Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Innocentia [BL]

🇵🇭wizlovezchiz
21
Completed
--
NOT RATINGS
53.6k
Views
Synopsis
Fantasy-Boys Love story about Jiro.
VIEW MORE

Chapter 1 - Innocentia - Chapter 01

Sa isang central park na punong puno ng halaman na pinalalamutian ng mga bulaklak na may iba't-ibang kulay at mga punong berdeng berde ang mga lalalagong mga dahong nagbibigay lilim sa kalakhan ng lugar.

Sa gitna ng central park ay may malaking fountain na pinaliligiran din ng magagandang halamang maliliit at ilang bangko ang nakapalibot dito para sa mga namamasyal.

Napakaganda ng umaga, mga alas nueve na yata ng mga oras na iyon. Walang masyadong ulap ang kalangitan at malamig ang ihip ng hangin.

Sa isa sa mga bango sa gilid ng fountain tulad ng ibang namamasyal, ako'y nakaupo ng nakaliyad sa sandalan at nakayukong pinagmamasdan ang nakabibighaning ngiti ng aking kasintahang si Claire habang ang ulo niya'y nakapatong sa aking magkabilang hita ang binabalikan niya ang aking mga titig ng kanyang napakatamis na ngiti at masayang mga tingin. Pareho naming maligayang sinusuri ang mukha ng bawat isa ng ilang mga sandali habang ang kaliwa kong kamay ay nakahawak na nilalaro ng dalawa niyang kamay malapit sa kanyang dibdib.

Mahaba ang buhok ni Claire at natural na dark brown ang kanyang maalon na buhok na umaabot sa kanyang baywan. Sa mga sandalin iyon ay tila telang nakatakip lagpas sa aking tuhod. Maliit na babae si Claire, petite kumbaga at dahil sa petite siya ay naging maganda sa kanya ang kanyang pagiging mestisang tsinita. Siya ang una kong kasintahan at balang araw ay pakakasalan ko rin siya pag dating ng tamang panahon. Ngayong pareho kaming nagtapos na ng kolehiyo at nakaisang taon nang nagtatrabaho ay palihim akong nagtatabi ng pera para sa aming pag-iisang dibdib balang araw.

Hinaplos ko ang maiikling buhok na nakatakip sa noo niya at yumuko upang marahang itong halikan. Nang lumapat ang aking mga labi ay dinig ko ang mahina't ipit niyang pagtawa dala marahil ng kiliti ng aking ginawa. Makilitiin si Claire. Isa sa mga katangian niyang aking ikinatutuwa bukod sa pagiging maalalahanin, mapagmahal, malambing, at makaluma niya. Ang kanyang maayos na pananaw sa buhay at ang kanyang respeto sa kanyang sarili na hindi siya basta basta tulad ng ibang babae.

"July? May nakalimutan ka." ang impit niyang tawa'y sumasabay sa kanyang sinasabi habang ang mga tingin niya sa aki'y nanunubok nang ako'y umayos ng pagkakaupo.

"Hindi ko nakakalimutan. Kaya tayo nandito dahil sa unang pagkakataon sa isang park naman kita babatiin ngayon." ang malambing kong sagot sa kanya sabay ngiti. Para akong nawalan ng lakas a tapang sa tuwing nakikita kong kumikislap ang kanyang mga mata sa saya.

"Well? I'm waiting."

"Happy sixth anniversary, Claire. Let's not count the numbers because what matters most is that we're still together and we hope that we do until the day our creator take our lives." ang malalim kong sinambit sa kanya. Kulang na lang talaga na isumpa ko sa buong mundo na mahal ko siya at siya na ang aking buhay. Sa aking nasabi ay humagikgik lang si Claire at bumangon mula sa aking kanlungan upang umupo ng maayos at sumandal sa aking tabi. Ipinapong niya ang kanyang ulo sa aking kaliwang dibdib at binalot ko naman siya ng aking bisig upang idiin pa siya sa aking tabi.

