Chereads / Ka-ibigan [BL] / Chapter 2 - Ka-ibigan - Chapter 02

Chapter 2 - Ka-ibigan - Chapter 02

"Hmmm... Taga sa amin to ah... At mukhang AC/DC din" ang nasabi ko sa aking sarili dahil sa kanyang pananamit dala na rin ng aking kutob.

Nakapagorder na kaming tatlo at umupo sa isang bakanteng upuan sa bukana ng Sinangag Express at nagyosi muli habang hinihintay ang aming order.

Nakita naming naghahanap ng bakante si Harold ng bakanteng mauupuan. Nakita siya ni Rafael at tinawag dahil apatan naman ang aming mesa at since officemate namin siya mainam na rin na makahalubilo siya.

"Thank you! Nakakahiya pero makikihalubilo na ako wala kasi akong mauupuan at naguguton ma ako" ang nakangiti at nahihiya niyang pabati sa amin.

"Guys this is Harold.. Harold this is Jeremy... And this is Joseph." ang sabi ni Rafael habang si Harold naman ay nakikipagkamayan sa amin ni Jeremy.

"Saan department ka, Harold?" ang tanong ni Jeremy para may mapagusapan habang paupo na sa aking tabi si Harold na nakaharap kay Rafael.

"Sa Care group ako... Team Lead.." ang sagot naman ni Harold.

"Sa Resource Management naman kami pero Collections hawak naming tatlo." ang sagot naman ni Jeremy.

Bago pa man nagkasarapan sa kuwentuhan ang tatlo habang ako aynanatiling nanonood lang sa kanila dahil sa likas na hindi ako pala salita ay dumating na rin ang amin order ng halos sabay sabay.

Kumain kaming nagpatuloy silang tatlo sa kanilang usapan ngunit nang mapatingin ako kay Harold ay nagkasalubong ang aming mga titig. Kakaibang ngiti ang binitawan niya sa akin nang ako'y ngumiti na lang sa kanya na nahihiya at hinimas at pinisil niya ang aking kaliwang hita na malapit sa kanya sa ilalim ng lamesa.

"Naamoy kaya niyang katulad ko rin siya? Bakit may kasamang ganon?" agad akong kinilig ngunit hindi ko ipinahalata sa kanila. Baka malaman pa ni Jeremy at Rafael pagtripan nanama nila ako.

Biglang tumitig sa akin si Rafael nang alisin niya ang kanyang pagtitig kay Jeremy.

"Alam mo Joseph? Ngayon ko lang napansin, para pala kayong magkapatid nitong si Jeremy straight ka nga lang." ang sabi ni Rafael sa akin bigla na aking ipinagtaka at si Jeremy naman ay ngumiti habang sumusubo ng kaunting kanin.

Nagpatuloy kami sa pagkain nang nagtitinginan at nagngingitian ngunit napakunot ako ng noo sa pagtatakang ganoon din ang tinginan nila ni Rafael pero mukhang balewala lang kay Rafael ang lahat dahil marahil siguro ay nadadala sila sa kanilang usapan tungkol sa trabaho.

Nang matapos kaming apat ay sabay-sabay na kaming bumalik sa opisina ngunit hanggang doon lang namin nakasama si Harold dahil sa magkaibang mundo nga ng opisina ang aming kinagagalawan.

Kaming tatlo nila Rafael at Jeremy naman ay nagsibalikan na sa aming sariling desk.

"Hay... Welcome to the real world Joseph..." ang aking nasabi sa sarili habang paupo na ako sa aking upuan habang nakatingin sa aking monitor at ina-unlock ang aking PC.

May mga alerts na may bagong mga pumasok na emails sa aking Lotus Notes at ilang mga kumukutitap na mga Sametime chat windows. Wala akong ganang basahin ang mga chat messages na nagsilabasan kaya nag-logout ako at nag-login muli para lang sabay-sabay na magsisaraduhan ang mga nakakaistorbong chat windows sa aking harapan. Bigla akong pinasukan ng isang chat na nagpakunot sa aking noo sa inis dahil naudlot ang kagustuhan kong matapos na ang mga reports kong paulit-ulit.

