Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Kung Magkikita Tayong Muli

Red_Auza
--
chs / week
--
NOT RATINGS
3.3k
Views
Synopsis
Nagmahal si Abby sa panahon na hindi pa siya buo at may pag-aalinlangan sa sarili. Akala niya kayang punan ng pagmamahal ni Marco ang kakulangan sa pagkatao niya. Pero bandang huli naisip niyang walang sinuman ang makakabuo sa kanya. Tinakasan niya si Marco, iniwan ng walang paalam, walang dahilan. Pero si kaparalan ay gumawa ng paraan at muli silang pinagtagpo sa isang sitwasyon na hindi nila pareho inasahan. Sa muli nilang pagkikita. Matutuloy ba ang naudlot na nakaraan? O ito ba ay matutuldukan?

Table of contents

VIEW MORE

Chapter 1 - Chapter One

Namangha ako sa ganda ng resort na pinagdalhan sa amin ni Cloud. My cousin who happened to be my best buddy as well. This is my first out of the town simula ng bumalik ako from ng Canada one year ago.

"This place is quite amazing, gaano ba kayaman ang pinsan ni Sheila?" Tanong ko kay Cloud habang naglalakad bitbit ang aming mga bagahe.

"As rich as you couldn't imagine." Tumatango na lang ako habang inilibot ang mga mata ko sa paligid.

"I see."

Big house with swimming pool that connected to the beach. May mga malalaking puno ng niyog sa paligid. Nakikita ko lang ang ganitong lugar sa mga drama at movie na napapanood ko.

Shiela is Cloud's fiancee.

"Cloud, andyan na si Sheila oh!" Dinig kong sigaw ni Leo ang bunsong kapatid ni Cloud.

"Hi babe." They kissed at saka tumingin sa akin si Sheila. "You've must be Abby? Cloud's best cousin ever."

"Yeah." Simpleng sagot ko.

This is the first time that I met her. Hindi kasi sociable ba tao. Kahit noong nasa Canada ako, bahay, trabaho lang. Wala din akong mga social media accounts. I just contacted my family through gmail and thats all.

As long as I can, gusto kong maging pribado ang buhay ko.

"Are you alone?" Tanong ni Cloud sa gf.

"Yeah, nasa Airport si Marco. Sinundo mga kaibigan niya."

Biglang tumibok ng malakas ang puso ko ng marinig ang pangalan niya. Akala ko ok na ako, pero may kurot pa rin pala kapag naririnig ko ang pangalan niya. Affected pa rin ako, kahit alam ko na ibang Marco ang tinutukoy niya.

Lahat kami nasa veranda ng resort, nag-barbecue sina Aiko at Zera. Si Sheila at Cloud naman abala sa panghihiwa ng gagawing sawsawan. Samantalang ako ay di mapakali habang panay ang sipat ko kay Sheila. "Okay ka lang?"

"Ay shit!" Bigla akong napasigaw ng mabitawan ko ang bote na hawak ko. Nabasag eto kaya nagkalat sa sahig ang bubog.

"Sorry Le," hingi ko ng paumanhin.

"You're not feeling well, ako na dyan at magpahinga ka muna." Nahihiya man ay iniwan ko na si Leo, mas makakabuti pang magpahinga nalang ako at I-relax ang katawan kesa umaligid sa kanila na parang walang sa sarili.

Pumasok ako sa kwarto, mabuti nga isa-isa kami ng kwarto at least may mga privacy kami. Inilapat ko ang katawan ko sa kama pero hindi ako natulog. Pumikit lang ako saka inalala ang nakaraan. Two years I've been hiding from him. Two years ago I left him without any explanation. Its like a snap of a fingers im gone without any reasons.

---------------

"Bakit di mo pa sinasabi sa mga kaibigan mo na may karelasyon ka na? Kahit man lang sa pamilya mo, saka ano bang rason at bakit pinipigilan mo rin akong sabihin sa pamilya ko ang tungkol sa atin?" Mahinahon ngunit puno nang pagtataka ang boses ni Marco. Two years na ang relasyon namin pero wala pa ring nakakaalam. Honestly, nagsasama na kami at kasal na lang ang kulang para matawag ko siyang legal na asawa ko. Dito sa canada ay mabilis lang proseso ng kasal, lalo na at Canadian citizenship na ang hawak ni Marco.

"Di pa ako handa." Simpleng sagot ko na ikinadismaya niya. Paanong hindi? Two years na ang relasyon namin, more than one year na kaming nagli-live in tapos di pa rin ako handa.

"Kayo pa rin ba ng live-in partner mo sa Pinas? Is that the reason why you don't want this relationship out?"

"Pwede ba Marco, matagal na kaming wala. As in wala na, may asawa na siya, may anak na nga eh!"

"Then what's reason?"

"Wala, ayoko lang! Please wag mo muna akong pilitin ngayon okay! Okay naman tayo ah! Masaya, mahal kita, mahal mo 'ko yon lang naman ang importante di ba?" Sa sinabi kong yon ay lumapit siya sa'kin at hinalikan ako. Niyakap ng mahigpit at paulit-ulit na sinabing mahal niya ako, na ako lang ang kailangan niya sa buhay niya.

Akala ko okay na, pero mali ako. Dumating yong point na nilamon na naman ng sarili kong pag-iisip. At mas lalo akong nawala sa sarili ng malaman kong tinangka ni Marco na kontakin ang pamilya ko. Dahil doon umalis ako nang walang paalam, basta nalang ako nawala na parang bula. Ni ha! Ni ho! Wala. Basta nag-iwan lang ako ng note na wag na niya akong hanapin dahil ayoko na. Simple as that.

