"Eric paki dala naman nitong pouch ko oh please" ani Autumn sabay abot sakin nang ipinapadala niya sakin.
"Oks"
"Thanks Eric" she smiled at me ako naman patuloy parin sapag lalakad. Nandito na kami sa Airport ngayon si Au at ako nandito sa waiting area para maghintay ng turn flight namin.
"Eric, Au! Bili muna ako ha wait niyoko" aniya Mark
"Sama nalang ako" sabi naman ni Marc
"Me too" ani Joie
"Basta dalian niyo ha? Baka mahuli kayo"
"Upo muna tayo Eric," ani Au at hinila ako umupo kami ngayon
"I can't wait to do the plan" mahina kong sabi.
"Hoyy, anong plan?" takang si Au wala silang alam sa gagawin ko sadyang si Zaire at ako lang talaga.
"Ahh wala" i smiled at her then She nodded.
*3min passed by*
Dumating narin sila, na may bitbit na mga goods.
"Guys, heto uhh" sabay abot ni Joie
"Ano yan?" ani Au at tiningnan ang nasa loob isang pink hello kitty Pillow for neck.
"Whoaaa!! Thanks Joiee labyo!"
"Sure sure oh, Eric heto ohh" inabot niya rin ang paper bag sakin kengeee! So cheap naman.
"Ano to?"
"Pillow para hindi sumakit ang leeg mo psh!" sabi naman ni Au para talagang bata tong isang 'to.
"Oo na oo na, nakakahiya naman pang bat-" my phone vibrate
"Ohh lakas naman niyan hinaan mo Ric" ani Marc kinuha ko ang phone ko sa left pocket ng pants ko at inopen ito.
"Message from Zaire" mahina kon sabi
"Sino yan?" ani Mark
"Ahhh wala tnt lang naubos nadaw load ko hehe" tumawa lang naman sila pero serioso, inopen ko ulit ang phone ko at binasa ang text ni Zaire.
"Tayo na it's our turn na" yaya ni Joie sumonod kaming apat sa kanya at yun magiging masaya tong vacation nato'. I smirked at naglakad na.
*****
"What a boring day" i sighed
*Tiningnan ko ang relo ko*
"Mag aalas dose na, wala parin tsk!"
*My phone ring*
Agad ko namang kinuha ito at sinagot
"Hello?"
"UHMM, Ms. Alexa I'm sorry I can't pick you up there. Boss A have an important meeting to attend with me."
"Sh*t!" napa nguso ako sa narinig ko
"I think you can drive on your own Maam"
"bye."
*call ended*
Halos ibalibag ko na ang mesa sa harapan ko yang Carl na yan! P*STE YANN. Hay kainis namula ako sa galit. Tumayo ako at kinuha ang mini heart shape sling bag ko, golden chain yung handle, color black simple lang tignan pero milliones ang bili ni Mom nito.
Lumabas ako sa cafeteria at naglakad-lakad napaka sariwa ng hangin dito.
Sumilong ako ilalim ng puno may upuan kasi dito wooden chair lang siya pero ang ganda ah, may mga naglalaro rin na mga bata dito damang-dama mo ang ngiti sa mga labi nila. Sumandal muna ako gusto kong magpahinga talaga, kagabi kasi nag practice kami ni Adrianne ng sparring, halos mabalian ang Drik sa mga atake ko.
*****
"Alexa wait lang" pawis na pawis na siya
"Wag kang duwag!" singhal ko
"Uyy hindi ahh" Patuloy parin ang pag cross down-cross up-side-down ng ispada namin.
"Bagal mo naman HAHA" natatawa kong sabi samantalang siya, pawis na pawis at pagod na pagod ako rin naman pagod pero sarap kasing paglaroan tong Drik nato ang bagal kumilos.
"Enough na, ayoko na" natumba na talaga siya at hingal na hingal.
"Pshh, wala ka namang binatbat sakin" ibinalik kona ang mga stick at umupo na rin ako ang dalawa kong kamay ang mismong naging haligi ko ngayun pagod talaga ako.
"It's already 12:58" cold kong voice
"Tapos?" hindi siya naka tingin sakin ako naman tumayo at nagsimulang maglakad
"Uyy saan ka pupunta?" pahabol niya hindi ko na siya sinagot pa at nagpatuloy na sapaglalakad
"Hoyy!"
******
"Nakakatuwa talaga ang maglaro HAHA" mahina kong sabi sarap parin sa feeling ang hangin dito parang gusto kong mag build ng house dito
"Hayy anong gagawin mo Alexa, boring na talaga dito sa states wala kang kaibigan, halos takot sayo, bakit? Mamamatay tao ba ako h-"
"Oo mamamatay tao ka" mahinang sabi ng nilalang na nasa tabi ko diko tanaw ang mukha o expression niya naka black hoddie ito at naka talikod parang lalaki siya. Kinabahan ako sa sinabi niya sino bato? Hindi na ako mapakali at tumayo na. Siya naman naka talikod lang sa akin hindi man lang gumalaw.
"Nagulat ka ba?" nanlaki ang mata ko ng tumayo ito at humarap sa akin akala ko talaga ipapakita na niya ang mukha niya pero bigla itong umatras at tumalikod ng takbo.
"Sino ba yun? Tanong ko sa isipan ko"
"Di bale na nga uuwi na ako! Na s-stress na talaga akoo!" bahagya kong pinaandar ang kotse ko at umalis na sa lugar na iyon. Hindi ako mapakali sa lalaking iyon sino ba siya? Bakit may alam siya sa buhay ko? P*ste!.
Mabilis kong pinaandar ang kotse na para bang nakikipag habulan kay kamatayan.
Hininto ko muna ang kotse sa convenience store para bumili. Ewan ko ba anong nangyayari sa'kin, basta ang laki ng guilt na nararamdaman ko imagine, buhay ang kinitil ko for the past three years God damn! Bumalik na ako sa kotse at nag maneho papuntang bahay.