Napasabunot siya sa sariling buhok nang makaalis si Feonna. Biglang nawala ang init na naramdaman niya kanina at napalitan ng pagkapahiya. He still can't erase the expression of the woman in his mind. Bahagyang namula ang mukha nito nang mapatitig sa hinaharap niya. Nakaawang din ang mga bibig at nanlalaki ang mga mata. Hindi niya naman ito masisisi dahil agaw atensiyon naman talaga ang nakita nito. Maging siya kanina hindi niya mapigilan mataranta nang makita ito. Hindi niya naman kailangan mahiya dahil sanay na siyang may nakakakita ng pagkalalaki niya pero iba ang naramdaman niya kanina habang nakatingin ang secretary ni Feonna.
Gusto niya ngang ihulog si Feonna dahil hindi niya alam ang gagawin kung paano takpan ang harapan. Kung bakit ba kasi nasa harapan ito ng pinto. Naisip niya tuloy na baka nakikinig ito sa kanila. Kung bakit ba kasi hindi sinabi ni Feonna na may ibang tao sa loob ng bahay.
Nabitin na siya napahiya pa sa babaing yun. It is a very unlucky day for him. Kung bakit ba kasi pinuntahan pa siya nito tuloy ito ang napala niya. Nabitin ng wala sa oras samantalang nanahimik siya.
The heat in his body is all gone, then he took a bath and went to the bar. Gusto niyang uminom ng alak pampawala lang ng inis.
Kahit papano may halaga na rin sa buhay niya si Feonna dahil hindi naman ito naging masama sa kanya. He knows that lust and pleasure in sex is all that matters in their relationship but he wants more like a commitment with Feonna. Tao din naman siya. Nakakaramdam din siya at marunong magpahalaga. Hindi niya mahal si Feonna pero ito lang ang taong maituturing niyang pamilya higit sa kaibigan niya.
Naiintindihan ni Feonna ang buhay niya at kung ano siya.
Hindi siya nagsinungaling dito tulad ng ginagawa niya sa ibang mga kaibigan. Ginawa niya lang magkunwari noon dahil takot siyang hindi tanggapin ng mga kaibigan dahil isa lang din siyang dukha kaya nakisabay siya sa agos ng mundo. Pinanindigan niyang mayaman siya kaya gumamit siya ng ibang tao. Nagkaroon siya ng maraming kaibigang mayayaman at hindi basta-bastang tao sa lipunan. Ang iba ay anak ng pulitiko, artista at business tycoon.
Matayog ang kanyang mga pangarap at lahat ng yun ay hindi niya sinukuan. Kahit mahirap ay ginagawa niya, makamit lang ang pinakamimithi. Oo at mahirap ang magsinungaling pero mas mahirap ang mag-isa lalo na sa oras na kailangan mo ng karamay. Mabuti nalang at hindi siya pinabayaan ng mga kaibigan. Kung may kalokohan man silang ginagawa hindi sila naghihiwalay sa oras ng kagipitan. Kahit na puno siya nang kasinungalingan matino naman siyang tao at may takot sa Diyos. Marunong siyang magpahalaga ng kapwa at likas rin na matulungin siya.
"Dude!" tawag sa kanya ni Christian. Tinapik siya nito sa likod. "Kanina ka pa?" tanong sa kanya ni Christian. Tumuloy si Winston sa bar pagkatapos nang namagitan sa kanila ni Feonna.
"Oo, ang tagal niyo kasi," seryoso ang boses na sagot.
"May problema?"
"Badtrip lang ako sa babaing kasama ko kanina," amin niya pa sabay inom ng beer
"Bakit?" usisa pa sa kanya ni Christian.
"Binitin ako," nayayamot niyan sagot.
"Ikaw tinanggihan ng babae? Bakit ka naman pumayag?" nakangising tanong ni Christian.
"Hindi naman ako namimilit ng babae saka hindi siya kawalan sa akin," pagyayabang niya pa.
"Yan ang gusto namin sayo. Ang hot mo p're. Kung hindi dahil sayo hindi kami napapansin ng mga babae," wika ni Christian. Malakas kasi ang sex appeal niya sa mga babae kaya naman pati ang mga ito ay nadadamay kapag may babae siya. Napangiti siya nang makita ang dalawang kaibigang sina Drew at Niel.
"Aburido ka ah. Business?" tanong ang agad ni Drew kay Winston. Napailing siya sa tanong ng kaibigan. Agad na nag-order ng beer ang mga ito.
"Babae dudes,"sabat ni Christian na tila nang iinis. Ngumiti pa ito ng nakakaloko.
"Wow ha, first time kang nagkaproblema sa babae," sagot ni Neil.