"Ano ba 'to!!! Please pagtrabahuhin niyo naman ako!!!" ang aking nasabi habang nasa aktong bubuksan na ang chat window upang basahin.

Si Rafael ang nakikipagchat sa akin.

"Tol!! Sorry kanina sa Sinangag Express!! Galit ka ba?" ang sabi ni Rafael.

Bumalik sa aking ala-ala ang kanina lang na naganap na aksidenteng hindi inaasahang magkadikit ang aming mga labi at mataganan ko ang kanyang bukol sa kanyang harapan.

"Hay... Rafael... Rafael... Rafael... kung di ka lang talaga... naku!!! Baka nahulog na ako sa iyo ng tuluyan..." ang bulong ko sa sarili bago sinagot sa chat si Rafael.

"Anu ba tol... okay lang iyon!!!

Ako nga unang humingi ng pasensiya sa'yo diba?...

:-) " ang reply ko kay Rafael.

" XD May request kasi ako sa iyo... nahihiya ako eh pero kanina lang ako nagkaroon ng lakas ng loob." ang sabi niya.

"Ano yun? Tumawag ka na nga lang sa extension ko ang hirap magchat." ang sagot ko at nagring agad ang Nortel phone sa desk ko. Extension ni Rafael ang nasa caller ID.

"Ano yun?" ang pabati ko sa kanya sa pagsagot sa kanyang tawag upang wala nang paligoy-ligoy ang aming usapan dahil hindi ko pa nasisimulan ang aking trabaho.

"Diba... wala ka namang kasama sa bahay?... nahihirapan kasi akong mag-uwian sa Batangas... baka pwede ako magbedspace man lang sa bahay mo at least kakilala ko kasama ko sa uupahan ko... " ang sabi niya.

Nakaramdam ako ng kilig at napabilis ang kabog ng aking dibdib.

"Teka, bakit ayaw mo kina Jeremy? Kapitbahay ko lang siya." ang offer ko sa kanya kahit sa loob ko ay nagdarasal na akong sana magpumilit siyang sa akin manirahan.

"Nakakahiya kasi sa partner ni Jeremy isa pa baka may mga makita akong mga bagay na di ko pa nakikita." ang sagot niya.

"Hmm... pag-iisipan ko muna.. iisa lang ang kuwarto ng bahay ko.. papano yan?" ang sabi ko sa kanya habang sa loob ko ay nagsisigaw ang aking ng damdamin na sana ay hindi magbago ang isip niya.

"Okay lang iyon ang tagal na natin magkakilala dapat alam mo na wala akong kaartehan!" ang sabi niya.

"Pano kung silahis pala ako tapos isang araw nagtrip akong gapangin ka? Okay lang sa iyo?" ang sunod kong tanong na pabiro nang balutin ako ng sobrang kilig.

"Eh di gapangin mo ko! Yun lang pala eh! Wala naman mawawala sa akin kundi ang lakas ko." ang sagot niyang mukhang walang biro at nagmamalaki pa. Nagulat ako sa sinabi at pano niya ito sinabi sa akin.

"Paano no ito? Seryoso pa rin siyang umupa sa kabila ng biro na ginawa ko? Mukhang may seryosong pinagdadaanan si Rafael ngayon ah." ang nasabi ko sa aking sarili.

"Mangarap ka! Sige na. Payag na ako kaya lang may house rule ako sa bahay. Una, bawal magdala sa atin ha? Yang mga babae mo baka nakawan pa ako buti kung gamit mo lang kukunin. Pangalawa, share tayo sa paglilinis ng bahay. Yun lang." ang seryoso kong sagot sa kanya.

