa ko. I can't kept some manners and ettiquite I used to know.
"OMG! An Elemental user! I'm glad to meet you!" I can conclude that she's a talkative room mate then, so much for my journey here.
Simamahan ako ni Viv, as she told me to shorten her name with that, papunta kami ngayon sa dining hall. Sabi niya kasi hindi pa din siya kumakain dahil may inasikaso siya para sa isang subject. Viv was so bubbly, she clung in my arms as she would tell me the places na nadadaanan namin. Masasabi kung mas maganda siyang kasama sa tour guide kasi madaldal, hindi katulad ni Shawn kanina na parang isa sa mga Royal Guards sa palasyo na hindi man lang nagsasalita habang naglalakad kami, pwera na lang kung sinasabi niya kung ano ang mga importanteng building na nadadaanan namin.
"You know what! Excited na ako makasama ka sa Potion class! Marami kang matutunan doon, as long as hindi ka sasabog you know," she laughed kaya napatawa din ako sa kanyang sinabi.
Well, excited din naman akong pumasok sa klase. I've been home schooled all my life and I never been experienced how to have a partner while doing such things and socialize with classmates with my age.
"Saan ka ba galing nag-aral? Bakit ngayon mo lang naisipang mag-Mystic Academia?" Tanong ni Viviene. Now that she asked that, hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoo. Ops, Laurine, remember? Hide the identity.
"A-Ah!" Hilaw akong napangiti sa kanya. "I've been home schooled since I was a child." Nanlaki ang mata ni Viv sa aking sinabi.
"Really? Bakit naman?"
"Well, it seems that I was sick and my parents are too worried to let me enter the Academy. Kailangan nilang hindi ako nalalayo at the same time cure me at home." Napatango-tango pa ako sa aking sinabi tila nagagandahan sa istoryang aking ginawa. Well, I've been lying with all my errands outside the palace kaya siguro madali nalang ito sa akin. If the King heard this I don't know what should he do, will father be proud? Mukhang sa kanya ko pa ito namana ah. I chuckled with the thought.
"What? Really? Well, at least your already cured right? Kasi hindi ka naman dadating dito kung hindi pa?" Napapikit-pikit ako sa kanyang tanong. Mukhang delikado atang magkaroon ng madaldal na room mate.
"Ah! Yes! I'm fine now I guessed."
Stop asking me questions please.
"Well, I'm glad that you're fine now! Welcome to the Academy. And oh, dining hall is here." Saad nito at giniya ako papasok. Nadaanan na namin ito kanina ni Shawn ngunit hindi ko masyadong namatyagan ang desinyo sa loob ng dining hall. Its a large function hall at may anim na naglalakihang banner ang nasa itaas, it represents the six kingdom of Austreville at ang nag-iisang banner na nasa gitna na may logo ng School.
May mga estudyante pang nagkakalat sa paligid at kumakain, some of them eyed both of us while we entered the hall, ngunit hindi iyon pinansin ni Viviene. Mukhang ako lang din ang hindi lang naka-uniform, should I wear my uniform ba? Para less attraction? Hayst, ang hirap naman nito.
Parang ako pa ang naiinis sa sarili kung ideya ah? What the hell.
Iginiya ako ni Viv sa isa sa bakanteng mesa sa unahan. It has a four row of tables and may dalawang bilugang lamesang nakaharap naman sa amin. The right table was empty while the next table is occupied with some of the students and I know who are they. They scream authority and royalties. Damn, mukhang hindi ko nga talaga sila maiiwasan.
Umupo na si Viviene kaya napaupo na din ako sa kanyang harap, kung babaling ako sa kaliwang bahagi ko ay makikita ko ang mga royalties na tahimik na kumakain.
"Oh, I'm sure you know them already." Well, yeah. I supposed to be one of them. Kilala ko ang ibang mukha dahil duty naman ng prinsesa malaman ang kanyang kapwa prinsesa't prinsipe ngunit hindi ko pa talaga nakasalamuha ang isa man lang sa kanila. Well, maybe when I'm still young? I don't know, I don't really remember.
"Uh, yeah. Bakit nasa ibang lamesa sila?" I whispered, baka marinig pa kami.
"Well duh, they are the royalties, kailangan magkakasama sila at they have the previlage." She sighed dreamily while staring at them. Why do people love previlage so much?
"Oh I forgot, kailangan pala nating kumuha ng pagkain." Natatawang saad nito at tumayo. Sumunod ako sa kanya at pumunta sa buffet tables, mukha namang may kasiyahan dito araw araw sa dining hall. Madalas sa ganitong karaming pagkain ay kapag may importanteng nagaganap lamang sa palasyo, well, they also cook lots of foods at home but not this much when we're only three royals.
Kumuha kami ng pagkain doon, pagkatapos ay naunang naglakad si Viv paalis, I get my tray at nagsimula ng lumakad ng may biglaan akung nakabungoan. Some of them shreak and I stilled. Hindi ko inasahan iyon! Damn, napakagat tuloy ako sa aking labi ng nakitang lahat ata ng aking pagkain ay napunta sa damit ng- uh lalaki?
I glanced up and saw a pair of ash grey eyes staring at me coldly. Napatingin din ako sa pin na nasa gilid ng kanyang dibdib.
Zachary Blaze Princeton
Royal
Oh fuck, I'm fucking doomed. Way to go Laurine!