"Iniwan lang naman siya ng girl sa kama kaya ayan ang lolo niyo masama ang loob at hindi matanggap," dagdag pa ni Christian sabay bungisngis.
Hindi niya ito pinansin.
"It's our time mga dude. Nawala na ang karisma ni Winston sa mga babae," wika pa ni Niel.
Tinatawanan niya lang ang mga kaibigan. Hindi naman talaga pagkabitin ang iniisip niya kundi ang mukha ng secretary ni Feonna na nakanganga sa harapan niya. Daig pa nito ang nakakita ng ahas. Well, hindi naman siya mapapahiya dahil talagang may kalakihan ang kanya. May sinasabi ika nga.
"Payong kaibigan bro. Kung ako sayo magbakasyon ka muna sa asyenda mo. Baka dun may pumansin na uli sayo. Baka sakaling bumalik ang hotness mo sa kama. Mukha kasing boring ka na. Tiyak na maraming mauulol sayo dun! " biro pa ni Drew.
"Ulol."napapailing na sagot ni Winston. Siya pa yata ang magiging pulutan ng mga ito.
Alam niyang kung hindi nakarating sa kasukdulan si Feonna ay hindi siya mabibitin. Sigurado siyang ito pa ang hihiling sa kanya na tapusin ang nasimulan. Wais lang ito masyado. Hindi siya nabuhay sa mundo para mabitin. Hinding-hindi na mangyayari yun. Alam niyang malapit ng bumigay si Feonna kanina yun nga lang nasa loob ng bahay ang secretary nito. Yun siguro ang dahilan kung bakit nagmamadali si Feonna kanina.
Agad siyang nagpaalam sa mga kaibigan na may lalakarin pa siya. Nakadalawang bote na siya ng beer. Mahirap na kapag kasama niya ang grupo. Tiyak na madaling araw siyang makakauwi.
Pinuntahan niya ang pangatlong branch ng mini-grocery niya. Ang Agerre Grocery. Alas siyete na iyon na gabi. Binati siya ng mga tauhan niya nang pumasok siya sa loob. Napapatingin sa kanya ang ilang babaing costumer.
"Hi?" tawag sa kanya ng isang babae. May mga dala itong cart.
"Yes?" nkangiti niyang tanong.
"Can you help me?" nakangiti nitong tanong sa kanya. Alam niya hindi lang yun ang habol nito sa kanya. Kilala niya na ang ganitong klaseng palusot dahil pinagdaanan niya rin iyon. Magkaiba nga lang ang pakay nila dahil siya ang habol niya ay pera unlike sa babaeng kumakausap sa kanya ngayon. Kung hindi lang ito costumer hindi niya ito papansinin, kaya pinaunlakan niya ito. Kinuha niya dito ang cart at tinulungan na maipasok sa loob ng kotse nito ang mga pinamili nito. Bago ito umalis ay may inabot itong calling card sa kanya.
"Call me," malandi nitong wika. Wala siyang nagawa kundi ang tumango dito. Kahit hindi na bago sa kanya ang mga ganitong babae napapanganga pa rin siya sa mga ito. Malalakas ang loob para magbigay ng motibo sa lalaki. Dinaig pa ang ibang bansa sa sobrang liberated. Sa mundo talaga ngayon bihira nalang ang demure, kung meron man pa-demure naman. Mga feelingera. Akala mo virgin pa. Umiiling siyang bumalik sa loob ng grocery. Nginitian agad siya ng cashier.
"Kumusta ang araw?" tanong ni Winston.
"Maayos naman po," sagot ng cashier niya.
Hindi naman kalakihan ang grocery niya pero masasabi niyang nasa loob ng grocery niya ang lahat ng pangangailangan ng mga tao kaya naman maraming namimili.
Tumulong siya sa pagsusukli dito dahil nag-iisa lang ito sa kaha medyo marami din kasi ang namimili. Mabait siyang amo kaya hindi lahat inaasa niya sa mga tauhan niya. Gusto niya kasing hands-on siya sa tatlong grocery niya at alam niya ang pasikot-sikot ng negosyo.
"Mukhang dumami Sir ang costumer natin," turan sa kanya ni Maan. Ang cashier niya.
Nginitian niya lang ito dahil alam niya naman kung bakit. Ayon kasi dito maraming n-agwagwapuhan sa kanya dahil sa taglay niyang ngiti. Dagdagan pa ng height niyang 6'4 na talaga namang kapansin-pansin sa nakakarami.
"Ayaw mo nun, hindi lalangawin ang grocery natin," nakangiting sagot ni Winston kay Maan.
"Oo nga Sir, kaya dapat palagi kayong pumunta para naman makakita rin ako ng gwapo," kinikilig na wika pa ni Maan.