"Yun lang ba Seph? Dali naman ng rules mo! Eh magkano naman ang rent ko?" ang sunod niyang tinanong sa akin.

"Dahil matagal na kitang kilala at mukhang kailangan mo talaga ng tulong, sige hati na lang tayo sa kuryente at tubig." ang sabi ko.

"Seryoso ka?! Baka naman nakakahiya na sa'yo. Kahit tatlong libo okay lang sa akin." ang nahihiya niyang sagot sa akin.

"Gusto mo magbago isip ko Rafael?" ang pananakot kong sagot sa kanya.

"Oo na sige na kahit kunin mo pa puri ko okay lang sa akin since libre na ang rent ko." ang sagot naman niyang pabiro.

"Kumag ka dun ka na lang kila Jeremy sigurado sa iyo magaganap yang mga sinasabi mong lagim." ang pabiro ko ring sagot sa kanya at nagtawanan kaming dalawa sa telepono.

"Loko ka talaga Seph." ang nasabi niya.

"Mabalik ako sa usapan natin, kelan ka lilipat?" ang tanong ko.

"Pwede mamaya na?" ang tanong niyang nahihiya.

"Ha?!! Sigurado ka? Nasaan mga gamit mo?" ang nagulat kong tanong sa kanya.

"Nasa baggage na lahat dinala ko na kanina." ang nahihiya pa rin niyang sagot sa akin.

"Ganoon ka kasigurado na papayag ako ngayon?! Paano kung umayaw ako?" ang gulat ko pa rin na tanong sa kanya.

"Eh di uuwi ako mamaya kasama gamit ko tapos pagpasok ko ulit sa Monday dadalin ko at kukulitin kita." ang natatawa niyang sagot sa akin.

"Tama na satsat... sige na mamaya lumipat ka na. Pumayag na ako diba? Sige na, marami pa tayong trabahong paulit-ulit." ang sabi ko sa kanya at madaling ibinaba na ang phone nang hindi dinidinig ang kanyang sagot. Binalot na kasi ako ng kilig.

Natapos ang nakakapagod na araw at sabay na kaming lumabas ng opisina ni Rafael nang bandang alas-otso ng umaga. Naghihintay na kami ng masasakyan patungong city terminal sa tapat ng opisina.

"Ang dami mo naman dala. Pati ba refrigerator niyo dinala mo?" ang pabiro kong sabi sa kanya.

"Hindi puro damit lang ito. Di ko na uunti-untiin ang paglilipat." ang sagot niya.

Dumating ang hapung-hapo na si Jeremy.

"Hay... sakit ng ulo ko... sana dumating na asawa ko... huhuhuhu" ang parang batang sinabi ni Jeremy sa amin ni Rafael.

"Parating na ba si kuya mo? Sabay naman kami!!" ang yaya ko kay Jeremy. Kuya ang tawag ni Jeremy sa partner niya.

"Maraming dala to oh." ang dagdag kong sinabi habang tinuturo ang bag ni Rafael.

Napansin ni Jeremy ang malaking bag ni Rafael.

"Raf... naglayas ka? Bakit nagalsabalutan ka?" ang nag-aalalang sabi ni Jeremy.

"Hindi. Makikitira lang ako kay Seph kasi ang layo ng uwian ko diba araw-araw? Napapagod na kasi ako." ang kuwento naman ni Rafael kay Jeremy.

"Buti naman naisipan mo na at tamang tama kasi laging nag-iisa si Joseph sa bahay niya minsan nga sinasamahan na namin ni kuya kasi nakakaawa minsan makikita mo lang yan nakatulala sa labas ng bintana niya tanaw ang kawalan." ang naaawang kuwento ni Jeremy kay Rafael.

"Huy! Jeremy wag ka naman ganyan magkwento baka isipin nito ermitanyo ako kapag rest day natin." ang depensa ko sa kanyang mga sinabi. Natawa lang si Rafael.

