Chereads / Ka-ibigan [BL] / Chapter 1 - Ka-ibigan - Chapter 01

Ka-ibigan [BL]

🇵🇭wizlovezchiz
  • 27
    Completed
  • --
    NOT RATINGS
  • 65.8k
    Views
Synopsis

Chapter 1 - Ka-ibigan - Chapter 01

Ako si Joseph Garcia, isang legal sa aking pamilya at nag-iisang anak na taga dala sana ng dugo ng aking ama pero no choice si dad, AC/DC ang anak niya. Single ako at hindi pa nagkakaboyfriend dahil bukod sa may pagkasuplado ang tabas ng aking mukha ay hindi ako pala gimik na tao. Bukod dito ay discrete ako.

27 years old na ako, simple manamit na tipong kung ano na lang ang mahila mula sa aparador ay isusuot ko agad nang walang pagdadalawang isip kung ano ang iteterno ko. Mestiso ako ngunit kapag stressed ako namumula ako at pag malamig ay pumuputi ako, depende sa sitwason o panahon. Pwede na siguro akong tawaging taong mood ring. Ang kulay ko'y dala na rin siguro ng pagkakahalo ng ama kong may dugong kastila ngunit kulay kayumanggi na nakuha niya sa kanyang inang half spanish rin ngunit tubong Aparri, Cagayanan at sa ina ko naman na may dugong kastila at intsik na ang ina naman niya ay tubong Molo, Iloilo City.

Sa Alabang lang ako nagtatrabaho at hindi gaanong diyahe ang bumyahe araw-araw maliban sa madaling araw dahil sa Cavite ako umuuwi sa sarili kong maliit at simpleng bahay.

Hmm.. Sana pala hindi na ako bumili don ng bahay wala kasing thrill doon. Ako lang yata ang mujer doon. Tita ko ang ahente ng bagong bukas na village na iyon sa?

Sa opisina..

"Hay... Reports reports reports.. Ang dami naman!! Pagnasend ko na dami nanamang alma samantalang sa dati kong hawak "Perfect"! Ewan ko ba... Ano ba meron sa group na ito... Taga gawa na nga ng request... Troubleshoot ng PC... Gawa ng transition schedule... Taga gawa ng Powerpoint Presentation.. Gagawa na lang ng simpleng graph or table di pa alam... Microsoft Office Impaired Employees na nga mandaraya pa ng stats..." ang paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili habang nagmomodify ako ng layout ng report kong ilang beses nang nabago ang formulas at macros at kung anu-ano pang nasa Microsoft Excel worksheet.

Ganyan ang araw-araw sa aking kung hindi Aspect eWFM ang kaharap kong inaayos ang schedules mga agents namin. Ang daming hidden back slashes at dashes ng titulo ko sa opisina kahit sa ibang Call Center ang trabaho ng isang Real Time Analyst, Reports Analyst, at Workforce Analyst ay majority ng roles ko. May iba pang sidelines secretary, janitor.. Kulang na lang din yata security guard kasi nagmimistulang receptionist na rin ako sa mga naghahanap ng number ng kung sino at mga hinahanap na tao.

"Joseph... Joseph.... Joseph..... Hoy Joseph!!!!" ang tawag pansin sa akin ni Rafael.

PAK!!

Isang malakas na palo sa aking balikat ang gumising sa aking katauhang may kumakausap pala sa akin habang salubong ang aking mga kilay at seryosong nakatutok ang lahat ng aking atensyon sa aking ginagawa habang nagrereklamo sa saking sarili sa sobrang stress.

"Aray!!!! Rafael uupakan na kita!!! Lagi mo na lang ako ginugulat!!!" ang nangagalaiti kong pigil na pasigaw kay Rafael.

Si Rafael Castro ay isa sa mga officemates kong nakikita ko lang noon sa kabilang side ng floor sa building na aking pinapasukan. Agent ako noon at siya naman ay performance coach na. Brusko ang katawan niya. Laging fit manamit dahil sa may karapatan siyang ipangalandakan ang maganda niyang katawan at 5'10 ang taas. Kayumangi siya at rock fusion ang hair style na maikli tulad ng akin.