"Hayaan mo at makikita mo ako araw-araw. Ewan ko lang kung hindi ka magsawa sa mukha ko," natatawa niyang sagot.
"Hindi yun mangyayari Sir. Mas ginaganahan nga ako magtrabaho kapag nandiyan ka," dagdag pa nito kaya napangiti rin siya. Natatawa nalang siya dito dahil daig pa nito ang walang asawa kung magsalita ng pagkagusto sa kanya. Sabagay kung si Feonna nga na may asawa nahumaling din sa alindog niya ito pa kaya. Masayang tumulong si Winston sa grocery niya. Sa tatlong grocery niya binubuhos ang oras. Nagsawa na rin siguro siya sa buhay niya noon. Happy go lucky. Kung nasaan ang barkada ay nandoon rin siya. Ibang Winston na siya ngayon.
Napangiti siya nang magtext si Feonna. Pinapaalalahanan siya nitong kumain. Nakangiting sinagot niya ang text nito at sinabi na nasa grocery lang siya. Kahit papano ay pinapahalagan niya na rin ang babae dahil matagal niya na rin itong nakakasama. Napangiti siya nang makatanggap siya ng tawag galing kay Feonna.
Muli na namang bumalik sa alaala ni Winston ang pagkapahiya nang makita muli ang secretary ni Feonna. Nakasunod ito sa amo habang pumapasok sa pintuan niya. Hindi siya nag-abalang tumayo para salubungin si Feonna. Hindi niya alam kung bakit dahil dati naman ay agad niya itong sinasalubong. Bahagya pa siyang nagulat nang sinalubong siya ni Feonna nang yakap at halik kahit na nakaupo siya. Siniil siya nang mapusok na halik ni Feonna. Hindi tumugon si Winston sa halik nito dahil nakatingin sa kanila ang secretary nito. Nakaarko na naman ang kilay na parang diring-diri sa ginagawang panghahalik sa kanya ni Feonna. Daig pa nito ang pinaglihi sa sama ng loob. Hindi man siya nito binati bagkus isang masamang tingin ang pinukol sa kanya na akala mo may malaki siyang atraso. Palibhasa ay alam nito kung ano siya sa buhay ng amo nito. Umiwas siya ng tingin sa secretary ni Feonna. Hindi niya kayang tingnan ang mga tingin nito na akala mo ay may atraso siya.
"Bakit isama mo pa yan?" bulong ni Winston kay Feonna.
"Kailangan ko siya para sa mga appointments ko at sa mga pinapagawa ni Angelo sa akin na hindi ko magawa. Kailangan niya rin akong i-remind every now and then," paliwanag sa kanya ni Feonna kaya wala na naman siyang nagawa. Muli niyang sinulyapan si Sue. Nakaupo na ito sa sofa at nagbabasa. Tila wala itong naririnig o nakikita. Napatitig siya sa suot nito. She's simple and sophisticated. May pagkafashionista din ito dahil ang ganda nitong magdala ng damit sa suot na bestidang puti. Walang-wala si Feonna sa ayos nito. Napakafresh nito tingnan. Hindi niya mapigilang huma nga sa babae. Napadako ang tingin niya sa dibdib ni Sue. May kalakihan din ang mga yun. Nasisilipan niya ito dahil v-shaped ang bestida nito. Napatingin siya sa paa nito paakyat. Makinis ang mga yun at kay sarap halikan. Napahiya siya nang magtama ang paningin nila ni Sue. Naramdaman niyang namula ang mukha niya. Kung hindi pa nagsalita si Feonna ay hindi maaalis ang mukha niya sa secretary nito. Kung bakit ba kasi pinagnanasaan niya ito.
"Shower muna ako," wika ni Feonna. "You want to join me?" tanong sa kanya ni Feonna na may halong pang-aakit.
"No, baby. Kakatapos ko lang," tanggi niya. Nakakunot ang noo ni Feonna. Alam niyang nagtataka ito dahil first time niyang tumanggi rito. Dati rati kasi siya pa ang nagyayaya, pero ngayon biglang nag-iba ang ihip ng hangin.
"Hindi pa kasi ako kumakain," pagsisinungaling niya. Hinihimas niya pa ang tiyan para lang maniwala ito.
Ngumiti sa kanya si Feonna.
"Damihan mo ang kain dahil siguradong mapapalaban ka ngayon," malandi nitong sagot. Hindi niya pinansi ang sinabi ni Feonna. Napatingin siya sa secretary nito. Alam niyang naririnig nito ang pag-uusap nila pero deadma lang ito. Siya yata ang naiilang sa sitwasyon at sa sinasabi ni Feonna.
Hinintay ni Winston na pumasok ng cr si Feonna bago niya nilapitan si Sue.