"Ganoon ba? Kawawa ka naman pala Seph." ang sabi ni Rafael sa akin.

Dumating ang isang VIOS na kotse na pumarada sa aming harapan. Dahan-dahang bumaba ang salamin nito sa bintana. Si Jeremy ay biglang naging buhay na buhay at titig na titig sa bumababang bintana ng kotse.

Lumabas ang anino ng isang kastilaing lalake na dumungaw sa bintana.

"Kuya!!!! I missed you po!!!!" ang excited na sigaw ni Jeremy sa driver ng kotse. Ang partner na lagi niyang ikinukuwento sa amin na nagpanggap talagang magpakasal sa kaniya noong kolehiyo pa lang silang dalawa.

Agad na tinakbo ni Jeremy ang bukas na bintana at nang makarating sa harap ng pintuang may bukas na bintana ay kumaway siyang pinapapunta kami na sumunod na sa kanya.

"Kuya sabay daw sila Joseph at Rafael sa atin pauwi." ang malambing na sabi niya sa kanyang partner habang ang partner niya ay kumakaway sa amin.

"Sige! Sakay na kayo Joseph, Rafael!" ang imbita ng partner ni Jeremy para sumakay na kami sa kotse na kalong ang bagahe ni Rafael. Sumakay na rin si Jeremy sa tabi ng kanyang partner. Kinuha ni Jeremy ang isang malaking puting teddy bear at ikinalong ito sa kanyang hita. Inabot naman ng partner ni Jeremy ang kanyang kamay at hawak itong ipinatong sa kanyang kanang hita. Ang ganda nilang dalawa tignan ngunit hindi ako nagpahalatang pinanonood ko silang naiinggit.

"Kuya! Namiss kita sobra! Ang dami ko sa iyo ikukuwento ngayon. Alam mo kuya nagkiss sila kanina ni Joseph at Rafael sa Sinangag Express!!!" ang parang nanlalambing na batang nagkukuwento na sambit ni Jeremy sa kanyang partner.

"Hoist! Jeremy!! Aksidente yun!!" ang sabay na sabi namin ni Rafael sa kanyang sinabi at tumawang sabay ang magnobyo.

Pareho kaming natahimik ni Rafael at ako naman ay hindi napigilang mamula ang pisngi sa hiya.

"Oh.. Joseph.. bakit namumula ka?" ang tanong ng partner ni Jeremy habang binubuksan ang ilaw upang lalong makita ang aking mukha mula sa rear mirror.

"Hmph!! Si Jeremy na lang pikunin mo hindi tayo talo." ang mataray kong sagot sa partner ni Jeremy,

"Sus... okay lang iyon. Aksidente nga naman tulad ng sabi niyong sabay diba?" ang nang-aasar pang sabi ng parter ni Jeremy sa amin.

Hindi ako kumibot ngunit napansin kong si Rafael ay tahimik na nakangiti sa kanyang kinauupuan na parang natutuwa pa sa nangyayari.

"Kuya... meme muna po ako ha?... niaantok na po ako.." ang malambing na parang batang sabi ni Jeremy sa kanyang partner at pumikit nang hindi hinihintay ang sagot mula sa kanyang nobyo.

Hinaplos lang nito ang buhok ni Jeremy at ibinalik ang kamay sa kamay ni Jeremy na iniwan niya sa ibabaw ng kanyang kanang hita at hinalikan ito at muling ipinatong ang kanilang mga kamay sa kanyang hita.

Bumyahe na kami pauwi sa amin at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Naalimpungatan na lang akong nasa kaliwang mga bisig ni Rafael at nakapatong ang aking ulo sa pagitan ng kanyang leeg at kaliwag balikat.

Agad akong umayos ng upo at humingi ng pasensya kay Rafael at ako'y sinuklian lang niya ng matamis na ngiti. Kinilig ako at buti na lang balewala lang sa kanya ang lahat.