Hindi niya alam pero crush ko siya noon pero nawala rin ang paghanga kong iyon nang maging magkabarkada kami noong kami ay parehong napromote sa Resource Management group na Collections ang operations na sinusuportahan. Isa pa... Straight kasi siya.

"Sorry..." sabay tawang nagbibiro. "Ikaw kasi eh... introvert ka nanaman jan... may sarili ka namanang mundo... tingan mo puti ng mata mo may gridlines na ng worksheet..."

"Eh di ikaw gumawa... nakailang revisons at release na kaya ako sa report na ito ang dami pang dependent na report dito hindi natin masimulan dahil sa kakapaulit-ulit nilang pagdedemang na 'change it in to this'...'I don't understand why are we failing'... 'I don't get why the other site's performance is better than ours and we have more FTEs than they do'....eh halos maubos na nga mga agents natin sa floor kakaapprove ng VL.. 'I'm seeing too many details on your report., please remove this and that' pero yung mga pinapatago naman niyang stats eh mga bagsak tapos pag di niya nakikita at alam niyang pumapasa.. 'I'm not seeing this and that'... kesyo ganito ganyan... " ang patuloy kong pagdadadaldal habang ginagaya ang tono ng isang bumbay pag nagsasalita ng ingles.

"Kapag nagtanong na ang magtatanong sa mga nakakabasa ng report sino tuturo nila?... Tayo diba?... palibhasa hindi nila alam nakikita nila kung anong lumalabas sa stats nila at kung bakit... mahalaga lang sa kanila puro green ang nakikita nila eh mukha namang pulang christmas tree ang scores nila sa original calculations natin... mga letcheng yun... matapos kang ipressure sa trabaho sasabihin pa na 'How are you doing my friend?'... FRIEND??!!! HELLO?!!!" habang nanlalaki ang mga mata ko sa inis.

Tumawa ng tumawa si Rafael aking panggagalaiti. "Sabi nila... the more you hate... the more you love daw..." ang sabit pa niyang nag-aasar.

"Love?!?! Hate?!!?! With this hatred... I would love to see the temperature rise up to another degree sa bansa nila at hanggang sa magkaflare na sa buong bansa nila nang maubos na lahi nila!!!" ang galit na galit kong sinabi kay Rafael.

"Easy lang 'tol... racist ka na ha... but I love the idea... flare!!! Ohh... I would love to see them burn one by one..." sabay halakhak si Rafael nang nakahawak sa kanyang tiyan.

May tinatago rin kasi siyang poot sa mga tulad nila. Siyempre parehas kasi kami ng inagdaraanan araw-araw. Papasok sa opisina ng fresh na fresh at uuwi ng bahay na parang zombie na naubos na ang analytical side ng utak.

"Tol... kanina pa ako nagugutom... kain naman tayo... nagyayaya na si Jeremy eh... " ang sabi ni Rafael nang nakakunot ang mukha nang maramdaman ulit ang pagkalam ng kanyang sikmura. Naramdaman ko na ring nagugutom na pala ako dahil anim na oras na ang nakalipas hindi pa pala ako kumakain mula nang magsimula ang shift ko.

"Buti na lang... hindi ko napansin na nagugutom na pala ako... sige puntahan natin si Jeremy sa desk niya sabay na tayo bumaba... matampuhin pa naman yun... nabilog masyado ng partner niya." ang sabi ko kay Rafael habang nihinihila na ang braso niya upang maglakad kami patungo sa desk ni Jeremy na hindi kalayuan.

Nakatayo ang boss namin at nakasandal sa divider ng desk niya habang magkakrus ang kanyang mga braso at bakas na sa mukha niya ang pagkainip.

"Hmmm.. ang tagal niyo ha... nagugutom na ako... at talagang magkaholding hands pa kayo punta dito?... nag-aminan na ba kayo?" ang sabi ni Jeremy sa amin.