"Ahhmmm," tikhim niya para mapukaw ang atensiyon ni Sue sa binabasa at hindi naman siya nagkamali. Nag-angat ito ng tingin. Muling nagtama ang mga mata nila. Napalunok siya ng masilayan nang malapitan ang kagandahan nito. Nakakunot na naman ang noo nito. Ito na yata ang nakilala niyang babae na nakakatakot lapitan. Nginitian niya ito ng pilit. Pakiramdam niya para siyang tanga sa harapan nito. Para siyang naiihi sa harapan nito dahil hindi siya mapakali at hindi alam ang gagawin.
"Kain tayo," yaya niya sabay turo sa mesa. Napakamot siya sa ulo.
"No thanks. I'm busy," bumalik ito sa pagbabasa.
"Napakaseryoso mo naman," sago niya ulit dito. Hindi yata tumatalab ang sex appeal niya sa babaing ito. Bigla tuloy nag-flashback sa isip niya ang nangyari kahapon. Pinamulahan siya ng mukha.
Umangat ang kilay ni Sue sa sinabi niya.
"What do you want?" tanong sa kanya ni Sue.
Tumabi siya sa upuan ng babae. Alam niyang mahirap itong iapproach pero hindi siya susuko kahit na lahat nang sasabihin niya ay may sagot ito. Pipilitin niyang hindi siya mapikon. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit ba siya nakikipag-usap dito samantalang hindi naman ito importante sa kanya. Secretary lamang ito ni Feonna pero ito siya ngayon kinukulit ang babae.
"Anong binabasa mo?" pag-iiba niya sa usapan.
Tumingin ito sa kanya at nag-angat ng tingin.
"I know what you're doing. You're flirting with me!" akusa sa kanya ni Sue. Napakunot ang noo niya. Nagulat siya sa sinabi nito. Flirting agad eh hindi niya pa naman ito nahahawakan. Asumming naman yata ang babaing ito.
"Me?"gulat niyang tanong sabay turo sa sarili. Bigla siyang napatayo.
"May nakikita ka bang ibang tao?" pambabara pa nito sa kanya. Mahina ang boses nito pero may diin.
"Tinanong lang, flirt na agad? Wow ha!" inis niyang sagot. Parang gusto niya tuloy itong ihagis sa labas ng bahay niya.
"Siguro naman alam mo kung ayaw ka ng isang tao? Hindi yong pinipilit mo ang sarili mo mapansin ka lang," sagot pa sa kanya ni Sue.
Bilib talaga siya sa babaing ito.
"For your information hindi ko pinipilit ang sarili ko sayo! I'm trying to be nice," alma niya sa babaing kaharap. Gusto niyang idepensa ang sarili.
"How nice? As in super lapit?" nakataas ang kilay na tanong nito sa kanya.
Napangiti siya sa sinabi ni Sue. "Kapag ba nakipaglapit ka sa babae flirt na agad? Hindi ba pwedeng gusto mo lang makipagkaibigan or what?" nakangiwing sagot ni Winston sa babae.
"Hindi kita maintindihan. Malabo ka pa sa kulubot ng mga mukha mo," napapailing na sagot si Winston na ang tinutukoy ay ang mukha nitong hindi maipinta.
Pinandilatan siya si Sue. Mukhang hind nito nagustuhan ang huli niyang sinabi.
"Anong pinag-uusapan niyo?" tanong sa kanila ni Feonna. Kakalabas lang nito sa banyo. Robe lang ang tanging suot nito.
"Inaalok ko lang siyang kumain," nakangiting sagot ni Winston kay Feonna. Lumapit siya kay Feonna at agad itong hinapit sa bewang. Malapit sa katawan niya. Alam niya kasing nakatingin sa kanila ang secretary nito.
"Amoy baby na!" sabay halik niya sa leeg ni Feonna. Bahagya niya iyong kinagat.
"Kumain ka'na Sue. Mamaya na yan," utos ni Feonna sa secretary kaya sumunod naman ito. Siniil siya ng halik ni Feonna kahit pa nasa paligid lang si Sue. Kahit hindi niya nakikita si Sue ay alam niyang pinagmamasdan sila ng babae. Gusto niya na sanang tigilan ang paghalik kay Feonna dahil hindi naman nakikita ni Sue pero hindi niya naman magawa dahil nadala na si Feonna sa ginagawa niya. Ito na ang kusang humahalik sa kanya. Dagdagan pa ng mga kamay nito na humahaplos sa dibdib niya. Kulang nalang ay hubaran siya sa harapan ng secretary nito. Agad niyang pinutol ang halik na pinagsaluhan nila ni Feonna at niyaya na itong kumain.