"I love you, July. I want to see the day we raise our children and grow old together sa isang rural area. Sariling farm and our house facing the west so we can see the sun set everyday." ang mahinhin niyang wika. Napatingin ako sa kanyang mga kamay na magkahawak ng madiin habang ikinikiskis niya ang kanyang ulo sa aking dibdib na parang pusang nanlalambing. Sa mga sandaling iyon, lumakas na rin ang aking loob na sabihin sa kanya ang isang tanong na matagal ko nang gustong tanungin sa kanya.

"Honey… pwedeng ipasok mo yung kamay mo sa bulsa ng sweater ko na nasa side mo?" ang kinakabahan kong tanong sa kanya. Inalis naman niya ang ulo niya sa pagkakaunan sa aking dibdib at binalikan ako ng nagtatakang mga titig. Hindi siya kumilos. Sinagot ko na lang siya ng isang ngit sabay dukot sa bulsang aking tinutukoy at dahan-dahang inilabas ang isang box na kulay dark blue habang nakatitig ako sa kanyang unti-unting lumalaking mga mata sa tuwa at sorpresa.

Bumangon ako at lumuhod sa kanyang harap na parang nagmamakaawa at hinawakan ang kanyang kanang kamay upang itaas na parang prinsesa. Agad niyang tinakip ang kanyang isang kamay sa kanyang napangangang bibig habang nangingilid ang kanyang mga luha sa kanyang mga matang nananatiling gulat at hindi makapaniwala.

"Claire, on this special day, I would like to formally ask…" ang nanginginig kong sinambit na naudlot nang bigla siyang tumayo sa aking harapan. Tumulo ang luha niya sa aking palad na nakaabot sa kanyang kamay na nagsimula ng manginig sa tuwa.

"Yes! I will! I do!" ang mabilis niyang sabat sa aking sinasabi kanina habang patuloy siya sa paglabas ng luha ng kaligayahan habang nakatitig ako sa kanya. Tuwag tuwa, hindi ko inaasahan na engaged na kaming dalawa ngayon. Lubhang napakabilis ng pangyayari ngunit masaya akong fiancée ko na siya. Anim na taong walang pagtatalik dahil sa kagustuhan naming dalawa. Anim na taong puro pagmamahalan at naging matibay sa lahat ng problemang dinaanan na.

Sa totoo lang, pareho kaming virgin ni Claire at dahil pareho kaming malapit sa Diyos ay isa ito sa mga bagay na ipinagpapasalamat namin sa pagkakataon na kami ay magkakilala. May prinsipyo ako at ganoon din siya sa kanyang sarili na parehong nagtugma.

Pinanood niya akong buksan ang maliit na box at lalong nagningning ang mga mata niya ng makita ang singsing na nakapaloob dito. Nagbalik ang kanyang isang kamay na tumakip sa kanyang bibig. Nanginginig na ito. Sa sobrang ligayang nararamdaman ko rin sa mga oras na iyon ay hindi ko napigilan na maluha. Napakaperfect ng sandaling iyon para sa aming dalawa.

Gamit ang aking dalawang kamay na may hawak pa rin na box ang isa ay isinuot ko sa palasingsingan ang aking singsing para sa kanya.

Bumangon ako sa aking pagkakaluhod upang yakapin siya. Dahil sa hanggang dibdib ko lang ang taas niya'y binalikan niya ang aking yakap sa pagbalot ng kanyang balingkinitan na bisig sa aking baywang ng napakahigpit.

"I love you Claire. Thank you."

"Thank you, July. I wish to see the day we get married."

"I promise. I'll make that wedding the most important day in your life."

"I trust you will. Surprise me like you always do. That's one of the things I love about you." at diniin niya maigi ang kanyang mukha sa aking dibdib.

Ilang saglit kaming nakatayo na ganoon ang aming lagay. Parang tumigil ang mundo para sa aming dalawa. Sana'y wala ng wakas ang mga oras na iyon. Pareho kaming maligaya sa piling ng bawat isa.