Bigla kaming ilag na naglayo ni Rafael sa naisip ng boss namin sa amin. Mahilig manukso si Jeremy nahawa na siguro sa partner niya. Magkaedad lang kami ni Jeremy ngunit mas matagal na siya sa kumpanya kesa sa amin ni Rafael. Simpleng manamit tulad ko kahit ano na lang siguro ang mahugot niya sa cabinet niya. Hindi rin halata sa kanya na mujer siya at kung di pa niya ipinakilala sa amin ang jowa niya hindi kami maniniwalang ganon nga siya.

"Huy!!! Di kami bakla ha... ikaw talaga makita mo lang na nagdidikit na ang mga balat sa kahit saan magjowa na para sa iyo." ang depensa ko kay Jeremy sa kanyang mga sinabi. Wala kasing nakakaalam sa opisina ng tunay kong pagkatao. Mahirap na rin kasi ang intriga.

"Anong sinasabi mo?... Ang ibig kong sabihin ay kung nagsabi na ba kayo sa isa't isa na gutom pareho na kayong taggutom kasi parang wala akong makakasabay sa inyo sa tagal kong naghihintay dito sa desk ko..." ang palusot ni Jeremy.

"Isusumbong kita sa boyfriend mo.. malisyoso ka masyado.." ang sabi ni Rafael na nakataas ang hintuturo na parang ibig sabihin ay lagot ka.

"Eh di magsumbong ka papabugbog kita don mas malaking tao sa iyo iyon, Rafael" ang magmamalaking paghamon ni Jeremy kay Rafael.

"Tara na tama na yang kalokohang iyan... please... gutom na ako magcocollapse na yata ako... sumasakit na ulo ko.." ang pamimilit ko sa dalawang kumain na.

"Doon muna tayo sa seven-eleven... bibili lang ako ng yosi..." ang sabi ni Rafael habang kami ay naglalakad na sa operations floor tungong elevator upang makalabas na ng opisina.

Isang tambling lang ang kainan mula sa amin opisina. Kalsada lang ang pagitan ng mga restaurant sa Northgate sa Alabang. Nagtungo muna kami sa seven-eleven at dahil sa ala una na ng madaling araw ay nakasabay namin ang pagdagsa ng ibang empleyado ng ibang mga call centers doon na pumila sa nagiisang available sa apat na counter nila. Nagpabili na lang kami ni Jeremy sa kanya para isang bilihan na lang kami at hindi na kami maghihintayan pa kasi ang dami talagang tao ng mga oras na iyon.

"Isa muna tayo bago tayo kumain... hindi ako makahinga eh..." ang sabi ni Rafael habang nagsisindi na ng yosi bago pa matapos sa kanyang sinasabi.

"So... kamusta naman kayo ni hubby mo?" ang interesado kong tanong kay Jeremy sa kanyang buhay. Naiingit ako pero ayaw kong magpahalata kay Jeremy.

"Okay lang... masaya kahit busy ako sa gabi at tulog siya sa umaga tapos tulog ako ng umaga at siya naman ang nasa trabaho... we still get to do it.. for six years... hindi humina ang spark namin.. first love ko siya at ganon din ako sa kanya." ang maayos naman niyang kuwento sa amin.

Hindi ko talaga maiwasang kiligin sa istorya ng buhay nila ng jowa niya madalas kapag papasok na si Jeremy pinupuntahan muna siya dito ng partner niya bago umuwi sa kanila. Kumakain ng sabay kahit na breakfast ang pagkain na iyon para kay Jeremy at dinner na para sa kanyang lover.

"Buti ka pa kahit ganyan ka nakatagpo ka ng magmamahal sa iyol Ako kahit magtagal lang ang panahon namin ng mga nagiging girlfriend ko hindi mangyari. Ikaw Joseph... kamusta naman ang love life mo? Este... Sex life mo?" ang nang-aasar na si Rafael.

"Meron ba ako?... kamay-kamayan na lang to pre." ang sabi ko kay Rafael sabay sabi sa aking sarili na. "Tayo na lang kahit isang beses lang" hindi ko napigilang ngumisi sa aking sarili.

"Seph.... ano nanaman tumatakbo sa isip mo ngayon?.. nagmomonologue ka nanaman ba?" ang sabi ni Rafael ng mapansin niyang lumipad nanaman sa kawalan ang aking isip.