Lumipat ako ng trabaho, nagpa-aassign ako ng ibang branch sa company. Since isa ako sa mga malalakas ang hatak ng customers sa advertising field ng mga sasakyan. Mabilis na inaprobahan ang request ko kasama na doon ang wag ibigay kahit kanino ang impormasyon tungkol sa'kin. Dine-activate ko lahat ng social media na meron ako at gumawa ng bago na hindi halata at tanging pamilya at mga kaibigan ko lang ang sinabihan ko. Sinabi kong uso sa canada ang illegal na paghahack ng social accounts na ginagamit sa illegal transaction at muntik na akong mabiktima. Mabuti nalang at naniwala sila. Hanggang sa wala na akong balita kay Marco.

--------------------------

Nagising ako ng hapon na. Nakaidlip pala ako kanina habang inaalala ang nakaraan. Tiningnan ko ang oras at nakita kong alas singko na ng hapon, kaya pala kumalam na sikmura ko. Bumangon ako at pupunta sana sa banyo ng makarinig ako ng mahinang katok. Kaya naman imbes sa banyo ang punta ay sa pinto na ako dumiretso. "Sleeping beauty, wala kang planong lumalom?" Natatawang tanong ni Leo.

Nakarinig ako nang tawanan mula sa likod niya. Kaya agad kong sinilip kung sino. Nakita ko si Sheila na nakatayo sa harap ng isang lalaki at may iba pa na nakalibot sa kanila. "Pinsan ni Sheila yong nakatalikod na naka-blue. Mga barkada niya yung tatlong kasama niya. Kakarating lang nila." Paliwanag ni Leo.

"Ah! Banyo lang ako, sunod na ako inyo doon." Umoo naman si Leo saka umalis, di na ako nag-abala pang silipin ulit ang mga kasama ni Sheila na nagkukwentuhan.

Naghilamos saka nag-mouthwash lang ako at nagpalit ng damit. Matapos noon ay dumiretso na ako sa kubol na pinagtambayan nila. Habang papalapit ako kay naglingunan naman sila, maliban sa pinsan ni Sheila na seryosong kausap si Cloud. Nang makalapit ay agad akong hinila ni Aiko saka ipinakilala. "Guys, this is Abegail our leader/ mentor/ adviser/ and more." Pabirong pakilala ni Aiko sa'kin saka nagtawanan ang iba.

"Abbz, si Marco pinsan ni Sheila, tapos mga kaibigan niya. Sina Albert, Dirk, Junior." Biglang nagwala ang puso ko, nagulat ako nang makitang si Marco nga na dati kong kinakasama ang lalaking nasa harap ko. What the ---------- napakalaki naman ng mundo, bakit siya pa? Gusto kong bumiyak ang lupa at lamunin na lang ako. Hanggang sa tumayo si Marco at nilapitan ako. Fvck.

"Hi, Nice to meet you Abby." Mahinahon na pagbati ni Marco sakin saka inabot ang kamay ko. This is fvckin awkward. Aabutin ko ba? Tatakbo ba ako? Ano!

"Na starstruck si Abbz sa kagwapuhan ng pinsan ko. Ahaha!" Natatawang sabi ni Sheila na ikinatawa na rin ng iba.

"hindi She, hindi ako na starstruck sa pinsan mo, dahil natikman ko na yan. Mula sa nakalantad hanggang sa nakatago." Gusto kong sabihin pero di ko masabi. Inabot ko ang kamay ni Marco. Hindi ko alam kung nararamdaman niya ang tensyon at panlalamig ko. Pero pilit ko pa rin pinapatatag ang sarili ko. Ayoko mapansin na hindi ako komportable sa presensya.

Naging maayos ang lahat bagamat napapansin kong panay ang sipat ni Marco sakin ay hindi ko nalang pinansin. Hindi ako umalis sa pwesto ko at baka sundan ako ni Marco. Kung aalis man ay nagpapasama ako kay Leo, o kahit sa kaninong mga barkada. Hanggang sa natapos ang gabi namin na naging maayos ang lahat, na walang nakahalata at walang nagtanong.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Naisip kong maglibot sana, pero nang maisip kong baka makita ako ni Marco na mag-isa lang ay baka kung saan pa mauwi ang lahat. Kaya mas pinili kong manatili sa loob.

Hanggang sa magtanghali ay di ako lumabas ng kwarto. Mabuti nalang at may mga sweets ako kaya may pantawid gutom ako. Nang medyo hapon na sinilip ako ni Zera, sinabi kong may biglaang pinagawa ang company sakin. Tatapusin ko lang at lalabas din ako, mukha namang naniwala siya dahil di na ako kinulit at dinalhan pa ako ng pagkain.

Mag-gagabi na nang maisipan kung lumabas, ayokong makahalata sila na may iniiwasan ako at baka maiba pa ang dating sa kanila. Naabutan ko sila sa maliit na kubol nag-iinuman habang ang iba nag-gigitara, at kumakanta. "Sa wakas lumabas ka rin." Bati ni Cloud saka inabot sa'kin ang isang bote ng alak. Medyo tipsy na ang iba at halatang namumula na rin. Okay na sana, dahil lahat nalibang sa pagkakantahan nang biglang nagbukas ng usapang pag-ibig ang isang kaibigan ni Marco na si Dirk. And at this moment di na ako makatayo dahil ako ang na-corner sa tanong.

Tanong na hindi ko alam kung sasagutin ko o tatawanan ko lang.

Bakit ako nanatiling single?

-