Nanatiling natutulog si Jeremy nang yakap ng kanyang kanang bisig ang kanyang teddy bear.

Napansin ni Rafael ang pagtingin ko kay Jeremy.

"Para talaga kayong magkapatid. Pati pagtulog parehas kayo ng itsura." ang bulong sa akin ni Rafael na natatawa.

"Oo nga. Pansin ko rin iyon." ang sabi ng partner ni Jeremy na narinig pala ang kanyang sinabi habang nanatiling nakatitig sa kalsada.

Ngumiti lang ako sa kanilang usapan at bumalik sa pagidlip.

"Seph!! Andito na tayo!!" ang masiglang sigaw ni Jeremy habang papalapit na kami sa aming mga bahay.

"Ang ingay mo naman Jeremy nasa loob tayo ng kotse ang sakit sa tenga ng boses mo nagulantang ako sa ginawa mo!!" ang naiirita kong sinabi.

"Eh ikaw kasi hindi ka pa natutulog sa kama mo ang himbing na ng tulog mo. Iwan ka kaya namin dito nang natutulog?" ang nang-aasar namang sagot sa akin ni Jeremy.

Tumawa lang ang dalawa naming kasama.

"Madalas ang sibling rivalry nila ganito sila lagi." ang natatawang kuwento ng partner ni Jeremy kay Rafael. Natawa naman lalo si Rafael.

"Hindi kasi ganyan sa office seryoso lagi yang dalawa. Ngayon ko lang nakitang ganyan yan sa tagal naming magkasama." ang kuwento naman ni Rafael sa partner ni Jeremy dahil iba nga naman kami ni Jeremy sa labas ng bahay.

"Pag nalalapit sa bahay nila ang dalawang to laging ganito sila. Parang kambal. Ewan ko ba." ang kuwento ng partner ni Jeremy.

"Hmph! Sige baba na kami. Salamat ha? Happy weekend!" ang batid ko sa magnobyo at tumango naman si Rafael. Kumaway naman sa aming dalawa ang magnobyo bago kami lumabas ng kotse.

Magkatabi ang apartment type na bahay naming dalawa kaya mas madalas kong nakakasama ang magnobyo pag weekends samantalang si Rafael ay minsan lang nakikita ang partner ni Jeremy.

Pumasok kami sa bahay ni Rafael at tinugo agad ang aking silid sa second floor.

"Saan ka nga pala hihiga? Iisa lang ang kama ko?" ang tanong ko kay Rafael na kanyang nginitian.

"Problema ba iyon? Libre na nga renta ko kaya okay lang na magkatabi tayo sa kama since pareho naman tayong straight. Pero malikot ako matulog ha?" ang sabi ni Rafael nang nagmamalaki.

"Ikaw ang bahala. Sige maghihilamos lang ako mag-ayos ka na ng gamit mo." ang paalam ko kay Rafael habang inaabot ko ang aking tuwalya.

Iniwanan ko na si Rafael at naghanda ng aking sarili bago matulog. Nang magbalik ako sa aking silid at nakita kong puting brief na lang ang suot ni Rafael at nakahiga sa sulok ng aking kama na nakadikit sa pader at nakapikit. Matagal ko nang nakikita ang kabuuan niya dahil sa mga outing namin sa beach ngunit ito ang unang pagkakataon na makita kong brief lang ang suot niya.

Lumapit ako at tinawag siya upang yayaing maghilamos muna pero hindi na siya sumagot. Bumilis ang tibok ng aking dibdib at nagsimulang manginig ang aking mga kamay.

Tinapik ko ang kanyang hita at tinawag ulit siya ngunit hindi siya sumagot at nakarinig na lang ako ng mahinang hilik.

"Nako... sana hindi malakas hilik nito... gusto kong matulog ng maayos." ang umaasa kong sambit sa aking sarili.

Nang mahiga ako ay agad akong nakatulog dala ng matinding pagod.