Lumayo si Claire sa aking dibdib habang nanatiling nakabalot ang aming mga bisig sa bawat isa. Pinagmasdan niya ako na abot tenga ang kanyang mga ngiti.

"You have a basketball game tomorrow. I wish this will give you more luck."

"Honey talaga. Mas mahalaga ka pa rin sa akin."

"I know. You know what makes you happy makes me happy rin di ba?"

"Thank you, hon." ang malambing kong sagot sa kanya bago siya halikan ng mariin sa kanyang labi. Nang matapos ay sinuklay ko ng aking kanang kamay ang kanyang buhok na nakatakip sa kanyang noo upang suriing pagmasdan ang kanyang nakabibighaning mukha. Nanatili naman siyang nakayakap pa rin sa aking baywang nang biglang tumunog ang aking sikmura sa gutom. Nabitiw siya sa kanyang yakap sa akin bigla at nagtakip muli ng bibig sabay sa kanyang pagtawa.

"Hindi ka pa nagbreakfast no?" ang wika niyang humahagikgik. Napakamot ako ng aking ulo't ngumiti na lang sa kanya.

"Magagalit mommy mo niyan. Baka sabihin niya ginugutom na kita."

"Kaya natutuwa si mommy sa iyo eh. Extension ka kasi ng presence niya." ang malambing kong sagot sa kanya na kanyang tinawanan lang.

"Kain tayo. Gusto ko sa…. hmmmm…" ang sabi niya't sabay nag-isip ng malalim. Habang nakakunot ang kanyang noo'y lalo akong natuwa sa kanya. Ang cute niya kasi pag nagseseryoso ang mukha niya. Mistulang reset button ko ang itsura niyang ganoon na lagi naman niyang ginagawa.

"Honey, dun tayo sa Coffee Bean & Tea Leaf? Please?" ang parang bata niyang tanong sa akin matapos kumislap ang kasiglahan sa seryoso niyang mukha kanina. Nakakatuwa talaga siyang pagmasdan. Parang batang musmos ngunit alam mong marami nang pinagdaanan. Napakalambing talaga ni Claire.

Tumango na lang ako't binalot ang aking bisig sa kanyang likuran habang hinahagod ang kanyang balikat. Naglakad kami papuntang parking lot na parehong may ngiti sa aming mga labi hanggang sa kami'y nakasakay sa aking kotse upang tunguhin ang malapit na coffee shop. Mahilig kasi sa cakes so Claire, paborito niya ang pinaghalong tamis nito na sinasabayan ng paginom ng purong kape. Pareho kami ng kinahiligan ang bagay na ito mula nung kami'y nagkaroon ng trabaho. Isang alay para sa aming sarili sa kabila ng pagod na ibinibigay namin sa aming katawan sa pagtatrabaho. Incentive kumbaga.

Sa loob ng Coffee Bean & Tea Leaf sa A.Venue Mall, walang customer kaya't agad kaming nakausap ng kahero at nakuha naman din namin agad ang aming order. Carrot cake ang trip ni Claire kanin ngayon at ako nama'y pinilit niyang kumain ng ceasar salad dahil sa wala ngang laman ang aking sikmura. Kaming dalawa ang magtutulungang ubusin ang isang buong cake at ang anging panulak lang namin ay ang ice blend nila. Vanilla ang kanya at double chocolate naman ang akin. Masaya kaming nagkwentuhan sa labas ng coffee shop habang nagsusubuan kami ng cake. Sabado kaya't tahimik ang kalye ng Makati Avenue. Wala gaanong sasakyan ang dumadaan ang mangilang taxi lang. Kabubukas lang din ng mall kaya't halos solo namin ang buong sandali sa lugar na iyon.

"Happy anniversary, July." ang bigla niyang sinabi habang nakatingin siya sa cake na nasa platito sa kanyang harapan at abot tenga ang ngiti. Batid kong ang tinititigan niya talaga ay ang singsing na nakasuot sa kanyang kamay na may hawak ng kanyang tinidor na dumudutdot sa sponge ng kanyang cake.