"Ah.. wala... iniisip ko lang kung may nakalimutan akong gawin sa itaas.." ang palusot ko na lang kay Rafael.

Nagyaya sila ni Rafael na kumain na lang kami sa Sinangag Express na katabi lang ng 7-Eleven. Maganda ang restaurant nila at buhay na buhay ang lugar ngunit maraming tao at saksakan ng dulas ang sahig. Hindi naman ako flat footed pero nang makapasok na ako sa restaurant ay agad akong nilingon ng nauuna sa akin na maglakad na si Rafael.

"Seph... ano o-oooooyy!!!!!!" ang biglang bagsigaw ni Rafael nang akoy madulas. Nakatihaya siyang napahiga sa sagid at ako naman at nakadapa sa ibabaw niya. Dama ko ang bukol ng kanya na napatungan ng aking dibdib.

Bigla akong napatayo mula sa aming pusisyon sa matinding gulat. Nanatiling natatingin si Rafael nang nakahiga sa sahig. Ngunit madulas talaga din yata ang swelas ng aking sapatos kaya agad akong papadapa sa kanya at sa pagkakataong iyon ay di sinasadyang nagdikit ang aming mga labi. Buti na lang hindi pumutok mga labi namin dahil nagawa kong itukod ang aking mga kamay sa sahig bago pa man humampas ang aking mukha sa kanya.

Nagtitinginan na sa amin ang mga ibang kumakain doon. Napatingin kami pareho kay Jeremy na kanina pa pala nakatingin sa amin at isang pilyong ngiti ang nakapinta sa kanyang mukha.

Inabot niya ang kanyang kamay at inalalayan akong makatayo at sabay naming hinila si Rafael tumayo dahil magkasing laki lang kami ni Jeremy.

Hindi ako makatingin kay Rafael sa hiya at sa ibang mga taong nakakita. Yumuko na lang akong pumila sa counter.

Sa pila ay nauuna na si Jeremy sa akin at sa likod ko naman ang tulad kong nanahimik ding si Rafael.

Nilingon ako ni Jeremy habang nananatili pa rin ang pilyo niyang mga ngiti.

"Aksidente yon wag kang mag-isip jan di kami talo... gusto ko na agad magsipilyo." ang sabi kong pabulong kay Jeremy na matatawa na yata sa mga biglang umiikot sa kanyang mga isip.

Nilingon ko si Rafael at humingi ng tawad sa aking katangahan ngunit hindi siya kumibo at nanatiling nakayuko.

Nagring ang telepono ni Jeremy at sinagot agad ito ng malambing.

"Opo.. kakain na po nakapila na... kuya alam mo ba.. si Joseph at si Rafael..." natigil na siya sa kanyang sasabihin at natawa na lang.

"Opo... mamaya ko na lang po kuwento pag-uwi ko... sweet dreams!!... I love you!!" ang malambing naman na pamamaalam ni Jeremy sa kanyang kausap.

"Lagot kayo... kukuwento ko kayo sa asawa ko..." ang sabi ni Jeremy.

"Kung bibigyan mo ng malisya wag na... " aalis na lang sana akong bigla ngunit pinigil ako ni Rafael.

"Okay lang iyon... sige na kumain na tayo..." ang kanyang pakiusap sa akin.

Nang makita kong okay naman si Rafael ay bumalik na ako sa pagitan nilang dalawa sa pila. Nang nasa harap na ng counter si Jeremy at bumibili na siya ng kanyang order ay biglang may napasigaw at tumulak kay Rafael sa akin na nanggaling sa kanyang likuran. Nakaramdam ako ng kirot nang masaksihang isang guwapong lalaki ang napayakap sa likod ni Rafael.

Kasing tangkad lang niya si Rafael ngunit mapayat siya kumpara kay Rafael. Maganda manamit at mukhang malinis.

"Sorry bro... nadulas lang ako... ang dulas pala ng sahig dito..." sabay ayos ng sarili ang nadulas kay Rafael.

Inabot niya ang kanyang kamay upang makipagkilala kay Rafael.

"Ah.. tol... ako nga pala si Harold.." ang nahihiyang bati Harold kay Rafael. Tinignan ko lang siya mula ulo hanggang paa.