Napangiti ako sa kanyang sinabi. Napakasaya talaga ng aming sandali. Wala na akong hihilingin na kundi ang manatili sanang ganito ang lahat para sa amin kahit alam kong ang buhay ay sadyang malupit. Napakaswerte ko talaga sa kanya.

"I love you, Claire." ang sabi kong malambing bago niya salubingin ang aking tingin ng isang matamis na ngiti.

Inabot kami ng tanghali ni Claire kahit naubos na namin ang aming order. Parang ayaw naming dalawa matapos ang saglit na parehong napakasaya namin ngunit dahil sa araw na ito ay ipapakilala ko siya sa aking mga magulang ay kinailangan na talaga namin umalis.

Habang nasa biyahe kung saan ay maluwag ang kalsada kaya't nagawa kong paliparin ang aking sasakyang City3 na pula.

"July, kinakabahan ako." ang may takot niyang sinabi matapos humarap sa akin habang ako nama'y abalang nagmamaneho at nakapako ang mga mata sa kalsada.

"Sa pagdadrive ko?"

"Hindi naman… sanay na ako diyan… ang ibig kong sabihin sa parents mo. Nahihiya ako."

"Honey, don't be. Ipapaalam lang naman natin sa kanila na naglevel up na tayo." sabay abot ko ng kanyang kamay mula sa kanyang binti upang halikan.

"Nahihiya ako kasi kila tita. I know naman pero since engaged na tayo, baka magexpect sila ng mga bagay na hindi ko alam at kung meron man kakayanin ko ba?"

"Parang di mo naman kilala sila mama at papa. They weren't expecting anything nung naging tayo at siguro ngayon baka ang aasahan lang nila is ang pagpapakasal natin para magka-apo na tayo."

"Sabagay. Nahihiya lang talaga ako. Sana hindi sila humingi ng maraming apo, tignan mo naman katawan ko. Sa liit kong ito makakaya ko bang manganak ng sampu?"

"Honey ko, ikaw talaga. Kaya mahal na mahal kita eh. Joke lang yung nila mama." at nangigil ako sa kanya kaya't diniin ko sa aking mga labi ang kanyang kaliwang kamay.

"July, sandali lang tayo sa inyo ha? May shift kasi ako mamaya. Alam mo na."

"Oo naman mahal ko. Kung okay lang sa iyo dun ka na lang sana natulog muna sa bahay para naman hindi ka na naabala sa biyahe para lang magbihis."

"Oo nga eh. Pero alam mo naman na strict sila mommy sa akin." at natawa ako sa kanyang sagot.

"Ang cute mo talaga, Claire. I love you!" ang lambing ko't binalikan niya ng nahihiyang hagikgik na may halong kilig.

Dahil sa nasa kanya ang aking atensiyon at nawala ang aking pansin sa kalsada ay hindi ko napansin ang biglang nagtakeover na itim na civic sa aking harapan. Masyado akong nagitgit at sa bilis ng pangyayari ay huli na bago ko pa tapakan ang preno kaya't sa manibela ko na lang binawi ang pag-iwas. Nataranta na ako kaya't sa bilis ng pagpihit ko ng manibela na sabay ng mabilis pa rin na pagtakbo ng aking sasakyan ay patilapon na umiikot kami limang metro papunta sa shoulder ng highway. Umikot ang buong paligid at ang tanging napansin ko na lang ay ang malakas na tili ni Claire at ang tunog ng umiiyak na gulong ng sasakyan bago ang isang malakas na tunog na nilikha ng pagbalik ng aking kotse sa lupa.

Malakas na humampas ang ulo namin ni Claire sa harapan. Hindi gaano nakatulong sa akin ang air bag dahil sa tumiwarik ang kotse. Unti-unting nagdilim ang aking paningin at ang huling tanawin na naaninag ko ay ang nakadapang si Claire, nakapikit habang nakaharap ang mukha niya sa akin. Puno ng dugo.

"Claire..." ang mahina't hirap kong isinigaw bago tuluyang nagdilim ang aking paligid.